“Ako pa talaga ang nag-aya? Ang landi mo, Fern!” paninermon niya pa sa sarili habang inaalala ang iba pang nangyari. “I hope you won't regret this precious night between us when you're not drunk, baby,” malambing na sabi ng lalaki. Nasa malambot na silang kama. Kahit nakapikit ay nagagawa pa rin naman makipag-usap ni Fern. Muli siyang hinalikan ng lalaki na agad niya naman tinugon. Ngayon ay kap’wa na sila parehong mapag-hanap. Naglalakbay ang mga kamay ng lalaki sa buo niyang katawan, ang init ng balat nito ay tila isang baga.Natutupok na siya ng sariling init, nadadarang na siya. Mula sa labi ay bumaba ang halik ng lalaki padausdos sa kaniyang panga pababa sa kaniyang leeg. “Uuhh…” impit na ungol niya nang padaan ng dila ng lalaki ang leeg patungo sa kaniyang collar bone. Oohhh… Ahh…” halinghing niya nang maramdaman niya ang isang palad ng lalaki na ngayon ay pumipisil at nilalamas ang isa niyang sus* Ramdam na ni Fern ang pamamasa sa pagitan ng kaniyang hita na walang hint
Pagkababa ng kotse, kahit ramdam niya ang sakit sa pagitan ng kaniyang mga hita ay pinilit niyang makapaglakad nang maayos papasok ng condominium upang puntahan ang mga kaibigang nag-iwan sa kan’ya. Pagkarating niya ay agad na siyang pumasok, nakita niya agad ang dalawa sa sala nakaupo at handa na sana niyang talakan ang dalawa nang mapansin niyang mga tulala ito. Si Vina ay magulo ang buhok at halatang kulang sa tulog, habang si Annasity naman ay panay ang buntong-hininga. Alam niyang nakita siya mga ito ngunit tila hangin lang siya ‘t ‘di man lang pinansin or tinanong kung anong nangyari sa kan'ya kagabi?“Hoy! Anong nangyari sa inyong dalawa? Bakit nagkakaganiyan kayo?” tanong niya at umupo na rin sa kabilang dulo ng sofa. “Wala na,” tila walang buhay na sambit ni Vina. “Wasak na,” naiiyak naman na sambit ni Annasity. Kumunot ang kaniyang noo dahil hindi niya maintindihan ang pinagsasabi ng dalawa. “Huh? Pinagsasabihan niyo? Anong wala? Alin ang nawasak?” “Iyong bataan ko!”“
Tulad nga ng sinabi ng kaniyang abuela, sumapit na ang araw ng kaniyang kasal.Kung para sa mga babae ay ang kasal ang pinaka-mahalaga, para kay Fern ay isang kabiguan iyon. Sinong mag-aakala na habang suot niya ang napakaganda ‘t mukhang mamahaling damit pang kasal ay kabaliktaran ang kaniyang nadarama. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niyang mangyayari ito sa kan'ya. Pero sino ba siya ngayon para umatras pa? Wala! Isa lamang siyang sunud-sunuran. “Ma’am, Fern. Tara na po, nariyan na ang bridal car,” sabi ng make-up artist na nag-ayos sa kan’ya. Kanina pa siya pinupuri nito dahil sobrang ganda raw niya, maging ang mga kasambahay ay natulala nang bumaba na siya sa hagdan. Pilit niyang ngumiti, subalit sa likod ng ngiting iyon ay ang kaniyang labis na kalungkutan. Kahit hindi rin sang-ayon ang mga kaibigan ay dumalo pa rin ang mga ito, naro'n na ito sa simbahan at naghihintay na umano sa kan'ya. Kahit paano ay alam niyang may karamay siya. Lulan na siya ng kotse patungong simbah
