MAKALIPAS ang isang oras, lumabas si Amelia mula sa Civil Affairs Bureau dala ang pulang libro na nasa kanyang kamay. Pakiramdam niya sa mga oras na iyon ay para siyang lumulutang dahil tila panaginip lang ang lahat.
Hindi niya akalain na magpapakasal siya ng biglaan sa isang lalaki, at sa isang lalaking kakakilala lang niya.
Bumaba ang tingin ni Amelia sa marriage certificate at nakita niya sa litratong nandun at sa litarato ay magkatabi silang dalawa ng lalaki. Ang lalaki ay kalmado lang, habang siya naman ay mukhang balisa at hindi mapakali. Sa ibaba naman ng litrato ay nandoon ang pangalan nilang dalawa.
Nakakatawang isipin na sa marriage certificate lang niya nalaman ang pangalan ng bago niyang asawa.
Cormac Fortalejo.
Isang simple ngunit maawtoridad na pangalan, na tumutugma sa pagkatao ng lalaking ito.
"Amelia Herera?" Nakatingin din ang lalaki sa pulang libro at dahan-dahang binasa ang pangalan ni Amelia.
Ang kanyang namamaos na boses ay parang isang balahibo na humahaplos sa puso niya, na nagpaparamdam sa kanya ng ibayong kiliti.
Bahagyang natigilan si Amelia nang biglang may kamay na bumungad sa kanyang harapan habang hawak nito ang isang credit card.
"Amelia, alam kong ang mga babaeng ikinasal ay umasa sa isang magarbong singsing at ano pa man kapag ikinasal sila, but I'm sorry, I don't have time to deal with these. Kung gusto mo ng singsing, maaari kang bumili ayon sa gusto mo."
Nagbaba ng tingin si Amelia at sinalubong ang maitim na mga mata ng lalaki.
"Hindi na kailangan." Mabilis na ikinaway niya ang kanyang kamay, "Wala akong pakialam sa singsing."
Lipas na siya sa edad na naghahangad pa ng mala romantikong kasal. Ang mahalaga, kahit pa ang lalaking ito ay ang kanyang asawa, ayaw pa rin niyang maramdaman na may utang na loob siya rito.
"You still need a ring," mahinang sabi ng lalaki. Umangat ang kamay ng lalaki para abutin ang kanyang kamay at ibinigay ang credit card sa kanya.
Sa sandaling nagdikit ang kanilang mga balat, naramdaman ni Amelia ang init ng balat nito na bahagyang nagpawala sa tama niyang kaisipan.
Sabagay. Kung tutuusin bagong kasal naman sila at ayaw naman niya na ma-offend ang kabaitan nito dahil lang sa maliit na bagay kaya tinanggap na lang niya ang credit card.
"May meeting pa ako sa hapon, kaya hindi na kita mahahatid," malumanay pa rin na sabi ni Cormac.
"Ayos lang." Hindi naman inaasahan ni Amelia na mamahalin at tatratihin siya nito na tunay na asawa, kaya wala siyang naramdaman na kalungkutan sa kanyang puso.
"By the way, tungkol sa address ng bahay ko, I'll send it to you later. Kung kinakailangan, lumipat ka na lang."
Nagpalitan sila ng cellphone number nang makuha na nila ang marriage certificate.
"Sa tingin ko hindi kailangan magmadali para rito," kinakabahang sagot ni Amelia.
Bagama't dapat na magsama ang dalawang bagong kasal ay hindi pa talaga siya handang tumira sa iisang bubong kasama ang isang estrangherong lalaki.
Marahil ay masyadong halata ang pagtanggi niya sa kanyang tono ay bahagyang itinaas ni Cormac ang mga mata tsaka walang emosyong tumingin sa kanya, muli ay nakaramdam na naman siya ng pagkahiya.
Pero hindi na nagsalita pa si Cormac. Pinindot na nito ang button sa wheelchair at nagpalit ng direksyon, "Kung wala ng pag-uusapan, aalis na ako," paalam na nito.
"Sige."
