Makalipas ang isang linggo ay nakabalik na sina Fern at Donovan sa pinas. Sa bagong bahay nila sila tumuloy at talaga namang namangha siya sa laki nito. “Wow! Ang ganda! The best talaga si Grandma,” masayang sambit niya. Mas lalo siyang nasiyahan nang magtungo siya sa garden. Malawak iyon, mahilig siya sa mga halaman kaya nasaisip na niya kung paano ito pagagandahin. “Fern, are you fine alone here? I need to visit the company.” ‘Seryoso? Iiwan niya ‘kong mag-isa rito?’“Kararating lang natin, ah. Work agad?” “May kailangan akong asikasuhin. Wanna come with me?” Pero naisip kong wala naman akong gagawin doon. Kasasabi Niya lang na may aasikasuhin siya, maboboring lang ako. “Hmmn… Okay lang ba na bisitahin mo si Lola? Hindi ko pa kasi siya nakakausap ulit eh.”“Sure, ihahatid na kita. Tara?” Agad na kaming natungo sa kotse niya at pinagbuksan ako nito ng pinto para sumakay. Gentleman talaga siya, lihim naman akong kinikilig sa upuan ko. “Anong oras ka uuwi?” tanong niya. “Hindi
Nang malapit nang gumabi at hindi pa rin nakauwi ang lola ni Fern ay nagpaalam na itong umuwi, nauna na rin kanina ang uncle Fernan niya habang ang uncle Franco naman niya ay naiwan sa mansion. Nag-message siya kay Donovan na pauwi na siya at agad naman itong tumawag sa kan’ya. Hindi nga siya nito masusundo dahil marami pa itong tinatapos sa na-pending nitong trabaho.Nang ipapapsundo na lamang sana umano siya sa driver nito ay agad na niyang tinanggihan dahil siya na lamang umano mag-isa ang uuwi at malapit lang naman. Hindi pa agad pumayag ang asawa niya pero nagpumilit siyang ‘wag na talaga hangang sa nakumbinsi na nga niya ito. Nag-aabang siya ng sasakyan nang may namataan siyang naka-mutorsiklo. Itim ang buong suot nito maging ang mukha at mga mata lamang ang makikita, gano'n na lamang ang gulat niya sa ginawa ng naka-mutor dahil nakita niyang may dinukot ito sa loob ng damit, namilog ang mga mata niya nang makitang baril iyon. Habang papalapit ito ay halos hindi rin siya maka
“Fern!”“Vina!” Agad na sinalubog niya ito ng mahigpit na yakap at kahit papaano ay naibsan ang takot na nadama simula pa kanina. “Ayos ka lang ba? Diyos ko, nakakagulat ka na lang palagi kapag tumawag. Ano na ba ang nangyayari sa iyo? Nakaraan ay arranged marriage, ngayon naman ay may gusto ka ipa-patay. Maloloka na yata ako sa iyo, girl! Baka sa susunod ay tawagan na naman akong nakaburol ka na,” hindi napigilang talak ni Vina sa kan’ya sa sobrang pag-aalala at mauunaan niya naman ito. “Isama mo na muna ako sa iyo, puwede ba? Natatakot akong mag-isa sa bahay.”“Gaga! Kailangan pa bang ipaikusap iyan? Kahit doon ka pa tumira! Teka, nasaan ang asawa mo? Anong sabi niya tungkol rito?” Salubong ang kilay nitong tanong sa kan’ya.“W-wala–”“ANO? Aba’y putang *Ina pala iyang napangasawa mo eh!”“Vina, it's not what you think. Patapusin mo muna kasi ako ‘di ba?” “Ay, oo nga, sorry. Go!” “Wala pa siyang alam, at parang ayaw ko munang sabihin,” paliwanag niya. Ayaw niya na kasing mag-ala