Nang hawakan na siya ng lalaki ay nagpigil talaga siya na hindi mahalata nito ang kaba niya, tanda rin kaya siya ng nito? 'Parang hindi na.' sabat ng kaniyang isipan. Sa bagay, matagal na umano ang minsan nilang pagtatagpo kaya marahil ay hindi na siguro siya matandaan nito.~Flash back~ Naglalakad siya noon na tila wala sa kan'yang sarili. Isang buwan matapos mailibing kasi ng mommy niya at nang araw naman na iyon ay natagpuan ang daddy niyang wala na ring buhay sa sariling silid nito. Paano na siya? malungkot ang mag-isa. Patuloy lang sa pag-agos ang kaniyang mga luha, gusto na niya umano makaramdam pa ng mas masakit, nais niya ubusin para sa susunod ay hindi na siya ulit masasaktan. Pakiramdam niya kasi ay unti-unti nang namamadhid ang puso niya pero hindi maikukubli nang kalungkutan ang kaniyang nadarama. Tumingala siya sa langit, galit siyang tumingin doon. "Ang lupit mo! Ano? Tapos ka na ba? Kinuha mo na ang mga taong mahal ko, tapos ako iiwan mo! Bakit hindi mo na ri
“W-wala, may naalala lang,” sagot niya rito. Halatang ito kumbinsido ngunit pinagpapasalamat na lamang niya na hindi na muli itong nagtanong. “Have a seat, don't be shy,” sabi pa nito at ipinaghila pa siya ng upuan.‘Gentle man.’ “T-thank you.” Makha siya sa rami ng pagkain, parang may fiesta. Dalawa lang naman sila ang kakain. “Ahmm… Tayo lang ba ang kakain nito?” “Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?” Napatigil naman ang ito sa pagsandok ng pagkain at nag-angat na nang tingin sa kan’ya. Dee“Ay, Ang ibig kong sabihin. Ang dami kasi, baka hindi maubos, sayang,” aniya. “Don't worry, nauna lang tayo sa kanila. Sabay-sabay na silang kumakain kaya walang masasayang.” Napatango na lang siya, buti naman kung gano'n. Matapos silang kumain ay hinatid na nga siya ng isa sa mga staff sa kuwarto inihanda para sa kan’ya. Nakahiga na siya sa malambot na kama, at napa-buntonghininga siya. Naisip niya na naman ang nangyari kanina, muntik na siya. “Nakituloy na ‘ko rito lahat-lahat pero hindi k
“Sobrang ganda!” bulalas niya nang maraming nila ang flat rock sa bandang dulo ng Isla. Hindi raw ito gaano nararating ng mga turista dahil gusto ni Donovan ay maging private lamang ito. Dito rin umano naglalagi ang binata kapag may problema. Sa ganda ng tanawin ay talagang mapapanatag ang kalooban at pag-iisip mo. “Yeah! Hindi ko ipagpapalit ang lugar na ‘to,” tugon naman nito sa kan'ya. “Bakit dinala mo pala ‘ko rito?” “You know, what? Puwede mong ilabas ang sama ng loob mo rito, you can freely shout at walang pipigil sa iyo.” Iniisip ng lalaki na kailangan ni Fern na lalabas ang bigat na dinadala nito. Wala man siyang alam sa ‘kung ano man ang pinagraraanan nito ay alam niyang kahit papaano ay makakatulong siya.“Lahat ng tao may pinagdadaanan sa buhay, hindi lang ikaw o maski ako. Kaya sige na, isigaw mo na. Isipin mong wala ako rito.” Inisip niya tama nga ito kaya susubukan niya. “Wala kayong kwenta! Hindi ninyo nakikita na kaya ko! Hindi ninyo ‘yon nakikita kasi binabaliw