Pagkatapos panoorin si Cormac na sumakay sa isang itim na sasakyan, umalis na rin si Amelia at agad niyang tinawagan ang departamento ng human resources ng kumpanya at ipinaalam sa mga ito na malapit na siyang lumipat sa Alta Syudad.
Matapos kumpirmahin ang kumpanyang hahawak ng lokal na medical insurance para sa kanya at ayusin din ang insurance para sa kanyang ina ay nakahinga siya ng maluwag.
Kahit masyadong mabilis ang nangyaring kasal ngayon, at least nagawan na niya ng paraan ang bagay na pinaka-kinabahala niya, ang mga gastusin sa pagpapagamot ng kanyang ina.
Pagkatapos ay agad na rin nagtungo si Amelia sa opisina. Nagtatrabaho si Amelia sa isang fashion magazine. Pagdating niya sa kumpanya ay hindi pa oras para sa magaganap na interview mamayang hapon.
Kaya sinamantala niya ang libreng oras na iyon para bumili ng singsing. Kinuha niya ang credit card na ibinigay sa kanya ni Cormac kanina at pumunta sa malapit na shopping mall para bumili ng isang pares ng wedding ring. Pagkatapos mamili ay agad din siyang bumalik sa opisina.
Nakaupo lang siya sa kanyang cubicle, nagbabasa siya ng mga materyales para sa magaganap na interview mamayang hapon nang dumausdos ang swivel chair ni Matet papalapit sa kanya. "Amelia, anong meron dyan sa singsing mo?" tanong nito na may pagmamangha sa mga mata nito.
"Ang linaw naman ng mga mata mo." Hindi rin naman niya intensyon na itago ito. Kung tutuusin, alam na ng HR ng kumpanya na binago na niya ang kanyang apelyido kaya nasisiguro niyang hindi magtatagal ay malalaman na ng lahat ang tungkol sa kasal niya sa ilang sandali lang.
"Kinasal na 'ko," aniya.
"Congratulations, ate Amelia." Napatingin ulit si Matet sa kanyang diamond ring, "Regalo ba ng bayaw ko ang singsing na ito? Parang hindi naman kalakihan ang diamond? Magkano ba ‘yan?"
"Mahigit isang libong piso lang."
Hindi niya alam ang background ng pamilya ni Cormac, kaya pumili na lang siya ng isang pares ng pinakamurang at pinaka-ordinaryong klase ng singsing.
Mas lalong napakunot-noo si Matet. "Ate Amelia, hindi pwede 'to," seryosong sabi nito. "Ang singsing ay simbolo ng kasal. Paano ka magtitiwala sa isang lalaki na ayaw kang bilhan ng mas magandang singsing?"
"Isipin mo na lang ang gusto mo, Matet." Malumanay na sagot ni Amelia marahil dahil naiintindihan niya na ang lalaking kanyang pinakasalan ay hindi maganda ang kalagayan.
Nakita niyang tumingin sii Matet sa kanya na may kaunting awa.
"Okay, huwag na lang nating pag-usapan ito." Ayaw ni Amelia na pag-usapan pa ang isyu tungkol dun. "Handa ka na ba para sa interbyu ngayong hapon?" pag-iiba niya.
"Haha! I'm 100% ready! Oo nga pala, Ate Amelia, tignan mo nga ako, maganda na ba ako ngayon?"
Isang pink at puting short skirt suit ang suot nito habang mabusisi namang naka ayos ang buhok nito.
"Very beautiful." Walang pagdadalawang-isip na puri ni Amelia kay Matet.
Agad namang natuwa si Matet at kumikinang ang mga mata nito. "Kung gayon, Ate Amelia, sa tingin mo ba ay magiging interesado sa’kiin ang bachelor president ng F Incorporation?"
