Share

Chapter Two Hundred Two

Author: HiddenMask
last update Last Updated: 2025-04-12 18:39:50

"Okay," sangayon ni Amelia.

May naisip si Cormac, at ngayon ay tila masasabi na niya iyon. "Sa katunayan, nagsimula akong mag-imbestiga ng ilang bagay tungkol dun,"

Nakikita niya na merong pakialam si Cormac sa nangyari noon, kung wala, bakit pa ito mag-iimbestiga sa nangyari dalawang taon na ang nakakaraan?

Nagdilim ang mga mata ni Amelia. "Ano ang nalaman mo?" tanong niya.

Sinabi ni Cormac kay Amelia na hindi ang pinaghihinalaan nilang matandang lalaki ang lumapastangan sa kanya noon, kundi ibang tao. Tungkol naman sa tunay na pagkakakilanlan ng taong iyon, nananatili pa itong iniimbestigahan.

Hindi ang matanda, kundi ibang tao. Sino naman kaya iyon?

Walang pakialam si Amelia nang marinig niya ang balita.

Hindi magbabago ang mantsa sa kanyang katawan dahil matanda man ito o gwapo. Ang lahat ay isang bangungot na hindi na mawawala pa.

Napabuntong-hininga si Amelia, "Cormac, hindi na ganoon kahalaga ang taong iyon sa akin ngayon. Gusto ko
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Two Hundred Three

    Nang makita ni Alena na ang babaeng anak ay tila tunay na umiibig, ang mga mata niya ay kumikislap. Alam niyang dumaan sa hirap si Amelia, kaya marahil nang mahanap nito ang isang katulad ni Cormac na mabait at mapagkakatiwalaang lalaki at makakaintindi rito at magmamahal rito ng walang kapalit ay handa ulit ang anak na pumasok muli sa panibagong relasyon. Ngunit, si Cormac na ba ang tunay na magdadala kay Amelia sa kanya ng tunay na kaligayahan? Ang mundo ng mga mayayaman ay hindi isang bagay na maaaring pagsamahin ng mga taong tulad nila sa pamamagitan lamang ng pag-ibig. Maaaring maging hadlang iyon para kay Cormac. Makakaya nga ba nitong harapin ang lahat ng pagsubok alang-ala kay Amelia? Alam ni Amelia ang mga alalahanin ng kanyang ina para sa kanya kaya naiintindihan din niya ito. "Okay, mahal kong ina. Paulit-ulit ho akong pinrotektahan ni Cormac sa anumang panganib. Gusto ko ho siya at naniniwala ho ako sa kanya. Tsaka mabuting tao ho si Cormac kaya wag ho

    Last Updated : 2025-04-13
  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter One

    PAGDATING ni Amelia sa Civil Affairs Bureau, hindi pa dumarating ang lalaking pakakasalan niya.Lumipas na ang kalahating oras mula sa napagkasunduang nilang oras, pero hindi pa rin dumarating ang lalaki. Tatawagan na sana ito ni Amelia nang biglang tumawag ang lalaki."Amelia, sinungaling ka, pinaglaruan ka na’t lahat at niloko noong kolehiyo, ngayon gusto mong humanap ng tapat na lalaki na mapapangasawa? Sinasabi ko sa iyo, mangarap ka!” sabi nito mula sa kabilang linya nang sagutin niya ang tawag."No wonder, kaya ka nag-propose ka ng kasal sa'kin sa loob ng tatlong araw ng date natin. Kung hindi lang sa university mo nag-aaral ang ex-girlfriend ko, muntik na akong magpaloko sayo. Walanghiyang babae! Pweh!" sabi pa nito. Pagkatapos ni'yon ay tumunog ang end call tone tanda na binaba na nito ang tawag.Hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon si Amelia para magpaliwanag bago siya nito hinusgahan.Namumutla ang kanyang mga daliri habang hawak ang cellphone niya. Bumuka ang kanyang mga la

    Last Updated : 2024-10-29
  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Two