Nang nasa kotse na sila, bago pa-andarin ni Donovan iyon ay kaagad niya itong hinawakan sa braso. “Ahmm…sandali lang.”“Why?” Nilingon naman siya nito at hinintay ang sasabihin niya. “Puwede bang dumirecho na tayo sa bahay? Gusto ko na lang magpahinga,” aniya dahil bigla sumakit ang ulo niya. “You sure? Paano–”“Akala ko ba ay tinawagan ka na kanina? May hindi pa ba sila sinabi sa iyo? Ang sabi kasi ng police na kausap ay tatawagan nila ako kapag may update na sila,” hindi niya mapigilang inis na sabi. Parang may iba sa ikinikilos ng asawa niya o baka talaga nag-aalala lang ito sa kan’ya. “O-okay.” Tahimik na lamang siya buong byahe at may malalim na iniisip sa kung sino ang taong gusto siyang ipa-patay. Mas lalo lang sumakit ang ulo niya kaya ang nais na pag-idlip niya sana ay hindi na nagawa. Nang makarating na sila sa kanila at napansin ni Donovan ang paghilot niya sa sintido habang nakasandal siya sa headboard. “Fern, what's wrong?”‘Fern na lang? Hindi na babe?’ singit ng
Makalipas ang tatlong araw ay tumawag na kay Fern ang police inspector upang ipaalam sa kan’ya ang balita tungkol sa lalaking nagtangka sa kan'ya. Ang buong akala niya ang maganda ang ibabalita nito sa kan’ya subalit mas lalo lamang itong na-alararma dahil hindi pa rin umano sila makahanap ng lead of information. “P-paano na po iyon? Hindi pa rin ako ligtas?” kinakabahan na tanong niya sa police. “Yes ma’am, mas mabuting doble ingat din po kayo dahil hindi natin alam kung kailan ulit babalik ang taong iyon.”“Sige, maraming salamat po.”“‘Wag ka po mag-alala, ma’am. Tututukan namin itong kaso na ito. Tatawag na lang po ako ulit.” Napaupo na lamang siya habang hawak ang kaniyang dibdib. Bakit ba ito nangyayari sa kan’ya? Ni minsan ay wala naman siyang nakaaway kahit no’ng nag-aaral pa lang siya. Gustuhin man niyang lumabas ay natatakot siya, nais sana nitong pumunta sa mga kaibigan. Gusto niya ng makakausap upang maimbasan sana ang kaniyang kaba. Dumagdag pa sa kaniyang isipin ang
~Fern’s Pov~“Donovan…” Inabangan ko talaga siya ngayong umaga dahil hindi ko na man lang ito nakakausap. Aba! Mag-asawa pa rin kami kaya dapat na malaman ko kung ano ang nangyayari sa kan’ya. Ramdam kong may nagbagong kakaiba at gusto kong malaman. Napahinto siya at lumingon sa akin. Tila gulat pa siya nang makita ako kaya napataas ang isang kilay ko. Iniiwasan niya ba talaga ako? Sinasad'ya niya kung gano'n! “Fern, nariyan ka pala. Sorry at hindi kita napansin. Good morning,” bati niya. “Good morning, mukhang nagmamadali ka ah. Napapansin kong masiyado kang busy at hindi na tayo nagkakasabay kumain. Kailan ka free?” tanong ko. Ngunit biglang iniwas lamang nito ang tingin sa akin at sinipat ang wrist watch niya.“Ah– I have to go, Fern. Will talk some other time, okay? May imi-meet akong client this morning.” “Pero–” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na lamang ako nitong Iwan. Napaisip tuloy ako, paano kaya kung dalhan ko siya ng lunch para at sabay kaming kumain.