SAGLIT na natigilan si Amelia bago niya napagtanto na ang dahilan kung bakit nagbihis ng maganda si Matet ay dahil sa taong iinterbyuhin nila mamayang hapon at iyon ay ang president ng F Incorporation.Ang F Incorporation ay isang maalamat at matatag na kumapanya sa buong Alta Syudad. Naitatag ang F Incorporation tatlong taon na ang nakalilipas at mabilis na nakilala sa financing industry sa bansa.Sa sumunod na tatlong maikling taon, ang kumpanyang ito ay mabilis na naging isa sa pinakamalaking family business sa bansa, at sa loob ng ilang panahon ay kapantay na ito ng tatlong kilalang kumpanyang matagal nang itinatag sa bansa.Ang presidente ng F Incorporation ay higit na kainte-interisado kaysa sa kumapanya nito mismo.Sa loob ng tatlong taon na iyon ay hindi pa alam ang mga inpormasyon tungkol sa presidenteng ito, ni walang nakakaalam ng buo nitong pangalan at hitsura. Ngunit ito ay hindi nakakaapekto sa pagiging diterminado ng lahat para makilala ang misteryosong pangulo na ito.
PAKIRAMDAM ni Amelia ay lutang ang isip niya sa mga sandaling iyon. Hindi siya naka-react nang ngitian sila ni Cormac. "Fashion magazine? Please sit down.""Ate Amelia, ano ba ang iniisip mo?"Kung hindi lang siya pinaalalahanan ni Matet na nasa tabi niya ay hindi pa siya babalik sa tamang kaisipan niya. Kurap-kurap na naupo siya sa sofa kasama ni Matet at ng iba pa.Pinagulong naman ni Cormac ang wheelchair palapit sa kanila."Mr. Fortalejo, can we start?" Excited na tanong naman ni Matet. Halatang interisado na itong may malaman tungkol sa lalaki."Please," walang emosyong sagot nito.Hindi man lang tiningnan ni Cormac si Amelia mula umpisa hanggang dulo, na para bang hindi sila magkakilalang dalawa.Dahil sa malayong ugali na pinapakita ni Cormac sa mga oras na iyon, naisip ni Amelia kung ang lalaking kaharap nila ngayon ay kamukha lang ba ng kanyang asawa na si Cormac?Tumikhim si Matet. "Um... Mr. Fortalejo, you are so mysterious that no one even knows your full name. Do you mind
SA SANDALING iyon ay naramdaman ni Amelia ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.Siya ba ang pinapahula nito? Ano naman kaya ang dapat niyang isagot? Dapat ba niyang sabihin na ikinasal na ito gayong ikinasal naman na sila?Kahit pa walang kasiguraduhan ang sasabihin niya ay kusang buka ang kanyang bibig para sagutin ang tanong nito."Y-you look handsome... I guess... I guess you're married?"Dahil sa sinabi niya ay nakaramdam siya ng pagkakunsensya at hiya at hindi na magawang tumingin pa kay Cormac. Pero mapaisipsiya. Bakit naman siya makokonsensya at mahihiya? Kasalanan ba niya na wala siyang kaalam-alam sa pagkato nito? Isa pa, ito naman ang unang nagkunwaring hindi sila magkakilala.Habang nagtatalo ang sarili at isipan ni Amelia, nakita ni Cormac ang pagbabago ng ekspresyon sa kanyang mukha.Lihim na napangiti si Cormac. Bago pa man maganap ang interview, alam na niya na si Amelia ang isa sa mag-iinterview sa kanya. Nang malaman niya na sa Fashion magazine ito nagtatarabaho ay p
