TUMATAKBONG lumabas ng company building si Amelia. Pagkalabas niya sinalubong siya ng malakas na ulan, at nakalimutan pa niya ang payong niya sa opisina pero hindi na niya magawang bumalik sa loob para kunin ang payong dahil alam niyang kasalukuyan pang nandoon si Jerome.Napaka-duwag niya talaga.Dahil malakas ang ulan, gusto ni Amelia ang sumakay ng taxi pero malabo sa mga oras na iyon, maliban sa rush hour ay sobrang traffic naman, idagdag pa ang malakas na ulan.Wala siyang pagpipilian kundi ang sumugod sa malakas na ulan. Ginawa niyang payong ang bag niya at kagat ang ibabang labi na tinakbo niya ang daan papunta sa subway station.Pagkarating niya sa subway station, hinihiling niya na sana huminto na ang ulan, pero mukhang gusto siyang parusahan ng kalangitan at gustong makiramay sa nararamdaman niya sa mga oras na iyon.Dahil hindi pa rin siya makakuha ng taxi wala siyang pagpipilian kundi ang maghintay sa gilid ng subway station.Doon tila bumalik sa ala-ala niya dalawang taon
KINABUKASAN, bumuti na ang pakiramdam ni Amelia matapos siya malagyan ng IV drip. Dahil 'dun nagpasya siyang pumasok na.Nang aayusin na niya ang mga gamit niya para sa pagpasok sa trabaho, doon lang niya namalayan na wala bag niya at napalitan ng isang mamahaling bag.Eksakto naman ang pagpasok ni Nanay Maris para asikasuhin siya."Nay, nasaan ho ang bag ko?" tanong niya rito."Nasira ang bag mo dahil sa ulan kagabi, Señorita. Kaya nag-utos si Señorito para bilhin ang bagong bag na 'yan," anito na tinuro ang hawak niyang bag.Biglang nakaramdam ng hiya si Amelia.Isang kilalang bag ang binili sa kanya ni Cormac. Isa iyong Channel na nagkakahalaga ng ilang dolyares. Paano niya iyon babayaran sa pamamagitan lang ng sahod niya? Pero wala na yung dati niyang bag kaya wala siyang choice kundi gamitin ang ibinili sa kanya ni Cormac.Pagkatapos niyang maligo at mag-ayos ay bumaba na siya para mag-almusal. Nang matapos, tatawag na sana siya ng taxi gamit ang cellphone niya nang may magsalita
KUNG dati, palaging nag oovertime si Amelia ngayon maaga na siya umuuwi mula noong si Jerome na bagong boss ng kumpanya.Pagka-uwi niya sa mansion, agad niyang binagsak ang katawan sa malabot na sofa. Dahil sa hindi pa siya gaanong gumagaling, pakiramdam niya masakit ang buo niyang katawan.Mabilis na bumangon si Amelia nang marinig niyang merong papalapit sa kinaroroonan niya, doon nakita niya si Cormac sakay ng wheelchair nito na palapit sa kanya at huminto sa tabi niya.Hindi tulad ng palagi nitong suot na kulay puting t-shirt, ang suot niya ngayon ay isang casual gray sweater na bumabagay sa perpektong pangangatawan nito.Bahagya siyang nagulat dahil hindi nito ugaling umuwi ng maaga. "Maaga ka atang umuwi ngayon?" aniya. Tinitigan ni Cormac ang mukha ni Amelia. Maputla ito at ang mga mata nito at bahagyang namumula, halatang galing ito sa pag-iyak."Yeah." Tulad pa rin noong una, walang kaemo-emosyon si Cormac."Handa na ang hapagkainan, kumain na tayo," anito na nagpatiuna.Nat
