Share

Chapter 4 - Sinapit

Pagkababa ng kotse, kahit ramdam niya ang sakit sa pagitan ng kaniyang mga hita ay pinilit niyang makapaglakad nang maayos papasok ng condominium upang puntahan ang mga kaibigang nag-iwan sa kan’ya.

Pagkarating niya ay agad na siyang pumasok, nakita niya agad ang dalawa sa sala nakaupo at handa na sana niyang talakan ang dalawa nang mapansin niyang mga tulala ito. Si Vina ay magulo ang buhok at halatang kulang sa tulog, habang si Annasity naman ay panay ang buntong-hininga.

Alam niyang nakita siya mga ito ngunit tila hangin lang siya ‘t ‘di man lang pinansin or tinanong kung anong nangyari sa kan'ya kagabi?

“Hoy! Anong nangyari sa inyong dalawa? Bakit nagkakaganiyan kayo?” tanong niya at umupo na rin sa kabilang dulo ng sofa.

“Wala na,” tila walang buhay na sambit ni Vina.

“Wasak na,” naiiyak naman na sambit ni Annasity. Kumunot ang kaniyang noo dahil hindi niya maintindihan ang pinagsasabi ng dalawa.

“Huh? Pinagsasabihan niyo? Anong wala? Alin ang nawasak?”

“Iyong bataan ko!”

“Iyong flower ko!” sabay na bulalas ng dalawa habang ngumangawa sa harap niya. Natigilan siya sa nalaman, kung gano'n ay pare-pareho pa talaga sila nang sinapit.

‘Hmmn…hindi na masama! Wala nang virgin sa pamilyang ‘to!’

Nang tumahan na sa wakas ang dalawa ay sinita na siya ni Vina.

“Ikaw, babaita? Saan ka nagpunta kagabi? Bigla ka na lang nawala ah.” Irap nito sa kan'ya.

“Oo nga! Akala namin umuwi ka na.”

Humugot na muna siya ng malalim na paghinga. “Ano pa nga ba? Tulad niyo rin, sinuko ko rin itong bataan,” pag-amin niya.

“Ano?! sabay na tanong at nagkatinginan pa sina Vina at Annasity bago siya balingan.

“Accckkkk! Hindi na tayo virgin!” tumili ang dalawa at nagtatalon sa saya..

“P*****a kayong dalawa! Naka-drugs ba kayo? Kanina lang ang babalahura niyong tingnan at muntik ko pa kayong kaawaan. Umamin nga kayo sa ‘kin,” singhal niya sa dalawa. Walang na ang bakas ng lungkot sa mga mukha ng dalawa ‘di tulad kanina.

“Magkuwento ka dali!” agad na hinila naman siya ni Annasity na ngayon ay magkakalapit na silang tatlo.

‘Mga chismosa!’

“Tsupee! Walang akong sasabihin. Pagtapos ninyo kong iwan, no way!”

“Ang damot mo! Mabuntis ka sana!” reklamong tuya ni Annasity. Ang totoo ay hindi pa siya handang magkuwento, kahit siya ay hindi makapaniwalang nagawa ang bagay iyon.

“Daks ba?” pagulat na tanong pa ni Annasity sa kan'ya pero nanatiling tikom ang bibig niya.

Sunod-sunod na doorbell naman ang nagpatigil sa kanila kaya nagtataka si Vina dahil wala naman siyang ina-asahang bisita.

“Sandali ha. Sino naman kaya ‘to?”

“Magandang umaga po, ma’am,” bati ng lalaking hindi kilala.

“Yes, sino po sila?”

“Ah, pinapasundo po ni Madam Coni si Ma’am Fern, kailangan niya na pong umuwi,” magalang na sabi nito.

“A-ah, sandali lang po. Tawagin ko lang si Fern.”

“Fern! Anog gagawin mo? Nariyan ang tauhan ng lola mo, pinasundo ka na raw,” natatarantang sabi pa nito.

Bagsak ang balikat ni Fern, alam niyang ipapahanap talaga siya ng abuelal niya kaya wala na talaga siyang kawala.