SA MGA oras na iyon, ayaw isipin ni Amelia kung tama nga ba ang nakikita niya na may pagnanasa sa mga mata ni Cormac dahil hiya ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Ni hindi nga siya naglakad ng loob na tingnan ito.Umalis siya mula sa pagkakaupo sa kandungan nito at nagmamadaling tumakbo papasok sa loob ng banyo.Nang maisara ni Amelia ang pinto, dinama niya ang kanyang dibdib. Parang nasa karera ang puso niya sa sobrang bilis ni'yon. Alam niyang kapag hindi siya umalis sa tabi ni Cormac alam na niya ang pwedeng mangyari.It was almost...Hindi niya mapigilan na matakot kanina pero sa kabila ni'yon ay napaisip siya. Legal na silang mag-asawa ni Cormac kaya wala naman sogurong mali kung meron mang mangyari sa kanilang dalawa. Pero hindi niya maiwasang makaramdam ng takot nang makita niya ang pagnanasa sa mga mata ni Cormac kanina.Isa pa, ito ang ikatlo palang pagkikita nila ng lalaki kaya hindi pa niya makuhang masanay sa mga pangyayari nagaganap sa buhay niya ngayon.Pero kung
DAHIL sa pagkabigla niya nakalimutan na niya ang umupo sa hapagkainan. Doon nagtaas ng tingin sa kanya si Cormac."May problema ba?" kunot ang noong tanong nito.Nakita niya ang pagtaas ng isa nitong kilay nang dumapo ang mga mata nito sa kaliwang palasing-singan niya na walang laman. "And where is your wedding ring?"Nakaramdam siya ng hiya, tinago nga niya iyon dahil pakiramdam niya hindi bagay kay Cormac ang binili niyang wedding ring, pero hindi niya akalain na mahahanap nito ang sing-sing na tinago niya.Nahihiyang kinuha niya ang sing-sing na itinago niya bag at agad iyong sinuot. "Pasensya na, mumurahing sing-sing lang ang binili ko."Tumaas ang sulok ng labi nito. "Ayos lang. Maganda nga siya.Hindi alam ni Amelia kung ano ang isasagot niya kay Cormac kaya minabuti na lang niya ang maupo sa katabing upuan na kinaroroonan nito at tahimik lang siyang kumain."Ihahatid na kita sa trabaho mo," anito na tiniklop na ang hawak na peryodiko. Tapos na itong kumain tulad niya."Naku! Hi
"MERON ng mga nakuhang inpormasyon," maikli niyang sagot."Mabuti naman kung ganu'n," anito pagkakuway tumawa ito ng pagak. "Iniisip ko nga kung paano mo ko masusuklian. Akala ko papakasalan mo ko pero hindi ko akalain na mas pipiliin mong maikasal sa iba."Hindi na lang niya pinansin ang nakakahiyang pinagsasasabi ni Lance.Umiling-iling si Lance at bumaba ang tingin nito sa wheelchair na kinauupuan niya kuway pumalatak ito. "Umh... Sinabi mo na ba sa asawa mo ang tungkol sa legs mo?Nagsimula na siyang mag-browse para mag sumite sa Finance Department. Pero napahinto siya nang marinig niya ang tanong nito."Hindi," mahina niyang sabi.Nangunot ang noo ni Lance. "Cormac, hindi ko gustong mangialam sa'yo kahit pa anong dahilan mo kung bakit mo siya pinakasalan, pero mag-asawa na kayo. Pero balak mo bang ilihim sa kanya?" Saglit itong tumigil at muling nagpatuloy. "Siguro, subukan mong tanggapin at mahalin ang asawa mo. Hindi pwedeng patuloy kang mabuhay sa anino ng nakaraan habang buha
ANG LALAKI na nasa kanyang harapan ngayon ay tulad pa rin sa kanyang ala-ala. Marahil dahil na rin sa lumipas na panahon, mas naging mature ang mukha nito kay sa dati. Ang maamo nitong mukha dati ngayon ay naglaho na.Abala itong nakikinig sa reports ng mga subordinate nito. Paminsan-minsan tumatango ito at nagbibigay ng ilang instructions. Parang ang mga nata nito ay hindi gustong tumingin sa kanya at diretsong naglakad papunta sa opisina nito na napapalibutan ng mga ibang ibang empleyado.Ramdam ni Amelia ang pagkaputla ng kanyang mukha sa mga oras na iyon.Jerome... Anas ng isipan niya.Kailan pa siya bumalik at bakit pa siya bumalik?Umalis ito at iniwan siya nito noon ng walang paalam, pero bakit ito ngayon bumalik?Dalawang taon na ang nakalipas at humigit-kumulang ay pinabayaan na niya ito, ngunit hindi niya inaasahan ang pagbabalik nito at ang muli nilang pagkikita.Sa pagkikita nila ngayon, hindi niya alam kung nakilala ba siya nito sa una nilang pagkikita tulad ng pagkakila
