Share

Chapter 6 - Encounter

Nang hawakan na siya ng lalaki ay nagpigil talaga siya na hindi mahalata nito ang kaba niya, tanda rin kaya siya ng nito?

'Parang hindi na.' sabat ng kaniyang isipan.

Sa bagay, matagal na umano ang minsan nilang pagtatagpo kaya marahil ay hindi na siguro siya matandaan nito.

~Flash back~

Naglalakad siya noon na tila wala sa kan'yang sarili. Isang buwan matapos mailibing kasi ng mommy niya at nang araw naman na iyon ay natagpuan ang daddy niyang wala na ring buhay sa sariling silid nito.

Paano na siya? malungkot ang mag-isa.

Patuloy lang sa pag-agos ang kaniyang mga luha, gusto na niya umano makaramdam pa ng mas masakit, nais niya ubusin para sa susunod ay hindi na siya ulit masasaktan. Pakiramdam niya kasi ay unti-unti nang namamadhid ang puso niya pero hindi maikukubli nang kalungkutan ang kaniyang nadarama.

Tumingala siya sa langit, galit siyang tumingin doon.

"Ang lupit mo! Ano? Tapos ka na ba? Kinuha mo na ang mga taong mahal ko, tapos ako iiwan mo! Bakit hindi mo na rin ako kunin para kasama ko pa rin sila! Ito na 'ko oh, bawiin mo na rin ang buhay ko. Ayuko na!" malakas na sigaw niya.

Nasa gilid siya nang kalsada, at, nang marinig niya ang malakas na busina ng sasakyan ay tila nagpanting ang tenga niya. Tila ba siya 'y nasabik doon. Sa isip niya ay iyon na ang paraan para makasama ang parents niya.

Handa na sana niyang salubungin ang malaking truck nang bigla may humablot sa maliit niyang katawan. Konti na lang, malapit na sana iyon nang may pakialamerong pumigil sa kaniya.

“Miss, ano ka ba naman?!

Bumagsak silang dalawa sa lupa at bahagya pang napadaing ang lalaking pakialamero, siya ay hindi naman nasaktan dahil pumaibabaw lang naman siya rito. Nang mapansin niya ang kanilang posisyon ay dali-dali siya umalis sa pagkadaghan rito at sumalampak na lamang siya sa lupa.

“Hindi mo ba ako naririnig na kanina pa kita tinatawag?” tanong pa nito sa kan'ya. Pareho silang hinihingal dahil sa bilis nang pangyayari.

“Pakialam mo ba?! asik niya sa lalaki dahil batid sa boses nito ang pagkainis.

‘Sino ba kasing may sabi na pigilang niya ‘ko? Epal!’

“‘Wow! So, really? Are you out of your f*cking mind? Hindi mo ba alam na maraming kang naaabala sa ginagawa mo?”

Ang akala niya pa naman ay concern ito sa kan'ya kaya siya pinigilan sa kaninang binabalak, iyon pala ay dahil nakakaabala lamang siya.

“Sino ba kasing nagsabi na pigilan mo ‘ko, aber? Dapat sana ay hinayaan mo na ‘ko dahil iyon ang gusto ko!”

“‘Yon na nga eh! Dapat wala talaga akong pakialam. Pero, hindi kasi ako tulad mo. Tumingin ka muna sa paligid mo bago ka gumawa nang bagay na unang-una mali! Pangalawa, nam’werwisyo ka pa!”

Napalunok siya ng sariling laway, inibot niya nga ang paningin at namilog ang kaniyang mga mata nang maraming tao ang nakatingin at may mga sasakyan pa na nagsitigil.

‘Shock’s! Dahil sa akin ‘to? God, anong nagawa ko?’

Napapikit siya nang maalala ang kagagahang ginawa kanina. Kung sakaling nasagasaan nga siya ay malamang, lasog-lasog na ang katawan niya ngayon. Agad siyang kinilabutan sa scenario na pumasok sa kaniyang isipan.

‘Ang sakit no’n!’

Nakita niya ang lalaki na kinakausap ang driver

ng truck at isang enforcer. Hiyang-hiya siya sa ginawa.