~Fern~Bumalik ako sa wisyo nang magsalita na ang pari. Kanina pa ako nakikiramdam, hinihintay kong kumustahin niya ako kahit man lang sana, ‘Long time no see?’ pero wala!Wala tuloy akong kagana-gana sa kasal na ‘to!Wala akong naintindihan sa sermon ni father. Akala ko pa naman magiging memorable ‘to sa ‘ming dalawa nang makilala ko siya kanina. ‘Memorable naman ‘to ah!’ sabat ng isipan ko na mapang-asar. “Now, I pronounce you as a husband and wife,” sabi ni father.Whoa! Ang bilis, tapos na agad. May asawa na talaga ‘ko!“You may kiss your bride.” Magkaharap kaming dalawa at saglit kaming nagkatitigan. Wala akong mabasa at makitang emosyon sa mga mata niya. Tila nagbago siya, hindi ganito ang mata niya no'ng matitigan ko siya dati. Itinaas niya ang belo ko, napalunok ako dahil sa kabang nararamdam ko. Unti-unti niyang inilapit ang kan’yang mukha sa akin at kusa namang pumikit ang mga mata ko habang hinihintay kong dumampi ang kaniyang labi sa akin. Pero hindi– Nagmali ako nang
Nasa private plane na nga kami, hindi nga ‘yon isang prank lang. Sobrang yaman pala talaga niya! “Saan ba tayo pupunta?” “Hmmn… Paris,” tipid na sagot niya sa akin. ‘Paris, City of Love!’ Napasangot ako dahil hindi naman kami nagmamahalan. “Donovan,” tawag ko sa kan’ya. Nakaupo ito at naka-de quatro pa habang abala sa harap ng laptop niya. Nagtatrabaho na agad siya? “H-hindi mo ba talaga ako natatandaan?” hindi ko na napigilang tanungin ito. Salubong ang mga kilay nitong hinarap ako. “Nope, did we meet before? Sorry, hindi ko matandaan.” “Oo, 3 weeks ago. Dinala mo pa nga ako sa resort ninyo at nagpalipas ako ng dalawang araw doon. And then–” “Then what?” ‘Wala talaga siyang matandaan? Kainis! “Pagkagising ko na magpapaalam na sana ako sa iyo pero naunahan mo pala ako, umalis ka na at hindi ka man lang nagsabi!” “Oh– sorry, Ikaw iyong sa Batangas?” “So, tanda mo na?” “Uhmm… Yeah! Pasensiya na, araw-araw ay marami akong nakakasalamuhang tao kaya hindi ko na matan
Nang makarating si Vina sa trabaho ay agad na sinalubong na siya ni Damon nang may matamis na ngiti. "Good morning, beautiful," bati nito sa kanya at h******n na siya sa noo. "Good morning, kanina ka pa?" Yumakap siya 't nakangiting bumati rin kay Damon. "Nope, karararing ko lang. Let's date later, hmmn?" "Huh? Eh, sabi mo ay ngayon ang dating ng pinsan mo na boss ko?" "Yup, that's why I'm free. Saan mo gustong pumunta?" Tinaasan niya agad ito ng kilay. Tila ba makalimot itong siya ang secretary ng pinsan niya kaya mahinang kinurot niya si Damon sa tagiliran. "Hoy! May trabaho ako kaya hindi puwede! Hindi porket fiance kita ay basta-basta ko na lang iiwan ang obligasyon ko rito? Nakakahiya sa boss ko, ngayon pa nga lang kami magkakakilala tas iiwan ko pa!" Agad naman na nagsalubong ang kilay ni Damon sa narinig. "Bakit ka naman atat na makita iyong pinsan kong iyon?! 'Di hamak na mas guwapo naman ako ro'n!" Kung kanina ay ang sweet nila, ngayon ay tila aso 't pusa naman n
"Damon, wait for me at the company. Papunta na 'ko ngayon diyan. Tapos na ang kaso, nanalo ako. Sa ngayon ay pagtutuonan ko muna ang kumpanya habang hinahanap diyan sa Tarlac ang asawa ako," ani nito habang kausap ang pinsan na si Damon sa cellphone. Naro'n pa rin kasi ito sa Tarlac na pansamantalang pumalit sa kanya. "That's good to hear, dude! Congratulations. I hope anytime soon ay mahanap mo naman na ang asawa mo,", tugon naman ni Damon. Masaya siya para sa pinsan at mas lalong pa dahil hindi na siya magiging busy, mas magkakaro'n na siya ng time para sa fiance niyang si Vina. Nalalapit na rin ang kanilang kasal at tila hindi na siya makapaghintay pa! Sabik na rin siyang magka-anak, sa totoo ay nai-inggit siya sa anak ni Fern na kambal, isip nga niya napaka-ganda ng lalaking nang iwan rito. Paano umano na atim na pabayaan ang mag-iina? Napaka-walang puso! Kaya madalas din siya do'n bumisita dahil sobrang gaan ng loob niya saga kambal. Kung papayagan nga lang umano siya ni Fern
