Share

Chapter 5 - Siya

Tulad nga ng sinabi ng kaniyang abuela, sumapit na ang araw ng kaniyang kasal.

Kung para sa mga babae ay ang kasal ang pinaka-mahalaga, para kay Fern ay isang kabiguan iyon.

Sinong mag-aakala na habang suot niya ang napakaganda ‘t mukhang mamahaling damit pang kasal ay kabaliktaran ang kaniyang nadarama.

Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niyang mangyayari ito sa kan'ya. Pero sino ba siya ngayon para umatras pa? Wala! Isa lamang siyang sunud-sunuran.

“Ma’am, Fern. Tara na po, nariyan na ang bridal car,” sabi ng make-up artist na nag-ayos sa kan’ya. Kanina pa siya pinupuri nito dahil sobrang ganda raw niya, maging ang mga kasambahay ay natulala nang bumaba na siya sa hagdan. Pilit niyang ngumiti, subalit sa likod ng ngiting iyon ay ang kaniyang labis na kalungkutan.

Kahit hindi rin sang-ayon ang mga kaibigan ay dumalo pa rin ang mga ito, naro'n na ito sa simbahan at naghihintay na umano sa kan'ya.

Kahit paano ay alam niyang may karamay siya.

Lulan na siya ng kotse patungong simbahan, hinihiling na sana ay hindi siya magustuhan ng lalaking pakakasalan, o ‘di kaya ‘y may biglang sumigaw upang matigil ang kasal. Kung ano-ano ang pumapasok sa kaniyang isipan kaya hindi na niya namalayang nasa simbahan na sila.

“Narito na po tayo, ma’am,” sabi ng driver.

“A-ah…salamat, po.”

Nang nasa tarangkahan na siya ay dahan-dahang bumukas ang malaking pinto ng simbahan kasabay ng wedding song. Ani mo’y para talaga sa dalawang taong nagmamahalan.

Dahan-dahan siyang naglakad, wala na ang parents niya kaya walang maghahatid sa kan'ya sa altar, nanubig ang kaniyang mga mata dahil pangarap niya noon na kapag ikinasal siya ay ang kaniyang daddy ang maghahatid sa kan'ya sa lalaking ihaharap siya sa altar.

Pero wala na, hindi na mangyayari pa.

“Puwede bang kami na lang ang maghatid sa napakagandang bride na ito?” Nagulat siya nang biglang sumulpot ang dalawang kaibigan at naiiyak ring niyakap siya.

“Kayo talaga, salamat dahil nandito kayong dalawa,” pasasalamat niya.

“Siyempre naman, sa hirap at ginawa. Hindi ka namin iiwan, ‘no!” ani naman ni Vina.

“Hanggang kamatayan pa nga! Nasaan na ba iyang lalaking pakakasalan mo at uunahin ko na!” Sabay silang nagtawanan. Kahit papaano ay sumaya siya sa raw na ito.

Naglalakad na silang tatlo sa gitna nang nahapin ng kaniyang mga mata kung sino ang lalaking pakakasalan. Bigla naman may sumulpot doon na tila bagong dating lang.

Tila tumigil ang oras nang mapag-sino niya ang lalaki. Bumilis ang tibok ng puso niya, dumadagundong sa kalabog. Hindi nga lamang ba umano siya namamalik mata?

‘Nananaginip ba ‘ko?’

Ilang hakbang na lamang ay naro'n na silang tatlo. Kahit nanlalambaot ang kaniyang tuhod ay pinilit niyang ihakbang ang mga paa. Samo ‘t sari ang kaniyang nararamdaman sa ngayon, ngunit nang sinimulan na niyang maglakad ay napatigil siya maging si Vina dahil kay Annasity.

Nilingon nila ito ni Vina. “Anna, anyare sa iyo at natulala ka na?” mahinang bulong rito ni Vina.

“Anna, okay ka lang?” tanong niya na rin sa kaibigan na nasa kung saan ang titig.

“A-ah– Ha? O-oo naman, tara na,” nauutal naman na sagot nito at tila namumutla pa.

Nagpatuloy na nga sila hanggang sa binatawan na siya ng dalawa. May lumapit naman sa kan'ya na isang may edad na babae, hula niya ay ito ang amiga ng kaniyang abuela.

“You're so beautiful, Iha. Welcome to the family,” masayang sabi nito at b****o sa kan’ya.

Kita niya sa mga ng matanda na totoo ang ngiting iginawad nito sa kan'ya at magaan ang kaniyang pakiramdam.

“Salamat po,” tanging nasabi niya dahil hindi niya naman alam pa ang pangalan nito.

“Oh, just call me. Grandma, iyan ang tawag sa akin ng apo ko.” Tumango siya at ngumiti sa matanda.

“Okay po, Grandma. Salamat po sa pagtanggap mo sa akin,” sinserong aniya.

“No worries, apo. Ayun na rin ang apo ko, he's coming. Bigyan niyo agad ako ng apo sa tuhod ah?” Kumindat pa ito sa kan'ya kaya kamuntik pa siyang matapilok nang sasalubungin na niya sana ang lalaki.

Maagap naman siya nitong nasalo. “Hey! Are you okay?” dinig niya ang pagsinghap ng mga tao na naroon.

Nakayapos ito sa kaniyang baiwang habang siya naman ay nakahilig na parang sa fairytale at gustong halikan ng kaniyang Prince Charming.

“Apo, mamaya na iyan! Naghihintay na si Father.” Pareho naman silang natauhan sa kanilang puwesto kaya dali-dali silang umayos ng tayo.

“Let's go.” Hinawakan na siya nito sa kamay at inalalayan patungong altar.

‘Mahal ko, hindi mo ba ako natatandaan?’

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
BINI_AIAH
Sana bukas meron na
goodnovel comment avatar
BINI_AIAH
Abangan ko to
goodnovel comment avatar
BINI_AIAH
Update na po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status