Share

Chapter 7 - Tour guide

“W-wala, may naalala lang,” sagot niya rito. Halatang ito kumbinsido ngunit pinagpapasalamat na lamang niya na hindi na muli itong nagtanong.

“Have a seat, don't be shy,” sabi pa nito at ipinaghila pa siya ng upuan.

‘Gentle man.’

“T-thank you.”

Makha siya sa rami ng pagkain, parang may fiesta. Dalawa lang naman sila ang kakain.

“Ahmm… Tayo lang ba ang kakain nito?”

“Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?” Napatigil naman ang ito sa pagsandok ng pagkain at nag-angat na nang tingin sa kan’ya.

Dee

“Ay, Ang ibig kong sabihin. Ang dami kasi, baka hindi maubos, sayang,” aniya.

“Don't worry, nauna lang tayo sa kanila. Sabay-sabay na silang kumakain kaya walang masasayang.” Napatango na lang siya, buti naman kung gano'n.

Matapos silang kumain ay hinatid na nga siya ng isa sa mga staff sa kuwarto inihanda para sa kan’ya.

Nakahiga na siya sa malambot na kama, at napa-buntonghininga siya. Naisip niya na naman ang nangyari kanina, muntik na siya.

“Nakituloy na ‘ko rito lahat-lahat pero hindi ko man lang nagtanong ang pangalan niya, bukas na nga lang,” sambit niya muna bago na siya ulit dumalaw nang antok.

Nagising siya kinaumagahan dahil sa sunod-sunod na doorbell. Nang sinilip niya sa kaniyang cellphone kung anong oras na nga ba ay pasado alas nuebe na pala ng umaga.

“Hala, napasarap ang tulog ko.”

Bumangon na siya agad at binuksan ang pinto. Muntik na niyang isara ulit ang pinto nang makita ang lalaki sa labas ng pinto, bagong ligo na ito at sumalubong sa kaniyang ilong ang mabagong amoy nito lalo na ang gamit nitong sabon panligo na humahalo sa pabango nito. Naramdaman siya bigla ng hiya.

“Good morning, how's your sleep?” bati nito at ngumiti pa ng makalaglag panty.

‘Kalma ang garter!’

“Hi! Good morning, din. Sorry ha? Tinanghali ako nang gising eh,” nahihiyang hingi niya ng paumanhin.

“No, it's alright. By the way, what's your name?”

‘Aba, naunahan akong magtanong.’

“I'm Zarina Fern Arceta,” pakilala niya.

“Nice, name. And I'm Donovan La Guardia,” pakilala rin nito at inilahad ang kamay sa kan’ya.

‘Pangalan pa lang, lakas maka-pogi!’

“Nice to meet you!” alanganing ani niya dahil ni naman maganda ang pagtatagpo nila. Narinig niya ang mahinang tawa nito kaya ayon na naman ang pahkatulala niya sa lalaki.

“Mauna na ‘ko sa baba. The breakfast is ready, Zarina.” Tumalikod na ito agad at naiwan siyang parang ewan. Dahan-dahan naman niya isinara ang pinto at dumirecho na si Cr upang maligo.

“Hala! Wala nga pala akong pamalit, paano ako nito magbibihis?”

Muling tumunog ang doorbell, nagmadali pa siyang pagbuksan iyon dahil baka si Donovan na iyon, ngunit hindi. Ang isa sa straff iyon atay ibinigay sa kan’yang paper bag.

“Pinapabigay po ni, Sir.”

“Salamat.”

Nang tingnan Niya ang laman ay damit iyon para sa kan’ya at underwear. Nagpapasalamat siya dahil akala niya ay wala siyang pamalit. Nahihiya naman siya na bumaba roon sa gano'n pa rin ang kaniyang damit.

Tatlong klase iyon ng flowy dress at ang kulay dilaw ang napili niyang suotin. Maganda at sakto lang sa kan'ya, lalo siyang pumiti dahil sa kulay no’n at malamig din ang tela nito. Hinayaan na niya nakalugay ang basang buhok, nang matapos at agad na siya bumaba.

“Sorry, natagalan.”

“You look good,” sabi nito at pinasadahan siya ng tingin. Biglang uminit ang mukha niya kaya agad siyang yumuko para hindi mahalata ng binata.

.

“Thank you nga pala dito.”

“Your welcome, kumain na tayo at may pupuntahan tayo.”

“Ha? Saan?”

“Ililibot kita sa Isla, I'm your tour guide for today,” sabi pa nito na may nakakahawang ngiti kaya maging siya ay napangiti na lang din.

‘Hindi lang siya guwapo, ang bait din. Sarap jowain!’

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status