    MAKALIPAS ang isang oras, lumabas si Amelia mula sa Civil Affairs Bureau dala ang pulang libro na nasa kanyang kamay. Pakiramdam niya sa mga oras na iyon ay para siyang lumulutang dahil tila panaginip lang ang lahat.Hindi niya akalain na magpapakasal siya ng biglaan sa isang lalaki, at sa isang lalaking kakakilala lang niya.Bumaba ang tingin ni Amelia sa marriage certificate at nakita niya sa litratong nandun at sa litarato ay magkatabi silang dalawa ng lalaki. Ang lalaki ay kalmado lang, habang siya naman ay mukhang balisa at hindi mapakali. Sa ibaba naman ng litrato ay nandoon ang pangalan nilang dalawa.Nakakatawang isipin na sa marriage certificate lang niya nalaman ang pangalan ng bago niyang asawa.Cormac Fortalejo.Isang simple ngunit maawtoridad na pangalan, na tumutugma sa pagkatao ng lalaking ito."Amelia Herera?" Nakatingin din ang lalaki sa pulang libro at dahan-dahang binasa ang pangalan ni Amelia.Ang kanyang namamaos na boses ay parang isang balahibo na humahaplos sa

    Last Updated : 2024-10-29
  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Three

    SAGLIT na natigilan si Amelia bago niya napagtanto na ang dahilan kung bakit nagbihis ng maganda si Matet ay dahil sa taong iinterbyuhin nila mamayang hapon at iyon ay ang president ng F Incorporation.Ang F Incorporation ay isang maalamat at matatag na kumapanya sa buong Alta Syudad. Naitatag ang F Incorporation tatlong taon na ang nakalilipas at mabilis na nakilala sa financing industry sa bansa.Sa sumunod na tatlong maikling taon, ang kumpanyang ito ay mabilis na naging isa sa pinakamalaking family business sa bansa, at sa loob ng ilang panahon ay kapantay na ito ng tatlong kilalang kumpanyang matagal nang itinatag sa bansa.Ang presidente ng F Incorporation ay higit na kainte-interisado kaysa sa kumapanya nito mismo.Sa loob ng tatlong taon na iyon ay hindi pa alam ang mga inpormasyon tungkol sa presidenteng ito, ni walang nakakaalam ng buo nitong pangalan at hitsura. Ngunit ito ay hindi nakakaapekto sa pagiging diterminado ng lahat para makilala ang misteryosong pangulo na ito.

    Last Updated : 2024-10-29
  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Four

    PAKIRAMDAM ni Amelia ay lutang ang isip niya sa mga sandaling iyon. Hindi siya naka-react nang ngitian sila ni Cormac. "Fashion magazine? Please sit down.""Ate Amelia, ano ba ang iniisip mo?"Kung hindi lang siya pinaalalahanan ni Matet na nasa tabi niya ay hindi pa siya babalik sa tamang kaisipan niya. Kurap-kurap na naupo siya sa sofa kasama ni Matet at ng iba pa.Pinagulong naman ni Cormac ang wheelchair palapit sa kanila."Mr. Fortalejo, can we start?" Excited na tanong naman ni Matet. Halatang interisado na itong may malaman tungkol sa lalaki."Please," walang emosyong sagot nito.Hindi man lang tiningnan ni Cormac si Amelia mula umpisa hanggang dulo, na para bang hindi sila magkakilalang dalawa.Dahil sa malayong ugali na pinapakita ni Cormac sa mga oras na iyon, naisip ni Amelia kung ang lalaking kaharap nila ngayon ay kamukha lang ba ng kanyang asawa na si Cormac?Tumikhim si Matet. "Um... Mr. Fortalejo, you are so mysterious that no one even knows your full name. Do you mind

    Last Updated : 2024-10-29
  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Five

    SA SANDALING iyon ay naramdaman ni Amelia ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.Siya ba ang pinapahula nito? Ano naman kaya ang dapat niyang isagot? Dapat ba niyang sabihin na ikinasal na ito gayong ikinasal naman na sila?Kahit pa walang kasiguraduhan ang sasabihin niya ay kusang buka ang kanyang bibig para sagutin ang tanong nito."Y-you look handsome... I guess... I guess you're married?"Dahil sa sinabi niya ay nakaramdam siya ng pagkakunsensya at hiya at hindi na magawang tumingin pa kay Cormac. Pero mapaisipsiya. Bakit naman siya makokonsensya at mahihiya? Kasalanan ba niya na wala siyang kaalam-alam sa pagkato nito? Isa pa, ito naman ang unang nagkunwaring hindi sila magkakilala.Habang nagtatalo ang sarili at isipan ni Amelia, nakita ni Cormac ang pagbabago ng ekspresyon sa kanyang mukha.Lihim na napangiti si Cormac. Bago pa man maganap ang interview, alam na niya na si Amelia ang isa sa mag-iinterview sa kanya. Nang malaman niya na sa Fashion magazine ito nagtatarabaho ay p

    Last Updated : 2024-10-31
  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Six

