Share

Chapter Five

SA SANDALING iyon ay naramdaman ni Amelia ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.

Siya ba ang pinapahula nito? Ano naman kaya ang dapat niyang isagot? Dapat ba niyang sabihin na ikinasal na ito gayong ikinasal naman na sila?

Kahit pa walang kasiguraduhan ang sasabihin niya ay kusang buka ang kanyang bibig para sagutin ang tanong nito.

"Y-you look handsome... I guess... I guess you're married?"

Dahil sa sinabi niya ay nakaramdam siya ng pagkakunsensya at hiya at hindi na magawang tumingin pa kay Cormac. Pero mapaisipsiya. Bakit naman siya makokonsensya at mahihiya? Kasalanan ba niya na wala siyang kaalam-alam sa pagkato nito? Isa pa, ito naman ang unang nagkunwaring hindi sila magkakilala.

Habang nagtatalo ang sarili at isipan ni Amelia, nakita ni Cormac ang pagbabago ng ekspresyon sa kanyang mukha.

Lihim na napangiti si Cormac. Bago pa man maganap ang interview, alam na niya na si Amelia ang isa sa mag-iinterview sa kanya. Nang malaman niya na sa Fashion magazine ito nagtatarabaho ay pumayag siyang magpa-interview.

Hinayaan niya na isipin nito na ngayong araw lang sila nagkita, pero ang totoo ay nakita na niya ito sa isang blind date tatlong araw na ang bakalilipas. Dahil sa pakiramdam niya na nakita na niya ito kung saan ay pinaimbistiga niya ito. At nagkataon na nakita niya ito sa labas ng Civil Affairs Bureau kaninang umaga at nagkataon din na ininsulto at hindi siputin ng lalaki na dapat na mapapangasawa nito, kaya sinamantala na niya ang pagkakataon na alukin ito ng kasal.

Ibinalik niya sa babae ang tanong nito sa kanya kung single ba siya para lang asarin ito, pero hindi niya akalain na ganito ang magiging reaksyon nito. Halatang nakaramdam ito ng kaba at pagkapahiya.

"Well..." Tumikhim siya. "Actually I already married," kalmado niyang sagot.

Habang sinasabi ni Cormac na ikinasal na ito, ang makahulugan nitong mga mata ay dumapo ang tingin kay Amelia dahilan para bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Bago pa makasagot si Amelia, narinig niya ang pagkasabi ni Matet ng "Ah" na para bang gumuho ang pantsya nito na makuha ang atensyon ni Cormac kanina lang.

"Nasisiguro kong maha-heartbroken ang mga kababaihan sa oras na makita nila sa magazine na ikinasal na ang isang Cormac Fortalejo," malungkot na sabi ni Matet. "I wonder what kind of person Mr. Fortalejo wife is? Nanggaling din ba siya sa kilalang pamilya?" usisa pa nito.

"Matet," awat niya rito.

Isa iyon sa mga katanungan na napagkasunduan nilang hindi dapat itanong sa interview dahil masyado iyong peronal at baka maging mali pang interpretasyon.

Hindi naman nagalit si Cormac sa naging tanong ni Matet. Ngumiti lang at ngunit walang namutawing salita mula rito.

Tumikhim siya. "Okay... I won't ask any more questions about your personal life, Mr. Fortalejo. Gusto naman namin malaman  ang tungkol sa trabaho," pag-iiba niya dahil awkward din naman iyon sa part niya dahil alam niyang siya ang tinutukoy nitong asawa nang sabihin nitong ikinasal na ito.

Ang mga sumunod na tanong na itinanong niya ay formal at tungkol lang lahat sa trabaho at business. And the interview finally ended very well.

"I am very happy to accept the interview of your magazine," sabi ni Cormac nang magpaalam na sila.

Isa-isa silang tumayo at lumapit kay Cor.ac para makipagkamay. Nang siya na ang kinamayan nito, sandali itong tumigil at ang mga mata nito ay dumapo sa sing-sing na nasa kanyang palasingsingan.

Bahagya itong ngumit. " It's a very beautiful ring," mahina nitong sabi.

Pinamulahan ng mukha si Amelia at mabilis na binawi ang kamay niyang hawak nito at nagmamadaling lumabas ng kwarto tsaka sumunod kila Matet.

Tsaka lang nakaramdam ng ginhawa si Amlia nang makalabas na siya ng opisina ni Cormac.