TUMATAKBONG lumabas ng company building si Amelia. Pagkalabas niya sinalubong siya ng malakas na ulan, at nakalimutan pa niya ang payong niya sa opisina pero hindi na niya magawang bumalik sa loob para kunin ang payong dahil alam niyang kasalukuyan pang nandoon si Jerome.Napaka-duwag niya talaga.Dahil malakas ang ulan, gusto ni Amelia ang sumakay ng taxi pero malabo sa mga oras na iyon, maliban sa rush hour ay sobrang traffic naman, idagdag pa ang malakas na ulan.Wala siyang pagpipilian kundi ang sumugod sa malakas na ulan. Ginawa niyang payong ang bag niya at kagat ang ibabang labi na tinakbo niya ang daan papunta sa subway station.Pagkarating niya sa subway station, hinihiling niya na sana huminto na ang ulan, pero mukhang gusto siyang parusahan ng kalangitan at gustong makiramay sa nararamdaman niya sa mga oras na iyon.Dahil hindi pa rin siya makakuha ng taxi wala siyang pagpipilian kundi ang maghintay sa gilid ng subway station.Doon tila bumalik sa ala-ala niya dalawang taon
Napaawang ang bibing ni Amelia dahil sa gulat. Nakakagulat na balita! Asawa ang mag-iinterview sa asawa na nali-link sa isang celebrity na babae pagkatapos ay ilalabas iyon sa publiko na magdudulot ng malaking pasabog sa buong bansa at sa iba't-ibang bahagi ng mundo. Napakaganda nito! [Ano ang pakiramdam mo kung may babaeng humahabol sa iyo? Ilang beses na kayong nag-date? Paano kayo nagkakilala? Sa tingin mo ba mas maganda siya o mas maganda ang asawa mo...] Ilang interview questions ang pumasok sa isip ni Amelia. at ang interview na ito ay ideya na naman ni Jerome. Naisip ba nito na maari iyon maging dahilan ng pagkasira ng relasyon nila ni Cormac? Ngayon pa lang parang nakikita na niya kung ano ang gustong mangyari ni Jerome. Nang marinig ng lahat ang sinabi sa kanya ay tila nakaramdam ng simpatya ang mga ito at napailing at nagbuntong-hininga. Ito ay hindi napakadaling gawin, lalo pat hindi madaling kumbinsihin o mapapayag si Cormac na ma
"Salamat para saan?" naguguluhang tanong ni Amelia. Itinaas ni Cormac ang gilid ng kanyang bibig, "Salamat sa pagsasabi sa iyong ina na gusto mo ako." Natigilan si Amelia, at biglang nakaramdam ng init sa kanyang pisngi, at hindi niya mapigilang hawakan si Cormac. Sa katunayan ako ang dapat na magpasalamat sa iyo, Cormac. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko. Sabi niya sa kanyang isipan. Saglit na nagyakapan ang dalawa, at naramdaman ni Amelia na male-late na siya sa trabaho, kaya siya na ang unang humiwalay. "Cormac, kailangan ko nang pumasok sa trabaho," aniya. Talagang nag-aatubili pa si Cormac na pakawalan sa pagkakayakap si Amelia, ngunit ayaw naman niya itong ma-late sa pagpasok kaya pinakawalan na rin niya ito. Inabot niya ang noo nito at bahagya itong hinalikan sa noo, "Sige na, pumasok ka na," naka ngisi niyang sabi. Agad na siyang pumasok sa building pagkatapos magpaalam kay Cormac. Kakapasok pa lang ni Amelia sa opisina at hindi pa halos nakakapagpahinga at naka