    SA MGA oras na iyon, ayaw isipin ni Amelia kung tama nga ba ang nakikita niya na may pagnanasa sa mga mata ni Cormac dahil hiya ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Ni hindi nga siya naglakad ng loob na tingnan ito.Umalis siya mula sa pagkakaupo sa kandungan nito at nagmamadaling tumakbo papasok sa loob ng banyo.Nang maisara ni Amelia ang pinto, dinama niya ang kanyang dibdib. Parang nasa karera ang puso niya sa sobrang bilis ni'yon. Alam niyang kapag hindi siya umalis sa tabi ni Cormac alam na niya ang pwedeng mangyari.It was almost...Hindi niya mapigilan na matakot kanina pero sa kabila ni'yon ay napaisip siya. Legal na silang mag-asawa ni Cormac kaya wala naman sogurong mali kung meron mang mangyari sa kanilang dalawa. Pero hindi niya maiwasang makaramdam ng takot nang makita niya ang pagnanasa sa mga mata ni Cormac kanina.Isa pa, ito ang ikatlo palang pagkikita nila ng lalaki kaya hindi pa niya makuhang masanay sa mga pangyayari nagaganap sa buhay niya ngayon.Pero kung

    Last Updated : 2024-11-02
  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Seven

    DAHIL sa pagkabigla niya nakalimutan na niya ang umupo sa hapagkainan. Doon nagtaas ng tingin sa kanya si Cormac."May problema ba?" kunot ang noong tanong nito.Nakita niya ang pagtaas ng isa nitong kilay nang dumapo ang mga mata nito sa kaliwang palasing-singan niya na walang laman. "And where is your wedding ring?"Nakaramdam siya ng hiya, tinago nga niya iyon dahil pakiramdam niya hindi bagay kay Cormac ang binili niyang wedding ring, pero hindi niya akalain na mahahanap nito ang sing-sing na tinago niya.Nahihiyang kinuha niya ang sing-sing na itinago niya bag at agad iyong sinuot. "Pasensya na, mumurahing sing-sing lang ang binili ko."Tumaas ang sulok ng labi nito. "Ayos lang. Maganda nga siya.Hindi alam ni Amelia kung ano ang isasagot niya kay Cormac kaya minabuti na lang niya ang maupo sa katabing upuan na kinaroroonan nito at tahimik lang siyang kumain."Ihahatid na kita sa trabaho mo," anito na tiniklop na ang hawak na peryodiko. Tapos na itong kumain tulad niya."Naku! Hi

    Last Updated : 2024-11-03

Latest chapter

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Two Hundred Three

    Nang makita ni Alena na ang babaeng anak ay tila tunay na umiibig, ang mga mata niya ay kumikislap. Alam niyang dumaan sa hirap si Amelia, kaya marahil nang mahanap nito ang isang katulad ni Cormac na mabait at mapagkakatiwalaang lalaki at makakaintindi rito at magmamahal rito ng walang kapalit ay handa ulit ang anak na pumasok muli sa panibagong relasyon. Ngunit, si Cormac na ba ang tunay na magdadala kay Amelia sa kanya ng tunay na kaligayahan? Ang mundo ng mga mayayaman ay hindi isang bagay na maaaring pagsamahin ng mga taong tulad nila sa pamamagitan lamang ng pag-ibig. Maaaring maging hadlang iyon para kay Cormac. Makakaya nga ba nitong harapin ang lahat ng pagsubok alang-ala kay Amelia? Alam ni Amelia ang mga alalahanin ng kanyang ina para sa kanya kaya naiintindihan din niya ito. "Okay, mahal kong ina. Paulit-ulit ho akong pinrotektahan ni Cormac sa anumang panganib. Gusto ko ho siya at naniniwala ho ako sa kanya. Tsaka mabuting tao ho si Cormac kaya wag ho

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Two Hundred Two

    "Okay," sangayon ni Amelia. May naisip si Cormac, at ngayon ay tila masasabi na niya iyon. "Sa katunayan, nagsimula akong mag-imbestiga ng ilang bagay tungkol dun," Nakikita niya na merong pakialam si Cormac sa nangyari noon, kung wala, bakit pa ito mag-iimbestiga sa nangyari dalawang taon na ang nakakaraan? Nagdilim ang mga mata ni Amelia. "Ano ang nalaman mo?" tanong niya. Sinabi ni Cormac kay Amelia na hindi ang pinaghihinalaan nilang matandang lalaki ang lumapastangan sa kanya noon, kundi ibang tao. Tungkol naman sa tunay na pagkakakilanlan ng taong iyon, nananatili pa itong iniimbestigahan. Hindi ang matanda, kundi ibang tao. Sino naman kaya iyon? Walang pakialam si Amelia nang marinig niya ang balita. Hindi magbabago ang mantsa sa kanyang katawan dahil matanda man ito o gwapo. Ang lahat ay isang bangungot na hindi na mawawala pa. Napabuntong-hininga si Amelia, "Cormac, hindi na ganoon kahalaga ang taong iyon sa akin ngayon. Gusto ko