~Fern’s Pov~Kararating ko lang dito sa bahay, pasado 7 pm na ako umuwi dahil doon na rin kaming tatlo nag-dinner. Sobrang saya ko ngayong araw lalo pa’t alam ko na ang dadalhin kong ulam bukas para kay Donavan. Ngayon pa lang ay kinikilig na ‘ko dahil baka sakaling kapag natikman na niya ang niluto ko plus iyong effort ko pa ay baka bigla nitong mapagtanto na in-love talaga siya sa akin. Napapangiti tuloy akong mag-isa rito at pasayaw-sayaw na parang ballerina. Pero mas maganda sana kung isinasayaw niya ko na tila isang prinsesa habang ito naman ang aking prinsipe. “Hay! Sana nga mangyari iyon! Gusto ko pa naman mahawakan ang six packs abs niya, mukhang sarap– Ay masarap ka!” “Me?” Duro nito sa kaniyang sarili. Walang hiya! Kanina pa ba siya nanonood sa akin? Sheesh nakakahiya!Nakatayo kasi ito sa gilid ng pinto habang may pilyong ngiti sa kaniyang labi. “K-kanina ka pa riyan? B-bakit hindi ko narinig ang sasakyan mo?”Tumabingi ang ulo niya at humawak pa sa siya kaniyang baba a
Napabalikwas ako nang bangon dahil sa isang panaginip. Ang lalaking pinagbigyan ko ng aking sarili, kung alam ko lang na si Donovan ang mapapangasawa ko ay hindi ko sana ginawa ang kagagahang iyon!‘Bakit ko siya napapaginipan?’ Ni hindi ko na nga inaalala pa ang gabing iyon kaya nakapagtatakang lumitaw ito sa panaginip ko.‘Baka iniisip ka!’ Nakaramdam ako nang panunuyo sa aking lalamunan kaya nagpasya akong bumaha upang magtungo sa kusina para makainom ng malamig na tubig. Hindi ko rin naman maitatanggi ang epekto sa akin ng panaginip kong iyon at hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil nakadama ako ng pananabik. Napanguso naman ako dahil paano naman mangyayari iyon? Eh, hindi nga kami nagtatabi na mag-asawa. Napa-buntonghininga na lamang ako ‘t kumuha ng malamig na tubig sa ref at agad ko itong tinungga. “Hay… Sarap!” sambit ko nang napawi ang pagkauhaw. Nang makuntento na ako ay agad na rin akong lumabas sa kusina para makabalik na sa aking silid ngunit laking gulat ko nang
Nang makarating si Vina sa trabaho ay agad na sinalubong na siya ni Damon nang may matamis na ngiti. "Good morning, beautiful," bati nito sa kanya at h******n na siya sa noo. "Good morning, kanina ka pa?" Yumakap siya 't nakangiting bumati rin kay Damon. "Nope, karararing ko lang. Let's date later, hmmn?" "Huh? Eh, sabi mo ay ngayon ang dating ng pinsan mo na boss ko?" "Yup, that's why I'm free. Saan mo gustong pumunta?" Tinaasan niya agad ito ng kilay. Tila ba makalimot itong siya ang secretary ng pinsan niya kaya mahinang kinurot niya si Damon sa tagiliran. "Hoy! May trabaho ako kaya hindi puwede! Hindi porket fiance kita ay basta-basta ko na lang iiwan ang obligasyon ko rito? Nakakahiya sa boss ko, ngayon pa nga lang kami magkakakilala tas iiwan ko pa!" Agad naman na nagsalubong ang kilay ni Damon sa narinig. "Bakit ka naman atat na makita iyong pinsan kong iyon?! 'Di hamak na mas guwapo naman ako ro'n!" Kung kanina ay ang sweet nila, ngayon ay tila aso 't pusa naman n