Nang makita ni Alena na ang babaeng anak ay tila tunay na umiibig, ang mga mata niya ay kumikislap. Alam niyang dumaan sa hirap si Amelia, kaya marahil nang mahanap nito ang isang katulad ni Cormac na mabait at mapagkakatiwalaang lalaki at makakaintindi rito at magmamahal rito ng walang kapalit ay handa ulit ang anak na pumasok muli sa panibagong relasyon. Ngunit, si Cormac na ba ang tunay na magdadala kay Amelia sa kanya ng tunay na kaligayahan? Ang mundo ng mga mayayaman ay hindi isang bagay na maaaring pagsamahin ng mga taong tulad nila sa pamamagitan lamang ng pag-ibig. Maaaring maging hadlang iyon para kay Cormac. Makakaya nga ba nitong harapin ang lahat ng pagsubok alang-ala kay Amelia? Alam ni Amelia ang mga alalahanin ng kanyang ina para sa kanya kaya naiintindihan din niya ito. "Okay, mahal kong ina. Paulit-ulit ho akong pinrotektahan ni Cormac sa anumang panganib. Gusto ko ho siya at naniniwala ho ako sa kanya. Tsaka mabuting tao ho si Cormac kaya wag ho kayong mag-aa
"Okay," sangayon ni Amelia. May naisip si Cormac, at ngayon ay tila masasabi na niya iyon. "Sa katunayan, nagsimula akong mag-imbestiga ng ilang bagay tungkol dun," Nakikita niya na merong pakialam si Cormac sa nangyari noon, kung wala, bakit pa ito mag-iimbestiga sa nangyari dalawang taon na ang nakakaraan? Nagdilim ang mga mata ni Amelia. "Ano ang nalaman mo?" tanong niya. Sinabi ni Cormac kay Amelia na hindi ang pinaghihinalaan nilang matandang lalaki ang lumapastangan sa kanya noon, kundi ibang tao. Tungkol naman sa tunay na pagkakakilanlan ng taong iyon, nananatili pa itong iniimbestigahan. Hindi ang matanda, kundi ibang tao. Sino naman kaya iyon? Walang pakialam si Amelia nang marinig niya ang balita. Hindi magbabago ang mantsa sa kanyang katawan dahil matanda man ito o gwapo. Ang lahat ay isang bangungot na hindi na mawawala pa. Napabuntong-hininga si Amelia, "Cormac, hindi na ganoon kahalaga ang taong iyon sa akin ngayon. Gusto ko
Namutla ang mukha ni Amelia. Pakiramdam talaga niya ay nadroga siya kagabi, at hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya kung sino ang may kagagawan niyon sa kanya, ngunit sa pinapakita ni Aurora ngayon sa kanya, parang gusto niyang isipin na ito ang may gawa ng lahat. Galit na galit siya sa mga oras na iyon, pero iniisip na lang niya na magkapatid sila nito kahit pa alam niyang wala itong pagmamahal sa kanya ay hindi na lang niya ito papatulan. "Aurora, sabihin mo nga sa akin ang totoo, may alam ka ba sa nangyari?" Tumingin si Aurora kay Amelia, na may pang-iinsulto sa mga mata niya. Gusto niya sa paningin ni Amelia dapat siya ang palaging mataas at makapangyarihan at hinding-hindi matatalo kailan man. "Anong pinagsasabi mo? Bakit ako ang tintanong mo? Dapat ikaw ang nakakaalam ng mga ginawa mo kagabi. Pumunta ka sa hotel na ito kahit may asawa ka at nakipagsiping sa ibang lalaki tapos may gana ka pa rin na tanungin ako kung may alam ba ako sa nangyari?"Masaya s
Bago pa tuluyang makalimot si Jerome ay mabilis niyang tinulak palayo si Aurora at agad na umalis sa ibabaw ng kama. Dinampot niya ang mga damit na nagkalat sa sahig tsaka pumasok sa loob ng banyo.Dahil sa ginawang pagtanggi ni Jerome kay Aurora ay nakaramdam siya ng hinanakit sa kanyang puso. Ilang beses na niyang ibinigay ang sarili kay Jerome, at sa bawat minuto na inaangkin siya nito ay hindi nagpapakita ng pagpapahalaga si Jerome sa kanya sa bawat pagkakataong iyon. Naisip tuloy niya, kung si Amelia kaya ang umakit dito, magagawa kaya nitong tanggihan? Kagabi, kung hindi pa siya naglagay ng droga sa baso ng alak ni Jerome ay tiyak na hindi niya ito magagawang akitin. Naalala pa ni Aurora ang mainit na eksena nilang dalawa ni Jerome kagabi. Ngunit ang malinaw niyang naalala kapag sila ay nasa init ng sensasyon ni Jerome ay patuloy nitong inuungol ang pangalan ni Amelia. Nakuyom ni Aurora ang kanyang mga kamay nang maalala ang tagpong iyon. Dahil doon ay lalong nad