“Hayaan niyo na, sasama na ako pauwi,” malungkot na sambit niya sa mga kaibigan. Susundin na lamang niya ang kagustuhan ng abuela.

“Hala, sure ka? Magpapakasal ka na talaga?” nag-aalalang tanong pa ni Vina.

“No, choice eh. Bahala na.” Tuluyan na siyang nagpaalam sa mga kaibigan. Malungkot at nag-aalala sa kan'ya ang mga ito ngunit tulad niya ay wala rin naman silang magagawa.

Nang makauwi siya ng mansyon ay naro'n ang kaniyang abuela. Prenteng nakaupo, napaka-supestika nito at hindi makikitaan ng emosyon, malamig siyang tinitigan nito habang papalapit siya.

“Kung hindi pa kita ipinasundo ay wala kang balak umuwi!”

“Sorry po, dumalaw lang naman po ako sa mga kaibigan ko,” hinging paumanhin niya.

“Dumalaw, o binalak mong tumakas?” napaangat siya nang tingin sa abuela. “,wala ka nang magagawa pa dahil matutuloy ang kasal. Inayos na iyon ng amiga ko at sa susunod na linggo na,” pinal na sabi pa nito.

“Lola? Ang bilis naman po, yata? Hindi ko pa nga nakikita at nakikilala man lang iyong sinasabi ninyo, kasal na agad? Bigyan niyo naman po muna kami ng panahon upang makilala ang isa’t isa.”

“Sa araw ng kasal niyo na kayo kailangang magkita! Wala nang oras, hindi na rin naman kayo teen ager para sa getting to know each other na iyan. Be mature and cooperate, Fern.”

Wala na siyang masabi pa! Ibang klase ang abuela niya.

“Excuse me, po. Kailangan ko pang matulog. Wala na rin naman pala akong magagawa,” walang gana niya pang sabi bago magpaalam sa abuela.

“Okay, take some rest. Mas magandan iyan para mas lalo kang maganda sa araw ng inyong kasal. I'm happy and I’m sure that your parents are also proud of your decision.” Umikot ang mga mata niya nang talikuran ang abuela.

‘Proud my ass!’

Hindi naman na namalayan ng lalaki kung anong oras na siya nagising kinabukasan, kung hindi pa ito nakadama ng gutom ay hindi pa ito babangon.

Hindi gaanong masakit ang ulo dahil sapat ang naging tulog, bigla niyang naalala ang nangyari sa nagdaang gabi kaya may sumilay na ngiti sa kaniyang labi.

Ngunit nang lingunin ang akala’y tulog na katabi ay wala na ito roon.

“Where is she?” mahinang sambit na hinanap ang babae. Agad siyang tumayo upang tingnan sa banyo ang dalaga ngunit wala rin ito. Pagbalik niya sa kama ay agad na napansin niya ang pulang marka mula sa dalaga. He is her first at inaamin niyang masaya siya roon.

“Tsk. I dont even get her name or number, instead! How bastard am I? Baka kung ano isipin niya sa ‘kin,” para siyang timang na kausap ang sarili.

Napasabunot siya sa kaniyang buhok dahil sa inis. Seryoso siya sa dalaga, unang kita niya pa lang ay alam niyang nahuli na nito ang puso niya.

Naputol ang pag-iisip niya nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Nang makita kung sino ang tumatawag ay napatampal siya sa kaniyang noo.

“Shit!

“Where the hell are you, bastard? It's almost lunch, grandma is waiting!” hindi pa siya nagsasalita ay iyon na agad ang bungad sa kan'ya ng kapatid.

“I'm on my way. Do you really miss me like that much, hmmn?” pang-aasar niya sa kausap na pinalambing pa niya ang boses pagkasabi.

“Just die, f*cker!”

Humalakhak siya dahil alam niyang napipikon na naman iyon sa kan'ya. Kahit hindi na niya naabutan ang dalaga ay hindi naman ito nawawala sa isipan niya. Masiyadong maganda ang araw na ‘to para sa kan’ya.

‘’Don't worry baby, I have my ways to find you.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status