"Haahhhh!" Napabalikwas ng gising si Fern sa kanyang naging panaginip. Kinapa ang kanyang dibdib dahil sa bilis ng tibok no'n. "Panaginip! Panaginip lang ang lahat!" Hinihingal na sambit niya pa. Sa sobrang daming nangyari sa panaginip niya iyon ay tila ba totoo Ang pangyayaring iyon. Biglang pumasok naman si Vina sa kuwarto niya upang silipin siya. "Oh, mabuti gising ka na. Kumusta na Ang pakiramdam mo?" "A-ayos lang ako, nasa'n ang kambal?" agad na hinanap niya ang mga anak. Gusto niya iyong makita at mayakap. "Naro'n kay Tita. Grabe, nabinat ka na! Sabi ko naman sa iyo ay 'wag ka Muna magpupuyat at gisingin mo lang ako kapag hindi mo na kaya. Ayan tuloy at bumigay na iyang katawan mo! Hindi mo kakayanin ang kambal mag-isa girl," paninermon pa ni Vina sa kanya. Dahil sa pagpupuyat nga sa dalawang kambal Ng ilang gabi dahil nilagnat ang mga ito dahil sa vaccination nila at iyak nang iyak dahil masakit siguro ang tinusukan ng karayum. Nahihiya naman siya na gisingin si Vi
"Uh? Ano to?" Nanigas si Fern sa kanyang kinanatayuan nang biglang suutan siya ng blindfold ni Manang Lucia pagkatapos niyang maisuot ang gown. "Hindi ko rin alam, hija, pinag-uutos lamang ni Mr. D ang lahat sa 'kin, napaka-romantic niya hindi ba?" Halata sa boses ni Manang Lucia ang excitement."Manang, baka naman ki-kidnapin n'yo ako ah!" Ayaw niya sanang kumilos pero marahan siyang hinawakan ng ginang sa magkabila niyang balikat at dahan-dahan siyang itinulak patungo kung saan sa takot na mapatapilok dahil nakasuot din siya ng 2 inch na high heels. Kasama iyon sa loob ng box, may mga accessories pa nga pero hindi naman niya kailangan iyon.Nadinig niya ang pagbukas ng pinto. Agad sumalubong sa kanya ang hangin batid niyang dinala siya sa labas ng ginang pero wala siyang naging imik. Sumunod na lamang siya dito. Nangangapa siya kaya naman hinawakan siya sa kamay ng matanda at iginaya kung saan, sobra ang kabog ng kanyang dibdib, di niya alam kung ano ba ang nangyayari."Manang, I'm
Alas otso ng nabi nang makabalik na sila sa mansyon. Hindi nila inaasahan ang madadatnan na panauhin doon. "Anong ginagawa mo dito?" madilim ang mukha na tanong ni Doss kay Julia. Nasa labas ito at nag-aabang sa pagdating nila dahil hindi ito pinahintulutan ng mga tauhan niya na makapasok. "Nasaan ang fiance ko? Pakiusap, ilabas mo na siya, Doss!" nanikluhod si Julia sa harap nilang mag-asawa. Napakapit naman si Fern sa braso ng asawa. "Wala akong alam sa mga sinasabi mo! Bakit sa akin mo hinahanap ang lalaki mo?! matalim na saad ni Doss sa babae."Babe," mahinang bulong ni Fern. Nilingon naman siya ng lalaki. "Wag kang maniwala sa kanya, wala akong kinalaman sa kanila," paliwanag nito."Sinungaling! Damon told me everything! Pinadukot mo siya at dinala sa basement!" sigaw ni Julia habang umiiyak at matalim ang tingin sa kanila. "Huh! 'Di nga ako nagkamali, nagsabwatan pa kayong dalawa para lang masira kaming mag-asawa at ngayon pinagbibintangan mo ako na kinuha ang fiance mo?
