PAGDATING ni Amelia sa Civil Affairs Bureau, hindi pa dumarating ang lalaking pakakasalan niya.
Lumipas na ang kalahating oras mula sa napagkasunduang nilang oras, pero hindi pa rin dumarating ang lalaki. Tatawagan na sana ito ni Amelia nang biglang tumawag ang lalaki.
"Amelia, sinungaling ka, pinaglaruan ka na’t lahat at niloko noong kolehiyo, ngayon gusto mong humanap ng tapat na lalaki na mapapangasawa? Sinasabi ko sa iyo, mangarap ka!” sabi nito mula sa kabilang linya nang sagutin niya ang tawag.
"No wonder, kaya ka nag-propose ka ng kasal sa'kin sa loob ng tatlong araw ng date natin. Kung hindi lang sa university mo nag-aaral ang ex-girlfriend ko, muntik na akong magpaloko sayo. Walanghiyang babae! Pweh!" sabi pa nito. Pagkatapos ni'yon ay tumunog ang end call tone tanda na binaba na nito ang tawag.
Hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon si Amelia para magpaliwanag bago siya nito hinusgahan.
Namumutla ang kanyang mga daliri habang hawak ang cellphone niya. Bumuka ang kanyang mga labi ngunit walang namumutawi na kahit na anong salita mula roon para maipagtanggol man lang ang sarili.
Medyo malakas ang boses ng nasa kabilang linya dahilan para marinig ito ng ilang taong malapit kay Amelia. Ang mapanghamak at mapanghusgang mga mata ng mga tao ay parang makakapal na karayom na tumutusok sa puso niya.
Muling bumalik sa kanya ang bangungot noong nakaraang dalawang taon. Ang walang katapusang kadiliman ng gabing iyon na puno ng sakit at kahihiyan na kahit anong pilit niyang takasan ay hindi niya magawang kalimutan.
Lumandas ang mga malalamig na butil ng pawis mula sa kanyang noo, namutla ang kanyang mukha at ang kanyang buong katawan ay biglang nanginig nang hindi inaasahan.
Sa hindi kalayuan, isang pares ng maitim na mata na kasing lalim ng isang sinaunang balon ang nakatitig kay Amelia at ang mga payat na daliri nito ay hindi sinasadyang tumapik sa armrest ng wheelchair nito habang may kahulugan ang bawat mga tingin nito.
"Mr. Fortalejo." Sa oras na iyon, isang binata ang nagmamadaling dumating sa gilid ni Cormac at bumulong, "Pinapasabi ni Miss Jane na na-stuck siya sa gitna ng traffic at maaaring isang oras pa siya bago makarating dito," pagbibigay nito ng inpormasyon.
"Tell her that she doesn't need to come." Ang malamig na mga mata ni Cormac ay nakatuon pa rin sa estrangherang babae habang ang kanyang tono ay walang emosyon. "Ayoko ng mga babaeng sadyang sinasamantala ang Fortalejo."
"P-pero..." Tila napahiya ang binatang assistant na nasa tabi niya. "Pinipilit ho kasi ako ng matanda..."
Parang hindi narinig ni Cormac ang sinabi nito na pinindot niya ang switch sa wheelchair at umandar patungo sa hindi kilalang babae.
"Miss, can you please marry me?"
Nang marinig ni Amelia ang malinaw at baritonong boses ng hindi kilalang lalaki ay hinila siya pabalik sa realidad mula sa madilim na nakaraan.
Napayuko si Amelia at bahagyang natigilan. Isang lalaking naka-wheelchair ang bigla na lang lumapit sa kanya nang hindi niya namamalayan.
Ang lalaki ay may isang makapigil-hiningang perpektong mukha na may makapal na kilay at matingkad na mga mata. Bawat detalye sa mukha nito ay parang maingat na inukit na gawa sa isang sining at ni walang kahit isang kapintasan.
He was wearing a simple white shirt, but it was very well tailored, na bumabagay sa taas at perpekto nitong pangangatawan. Kahit na nasa wheelchair ito, hindi maiaalis na meron itong nakaka-intimidate na imahe, tulad ng bulaklak na nasa taas ng bundok na hindi magagawa na malalapitan ito basta-basta ng mga tao.