"Damon, wait for me at the company. Papunta na 'ko ngayon diyan. Tapos na ang kaso, nanalo ako. Sa ngayon ay pagtutuonan ko muna ang kumpanya habang hinahanap diyan sa Tarlac ang asawa ako," ani nito habang kausap ang pinsan na si Damon sa cellphone. Naro'n pa rin kasi ito sa Tarlac na pansamantalang pumalit sa kanya. "That's good to hear, dude! Congratulations. I hope anytime soon ay mahanap mo naman na ang asawa mo,", tugon naman ni Damon. Masaya siya para sa pinsan at mas lalong pa dahil hindi na siya magiging busy, mas magkakaro'n na siya ng time para sa fiance niyang si Vina. Nalalapit na rin ang kanilang kasal at tila hindi na siya makapaghintay pa! Sabik na rin siyang magka-anak, sa totoo ay nai-inggit siya sa anak ni Fern na kambal, isip nga niya napaka-ganda ng lalaking nang iwan rito. Paano umano na atim na pabayaan ang mag-iina? Napaka-walang puso! Kaya madalas din siya do'n bumisita dahil sobrang gaan ng loob niya saga kambal. Kung papayagan nga lang umano siya ni Fern
"Haahhhh!" Napabalikwas ng gising si Fern sa kanyang naging panaginip. Kinapa ang kanyang dibdib dahil sa bilis ng tibok no'n. "Panaginip! Panaginip lang ang lahat!" Hinihingal na sambit niya pa. Sa sobrang daming nangyari sa panaginip niya iyon ay tila ba totoo Ang pangyayaring iyon. Biglang pumasok naman si Vina sa kuwarto niya upang silipin siya. "Oh, mabuti gising ka na. Kumusta na Ang pakiramdam mo?" "A-ayos lang ako, nasa'n ang kambal?" agad na hinanap niya ang mga anak. Gusto niya iyong makita at mayakap. "Naro'n kay Tita. Grabe, nabinat ka na! Sabi ko naman sa iyo ay 'wag ka Muna magpupuyat at gisingin mo lang ako kapag hindi mo na kaya. Ayan tuloy at bumigay na iyang katawan mo! Hindi mo kakayanin ang kambal mag-isa girl," paninermon pa ni Vina sa kanya. Dahil sa pagpupuyat nga sa dalawang kambal Ng ilang gabi dahil nilagnat ang mga ito dahil sa vaccination nila at iyak nang iyak dahil masakit siguro ang tinusukan ng karayum. Nahihiya naman siya na gisingin si Vi
"Uh? Ano to?" Nanigas si Fern sa kanyang kinanatayuan nang biglang suutan siya ng blindfold ni Manang Lucia pagkatapos niyang maisuot ang gown. "Hindi ko rin alam, hija, pinag-uutos lamang ni Mr. D ang lahat sa 'kin, napaka-romantic niya hindi ba?" Halata sa boses ni Manang Lucia ang excitement."Manang, baka naman ki-kidnapin n'yo ako ah!" Ayaw niya sanang kumilos pero marahan siyang hinawakan ng ginang sa magkabila niyang balikat at dahan-dahan siyang itinulak patungo kung saan sa takot na mapatapilok dahil nakasuot din siya ng 2 inch na high heels. Kasama iyon sa loob ng box, may mga accessories pa nga pero hindi naman niya kailangan iyon.Nadinig niya ang pagbukas ng pinto. Agad sumalubong sa kanya ang hangin batid niyang dinala siya sa labas ng ginang pero wala siyang naging imik. Sumunod na lamang siya dito. Nangangapa siya kaya naman hinawakan siya sa kamay ng matanda at iginaya kung saan, sobra ang kabog ng kanyang dibdib, di niya alam kung ano ba ang nangyayari."Manang, I'm
Alas otso ng nabi nang makabalik na sila sa mansyon. Hindi nila inaasahan ang madadatnan na panauhin doon. "Anong ginagawa mo dito?" madilim ang mukha na tanong ni Doss kay Julia. Nasa labas ito at nag-aabang sa pagdating nila dahil hindi ito pinahintulutan ng mga tauhan niya na makapasok. "Nasaan ang fiance ko? Pakiusap, ilabas mo na siya, Doss!" nanikluhod si Julia sa harap nilang mag-asawa. Napakapit naman si Fern sa braso ng asawa. "Wala akong alam sa mga sinasabi mo! Bakit sa akin mo hinahanap ang lalaki mo?! matalim na saad ni Doss sa babae."Babe," mahinang bulong ni Fern. Nilingon naman siya ng lalaki. "Wag kang maniwala sa kanya, wala akong kinalaman sa kanila," paliwanag nito."Sinungaling! Damon told me everything! Pinadukot mo siya at dinala sa basement!" sigaw ni Julia habang umiiyak at matalim ang tingin sa kanila. "Huh! 'Di nga ako nagkamali, nagsabwatan pa kayong dalawa para lang masira kaming mag-asawa at ngayon pinagbibintangan mo ako na kinuha ang fiance mo?