Sa puntong ito, napansin ni Aurora na nakahawak sa braso ni Amelia ang pagkabigla sa mukha nito, ngunit bigla siyang ngumiti. “Oo nga pala, halos makalimutan ko. Parang nag-aral si Jerome noon sa Jurian S University, di ba? Journalism din ang course niya, at siya pa ngang senior ng kapatid ko.”“Ah, oo, tama,” pilit na pinigilan ni Amelia ang kirot sa kanyang dibdib at kunwaring kalmado ang boses. “Matagal ko na rin siyang hindi nakikita.”Dahil sa malamig na tugon ni Amelia, naningkit ang mga mata ni Jerome. “Aurora, may gusto lang sana akong sabihin kay Amelia. Okay lang ba?”Bahagyang nag-iba ang ekspresyon ni Aurora, pero pinanatili nito ang banayad na anyo. “Sige, Jerome. Titingnan ko na lang kung may kailangan ng tulong sa kusina.” Sa isang iglap, naiwan sina Amelia at Jerome sa sala.“Ano, Amelia? Wala ka bang reaksyon na naging bayaw mo ako?” Habang nakatingin nang pababa kay Amelia, may halong sarkasmo ang tono ni Jerome.“Ano bang gusto mong i-react akot? Tatawagin kitang ba
Bago pa makapag-react si Amelia, bigla niyang narinig ang isang malakas na sigaw. Napatingin siya at nakita si Elena na nagmamadaling tumatakbo papunta sa kanila.Si Elena ang asawa ng kanyang ama at ina ni Aurora, pero hindi niya ito tunay na ina.Ang totoo, ang ina ni Amelia ay kasalukuyang nasa ospital at halos umaasa na lang sa gamot para mabuhay.Agad na inalalayan ni Elena si Aurora na nakahandusay sa sahig. Lumapit din si Jerome, at nang makita ang kalagayan ni Aurora na tila naiiyak, Hereramiklab ang galit sa kanyang mga mata. "Amelia, ano bang ginawa mo?!"Kabaligtaran sa pagiging sensitibo ni Aurora, kahit nabuhusan ng red wine si Amelia, nanatili siyang matatag. "Sinabi niya ang mga bagay na nakakasakit, kaya hindi ko sinasadya na maitulak siya. Pasensya na," paliwanag niya nang mahinahon."Hindi sinadya?" Napataas ang boses ni Elena at galit na tiningnan si Amelia. "Anong hindi sinasadya?! Sa tingin ko ginawa mo 'yan ng sadya! Naiinggit ka kay Aurora dahil ikakasal siya sa
"Sa tingin ko, hindi ko kaya kumain." Sinabi niya, pilit ginagawang maayos ang tono ng kanyang boses. "Kasi may sipon ako, ayokong makahawa ng iba."Saglit na natahimik si Cormac sa kabilang linya bago magtanong, "Nasaan ka ngayon?""Nandito ako sa Sandelian Villa. Ahm... Kumain ka na muna, sabihin mo na lang kay Nanay Maris na magtira ng lugaw para sa akin. Uuwi rin ako kaagad."Pagkatapos sabihin iyon, nanatiling tahimik ang kabilang linya. Nagtaka si Amelia, kaya tiningnan niya ang kanyang telepono at natuklasang namatay ito dahil sa low battery."Diyos ko naman! Bakit naubos ang battery sa ganitong oras?"Pinindot niya ang telepono nang paulit-ulit sa inis, pero hindi pa rin ito bumukas. Napabuntong-hininga siya, halatang na-frustrate."Walang battery ang phone ko... Paano na ako makakauwi nito?"Walang magawa si Amelia kundi alalahanin ang pinakamalapit na bus stop mula sa Sandelian Villa at nagsimulang maglakad papunta roon.Ang problema, naka-high heels siya. Ilang hakbang pa l
“Uuwi na?”Napahinto si Amelia sa pagtangkang bumangon nang marinig ang sinabi ni Cormac.Mayroon pa ba siyang maituturing na tahanan?kahit nakatira na siya sa villa ni Cormac, mula sa simula, tinuring lang niya itong bagong paupahang bahay—hindi isang tahanan.Tinitigan niya si Cormac, ang lalaking nasa malapit, at bigla niyang naramdaman na ang malamig niyang puso ay unti-unting lumalambot.Kahit ang simula ng kasal nila ni Cormac ay puno ng nakakatawang pangyayari, napagtanto ni Amelia na baka nga ang pagkakaroon ng asawa ay hindi ganoon kasama.Dahil sa iniisip niya, unti-unting nawala ang paninigas ng kanyang katawan, at dahan-dahan niyang iniakbay ang kanyang mga braso sa leeg ni Cormac.Ramdam ni Cormac ang pagbabagong ito, at kahit malamig pa rin ang ekspresyon niya, may bahagyang ngiti na sumilay sa malalim niyang mga mata.Nang makasakay na sila sa kotse, agad na pinaandar ng driver ang sasakyan, at umalis sila mula sa Sandelian Villa.Habang papalayo ang sasakyan, isang pi
