Chapter: Chapter TwelveKUNG dati, palaging nag oovertime si Amelia ngayon maaga na siya umuuwi mula noong si Jerome na bagong boss ng kumpanya.Pagka-uwi niya sa mansion, agad niyang binagsak ang katawan sa malabot na sofa. Dahil sa hindi pa siya gaanong gumagaling, pakiramdam niya masakit ang buo niyang katawan.Mabilis na bumangon si Amelia nang marinig niyang merong papalapit sa kinaroroonan niya, doon nakita niya si Cormac sakay ng wheelchair nito na palapit sa kanya at huminto sa tabi niya.Hindi tulad ng palagi nitong suot na kulay puting t-shirt, ang suot niya ngayon ay isang casual gray sweater na bumabagay sa perpektong pangangatawan nito.Bahagya siyang nagulat dahil hindi nito ugaling umuwi ng maaga. "Maaga ka atang umuwi ngayon?" aniya. Tinitigan ni Cormac ang mukha ni Amelia. Maputla ito at ang mga mata nito at bahagyang namumula, halatang galing ito sa pag-iyak."Yeah." Tulad pa rin noong una, walang kaemo-emosyon si Cormac."Handa na ang hapagkainan, kumain na tayo," anito na nagpatiuna.Nat
Last Updated: 2024-11-17
Chapter: Chapter ElevenKINABUKASAN, bumuti na ang pakiramdam ni Amelia matapos siya malagyan ng IV drip. Dahil 'dun nagpasya siyang pumasok na.Nang aayusin na niya ang mga gamit niya para sa pagpasok sa trabaho, doon lang niya namalayan na wala bag niya at napalitan ng isang mamahaling bag.Eksakto naman ang pagpasok ni Nanay Maris para asikasuhin siya."Nay, nasaan ho ang bag ko?" tanong niya rito."Nasira ang bag mo dahil sa ulan kagabi, Señorita. Kaya nag-utos si Señorito para bilhin ang bagong bag na 'yan," anito na tinuro ang hawak niyang bag.Biglang nakaramdam ng hiya si Amelia.Isang kilalang bag ang binili sa kanya ni Cormac. Isa iyong Channel na nagkakahalaga ng ilang dolyares. Paano niya iyon babayaran sa pamamagitan lang ng sahod niya? Pero wala na yung dati niyang bag kaya wala siyang choice kundi gamitin ang ibinili sa kanya ni Cormac.Pagkatapos niyang maligo at mag-ayos ay bumaba na siya para mag-almusal. Nang matapos, tatawag na sana siya ng taxi gamit ang cellphone niya nang may magsalita
Last Updated: 2024-11-17
Chapter: Chapter TenTUMATAKBONG lumabas ng company building si Amelia. Pagkalabas niya sinalubong siya ng malakas na ulan, at nakalimutan pa niya ang payong niya sa opisina pero hindi na niya magawang bumalik sa loob para kunin ang payong dahil alam niyang kasalukuyan pang nandoon si Jerome.Napaka-duwag niya talaga.Dahil malakas ang ulan, gusto ni Amelia ang sumakay ng taxi pero malabo sa mga oras na iyon, maliban sa rush hour ay sobrang traffic naman, idagdag pa ang malakas na ulan.Wala siyang pagpipilian kundi ang sumugod sa malakas na ulan. Ginawa niyang payong ang bag niya at kagat ang ibabang labi na tinakbo niya ang daan papunta sa subway station.Pagkarating niya sa subway station, hinihiling niya na sana huminto na ang ulan, pero mukhang gusto siyang parusahan ng kalangitan at gustong makiramay sa nararamdaman niya sa mga oras na iyon.Dahil hindi pa rin siya makakuha ng taxi wala siyang pagpipilian kundi ang maghintay sa gilid ng subway station.Doon tila bumalik sa ala-ala niya dalawang taon
Last Updated: 2024-11-07
