~Fern~Bumalik ako sa wisyo nang magsalita na ang pari. Kanina pa ako nakikiramdam, hinihintay kong kumustahin niya ako kahit man lang sana, ‘Long time no see?’ pero wala!Wala tuloy akong kagana-gana sa kasal na ‘to!Wala akong naintindihan sa sermon ni father. Akala ko pa naman magiging memorable ‘to sa ‘ming dalawa nang makilala ko siya kanina. ‘Memorable naman ‘to ah!’ sabat ng isipan ko na mapang-asar. “Now, I pronounce you as a husband and wife,” sabi ni father.Whoa! Ang bilis, tapos na agad. May asawa na talaga ‘ko!“You may kiss your bride.” Magkaharap kaming dalawa at saglit kaming nagkatitigan. Wala akong mabasa at makitang emosyon sa mga mata niya. Tila nagbago siya, hindi ganito ang mata niya no'ng matitigan ko siya dati. Itinaas niya ang belo ko, napalunok ako dahil sa kabang nararamdam ko. Unti-unti niyang inilapit ang kan’yang mukha sa akin at kusa namang pumikit ang mga mata ko habang hinihintay kong dumampi ang kaniyang labi sa akin. Pero hindi– Nagmali ako nang
Nasa private plane na nga kami, hindi nga ‘yon isang prank lang. Sobrang yaman pala talaga niya! “Saan ba tayo pupunta?” “Hmmn… Paris,” tipid na sagot niya sa akin. ‘Paris, City of Love!’ Napasangot ako dahil hindi naman kami nagmamahalan. “Donovan,” tawag ko sa kan’ya. Nakaupo ito at naka-de quatro pa habang abala sa harap ng laptop niya. Nagtatrabaho na agad siya? “H-hindi mo ba talaga ako natatandaan?” hindi ko na napigilang tanungin ito. Salubong ang mga kilay nitong hinarap ako. “Nope, did we meet before? Sorry, hindi ko matandaan.” “Oo, 3 weeks ago. Dinala mo pa nga ako sa resort ninyo at nagpalipas ako ng dalawang araw doon. And then–” “Then what?” ‘Wala talaga siyang matandaan? Kainis! “Pagkagising ko na magpapaalam na sana ako sa iyo pero naunahan mo pala ako, umalis ka na at hindi ka man lang nagsabi!” “Oh– sorry, Ikaw iyong sa Batangas?” “So, tanda mo na?” “Uhmm… Yeah! Pasensiya na, araw-araw ay marami akong nakakasalamuhang tao kaya hindi ko na matan
Nakatulog ako dahil sa sobrang lamig siguro ng kuwarto ko at sa pagod na rin kaiisip ng mga gagawin ko para kay Donovan. ‘Hindi naman siguro ako mukhang dead na dead sa kan'ya nito. ‘no?’ kausap ko na naman sa sarili. Malapit nang gumabi kaya nakikita ko na ang maganda tanawin mula sa iba ‘t ibang ilaw ng mga gusali. Tumunog ang cellphone at may tumatawag, unknown number. “Sino naman kaya ‘to?” agad ko na itong sinagot. “Hello?” “I'm here at the lobby, I'll wait for you here. Bilisan mo lang,” pagkasabi niya no'n ay agad na ring pinatay ni hindi pa nga ako nakapagsalita Aba! Manunuro na talaga siya! Pakiramdam ko ay umuusok ang ilong ko sa inis. Napaka-antipatiko niya! Kaya habang pababa ako sa lobby ay nakabusangot pa rin ako. “What's with that beautiful face?” Hindi ko siya sinagot at pinaikutan ko pa siya ng mga mata ko. “Let's enjoy our first night here in Paris. Come on, I know the place on how to make you smile.”Habang bumabyahe kami ay nasa labas lang ang tingin ko, a
Sa isang abandonadong gusali naman ay naro'n ang isang lalaki. Matalim ang tingin nito sa kawalan, kung hindi lang sana pumalpak ang gunggong na tauhan niya ay wala na sana siyang problema. Kinuha nito ang cellphone sa bulsa at agad na tinipa ang cellphone number ng tauhang pinapahanap niya sa isang taong magiging tinik sa kaniyang lalamunan. “Any update?! singhal nito agad sa tauhan. “Boss, negative. Magaling po magtago ang lalaking iyon. Palagay din namin ay may tumutulong sa kan’ya,” saad nito sa kabilang linya. “Wala akong pakialam! Sa tingin mo, iyan ang gusto kong malaman? Bilisan ninyo! Iisang tao lang hindi niyo pa madispatsa! Hindi ko kayo binabayaran para lang sa katangahan. Mga bobo!” Binalibag nito ang kaniyang cellphone sa kung saan. Sumimsim ito ng alak at ang tapang ng lasa no’n ay kasing tapang din ng kaniyang anyo.Mala-demonyo! “Pagsisisihan mong kinalaban mo ako kung sino ka man!”“Boss,” tawag rito ng kaniyang tauhan kaya agad niya naman nitong binalingan. “