"Ano?" Saglit na natigilan si Amelia. Hindi pa siya tuluyang nakakabalik sa kanyang katinuan nang muling magsalita ang estrangherong lalaki.
"Hindi ko sinasadyang marinig ang pakikipag-usap mo. Kinakailangan mong maikasal tama ba?"
Huminto ang paghinga ni Amelia at muli siyang nakaramdam ng matinding kahihiyan sa mga oras na iyon.
"Coincidentally, I am the same as you," sabi pa nito.
Bago pa makasagot si Amelia, nagpatuloy ang lalaki, mahinahon ang boses nito na parang hindi mahalagang pangyayari sa buhay ang pinag-uusapan, kundi isang business proposal lang. "Kapag pumayag ka makukuha natin ang gusto natin. May mali ba sa sinabi ko?"
Sa wakas ay nakuha na ni Amelia ang gusto nitong iparating. Ang lalaking nasa harapan niya ay gusto siyang pakasalan, pero hindi naman siya nito kilala. Ito ay talagang nakakatawa!
"Mister, hindi tayo magkakilala at hindi biro itong desisyon na inaalok mo sa'kin," aniya.
"Hindi mo rin naman kilala yung mga lalaking nakilala mo mula sa blind date diba?" Mahinahong pero direktang sagot ng lalaki.
Natigilan at hindi na naman makasagot si Amelia sa sinabi ng lalaki dahil totoo naman ang mga sinabi nito.
"Oh, I see. Minamaliit mo ba ako dahil meron akong kapansanan?" tanong nito.
"Hindi sa ganu'n," mabilis na sagot ni Amelia. Pero nang makita niya ang bahagyang pagngiti ng maitim nitong nga mata, napagtanto niyang parang pinangunahan siya ng lalaki.
"Miss," pinagkrus ng lalaki ang mga kamay at ipinatong ang mga iyon sa kanyang mga binti na nasa wheelchair, habang mataimtim itong naka tingin sa kanya. "I believe you really need this marriage. Kung sasayangin mo ang pagkakataong ito, kailan ka ulit magkakaroon ng pagkakataon?"
Inaamin ni Amelia na siya ay unti-onting nakukumbinsi ng estrangherong lalaki. Kinakailangan talaga niyang maikasal. Sa maikling salita kinakailangan niyang marehistro sa bayan na ito. Sa ganitong paraan kasi ay maaari siyang mag-aplay para sa lokal na tulong medikal at kayang bayaran ang malaking gastusin sa pagpapagamot ng kanyang ina.
Tinitigan niya ang lalaking sakay ng wheelchair na nasa kanyang harapan at tinanong ito, "Residente ka ba ng Alta Syudad?"
Tumaas ang sulok ng labi ng estrangherong lalaki. "Yes."
Hindi na muling sumagot si Amelia, at tahimik na hinawakan ng mahigpit ang libro ng pagpaparehistro sa bayan ng Alta Syudad.
Bagama't may kapansanan ang lalaking nasa harapan niya ay mas maganda ang hitsura at kilos nito kaysa sa mga mukhang dugyot na lalaking nakilala niya sa mga blind date noon.
Amelia, diba sa nakalipas na tatlong buwan, ang hinihiling mo ay makapagpakasal kaagad sa isang lokal at makakuha ng rehistro rito? Ngayon ang pagkakataon para matupad ang iyong hiling ay nasa harap mo na, ano pa ang hinihintay mo? Aniya sa kanyang isipan.
Kinagat ni Amelia ang kanyang labi, pinigilan ang huling pag-aalinlangan sa kanyang puso, kuway itinaas ang kanyang ulo at sinabing: "Okay, I'll marry you."
