Share

Chapter Four

PAKIRAMDAM ni Amelia ay lutang ang isip niya sa mga sandaling iyon. Hindi siya naka-react nang ngitian sila ni Cormac. "Fashion magazine? Please sit down."

"Ate Amelia, ano ba ang iniisip mo?"

Kung hindi lang siya pinaalalahanan ni Matet na nasa tabi niya ay hindi pa siya babalik sa tamang kaisipan niya. Kurap-kurap na naupo siya sa sofa kasama ni Matet at ng iba pa.

Pinagulong naman ni Cormac ang wheelchair palapit sa kanila.

"Mr. Fortalejo, can we start?" Excited na tanong naman ni Matet. Halatang interisado na itong may malaman tungkol sa lalaki.

"Please," walang emosyong sagot nito.

Hindi man lang tiningnan ni Cormac si Amelia mula umpisa hanggang dulo, na para bang hindi sila magkakilalang dalawa.

Dahil sa malayong ugali na pinapakita ni Cormac sa mga oras na iyon, naisip ni Amelia kung ang lalaking kaharap nila ngayon ay kamukha lang ba ng kanyang asawa na si Cormac?

Tumikhim si Matet. "Um... Mr. Fortalejo, you are so mysterious that no one even knows your full name. Do you mind telling us your name?" namumula ang mukhang tanong nito.

"Cormac Fortalejo," mabilis nitong sagot.

Ang dalawang eleganteng salita ay maayos na lumabas mula sa manipis na mga labi ng lalaki na nasa kanyang harapan ngayon na agad na bumasag sa huling pantasya ni Amelia. Cormac Fortalejo.

Siya nga talaga si Cormac Fortalejo. Ang lalaking pinakasalanan niya!

"Cormac Fortalejo, it's really a nice name." Mapangakit na ngumiti si Dona, "Next, we want to ask you a few questions," sabi pa nito.

Nang matapos magsalita ni Dona ay agad na napatingin ito sa kanya, ngunit nang makitang nakatulala pa rin siya kay Cormac ay hindi nito maiwasang mabalisa at palihim siyang kinurot.

"Aray!" Mahinang daing niya sa sakit.

Para sa interview ngayon, napagkasunduan kasi nila na siya ang gagawa ng interview habang sina Matet at Dona naman ang magsusulat.

Nang makita niya ang pagtatakang tingin ni Dona sa kanya ay mabilis niyang pinakalma ang naguguluhan niyang puso at professional na humarap kay Cormac. "Mr. Fortalejo, may I ask if you are from Alta Syudad?" pag-uumpisa niya.

"I guess so." Hindi tulad ng pagkabalisa ni Amelia, si Cormac ay kalmado lang mula umpisa hanggang dulo. "Ipinanganak ako sa Alta Syudad, pero nagpunta ako sa America noong bata pa ako."

Nang marinig ni Amelia ang sagot nito, hindi niya maiwasang hindi matawa. Ang lalaking nakaupo sa tapat niya ay ang kanyang asawa, pero wala man lang siyang kaalam-alam na kahit na anong impormasyon tungkol sa lalaki.

Dahil nasa trabaho siya ngayon, mabilis na inalis ni Amelia ang magulong kaisipan at pinagpatuloy ang pagtatanong isa-isa ng mga inihanda niyang tanong kanina

Naging maayos ang interview. Bagama't napakalamig ni Cormac pero ito ay napaka-cooperative, na itinama ang mga hindi magandang imahe ng lalaki ayon sa kumakalat na balibalita.

Pinilit ni Amelia magseryoso sa oras ng interview at pansamantalang kinalimutan na ang lalaking nasa harapan niya ay ang kanyang asawa, ngunit nang tumuon ang mga mata niya sa susunod na tanong ay bigla siya muling nabulunan at natahimik ang lahat.

Siniko siya ni Matet. "Ate Amelia, anong ginagawa mo?" May pagtatakang tanong nito.

"I'm sorry, Mr. Fortalejo, this question is a bit personal, pero naniniwala ako na marami sa aming mambabasang babae ang magiging interesado sa tanong na ito." Pilit na pinipigilan ni Amelia ang kakaibang nararamdaman sa puso niya at tsaka nagpatuloy sa pagtanong, "Are you single?"

Sa sandaling lumabas ang katanungan na iyon sa bibig niya ay gusto niyang kagatin ang dila sa mga oras na iyon.

Alam niyang wala itong kabuluhan dahil alam naman kasi niya kung single pa si Cormac o hindi na, pero dahil walang kaalam-alam sila Matet at Dona na nasa tabi niya ay hindi niya iyon maiwasang itanong.

Pagkatapos tanungin ni Amelia si Cormac ay kinabahan siya. Hindi niya alam kung ilusyon lang ba ang nakita niya dahil ang mga mata ni Cormac na kanina pa kalmado ay tila may sumilip na ngiti sa mga sandaling iyon.

Ngunit ang ngiti na iyon ay panandalian lang, napakabilis kaya hindi maiwasan ni Amelia na mag-isip kung ito ba ay sariling ilusyon lang o hindi.

"This question..." Marahang sagot ni Cormac, na may hindi mahuhulaang tono sa boses nito. "I wonder what do you think, Miss Reporter?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status