~Some one's Pov~Nalaman nilang may sumusunod sa kanila ng ilan sa mga tauhan niya. Kagagaling niya lang sa isang meeting with his client, matagal na kasi iyon at palagi na lang nire-re-schedule. Wala ang kapatid niya at dapat na personal niyang makausap ang client niya dahil baka biglang magback out. “Nasundan ka ba?” tanong ng kaibigan niya nang tumawag ito sa kan’ya. “Hindi! Mukhang nailigaw naman namin sila,” tugon niya. Halang talaga ang kaluluwa ng taong iyon! Paano niya na-atim na saktan ang sariling pamilya? “Good. Please, dude. ‘Wag ka na munang lumabas dahil nagkalat ang mga tauhan ng demonyong ‘yon! Balita nga sa tao ko, pinasabog daw nito ang bungo ng isa nitong tauhan kanina lang.” Kumunot ang noo niya kung bakit?“Bakit niya ginawa iyon?”“Nagtanong kasi ito umano kung sigurado na itoto sa susunod na target niya at hindi niya iyon nagustuhan.” Biglang siyang nag-aalala, “Sino raw ang bagong target?”“Delikado, dude! Anak no'ng pinapatay niya at siyempre importante s
Makalipas ang isang linggo ay nakabalik na sina Fern at Donovan sa pinas. Sa bagong bahay nila sila tumuloy at talaga namang namangha siya sa laki nito. “Wow! Ang ganda! The best talaga si Grandma,” masayang sambit niya. Mas lalo siyang nasiyahan nang magtungo siya sa garden. Malawak iyon, mahilig siya sa mga halaman kaya nasaisip na niya kung paano ito pagagandahin. “Fern, are you fine alone here? I need to visit the company.” ‘Seryoso? Iiwan niya ‘kong mag-isa rito?’“Kararating lang natin, ah. Work agad?” “May kailangan akong asikasuhin. Wanna come with me?” Pero naisip kong wala naman akong gagawin doon. Kasasabi Niya lang na may aasikasuhin siya, maboboring lang ako. “Hmmn… Okay lang ba na bisitahin mo si Lola? Hindi ko pa kasi siya nakakausap ulit eh.”“Sure, ihahatid na kita. Tara?” Agad na kaming natungo sa kotse niya at pinagbuksan ako nito ng pinto para sumakay. Gentleman talaga siya, lihim naman akong kinikilig sa upuan ko. “Anong oras ka uuwi?” tanong niya. “Hindi
Nang malapit nang gumabi at hindi pa rin nakauwi ang lola ni Fern ay nagpaalam na itong umuwi, nauna na rin kanina ang uncle Fernan niya habang ang uncle Franco naman niya ay naiwan sa mansion. Nag-message siya kay Donovan na pauwi na siya at agad naman itong tumawag sa kan’ya. Hindi nga siya nito masusundo dahil marami pa itong tinatapos sa na-pending nitong trabaho.Nang ipapapsundo na lamang sana umano siya sa driver nito ay agad na niyang tinanggihan dahil siya na lamang umano mag-isa ang uuwi at malapit lang naman. Hindi pa agad pumayag ang asawa niya pero nagpumilit siyang ‘wag na talaga hangang sa nakumbinsi na nga niya ito. Nag-aabang siya ng sasakyan nang may namataan siyang naka-mutorsiklo. Itim ang buong suot nito maging ang mukha at mga mata lamang ang makikita, gano'n na lamang ang gulat niya sa ginawa ng naka-mutor dahil nakita niyang may dinukot ito sa loob ng damit, namilog ang mga mata niya nang makitang baril iyon. Habang papalapit ito ay halos hindi rin siya maka
“Fern!”“Vina!” Agad na sinalubog niya ito ng mahigpit na yakap at kahit papaano ay naibsan ang takot na nadama simula pa kanina. “Ayos ka lang ba? Diyos ko, nakakagulat ka na lang palagi kapag tumawag. Ano na ba ang nangyayari sa iyo? Nakaraan ay arranged marriage, ngayon naman ay may gusto ka ipa-patay. Maloloka na yata ako sa iyo, girl! Baka sa susunod ay tawagan na naman akong nakaburol ka na,” hindi napigilang talak ni Vina sa kan’ya sa sobrang pag-aalala at mauunaan niya naman ito. “Isama mo na muna ako sa iyo, puwede ba? Natatakot akong mag-isa sa bahay.”“Gaga! Kailangan pa bang ipaikusap iyan? Kahit doon ka pa tumira! Teka, nasaan ang asawa mo? Anong sabi niya tungkol rito?” Salubong ang kilay nitong tanong sa kan’ya.“W-wala–”“ANO? Aba’y putang *Ina pala iyang napangasawa mo eh!”“Vina, it's not what you think. Patapusin mo muna kasi ako ‘di ba?” “Ay, oo nga, sorry. Go!” “Wala pa siyang alam, at parang ayaw ko munang sabihin,” paliwanag niya. Ayaw niya na kasing mag-ala