Pagkababa ng kotse, kahit ramdam niya ang sakit sa pagitan ng kaniyang mga hita ay pinilit niyang makapaglakad nang maayos papasok ng condominium upang puntahan ang mga kaibigang nag-iwan sa kan’ya. Pagkarating niya ay agad na siyang pumasok, nakita niya agad ang dalawa sa sala nakaupo at handa na sana niyang talakan ang dalawa nang mapansin niyang mga tulala ito. Si Vina ay magulo ang buhok at halatang kulang sa tulog, habang si Annasity naman ay panay ang buntong-hininga. Alam niyang nakita siya mga ito ngunit tila hangin lang siya ‘t ‘di man lang pinansin or tinanong kung anong nangyari sa kan'ya kagabi?“Hoy! Anong nangyari sa inyong dalawa? Bakit nagkakaganiyan kayo?” tanong niya at umupo na rin sa kabilang dulo ng sofa. “Wala na,” tila walang buhay na sambit ni Vina. “Wasak na,” naiiyak naman na sambit ni Annasity. Kumunot ang kaniyang noo dahil hindi niya maintindihan ang pinagsasabi ng dalawa. “Huh? Pinagsasabihan niyo? Anong wala? Alin ang nawasak?” “Iyong bataan ko!”“
Tulad nga ng sinabi ng kaniyang abuela, sumapit na ang araw ng kaniyang kasal.Kung para sa mga babae ay ang kasal ang pinaka-mahalaga, para kay Fern ay isang kabiguan iyon. Sinong mag-aakala na habang suot niya ang napakaganda ‘t mukhang mamahaling damit pang kasal ay kabaliktaran ang kaniyang nadarama. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niyang mangyayari ito sa kan'ya. Pero sino ba siya ngayon para umatras pa? Wala! Isa lamang siyang sunud-sunuran. “Ma’am, Fern. Tara na po, nariyan na ang bridal car,” sabi ng make-up artist na nag-ayos sa kan’ya. Kanina pa siya pinupuri nito dahil sobrang ganda raw niya, maging ang mga kasambahay ay natulala nang bumaba na siya sa hagdan. Pilit niyang ngumiti, subalit sa likod ng ngiting iyon ay ang kaniyang labis na kalungkutan. Kahit hindi rin sang-ayon ang mga kaibigan ay dumalo pa rin ang mga ito, naro'n na ito sa simbahan at naghihintay na umano sa kan'ya. Kahit paano ay alam niyang may karamay siya. Lulan na siya ng kotse patungong simbah
Nang hawakan na siya ng lalaki ay nagpigil talaga siya na hindi mahalata nito ang kaba niya, tanda rin kaya siya ng nito? 'Parang hindi na.' sabat ng kaniyang isipan. Sa bagay, matagal na umano ang minsan nilang pagtatagpo kaya marahil ay hindi na siguro siya matandaan nito.~Flash back~ Naglalakad siya noon na tila wala sa kan'yang sarili. Isang buwan matapos mailibing kasi ng mommy niya at nang araw naman na iyon ay natagpuan ang daddy niyang wala na ring buhay sa sariling silid nito. Paano na siya? malungkot ang mag-isa. Patuloy lang sa pag-agos ang kaniyang mga luha, gusto na niya umano makaramdam pa ng mas masakit, nais niya ubusin para sa susunod ay hindi na siya ulit masasaktan. Pakiramdam niya kasi ay unti-unti nang namamadhid ang puso niya pero hindi maikukubli nang kalungkutan ang kaniyang nadarama. Tumingala siya sa langit, galit siyang tumingin doon. "Ang lupit mo! Ano? Tapos ka na ba? Kinuha mo na ang mga taong mahal ko, tapos ako iiwan mo! Bakit hindi mo na ri
“W-wala, may naalala lang,” sagot niya rito. Halatang ito kumbinsido ngunit pinagpapasalamat na lamang niya na hindi na muli itong nagtanong. “Have a seat, don't be shy,” sabi pa nito at ipinaghila pa siya ng upuan.‘Gentle man.’ “T-thank you.” Makha siya sa rami ng pagkain, parang may fiesta. Dalawa lang naman sila ang kakain. “Ahmm… Tayo lang ba ang kakain nito?” “Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?” Napatigil naman ang ito sa pagsandok ng pagkain at nag-angat na nang tingin sa kan’ya. Dee“Ay, Ang ibig kong sabihin. Ang dami kasi, baka hindi maubos, sayang,” aniya. “Don't worry, nauna lang tayo sa kanila. Sabay-sabay na silang kumakain kaya walang masasayang.” Napatango na lang siya, buti naman kung gano'n. Matapos silang kumain ay hinatid na nga siya ng isa sa mga staff sa kuwarto inihanda para sa kan’ya. Nakahiga na siya sa malambot na kama, at napa-buntonghininga siya. Naisip niya na naman ang nangyari kanina, muntik na siya. “Nakituloy na ‘ko rito lahat-lahat pero hindi k