"Oh my gosh! Naka daupang-palad ko ang isang Cormac Fortalejo! Hindi ako maghuhigas ng kamay ko nito mga isang Lingo," mahinang sabi ni Matet habang tumitili.

Nang susuwayin na sana ni Amelia si Matet sa kalokohan nito, lumapit sa kanila ang sekretarya ni Cormac au isa-isa silang inabutan ng may kaliitan na box.

"Reporters from fashion magazines, this is a small gift prepared by our president for you. Please accept it," sabi nito.

Lalong na-excite si Matet nang matanggap nito ang ibinigay ni Cormac sa kanila. "Oh my gosh! Napaka thoughtful naman ni Mr. Fortalejo," anito na hindi makapaghintay na binuksan na ang kahon at inilabas ang nilalaman ni'yon.

Isang mamahaling Channel scarf ang ibinigay ni Cormac..

"Aba! Worth it talaga siyang maging isang presidente ng kumpanya dahil napaka generous niya," natutuwang sabi ni Matet tsaka ito bumaling sa kanya.

"Ate Amelia, patingin naman ng style ng sa'yo," anito.

Ayaw pa sana niyang buksan ang kahon pero alam niyang hindi niya mapipigilan si Matet kaya wala siyang nagawa kundi buksan iyon. Ngunit ang sandalimg nakita. Iya ang nilalaman ng kahon ay natigilan siya at muling mabilis na sinara ang kahon.

"Anong style?" kunot ang noong tanong ni Matet.

"Nothing, nothing..." kinakabaha niyang sagot at mabilis na itinago ang kahon sa lanyang likod.

"Kapareho lang ng style sa'yo," sabi pa niya.

Lumingon-lingon siya para hanapin ang malapit na restroom. "Umh...masakit ang tyan ko, pupunta muna ako sa restroom," sabi niya na tumakbong nagtungo sa restroom.

Agad siyang pumasok sa isa sa mga cubicle at naupo sa nakasarang bowl at tsaka maingat na uling binuksan ang kahon.

Hindi tulad ng ibinigay kila Matet at Dona, ang natanggap ni Amelia ay maraming klase ng susi. Bago pa siya makapag-react, may dumating sa kanyang text message na agad niyang binasa.

Ang mensahe ay naglalaman ng address ni Cormac at ito ay text message na galing mismo sa kanya. Hindi lang iyon basta isang address dahil ang address na iyon ay address ng pinakamamahaling villa sa Alta Syudad.

Hindi makapaniwalang napatingin ulit siya sa mga susi. Hindi niya akalain na sa ganitong pagkakataon pa talaga nito binigay ang susi.

Naiintindihan din niya ang gustong iparating ni Cormac na gusto talaga siya nitong lumipat sa bahay nito o sa tamang salita, sa "mansion" nito. Dapat nga naman dahil mag-asawa na sila.

Hindi pa rin siya lubos makapaniwala na hindi basta-basta ang napangasawa niya, na isa palang bilyonaryo ang napangasawa niya. Pero bago pa siya magmuni-muni ng tuluyan, minabuti na niyang lumabas ng restroom bago magtaka ang dalawa.

Pagkalabas niya ng cr ay agad na silang bumalik sa kumpanya.

Sa oras na kinukuhaan ng interview kanina si Cormac, kinuhaan nila ito ng ilang litrato ng walang pahintulot kaya hindi nila iyon magawang i-publish.

Kaya muling tinanong ng editor in chief si Cormac kung pwede ba nilang mai-publish ang mga litrato. After all, the president of F Incorporation has always been known for mystery, kaya isang supresa talaga na pumayag itong magpa-interview.

"Oh my gosh! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nainterview natin ang president ng F Incorporation at magagawa nating i-publish this time!" sabi ng isa sa mga stuff ng fashion magazine.

"Pwede ba namin makita ang mga litrato niya? Gwapo ba siya tulad ng sinabi ni Matet?" sabi pa ng isa sa mga babae na gusto rin makita ang itsura ni Cormac.

Noong wala pamg approval ni Cormac, hindi pa mai-publish ng team ni Amelia ang picture ni Cormac kasama ang panayam dito, pero ngayon na meron na, malaya na nilang maipa-publish ang litrato sa magazine.

"Siguradong tatas ang rating ng magazine natin ngayon," sabi pa ng isang babae.