Kinabukasan, nagising si Amelia nang mas maaga nang kalahating oras, binuksan ang kanyang laptop, at nagsulat ng resignation letter.Kahit sabihing duwag siya o umiiwas, alam niyang hindi na niya kayang magtrabaho under kay Jerome.Ngunit bago pa man niya ma-print ang resignation letter, nakatanggap siya ng tawag mula sa ospital."Miss Herera? Oo, napansin namin kaninang umaga na may pagbabago sa EEG ng iyong ina, tila may mga senyales na maaaring mapabuti siya.""Ano?" Napuno ng tuwa si Amelia. "Totoo po ba, doc? Magiging maayos na po ba si Mama?""Masasabi lang namin na posible, Miss Herera. Huwag po sana kayong masyadong umasa.""Doc, kahit maliit na pag-asa, sapat na iyon para sa akin. Pakisuyo po, gawin ninyo ang lahat ng makakaya ninyo.""Siyempre, gagawin namin ang lahat, pero..." Medyo nag-atubili ang doc. "Dahil sa mga senyales ng paggaling, susubukan namin ang ibang mga paggamot, ngunit ang gastos nito ay..."Sandaling natigilan si Amelia, pero mabilis din niyang naintindiha
Hindi mapigilang humalagapak ng tawa ni Cormac dahil sa naging reaksyon ni Amelia sa mga oras na iyon. May napagtanto si Amelia at mabilis na isinara ang kanyang bibig at sinubukang tumayo. Sa hindi inaasahang pagkakataon, sa pagtayo niya, biglang hinawakan ni Cormac ang kanyang kamay at hinila siya palapit sa bisig nito. Nahulog si Amelia sa kandungan nito at bahagyang makasigaw dahil sa gulat. Hinawakan ni Cormac ang kanyang baba at aga siyang siniil ng halik sa kanyang manipis na labi. Hindi tulad ng magaan na halik kanina lang, ang halik na ito ay bahagyang mapusok. Mabilis niyang ibinuka ang mga labi at ang mga kamay nito ay tila naging mapangahas, na humahaplos sa kanyang likuran. Matapos ang mahabang paghalik, nag-aatubiling binitawan ni Cormac si Amelia. Sa pagtingin sa babae na nasa kanyang mga bisig na may namumulang mukha na parang mansanas, ang kanyang puso ay lumambot. "Amelia, salamat sa pagtitiwala mo sa akin," anas niya sa tainga nito.
Seryosong sagot ni Amelia. Ang bawat salita na sinabi ng dalaga ay tila tumatagos sa puso ni Cormac. Bahagyang nakaramdam ng panlalamig ang puso ni Cormac at hindi niya maiwasang hawakan nang mahigpit ang kamay ni Amelia. Sa napakaraming taon, kahit ang kanyang lolo na nagpalaki sa kanya ay hindi magawang maniwala sa kanya. Bagama't hindi niya pinapansin ang mga opinyon at pananaw ng ibang tao, pero iba kung ano man ang sinasabi ni Amelia sa kanya. Kung inisip din ni Amelia na siya yung tipo ng tao na iiwan ang taong nagpapahalaga sa kanya, baka masaktan pa siya. Pero sinabi nito na naniniwala ito sa kanya at ikinagagalak niya iyon. Sa pagtingin sa maningning na mga mata ni Amelia, nakaramdam siya ng bahagyang init sa kanyang puso, ngunit sa parehong sandaling iyon ay hindi niya maiwasang mapangiti ng mapait, "Pero, Amelia, alam mo ba, minsan, kahit ako ay hindi ko magawang paniwalaan ang sarili ko." Natigilan si Amelia, "Anong ibig mong sabihin?" "N