“Here, uminom ka muna.” Iniabot ng lalaki sa kan'ya ang bottle water na agad niya namang kinuha at ininom, ngayon ay tila nanginginig siya sa takot at kaba.

“Come on, sumama ka sa akin,” ani nito sa kanya at inilahad ang isang kamay nito upang patayuin siya. Tiningala niya ang lalaki at gano'n na lamang ang gulat niya sumabalit hindi naman niya ipinahalata.

Ang guwapo kasi nang lalaking kaharap niya ngayon. Makalaglag panty! Med’yo mahaba ang buhok na tumatabon ng kaunti na noo nito. Tila nag slow motion pa ang paligid nang biglang umihip ang malamig na hangin at tinangay ang buhok nito.

Sa paningin niya ay tila nagliliwanag pa ito.

“Hey, ayos ka lang?”

“H-ha? O-oo, ayos lang ako,” nais niya pang sampalin ang sarili dahil nautal pa siya sa pagsagot rito.

‘Shit! Sana hindi niya nahalata na natulala ako sa kan’ya!’

“Okay, I assure you that I'm not a bad person. Hindi lang kita kayang iwan dito dahil hindi kaya ng konseniya ko matapos kong makita iyong ginawa mo kanina. So, please… Give me peace of mind. Ihahatid na kita sa inyo,” malumanay pa na sabi nito sa kan’ya. Na-antig naman siya at tila hinaplos ang puso niya sa sinserong sinabi nito.

Tinanggap niya ang kamay nito upang makatayo at inakay na siya nito patungong koste. Nang nasa loob na sila ay agad na sinuot na niya ang seatbelt.

Tahimik lang siya habang ang lalaki naman ay panay ang titig sa kan'ya ngunit wala naman sinasabi. Hanggang sa nakaramdam siya nang pamimigat ng kan’yang mga talukap sa mata at mayamaya nga ay ginupo na siya ng antok.

Ilang oras din nakatulog si Fern nang makaramdam siya ng mahihinang tapik sa kan'yang balikat. Unti-unti naman niyang iminulat ang mga mata, agad na bumungad sa kan'ya ang guwapong mukha ng lalaki kaya napabalikwas naman siya agad ng bangon at umupo nang maayos.

“Nandito na tayo, how do you feel now?”

“Nasaan na tayo?” tanong niya dahil hindi niya kilala ang lugar kung nasaan man sila ngayon.

“Nasa resort ko tayo, let's go. Gutom na ‘ko at alam kong gano'n ka na rin,” aya nito at nauna nang lumabas. Agad din siya nitong pinagbuksan nang pinto kaya sumunod na rin siya.

‘Nasa resort niya kami? Anong gagawin namin dito?’

“Good evening, Sir,” bati ng staff ng makapasok na kami.

“Ay, may kasama po pala kayo. Good evening, ma’am,” bati rin sa kan'ya kaya ngumiti siya sa mga ito.

“Ready na ba ang ipinahanda kong room para sa kan’ya?”

“Yes, Sir. Nakahanda na rin po ang pagkain ninyo sa lamesa,” tugon naman ng isa. Bumaling naman sa kan'ya ang lalaki.

“Come, let's have a dinner first para makapagpahinga ka na muna. Ipapahid kita sa room mo after, okay?”

‘Shems! Ganito ba talaga siya? Lakas makapogi ah!’

“Sige,” tanging tugon niya. Kanina lang ay nagmamaldita pa siya rito pero ngayon ay hiyang-hiya na siya.

‘Patutulugin niya ‘ko rito sa resort niya plus pinakain pa ‘ko. Anong kapalit nito, Fern? Kapag humingi siya ng kapalit anong ibibigay mo?’ kausap siya sa sarili.

Sa guwapo ba naman nito, baka magpalahi pa siya! Hindi niya namalayang tumatawa na pala siya dahil sa kung ano-anong pumapasok sa kaniyang isipan.

“What's funny?” tanong nito sa kan'ya. Tumigil na pala ito sa paglalakad kaya nabangga pa siya sa lingod nito.

‘Paktay!’

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status