Nakaramdam ng hiya si Su Kexin kaya hindi niya magawang makapagsalita. Napagtanto niya na si Cormac ay isang tuso. Siya ay mukhang seryoso, masungit at napaka intimidating, pero siya ay talagang may itinatagong pag-uugali! Paano niya masasagot ang tanong na iyon? Napatakip na lang siya ng bibig. Ngunit hindi hahayaan ni Cormac na hindi siya sumagot. Hinawakan siya nito sa baba at pinilit iyong itinaas, "Sagutin mo ako, Amelia," anas nito. Pulang-pula ang mukha ni Amelia sa hiya na halos matuyuan na siya ng dugo. Iniwas niya ang tingin dito at ngumuso, "Depende sa mood ko," sagot niya. Natigilan si Cormac. Bagama't hindi ito tiyak, para sa mahiyaing si Amelia, maaaring ito ang pinakamagandang sagot. Nakaramdam siya ng saya sa kanyang puso, niyakap niya si Amelia. "Okay, tiyak na magagawa kitang paligayahin sa hinaharap." Lalong namula ang mukha ni Amelia. Pero at the same time, hindi niya maitatanggi na may saya siyang nararamdaman sa kanyang p
Mabilis na naglakad si Cormac palapit kay Amelia at huminto sa harapan nito. Medyo namutla ang maganda nitong mukha. Mabilis niyang niyakap si Amelia at tinitigan ang mukha nitong may bahid ng luha, "Okay ka lang ba, Amelia?" Biglang may napagtanto si Aelia. Tumingin kay Cormac na nakatayo sa kanyang harapan. "Cormac, bakit ka nakatayo? Nasaan ang iyong wheelchair?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Alam mong pampublikong lugar ito at napakaraming tao ang pwedeng makakita sa'yo," sabi pa niya.Kung may makakilala kay Cormac at makarating kay Dominic, hindi ba mawawalan ng saysay ang pagsusumikap ni Cormac sa pagtatago sa loob ng maraming taon? Habang sinasabi niya iyon, itinaas niya ang kanyang ulo at nakita si Pablo na tumatakbo palapit sa kanila mula sa dulo ng corridor may may takot habang tinutulak ang wheelchair ni Cormac. Marahil tumakbo si Cormac para mapuntahan siya agad. Kung ikukumpara ang takot ni Amelia para sa kapakanan ni Cormac, ngunit baliwala na
Pwede kayang... Iniisip ang baso ng juice na kakainom pa lang niya, hindi mapigilan ng katawan ni Amelia na manginig. Gusto niyang umalis sa lugar na iyon ng mabilis, ngunit ramdam niyang nanghihina ang kanyang mga paa dahilan para hindi niya iyon magawang maihakbang. Sa sobrang takot ay kinuha niya ang kanyang cellphone nang hindi nag-iisip at nag-dial ng numero. Ilang sandali lang na nag ring ang nasa kabilang linya, at mabilis na nakonekta ang tawag. "Hello." Ang mababa at sexy na boses ni Cormac ay narinig niya mula sa kabilang linya. "Cormac, iligtas mo ako!" aniya. Walang kamalay-malay, si Amelia mismo ay hindi napagtanto na ang kanyang pagdepende kay Cormac ay umabot na sa puntong iyon. Kapag nakatagpo ng panganib, ang unang tao na pumapasok sa isip niya ay ang tawagan si Cormac,! Sa kabilang banda, maganda ang mood ni Cormac nang matanggap niya ang tawag ni Amelia, ngunit hindi niya inaasahang maririnig niya ang mga salita ni Amelia