Natigilan si Amelia. Paanong ang pagbuo ng pangyayari na ito ay katulad ng sitwasyon ng sunog na naranasan niya makapamakaylan lang? Ngunit hindi niya ito masyadong inisip, dahil alam niyang pinag-uusapan na ngayon ni Cormac ang mahalagang punto, kaya't itunuon na lang niya ang sarili at nakinig nang mabuti kay Cormac. Paano nakatakas si Cormac pagkatapos magising sa pangyayaring iyon? Iniwan ba niya ang kanyang kasintahang si Serena? Tumingin si Cormac sa lapida na nasa harapan niya at nagpatuloy sa pagsasalita nang dahan-dahan. "Pagkagising ko, nalaman ko na lang na nakalas na ang tali sa mga kamay ko. Hindi lang 'yon, nawala rin si Serena sa tabi ko." lalong natigilan si Amelia. Nagtataka pa rin siya noon na si Cormac at si Serena ay nakatali kaya paano nga naman nakawala si Cormac sa lubid at saka, bakit nawala si Serena? Hindi inaasahan ni Amelia ang ganoong sagot, at hindi maiwasang magtanong, "Sigurado ka ba?" Pagkatapos ay tumingi
Mula nang marinig niyang sinabi sa kanya ni Dona ang tungkol sa kaso ng kidnapping, talagang gusto na niyang hanapin si Cormac para humingi ng linaw. Pero kung tutuusin ay isa iyong pribado at sobrang bigat ng nakaraan, hindi talaga niya makuhang tanungin si Cormac. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ikinuwento iyon ni Cormac sa sarili niyang inisyatiba. Ibig sabihin willing talaga itong buksan ang puso nito para sa kanya? Hawak ni Cormac ang kamay ni Amelia sa oras na iyon, at ang init ng palad nito ay dumampi sa palad niya. Pagtingin sa lapida na nasa harapan niya, bahagyang kumislap ang mga mata niya, "I think you should know who she is?" Saglit na nag-alinlangan si Amelia, ngunit sa bandang huli ay tumango siya bilang pagsangayon, "Medyo kilala ko siya." "Kung gayon naniniwala ako na maaaring nakarinig ka ng maraming tsismis tungkol sa kaso ng pagkidnap noon." Si Cormac ay may mahinang ekspresyon pa rin, at walang emosyong maririnig sa kanyang tono
Hanggang sa kaso ng kidnapping sampung taon na ang nakararaan, nang mawalan ng mga paa si Cormac, naisip niya na sa wakas ay nawala na ang banta nito para sa kanya. Ngunit hindi niya inaasahan na makalipas ang ilang taon, bumalik si Comrac mula sa America, bagama't ito ay naka-wheelchair, pero nagdala ito ng mas malaking banta para sa kanya! Sa loob ng napakaraming taon, mula noong dumating si Comrac, ang basurang ito, mula sa ibang bansa upang patakbuhin ang Brightonix Group, lalo iting naging banta sa kanya. Sinusubukan niya ang lahat ng paraan upang kalabanin ang kanyang kapatid, ngunit hindi niya inaasahan na si Cormac ay parang bakal na pader na hindi niya magawang tibagin. Sa loob ng ilang taon na pakikipagkumpitensya rito, hindi man lang niya ito nakitaan ng kahinaan. Hanggang sa dumating si Amelia at nagpakita ng malasakin si Cormac rito, tanda lang na ang babaeng iyon ang magiging kahinaan nito, ang tanging kahinaan ng isang Cormac Fortalejo. Sa napak
Tanga at walang kwentang anak! "Dad, hindi kita kinokontra!" Namutla ang mukha ni Jerome, ngunit nagsalita pa rin siya, "Ang akin lang, wala namang ginawang masama sa'yo si Amelia. Kung si Cormac lang naman talaga ang pakay mo, bakit mo dinamay si Amelia?!" "Anong alam mo?!" Sigaw ni Dominic, "Maraming taon nang walang karelasyon si Cormac at sinasabi na hindi siya maaaring magkaanak, kaya hindi siya maaaring magdulot sa atin ng banta. Ngunit ngayon ay nariyan na itong si Amelia at kapag siya ay nagsilang ng tagapagmana ni Cormac, sa tingin mo ba may laban tayong makipagkumpitensya kay Cormac!" Namutla ang mukha ni Jerome, "Paano magkakaanak si Cormac kung siya ay isang baldado-" "Anong masama sa pagiging baldado?" Lalong nairita si Dominic habang nagsasalita, "Kahit na siya ay isang lumpo, maaari siyang magkaroon ng anak. Higit sa lahay, ang market value at taunang kita ng kanyang kumpanya ay malayong nauuna kaysa sa kumpanyang aking pinamumunuan. Ayokong ipamuk