Ang nagdaang mga araw ay naging maayos naman sa kanilang mag-asawa, gumaling na ang mga sugat niya sa buong katawan. Inalagaan talaga siyang mabuti ni Doss. Hindi din ito umaalis ng bahay paghindi siya kasama.Tungkol naman kay Damon ay ilang buwan din itong nanatili sa ospital, napuruhan daw kasi ang mga ugat nito sa kamay. Sadly, he is not able to use his both hands forever. Wala naman daw matukoy na iba pang paraan ang mga doctor Walang pag-sa ika nga , kahit sinong doctor ang tumingin sa kanya dito sa pilipinas pero hindi sumuko ang mga magulang niya. Dinala siya sa ibang bansa at Ddoon magpapatuloy ng pagpapa-gamot.Sa totoo lang ay hindi pa sapat ang ginawa ni Doss upang pagbayarin ito, kulang na kulang pa.. Pero dahil sa pakiusap at pagiging mabuting tao ni Fern ay hinayaan na lamang niya ito, wala naman na itong gagawa pa. Sana nga hindi na bumalik at muling manggulo si Damon.About a month ago, pinagtapat ni Doss ang lihim sa asawa ukol sa tita at pinsan niya. Matagal na pal
"Why are you hesitating now? Come on! Just shoot me!" Pangdedemonyo pa ni Damon sa pinsan na nagbabaga ang tingin." I will.. But, not now. You need to pay more than to be killed. I will make sure na gugustuhin mo na lang mamatay kesa mabuhay sa gagawin ko sayo... " Kahit umaalon na ang dibdib ni Doss sa galit ukol sa pinsan ay pinanghawakan na lamang niya ang mga sinabi ni Fern.Oo, hindi siya masama! Kailangan na niyang talikuran ang lahat at harapin ang bukas ng payapa kasama ang asawa at magiging anak nila.Lumayo siya sa hindi makagalaw na si Damon. Napansin din nila na malapit nang mag-umaga dahil med'yo lumiliwanag na ang buong paligid.Samantala hindi na kinaya ni Fern ang sakit at pagod sa kanyang buong katawan kaya naman nawalan na siya ng malay tao. Mabuti na lamang at maagap siyang naalalayan ni Franco. Bumagsak siya sa mga bisig ng lalaki.Nakahinga naman ng maluwag si Franco nang lubayan na ni Doss si Damon. Mas nakita na niya ang lubhang pagkabahala ng pinsan ng makitan
Laka-takbo ang ginawa ni Doss. Pinakikiramdaman niya ang buong paligid. Ni hindi na niya alam kung saan na siya napadpad, nagbabaka-sakali na makasulobong at makita si Fern."Fern!" tawag niya nang malakas sa kabuuan ng gubat.Samantala napahinto naman si Damon sa paghila kay Fern nang marinig ang malakas na sigaw ni Doss."S*hit!" mura niya dahil alam niyang malapit na malapit lang ang pinsan, baka magkasalubong pa sila nito.DOSS! TULONG! NANDITO AKO!" malakas na sigaw ni Fern nang marinig niya rin ang sigaw ng asawa, nagkapag-asa siya dahil buong akala niya ay walang maghahanap at makakatulong. Kung gano'n, ito ala ang sumugod sa mansyon ni Damon, siya kaya ang nagpaputok ng baril kanina?"Tumahmik ka sabi eh!" gigil na tinapalan ni Damon ng kamay niya ang bibig ni Fern. Nagpumiglas siya hangga 't kaya niya lalo na at aLam niyang nasa paligid lamang si Doss, ililigtas siya nito.Kinagat niya ang kamay ni Damon, napabitiw ito sa kanya at napamura sa sakit. Agad na sana siyang tatakb
Pigil hininga si Fern habang bumaba. Kapit na kapit siya sa pinagdugtong-dugtong na kumot. Parang ang puso niya ay naunang mahuhulog dahil sa sobrang kaba. 'Breath in breath out Kaya mo 'yan Fern!' 'Wag kang bibitaw kung hindi siguradong bali-bali ang lahat ng buto mo sa katawan. Tanging piping dasal na lamang ang nagawa niya habang pa tuloy sa dahan-dahang pagbaba.Hanggang sa makarinig siya ng isang malakas na putok. Sobrang sakit sa tainga! Napasigaw at muntik na siyang mapabitaw sa tela dahil sa takot. It's familiar, it's a gun fire!! Lalo siyang kinabahan ng may makitang anino na papalapit at sisilip sa bintana nang mga oras na iyon ay hindi na niya alam ang gagawin. She look down to measure how high she will fall if she tries to let go of the blankets.Med'yo mataas pa ang puwesto niya.Nalula pa siya kaya agad din siyang nagbawi ng tingin mula sa baba. "Diyos ko, tulungan niyo po ako!" mahinang usal niya.. Napapitlag pa siya ng marinig ang sunod sunod pang putukan mula kung s