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Two Hundred One

    Namutla ang mukha ni Amelia. Pakiramdam talaga niya ay nadroga siya kagabi, at hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya kung sino ang may kagagawan niyon sa kanya, ngunit sa pinapakita ni Aurora ngayon sa kanya, parang gusto niyang isipin na ito ang may gawa ng lahat. Galit na galit siya sa mga oras na iyon, pero iniisip na lang niya na magkapatid sila nito kahit pa alam niyang wala itong pagmamahal sa kanya ay hindi na lang niya ito papatulan. "Aurora, sabihin mo nga sa akin ang totoo, may alam ka ba sa nangyari?" Tumingin si Aurora kay Amelia, na may pang-iinsulto sa mga mata niya. Gusto niya sa paningin ni Amelia dapat siya ang palaging mataas at makapangyarihan at hinding-hindi matatalo kailan man. "Anong pinagsasabi mo? Bakit ako ang tintanong mo? Dapat ikaw ang nakakaalam ng mga ginawa mo kagabi. Pumunta ka sa hotel na ito kahit may asawa ka at nakipagsiping sa ibang lalaki tapos may gana ka pa rin na tanungin ako kung may alam ba ako sa nangyari?"Masaya s

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Two Hundred

    Bago pa tuluyang makalimot si Jerome ay mabilis niyang tinulak palayo si Aurora at agad na umalis sa ibabaw ng kama. Dinampot niya ang mga damit na nagkalat sa sahig tsaka pumasok sa loob ng banyo.Dahil sa ginawang pagtanggi ni Jerome kay Aurora ay nakaramdam siya ng hinanakit sa kanyang puso. Ilang beses na niyang ibinigay ang sarili kay Jerome, at sa bawat minuto na inaangkin siya nito ay hindi nagpapakita ng pagpapahalaga si Jerome sa kanya sa bawat pagkakataong iyon. Naisip tuloy niya, kung si Amelia kaya ang umakit dito, magagawa kaya nitong tanggihan? Kagabi, kung hindi pa siya naglagay ng droga sa baso ng alak ni Jerome ay tiyak na hindi niya ito magagawang akitin. Naalala pa ni Aurora ang mainit na eksena nilang dalawa ni Jerome kagabi. Ngunit ang malinaw niyang naalala kapag sila ay nasa init ng sensasyon ni Jerome ay patuloy nitong inuungol ang pangalan ni Amelia. Nakuyom ni Aurora ang kanyang mga kamay nang maalala ang tagpong iyon. Dahil doon ay lalong nad

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter One Hundred Nine

    Nakaramdam ng hiya si Su Kexin kaya hindi niya magawang makapagsalita. Napagtanto niya na si Cormac ay isang tuso. Siya ay mukhang seryoso, masungit at napaka intimidating, pero siya ay talagang may itinatagong pag-uugali! Paano niya masasagot ang tanong na iyon? Napatakip na lang siya ng bibig. Ngunit hindi hahayaan ni Cormac na hindi siya sumagot. Hinawakan siya nito sa baba at pinilit iyong itinaas, "Sagutin mo ako, Amelia," anas nito. Pulang-pula ang mukha ni Amelia sa hiya na halos matuyuan na siya ng dugo. Iniwas niya ang tingin dito at ngumuso, "Depende sa mood ko," sagot niya. Natigilan si Cormac. Bagama't hindi ito tiyak, para sa mahiyaing si Amelia, maaaring ito ang pinakamagandang sagot. Nakaramdam siya ng saya sa kanyang puso, niyakap niya si Amelia. "Okay, tiyak na magagawa kitang paligayahin sa hinaharap." Lalong namula ang mukha ni Amelia. Pero at the same time, hindi niya maitatanggi na may saya siyang nararamdaman sa kanyang p