Ang nagdaang mga araw ay naging maayos naman sa kanilang mag-asawa, gumaling na ang mga sugat niya sa buong katawan. Inalagaan talaga siyang mabuti ni Doss. Hindi din ito umaalis ng bahay paghindi siya kasama.Tungkol naman kay Damon ay ilang buwan din itong nanatili sa ospital, napuruhan daw kasi ang mga ugat nito sa kamay. Sadly, he is not able to use his both hands forever. Wala naman daw matukoy na iba pang paraan ang mga doctor Walang pag-sa ika nga , kahit sinong doctor ang tumingin sa kanya dito sa pilipinas pero hindi sumuko ang mga magulang niya. Dinala siya sa ibang bansa at Ddoon magpapatuloy ng pagpapa-gamot.Sa totoo lang ay hindi pa sapat ang ginawa ni Doss upang pagbayarin ito, kulang na kulang pa.. Pero dahil sa pakiusap at pagiging mabuting tao ni Fern ay hinayaan na lamang niya ito, wala naman na itong gagawa pa. Sana nga hindi na bumalik at muling manggulo si Damon.About a month ago, pinagtapat ni Doss ang lihim sa asawa ukol sa tita at pinsan niya. Matagal na pal
"Why are you hesitating now? Come on! Just shoot me!" Pangdedemonyo pa ni Damon sa pinsan na nagbabaga ang tingin." I will.. But, not now. You need to pay more than to be killed. I will make sure na gugustuhin mo na lang mamatay kesa mabuhay sa gagawin ko sayo... " Kahit umaalon na ang dibdib ni Doss sa galit ukol sa pinsan ay pinanghawakan na lamang niya ang mga sinabi ni Fern.Oo, hindi siya masama! Kailangan na niyang talikuran ang lahat at harapin ang bukas ng payapa kasama ang asawa at magiging anak nila.Lumayo siya sa hindi makagalaw na si Damon. Napansin din nila na malapit nang mag-umaga dahil med'yo lumiliwanag na ang buong paligid.Samantala hindi na kinaya ni Fern ang sakit at pagod sa kanyang buong katawan kaya naman nawalan na siya ng malay tao. Mabuti na lamang at maagap siyang naalalayan ni Franco. Bumagsak siya sa mga bisig ng lalaki.Nakahinga naman ng maluwag si Franco nang lubayan na ni Doss si Damon. Mas nakita na niya ang lubhang pagkabahala ng pinsan ng makitan
Laka-takbo ang ginawa ni Doss. Pinakikiramdaman niya ang buong paligid. Ni hindi na niya alam kung saan na siya napadpad, nagbabaka-sakali na makasulobong at makita si Fern."Fern!" tawag niya nang malakas sa kabuuan ng gubat.Samantala napahinto naman si Damon sa paghila kay Fern nang marinig ang malakas na sigaw ni Doss."S*hit!" mura niya dahil alam niyang malapit na malapit lang ang pinsan, baka magkasalubong pa sila nito.DOSS! TULONG! NANDITO AKO!" malakas na sigaw ni Fern nang marinig niya rin ang sigaw ng asawa, nagkapag-asa siya dahil buong akala niya ay walang maghahanap at makakatulong. Kung gano'n, ito ala ang sumugod sa mansyon ni Damon, siya kaya ang nagpaputok ng baril kanina?"Tumahmik ka sabi eh!" gigil na tinapalan ni Damon ng kamay niya ang bibig ni Fern. Nagpumiglas siya hangga 't kaya niya lalo na at aLam niyang nasa paligid lamang si Doss, ililigtas siya nito.Kinagat niya ang kamay ni Damon, napabitiw ito sa kanya at napamura sa sakit. Agad na sana siyang tatakb
Pigil hininga si Fern habang bumaba. Kapit na kapit siya sa pinagdugtong-dugtong na kumot. Parang ang puso niya ay naunang mahuhulog dahil sa sobrang kaba. 'Breath in breath out Kaya mo 'yan Fern!' 'Wag kang bibitaw kung hindi siguradong bali-bali ang lahat ng buto mo sa katawan. Tanging piping dasal na lamang ang nagawa niya habang pa tuloy sa dahan-dahang pagbaba.Hanggang sa makarinig siya ng isang malakas na putok. Sobrang sakit sa tainga! Napasigaw at muntik na siyang mapabitaw sa tela dahil sa takot. It's familiar, it's a gun fire!! Lalo siyang kinabahan ng may makitang anino na papalapit at sisilip sa bintana nang mga oras na iyon ay hindi na niya alam ang gagawin. She look down to measure how high she will fall if she tries to let go of the blankets.Med'yo mataas pa ang puwesto niya.Nalula pa siya kaya agad din siyang nagbawi ng tingin mula sa baba. "Diyos ko, tulungan niyo po ako!" mahinang usal niya.. Napapitlag pa siya ng marinig ang sunod sunod pang putukan mula kung s