Chapter: Chapter NineANG LALAKI na nasa kanyang harapan ngayon ay tulad pa rin sa kanyang ala-ala. Marahil dahil na rin sa lumipas na panahon, mas naging mature ang mukha nito kay sa dati. Ang maamo nitong mukha dati ngayon ay naglaho na.Abala itong nakikinig sa reports ng mga subordinate nito. Paminsan-minsan tumatango ito at nagbibigay ng ilang instructions. Parang ang mga nata nito ay hindi gustong tumingin sa kanya at diretsong naglakad papunta sa opisina nito na napapalibutan ng mga ibang ibang empleyado.Ramdam ni Amelia ang pagkaputla ng kanyang mukha sa mga oras na iyon.Jerome... Anas ng isipan niya.Kailan pa siya bumalik at bakit pa siya bumalik?Umalis ito at iniwan siya nito noon ng walang paalam, pero bakit ito ngayon bumalik?Dalawang taon na ang nakalipas at humigit-kumulang ay pinabayaan na niya ito, ngunit hindi niya inaasahan ang pagbabalik nito at ang muli nilang pagkikita.Sa pagkikita nila ngayon, hindi niya alam kung nakilala ba siya nito sa una nilang pagkikita tulad ng pagkakila
Last Updated: 2024-11-05
Chapter: Chapter Eight"MERON ng mga nakuhang inpormasyon," maikli niyang sagot."Mabuti naman kung ganu'n," anito pagkakuway tumawa ito ng pagak. "Iniisip ko nga kung paano mo ko masusuklian. Akala ko papakasalan mo ko pero hindi ko akalain na mas pipiliin mong maikasal sa iba."Hindi na lang niya pinansin ang nakakahiyang pinagsasasabi ni Lance.Umiling-iling si Lance at bumaba ang tingin nito sa wheelchair na kinauupuan niya kuway pumalatak ito. "Umh... Sinabi mo na ba sa asawa mo ang tungkol sa legs mo?Nagsimula na siyang mag-browse para mag sumite sa Finance Department. Pero napahinto siya nang marinig niya ang tanong nito."Hindi," mahina niyang sabi.Nangunot ang noo ni Lance. "Cormac, hindi ko gustong mangialam sa'yo kahit pa anong dahilan mo kung bakit mo siya pinakasalan, pero mag-asawa na kayo. Pero balak mo bang ilihim sa kanya?" Saglit itong tumigil at muling nagpatuloy. "Siguro, subukan mong tanggapin at mahalin ang asawa mo. Hindi pwedeng patuloy kang mabuhay sa anino ng nakaraan habang buha
Last Updated: 2024-11-04
Chapter: Chapter SevenDAHIL sa pagkabigla niya nakalimutan na niya ang umupo sa hapagkainan. Doon nagtaas ng tingin sa kanya si Cormac."May problema ba?" kunot ang noong tanong nito.Nakita niya ang pagtaas ng isa nitong kilay nang dumapo ang mga mata nito sa kaliwang palasing-singan niya na walang laman. "And where is your wedding ring?"Nakaramdam siya ng hiya, tinago nga niya iyon dahil pakiramdam niya hindi bagay kay Cormac ang binili niyang wedding ring, pero hindi niya akalain na mahahanap nito ang sing-sing na tinago niya.Nahihiyang kinuha niya ang sing-sing na itinago niya bag at agad iyong sinuot. "Pasensya na, mumurahing sing-sing lang ang binili ko."Tumaas ang sulok ng labi nito. "Ayos lang. Maganda nga siya.Hindi alam ni Amelia kung ano ang isasagot niya kay Cormac kaya minabuti na lang niya ang maupo sa katabing upuan na kinaroroonan nito at tahimik lang siyang kumain."Ihahatid na kita sa trabaho mo," anito na tiniklop na ang hawak na peryodiko. Tapos na itong kumain tulad niya."Naku! Hi
Last Updated: 2024-11-03