“Sobrang ganda!” bulalas niya nang maraming nila ang flat rock sa bandang dulo ng Isla. Hindi raw ito gaano nararating ng mga turista dahil gusto ni Donovan ay maging private lamang ito. Dito rin umano naglalagi ang binata kapag may problema. Sa ganda ng tanawin ay talagang mapapanatag ang kalooban at pag-iisip mo. “Yeah! Hindi ko ipagpapalit ang lugar na ‘to,” tugon naman nito sa kan'ya. “Bakit dinala mo pala ‘ko rito?” “You know, what? Puwede mong ilabas ang sama ng loob mo rito, you can freely shout at walang pipigil sa iyo.” Iniisip ng lalaki na kailangan ni Fern na lalabas ang bigat na dinadala nito. Wala man siyang alam sa ‘kung ano man ang pinagraraanan nito ay alam niyang kahit papaano ay makakatulong siya.“Lahat ng tao may pinagdadaanan sa buhay, hindi lang ikaw o maski ako. Kaya sige na, isigaw mo na. Isipin mong wala ako rito.” Inisip niya tama nga ito kaya susubukan niya. “Wala kayong kwenta! Hindi ninyo nakikita na kaya ko! Hindi ninyo ‘yon nakikita kasi binabaliw
~Fern~Bumalik ako sa wisyo nang magsalita na ang pari. Kanina pa ako nakikiramdam, hinihintay kong kumustahin niya ako kahit man lang sana, ‘Long time no see?’ pero wala!Wala tuloy akong kagana-gana sa kasal na ‘to!Wala akong naintindihan sa sermon ni father. Akala ko pa naman magiging memorable ‘to sa ‘ming dalawa nang makilala ko siya kanina. ‘Memorable naman ‘to ah!’ sabat ng isipan ko na mapang-asar. “Now, I pronounce you as a husband and wife,” sabi ni father.Whoa! Ang bilis, tapos na agad. May asawa na talaga ‘ko!“You may kiss your bride.” Magkaharap kaming dalawa at saglit kaming nagkatitigan. Wala akong mabasa at makitang emosyon sa mga mata niya. Tila nagbago siya, hindi ganito ang mata niya no'ng matitigan ko siya dati. Itinaas niya ang belo ko, napalunok ako dahil sa kabang nararamdam ko. Unti-unti niyang inilapit ang kan’yang mukha sa akin at kusa namang pumikit ang mga mata ko habang hinihintay kong dumampi ang kaniyang labi sa akin. Pero hindi– Nagmali ako nang
Nasa private plane na nga kami, hindi nga ‘yon isang prank lang. Sobrang yaman pala talaga niya! “Saan ba tayo pupunta?” “Hmmn… Paris,” tipid na sagot niya sa akin. ‘Paris, City of Love!’ Napasangot ako dahil hindi naman kami nagmamahalan. “Donovan,” tawag ko sa kan’ya. Nakaupo ito at naka-de quatro pa habang abala sa harap ng laptop niya. Nagtatrabaho na agad siya? “H-hindi mo ba talaga ako natatandaan?” hindi ko na napigilang tanungin ito. Salubong ang mga kilay nitong hinarap ako. “Nope, did we meet before? Sorry, hindi ko matandaan.” “Oo, 3 weeks ago. Dinala mo pa nga ako sa resort ninyo at nagpalipas ako ng dalawang araw doon. And then–” “Then what?” ‘Wala talaga siyang matandaan? Kainis! “Pagkagising ko na magpapaalam na sana ako sa iyo pero naunahan mo pala ako, umalis ka na at hindi ka man lang nagsabi!” “Oh– sorry, Ikaw iyong sa Batangas?” “So, tanda mo na?” “Uhmm… Yeah! Pasensiya na, araw-araw ay marami akong nakakasalamuhang tao kaya hindi ko na matan
Nakatulog ako dahil sa sobrang lamig siguro ng kuwarto ko at sa pagod na rin kaiisip ng mga gagawin ko para kay Donovan. ‘Hindi naman siguro ako mukhang dead na dead sa kan'ya nito. ‘no?’ kausap ko na naman sa sarili. Malapit nang gumabi kaya nakikita ko na ang maganda tanawin mula sa iba ‘t ibang ilaw ng mga gusali. Tumunog ang cellphone at may tumatawag, unknown number. “Sino naman kaya ‘to?” agad ko na itong sinagot. “Hello?” “I'm here at the lobby, I'll wait for you here. Bilisan mo lang,” pagkasabi niya no'n ay agad na ring pinatay ni hindi pa nga ako nakapagsalita Aba! Manunuro na talaga siya! Pakiramdam ko ay umuusok ang ilong ko sa inis. Napaka-antipatiko niya! Kaya habang pababa ako sa lobby ay nakabusangot pa rin ako. “What's with that beautiful face?” Hindi ko siya sinagot at pinaikutan ko pa siya ng mga mata ko. “Let's enjoy our first night here in Paris. Come on, I know the place on how to make you smile.”Habang bumabyahe kami ay nasa labas lang ang tingin ko, a