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter One Hundred Eight

    Mabilis na naglakad si Cormac palapit kay Amelia at huminto sa harapan nito. Medyo namutla ang maganda nitong mukha. Mabilis niyang niyakap si Amelia at tinitigan ang mukha nitong may bahid ng luha, "Okay ka lang ba, Amelia?" Biglang may napagtanto si Aelia. Tumingin kay Cormac na nakatayo sa kanyang harapan. "Cormac, bakit ka nakatayo? Nasaan ang iyong wheelchair?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Alam mong pampublikong lugar ito at napakaraming tao ang pwedeng makakita sa'yo," sabi pa niya.Kung may makakilala kay Cormac at makarating kay Dominic, hindi ba mawawalan ng saysay ang pagsusumikap ni Cormac sa pagtatago sa loob ng maraming taon? Habang sinasabi niya iyon, itinaas niya ang kanyang ulo at nakita si Pablo na tumatakbo palapit sa kanila mula sa dulo ng corridor may may takot habang tinutulak ang wheelchair ni Cormac. Marahil tumakbo si Cormac para mapuntahan siya agad. Kung ikukumpara ang takot ni Amelia para sa kapakanan ni Cormac, ngunit baliwala na

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter One Hundred Seven

    Pwede kayang... Iniisip ang baso ng juice na kakainom pa lang niya, hindi mapigilan ng katawan ni Amelia na manginig. Gusto niyang umalis sa lugar na iyon ng mabilis, ngunit ramdam niyang nanghihina ang kanyang mga paa dahilan para hindi niya iyon magawang maihakbang. Sa sobrang takot ay kinuha niya ang kanyang cellphone nang hindi nag-iisip at nag-dial ng numero. Ilang sandali lang na nag ring ang nasa kabilang linya, at mabilis na nakonekta ang tawag. "Hello." Ang mababa at sexy na boses ni Cormac ay narinig niya mula sa kabilang linya. "Cormac, iligtas mo ako!" aniya. Walang kamalay-malay, si Amelia mismo ay hindi napagtanto na ang kanyang pagdepende kay Cormac ay umabot na sa puntong iyon. Kapag nakatagpo ng panganib, ang unang tao na pumapasok sa isip niya ay ang tawagan si Cormac,! Sa kabilang banda, maganda ang mood ni Cormac nang matanggap niya ang tawag ni Amelia, ngunit hindi niya inaasahang maririnig niya ang mga salita ni Amelia

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter One Hundred Six

    Napakunot ang noo ni Amelia at itinaas ang kanyang ulo, at nakita si Aurora sa likod niya sa salamin habang may galit sa mga mata nitong nakatingin sa kanya. Lihim siyang nakaramdam ng pagkainis. Sa dami ng tao bakit ito pa ang masasalamuha niya sa ganito pang pagkakataon. Pero wala siyang gustong sabihin, naghugas na lang siya ng kamay at naghanda sa pagpunta sa loob ng banyo. Ngunit hinawakan ni Aurora ang kanyang pulso at sinigawan siya: "huwag mo akong talikuran, Amelia!" Sumimangot si Amelia. Ano na naman ang kaya ang problema ng babaeng ito? "Ano ba ang kailangan mo?" Malamig ang mga matang tiningnan niya si Aurora. "Ako dapat ang magtanong kung ano ang kailangan mo at ang binabalak mong gawin!" Halatang medyo lasing si Aurora, at sinigawan si Amelia, "Narinig ko ang pag-uusap ninyo kaninang dalawa! Tungkol saan ang pinagsasabi mo kay Jerome! Gusto mo bang mapalapit muli sa kanya!" Sumimangot si Amelia. Tila narinig ni Aurora

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Two Hundred Five

    Pagkatapos ng isang nakakapagod na araw, sa wakas ay nakita ni Amelia si Jerome na lumabas mula sa opisina nito pagdating ng gabi, na may gasa sa kanyang mukha. Nang makita siya ni Jerome sa opisina ay saglit itong natigilan, ngunit hindi nagtagal ay sinabi nito sa lahat ng empleyado: "Oras na para umalis tayo at pumunta na sa kalapit na KTV bar." Naghiyawan ang lahat, at sabay na bumaba, at sumakay ng taxi papunta sa KTV na hindi kalayuan sa kumpanya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, pagpasok pa lang nila ay may nakita silang magandang babae na kumakaway sa kanila sa pintuan ng KTV, "Jerome, dito, dito!" Nang makita ang babae, si Amelia ay natigilan saglit. Si Aurora iyon. Si Aurora ay nakasuot ng napakaseksi ngayon, na may itim na vest at maikling palda, at mainit na katawan. Natigilan lahat ang mga kasamahang lalaki sa magazine sa paligid niya. Habang naglalakad sila papasok ay agad na lumapit si Aurira at natural na ipinulupot ang mga braso nit

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status