MAKALIPAS ang isang oras, lumabas si Amelia mula sa Civil Affairs Bureau dala ang pulang libro na nasa kanyang kamay. Pakiramdam niya sa mga oras na iyon ay para siyang lumulutang dahil tila panaginip lang ang lahat.Hindi niya akalain na magpapakasal siya ng biglaan sa isang lalaki, at sa isang lalaking kakakilala lang niya.Bumaba ang tingin ni Amelia sa marriage certificate at nakita niya sa litratong nandun at sa litarato ay magkatabi silang dalawa ng lalaki. Ang lalaki ay kalmado lang, habang siya naman ay mukhang balisa at hindi mapakali. Sa ibaba naman ng litrato ay nandoon ang pangalan nilang dalawa.Nakakatawang isipin na sa marriage certificate lang niya nalaman ang pangalan ng bago niyang asawa.Cormac Fortalejo.Isang simple ngunit maawtoridad na pangalan, na tumutugma sa pagkatao ng lalaking ito."Amelia Herera?" Nakatingin din ang lalaki sa pulang libro at dahan-dahang binasa ang pangalan ni Amelia.Ang kanyang namamaos na boses ay parang isang balahibo na humahaplos sa
SAGLIT na natigilan si Amelia bago niya napagtanto na ang dahilan kung bakit nagbihis ng maganda si Matet ay dahil sa taong iinterbyuhin nila mamayang hapon at iyon ay ang president ng F Incorporation.Ang F Incorporation ay isang maalamat at matatag na kumapanya sa buong Alta Syudad. Naitatag ang F Incorporation tatlong taon na ang nakalilipas at mabilis na nakilala sa financing industry sa bansa.Sa sumunod na tatlong maikling taon, ang kumpanyang ito ay mabilis na naging isa sa pinakamalaking family business sa bansa, at sa loob ng ilang panahon ay kapantay na ito ng tatlong kilalang kumpanyang matagal nang itinatag sa bansa.Ang presidente ng F Incorporation ay higit na kainte-interisado kaysa sa kumapanya nito mismo.Sa loob ng tatlong taon na iyon ay hindi pa alam ang mga inpormasyon tungkol sa presidenteng ito, ni walang nakakaalam ng buo nitong pangalan at hitsura. Ngunit ito ay hindi nakakaapekto sa pagiging diterminado ng lahat para makilala ang misteryosong pangulo na ito.
PAKIRAMDAM ni Amelia ay lutang ang isip niya sa mga sandaling iyon. Hindi siya naka-react nang ngitian sila ni Cormac. "Fashion magazine? Please sit down.""Ate Amelia, ano ba ang iniisip mo?"Kung hindi lang siya pinaalalahanan ni Matet na nasa tabi niya ay hindi pa siya babalik sa tamang kaisipan niya. Kurap-kurap na naupo siya sa sofa kasama ni Matet at ng iba pa.Pinagulong naman ni Cormac ang wheelchair palapit sa kanila."Mr. Fortalejo, can we start?" Excited na tanong naman ni Matet. Halatang interisado na itong may malaman tungkol sa lalaki."Please," walang emosyong sagot nito.Hindi man lang tiningnan ni Cormac si Amelia mula umpisa hanggang dulo, na para bang hindi sila magkakilalang dalawa.Dahil sa malayong ugali na pinapakita ni Cormac sa mga oras na iyon, naisip ni Amelia kung ang lalaking kaharap nila ngayon ay kamukha lang ba ng kanyang asawa na si Cormac?Tumikhim si Matet. "Um... Mr. Fortalejo, you are so mysterious that no one even knows your full name. Do you mind
SA SANDALING iyon ay naramdaman ni Amelia ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.Siya ba ang pinapahula nito? Ano naman kaya ang dapat niyang isagot? Dapat ba niyang sabihin na ikinasal na ito gayong ikinasal naman na sila?Kahit pa walang kasiguraduhan ang sasabihin niya ay kusang buka ang kanyang bibig para sagutin ang tanong nito."Y-you look handsome... I guess... I guess you're married?"Dahil sa sinabi niya ay nakaramdam siya ng pagkakunsensya at hiya at hindi na magawang tumingin pa kay Cormac. Pero mapaisipsiya. Bakit naman siya makokonsensya at mahihiya? Kasalanan ba niya na wala siyang kaalam-alam sa pagkato nito? Isa pa, ito naman ang unang nagkunwaring hindi sila magkakilala.Habang nagtatalo ang sarili at isipan ni Amelia, nakita ni Cormac ang pagbabago ng ekspresyon sa kanyang mukha.Lihim na napangiti si Cormac. Bago pa man maganap ang interview, alam na niya na si Amelia ang isa sa mag-iinterview sa kanya. Nang malaman niya na sa Fashion magazine ito nagtatarabaho ay p