"Wow! He's so handsome!" sabi ng isa sa mga babaeng stuff. "Kulang pa ang salitang gwapo para kay Mr. Fortalejo tulad ng sabi mo, Matet."

"Tama! Ang kagwapuhan ni Mr. Fortalejo ay talo ang mga artistang lalaki na nasa entertainment industry ngayon," sangayon naman ng isa pang babae.

"Pero mukang kakaiba ata 'yung inuupuan ni Mr. Fortalejo. Isa bang wheelchair 'yan?" Kunot ang noong tanong ng isnag babae na tinitigan ng mabuti ang litrato ni Cormac.

Tumahimik ang lahat nang mapansin na isang wheelchair ang inuupuan ni Cormac.

"Oo, nasa wheelchair nga si Mr. Fortalejo. Ano naman ngayon? He's so handsome at higit sa lahat mayaman siya. He looks like a prince charming in a wheelchair" sagot ni Matet na hindi pa rin nawawala ang paghanga sa lalaki.

Tumango naman ang mga babaeng nandoon, pero ang mga lalaking stuff ay hindi.

"Tsk! Ano naman ngayon kung mayaman siya at gwapo? Hindi niyo ba alam na ang mga eighty percent ng lalaking baldado ay walang pakinabang?" sabat ng isang lalaki.

"Tama 'yun!" sangayon naman ng isang lalaki. "Sa tingin ko rin maagang mabubyuda ang asawa nun."

Sa hindi inaasahan ay biglang nasamid sa iniinom na tubig si Amelia na tahimik lang na nasa sulok ng opisina habang nakikinig sa pakikipag chismisan ng mga katrabaho.

Lumapit sa kanya ang isa sa mga katrabaho niyang babae at mahina siyang hinaplos sa likod. "Anong nangyari sa'yo, Amelia?"

"Nasamid lang ako," sabi na lang niya.

"Tsk! Mukang malakas ang karisma ni Mr. Fortalejo ha? Hindi na maawat itong si Matet," sabi pa nito.

"Totoo naman kasi," sabi ni Matet. "Ito ngang si Ate Amelia hindi mapakali sa kaba habang ini-interview namin si Mr. Fortalejo kanina."

Hindi makapaniwalang napatingin si Amelia kay Matet. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o ano.

"Mukha na ba akong baliw kanina?" nakangiwi niyang tanong.

Lumapit sa kanya si Matet at sinapo ang magkabila niyang pisngi. "Hindi na importante kung mukha kang tanga kanina. Isa lang talaga ang ibig-sabihin nun, masyado lang talagang perpekto si Mr. Fortalejo. Maliban lang sa pagiging baldado niya. He's just like the standard CEO in the novels."

Dahil sa ilalim ng karisma ni Cormac, ang ibang kababaihan na nandun ay hindi pinansin ang mga sinabi ng ilang kalalakihan patungkol kay Cormac.

Nagbuntong-hininga siya. "Tama na nga ang tungkol kay Mr. Fortalejo. Mabuti pang gawin na lang natin ang mga trabaho natin," sabi ni Dona mula sa pananahimik.

Maya pa ay tumahimik na ang lahat at bumalik na sa kani-kanilang mga trabaho.

SA SUMUNOD na mga araw, naging abala ang fashion magazine sa pag-release ng magazine patungkol kay Cormac at ang lahat au diterminado na magawa ng maayos ang trabaho.

Hanggang sa dimating ang Lingo. Pakiramdam ni Amelia pagod na pagod siya pero wala siyang panahon para magpahinga.

Pagkatapos niyang bisitahin ang ina mula aa hospital ay abala naman siyang mag-impake ng mga gamit niya bilang paghahanda sa pglipat niya sa mansion ni Cormac. Natatakot kasi siya na kapag pinatagal niya ang paglipat ay ma-misinterpret iyon ni Cormac na hindi siya seryoso na pinakasalan niya ito.

Matapos maimpake ang mga damit na dadalhin niya sa mansion ni Cormac ay agad na niyang tinungo ang address ng mansion na binigay nito sakay ng taxi.

Nang huminto ang taxi sa harap ng tarangkahan ng mansion ni Cormac ay hindi mapigilang mamangha dahil sa laki ni'yon, lalo pa nang makita niya ang loob ng mansio.

The mansion is very large. Ang mga interior at kagamitan doon ay tila siya nasa sinaunang panahon. Wala rin masyadong kasambahay kundi ang nakilala niya lang na katiwala ng mansion na sina Tatay Ben at Nanay Maris.

