Share

Chapter Three

SAGLIT na natigilan si Amelia bago niya napagtanto na ang dahilan kung bakit nagbihis ng maganda si Matet ay dahil sa taong iinterbyuhin nila mamayang hapon at iyon ay ang president ng F Incorporation.

Ang F Incorporation ay isang maalamat at matatag na kumapanya sa buong Alta Syudad. Naitatag ang F Incorporation tatlong taon na ang nakalilipas at mabilis na nakilala sa financing industry sa bansa.

Sa sumunod na tatlong maikling taon, ang kumpanyang ito ay mabilis na naging isa sa pinakamalaking family business sa bansa, at sa loob ng ilang panahon ay kapantay na ito ng tatlong kilalang kumpanyang matagal nang itinatag sa bansa.

Ang presidente ng F Incorporation ay higit na kainte-interisado kaysa sa kumapanya nito mismo.

Sa loob ng tatlong taon na iyon ay hindi pa alam ang mga inpormasyon tungkol sa presidenteng ito, ni walang nakakaalam ng buo nitong pangalan at hitsura. Ngunit ito ay hindi nakakaapekto sa pagiging diterminado ng lahat para makilala ang misteryosong pangulo na ito.

Tulad na lang ni Matet, talagang nagpaganda pa ito nang malaman nitong iinterbyuhin nila ang presidente ng F Incorporation sa pagkakataong iyon.

Nakangiting tumingin si Amelia kay Matet. "Matet, gusto mo ba talagang ma-impress sa'yo itong Presidente ng F Incorporation? Hindi ka ba natatakot na baka isa talaga siyang kalbo na matanda?"

"Pfft! Hindi ako naniniwala!" Parang batang pinadyak ni Matet ang paa nito. "Narinig ng lahat na ang presidente ng F Incorporation ay binata pa at isang ganap na bachelor!"

"Ang ganitong pagkakataon na interview ay bihira kaya dapat tayong maghanda ng mabuti. Alam niyo naman na ito ang unang pagkakataon na tumanggap si Mr. Fortalejo ng interview sa media. Kung makukunan natin siya ng litrato, tiyak na magdadala ito ng malaking uportunidad sa pagtaas ng sale ng magazine natin,” singit ni Dona na siyang empleyado rin ng fashion magazine.

Tumango si Amelia bilang pagsangayon.

Ang presidente ng F Incorporation ay talagang hindi tumatanggap ng mga interview. Tinanggihan nito ang kumapanya nila noong una nila itong inimbitahan na ma-interview at hindi nila alam kung ano ang problema.

Kahapon, bigla ulit tumawag ang F Incorporation at sinabing tatanggap sila ng interview. Ang biglaang magandang balitang ito ay gumulat sa kanilang editor-in-chief na para bang isa lamang iyong ilusyon lang.

Pagkatapos niyang suriin ang nilalaman ng magiging panayam, sina Amelia, Dona at Matet, kasama ang photographer, ay agad ng tumungo sa F Incorporation.

Ang F Incorporation ay matatagpuan sa financial district ng Alta Syudad. Pagkatapos batiin ang front desk lady sa ika-unang palapag, si Amelia at ang iba ay sumakay na sa elevator na diretso sa pinaka itaas na palapag ng gusali.

"Is this the Fashion Magazine?" Agad na tanong ng secretary ng president’s office nang makita silang lumabas mula sa elevator. “hinihintay na kayo ni Mr. Fortalejo sa loob ng office,” anito na hinatid na sila nito papasok sa loob ng opisina ng presidente.

Mr. Fortalejo?

Natigilan si Amelia. Hindi niya akalain na ang misteryosong president ng F Incorporation ay kaparehas pala ng apelyido ng kanyang napangasawa.

Pagpasok nila sa kwarto ay sobrang kabado si Matet at patuloy na hinila si Amelia at mahinang tinatanong kung magulo ba ang buhok nito.

Bahagyang natawa si Amelia. "Hindi. Hindi magulo, maganda…” mahina niyang sabi.

Ngunit nang makita niya ang pigura ng lalaki na nasa tabi ng French window, bigla siyang natigilan at nakalimutang ipagpatuloy ang sasabihin kay Matet.

Tumuon naman ang mga mata ni Matet sa lalaking nasa bintana sa mga oras na iyon. Hindi na niya pinansin pa si Amelia. "Diyos ko! Ang presidente ng F Incorporation... ay... ay... naka-wheelchair?" pabulong nitong sabi.

Bago pa makasagot si Amelia ay dahan-dahang umikot paharap sa kanila ang lalaking nasa wheelchair.

Napasinghap si Matet. "Oh my…ang gwapo ni Mr. Fortalejo! Mas gwapo pa siya kaysa sa isang artistang lalaki!" Nawala na sa isip nito na ang lalaki ay sakay ng wheelchair.

Ngunit parang walang narinig si Amelia mula sa labis na pagkamangha ni Matet. Nakatitig lang siya sa lalaking nasa kanyang harapan. Parang binuhusan siya ng nagyeyelong tubig sa mga oras na iyon.

Ang sinag ng araw mula sa labas ng bintana ay tumatama sa anggular na mukha ng lalaking nasa wheelchair, na nasisinagan ang perpekto nitong mukha. Ang malamig at madilim nitong mga mata ay gaya parin ng dati. 

It's Cormac Fortalejo.

The president of F Incorporation is actually Cormac Fortalejo?!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status