Naramdaman ni Cormac na lalong uminit ang taong nasa kanyang mga bisig, tumawa, at sa wakas ay tumigil sa pagpapahirap sa kanya. Tinulungan lang niya itong takpan ang kubrekama at bumulong, "Matulog ka na." Sumandal si Amelia sa dibdib ni Cormac at narinig niya ang malakas na tibok ng kanyang puso. Bigla na naman siyang natahimik at inaantok. Ito ay talagang nakapagtataka. Kapag nasa tabi niya si Cormac, maaaring siya ay labis na kinakabahan na ang kanyang puso ay malakas na tumitinok, o kaya siya ay napakalma na siya ay nakatulog nang mahimbing. Noong gabing iyon, napakasarap ng tulog niya. Ang ikinagulat ni Amelia ay talagang nanatili si Cormac sa ward sa mga susunod na araw. Paminsan-minsan, may pumupunta para kay Cormac upang pag-usapan ang tungkol sa kumpanya, ngunit gaano man kalaki ang negosyo, walang balak umalis si Cormac sa kanyang tabi. At tuwing gabi, natutulog sila sa iisang kama kasama nito. Si Amelia ay hindi naapektuhan, ngunit palagi s
"Ang kwintas na ito ay may espesyal na bahagi sa puso ko." Nagulat si Amelia, direktang inamin ito ni Cormac. Nkaramdam ng kalungkutan si Amelia na halos nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata, ngunit nawala iyon nang marinig niya ang aunod na sinabi ni Cormac, "Ngunit kung ipagsapalaran mo ang buhay mo para sa kuwintas na ito sa susunod, mas gugustuhin kong basagin na lang ito." Natigilan si Amelia. Tila may sinabi si Cormac sa isang katulad na bagay noong araw, ngunit sa oras na iyon, naisip niya na siya ay pabigla-bigla lamang, kaya hindi niya ito inisip. Ngunit sa oras na ito, talagang seryoso iyong sinabi ni Cormac. Sa tahimik na gabi, tila may kapangyarihan ito, at bawat salita ay tumatak sa puso ni Amelia. "Kaya sa hinaharap, anuman ito, huwag mong ipagsapalaran ang iyong buhay para dito. Kung talagang nagmamalasakit ka sa aking nararamdaman, protektahan mo ang iyong sarili, dahil sa akin, ikaw ang pinakamahalaga," sabi pa nito sa mababang boses
Si Cormac ay karaniwang nagsusuot ng mga kamiseta at pormal na damit, ngunit ang pakiramdam sa ilalim ng kanyang kamay ay napakakinis at maluwag. Ito ay malinaw na sutla na pajama na karaniwang isinusuot ni Cormac. Ngunit bakit hindi umuwi si Cormac para matulog, pero heto katabi pa niya sa kama at naka-pajama? Habang iniisip ito ni Amelia, mas kakaiba ang pakiramdam nito. Hindi niya maiwasang gamitin ang dalawang kamay para mas maingat na maramdaman si Cormac. Ngunit pagkatapos ng pagpindot na ito, ang focus sa kanyang isip ay biglang naging mali - well, bagama't nakita na niya ang magandang pigura ni Cormac noon, iba talaga ang pakiramdam kapag nahahawakan. Palagi niyang naririnig na sinasabi ng mga tao na parang ice cubes ang eight-pack abs, at palagi niyang iniisip na exaggerated ito, pero napatunayan niya na ganu'n pala talaga iyon. Naroon din ang linya sa may bandang puson nito, na may kakaibang kurba at bangin, ito ay simpleng... Medyo nasas