Tinulungan siya ni Tatay Ben na iakyat ang mga gamit niya sa master's bedroom na nasa second floor.

The master bedroom was decorated in a very modern and simple style. Simple pero hindi maiaalis dun ang pagiging mayaman ng taong may-ari ng kwarto.

Nang buksan niya ang cabinet na nasa walk-in closet, nakita niya na ang kalahati ni'yon ay laman ng mga panlalaking damit at ang kalahati naman ni'yon ay bakante.

Napagtanto ni Amelia na makakasama niya sa iisang kwarto si Cormac. Nakaramdam soy ng kaba, pero walang mali kung magsama man sila nito sa iisang kwarto dahil mag-asawa sila. Ano na lang ang sasabihin ng mg taong nasa paligid kung maghihiwalay sila ng kwarto gayong mag-asawa sila.

Buntong-hiningang inilagay ni Amelia ang mga gamit kasama ng mga damit ni Cormac sa cabinet.

Ginabi na siya nang matapos niyang maiayos ang mga gamit niya sa kabinet at ang mga ibang gamit na gagamitin niya sa trabaho tulad ng sapatos at mga pampaganda. Pero hindi pa rin umuuwi si Cormac.

Nakaramdam siya ng gutom kaya minabuti niyang bumaba sa komedor at kinain niya ang inihandang simpleng noodles ni Nanay Maris. Pagkatapos lumain ay muli siyang bumalik sa kwarto para maligo.

Nang tapos na siya maligo doon lang niya napagtanto na nakalimutan niyang dalhin ang twalya na nasa tower rock.

"Anak ka naman ng teteng," naiinis niyang sabi.

Wala naman magagawa kung aawayin niya ang sarili dahil sa pagiging careless niya. Wala siyang choice kundi ang lumabas para kunin ang twalya.

Maingat niyang binuksan ang pinto ng banyo. Sinilip niya kung naka-uwo na ba si Cormac. Nang makitang tahimik at wala pang tao sa kwarto ay basa ang kawatang tumakbo siya sa papunta sa walk-in closet na nasa kabilang bahagi ng malking kwarto na iyon para kunin ang twalya.

Papasok na siya sa walk-in closet nang natigilan siya dahil biglang bumukas ang pinto at iniluwa ni'yon si Cormac.

Natigilan naman si Cormac dahil hindi niya inaasahan na ganitong tagpo siya sasalubungin ng kanyang asawa. Amelia is totally naked right now in front of her.

Pinamulahan ng mukha si Amelia sa sobrang pagkapahiya sa mga sandali na iyon. Gusto niyang hilingin na bumuka ang lupa at lamunin siya ng buo.

"Umh..."

Bago pa tuluyang magsalita si Cormac ay malakas siyang sumigaw at tumakbo pabalik sa loob ng banyo. Pero dahil basa at madulas ang tiles ng kwarto hindi naiwasang nadulas siya.

"Careful!" sigaw ni Cormac.

Pero dahil naging mabilis ang pagkilos ni Cormac. Pinatakbo nito ang wheelchair papunta sa kanya at bago pa siya tuluyang nadulas ay nasalo siya ng lalaki at sa hita siya nito bumagsak.

Napatiim ng bagang si Cormac nang madama niya ang basang katawan ni Amelia.

Shit this is not good! aniya sa isipan.

Bumaba ang tingin ni Cormac kay Amelia at nakita niya ang Pinagsamang hiya at takot sa muka nito.

Sa unang tingin kay Amelia hindi mo agad masasabi na maganda siya, pero kapag tinitigan mo siya ng mabuti, habang tumatagal masaaabi mong may aking siyang kagandahan na hindi mo makikita sa iba.

Higit sa lahat sa mga oras na iyon. Walang kahit na anong make-up ang mukha nito, basa ang buhok habang ang munting butil ng tubig ay lumalandas pababa sa balikat nito at pababa pa sa balingkinita nitong katawan.

Napalunok si Cormac habang nagtiim ang mga bagang nito, and the color of his eyes became darker and darker.

Mula sa mariing pagkapikit ng mga mata ni Amelia, mara

han siyang nagmulat at ang itim na mga mata ni Cormac ang sumalubong sa kanya.

Hindi na siya bata para hindi makita kung ano ang nakikita niya sa mga mata ni Cormac.

Cormac's eyes is full of Lust.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status