Share

Kidnapped by the Billionaire After Divorce
Kidnapped by the Billionaire After Divorce
Penulis: Rigel Star

CHAPTER 1: When He's Gone

PILIT NA IWINAWAKSI ni Liberty sa kanyang isipan ang mga malalaswang larawan na aksidente niyang nakita sa cellphone ni Duncan. Sana’y hindi niya na rin nabasa ang matatamis na mensaheng makasisira sa relasyon nilang mag-asawa. 

Nang mga sandaling iyon, gusto niyang pagtuunan lang ng pansin ang bawat haplos at halik na ipinadarama nito sa ibabaw ng kama. Ngunit, paano kung sa bawat pagdampi ng kamay ni Duncan sa kanyang katawan, ay may kirot sa dibdib siyang nararamdaman?

Nang mas bumaba pa ang halik ng asawa, walang pagdadalawang-isip na pinahinto niya ito. 

“Let’s talk, Duncan.”

Hinawi niya ang kamay nito nang magtangkang muli siyang hawakan.

“Love, let’s do the talking here in bed—”

“No!” 

“What is it again, Liberty?” naiinis na tanong nito at umalis sa pagkakaibabaw sa kanya.

Saglit niya itong tinitigan. Pilit na binabasa. Ngunit, habang nakatingin siya rito, hindi niya maiwasang mapatanong kung kilala niya ba talaga ang asawa? Sa limang taon na pagiging magkarelasyon nila at tatlong taon na pagiging mag-asawa, alam niya na ba talaga ang lahat?

“If you don’t want to talk, let’s continue—”

Akmang hahalik itong muli sa kanya nang umiwas muli si Liberty. 

“May babae ka ba, Duncan?” diretsahang tanong niya sa asawa. 

“W-wala!” mabilis nitong sagot. “Bakit naman ako magloloko sa ‘yo? Naghirap kayo akong manligaw sa ‘yo!”

“R-really?” 

“Love, baka aksidenteng ipinadala lang sa ‘yo ang mga hubad na larawang iyon? O kaya, aksidenteng ipinasa sa ‘yo kaya—”

“Hindi ko sa ‘yo sinabi na mensahe ng hubad na katawan ang ipinadala sa akin. Ako pa lang ang nakakakita niyon dahil nasa banyo ka kanina, Duncan.”

Bakas kay Duncan ang pagkabigla. Hindi rin ito makapaniwala na sa sariling bibig mismo ito mahuhuli.

“I swear to my ancestors, hindi ako manloloko, Liberty!” 

Nang mga sandaling iyon, nagsimula ng mag-unahan sa pagtulo ang kanyang luha….

“Love, alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko—”

“Enough with your lies, Duncan,” galit niyang sabi sa asawa. “Get out of here. Hindi kita kayang makita ngayon,” may diin niyang sabi sa asawa.

Hindi ito makapaniwalang nakatingin sa kanya. Nang sa huli, may pagkainis na tumayo ito sa higaan kasabay nang pagkalampag ng pinto noong makalabas. 

Kung gaano katagal na nakatingin si Liberty sa kawalan ay hindi niya alam. Patuloy lang sa pagtulo ang kanyang luha habang maraming tanong na sabay-sabay na pumapasok sa kanyang isipan.

Saan ba siya nagkamali?

Kailan pa siya nito niloloko?

May pagkukulang ba siya sa asawa kaya nagawa nitong magloko?

Hindi niya na ba ito napapaligaya kaya sa iba hinanap ang kaligayahan?

Maraming tanong ngunit kahit isa roon ay hindi mabigyan ng kasagutan…

Kung hindi pa tumunog ang kanyang cellphone baka nilalamon pa rin si Liberty ng maraming katangungan.

“H-hello?” 

“Alam mo ba kung nasaan ang asawa mo ngayon?” 

Bahagyang kumunot ang noo ni Liberty bago tingnang muli ang numero na nakarehistro sa kanyang cellphone. Unknown number iyon.

“Paano mo nakuha ang number ko—”

“Mali,” may pagkapilya itong pumalatak. “Ang itinatanong mo dapat sa akin ay kung nasaan ngayon ang asawa mo?”

Mas humigpit ang pagkakahawak ni Liberty sa kanyang cellphone dahil sa sinabi nito. 

“Ang tagal naman!” 

“S-sino ito—”

“Surprise! Nasa tabi ko na.” 

Kasabay ng pagguhit ng matinding liwanag sa kalangitan at pagkulog nang malakas ay ang reyalisasyon na unti-unting tumatakbo sa kanyang isipan. Ang relasyon na matagal niyang prinotektahan ay tuluyan nang nasisira. 

“Bakit naman kase aarte-arte ka pa?” tanong pa rin nito nang hindi niya pa rin magawang makapagsalita.

Natakpan na lamang ni Liberty ang kanyang bibig upang hindi marinig ng nasa kabilang linya ang kanyang paghikbi. Hindi niya ito bibigyan ng rason upang maging masaya sa pamilyang unti-unti nitong nasisira.

 “Hindi ka ba nagtataka kung sino ako?”

Ipinikit ni Liberty ang mga mata bago humugot nang lakas na loob na tumayo sa higaan. May galit at lakas ng loob na inisa-isa niyang buksan ang mga kwarto sa kanilang bahay upang hanapin ang asawa. 

Nang hindi makita si Duncan, isang desisyon ang nabuo sa kanyang isipan.

“Nasaan kayo?” may gigil na tanong niya sa kabilang linya. 

INIHANDA NIYA NA  ang sarili nang magdesisyon na haharapin ang pinakamalaking dagok na dumating sa relasyon nilang mag-asawa. Ngunit bakit heto na naman ang pagtulo ng kanyang luha habang nasa tapat ng pinto ng hotel na tagpuan ng kanyang asawa at ng kabit nito?

Nakaawang iyon nang maliit at tila ba isinadya para sa kanyang pagdating upang maipagmalaki ng babae ang panunulot nito sa asawa niya.

Nang tuluyang makapasok sa loob, ganoon na lamang ang paninigas ni Liberty sa kinatatayuan dahil sa naririnig. 

“Ah… ganyan nga, Duncan. Ipasok mo pa…” 

Awtomatiko, heto na naman ang pagtulo ng kanyang luha habang pahigpit nang pahigpit ang pagkakahawak sa sling ng kanyang bag. 

Boses iyon ng matalik niyang kaibigan. Ang maid of honor sa kasal nila ng asawa. Ang babaeng halos kapatid na ang turing niya dahil sa sampung taon nilang pagiging magkaibigan.

“Merideth, you’re so great…” gasgas na boses naman ng asawa niya ang bumida na lalong nakapagdurog sa kanya. “Yes, baby grind harder!”

“Duncan—”

Pabalyang binuksan ni Liberty ang pinto na naging dahilan ng pagkagulat ng nasa kwarto.

“M-mga baboy!” 

Walang kahit anong salita ang makapagpapaliwanag ng nadarama niya noong mga sandaling iyon. Kung paano niya natagalan ang pagtingin sa magkapatong at hubad na katawan ng dalawa ay hindi niya alam. 

“Let me explain, Love!” natatarangtang sabi ng kanyang asawa.

Kahit ang mabilis na pagbibihis ni Duncan sa kanyang harapan ay hindi niya kinurapan. Gusto niyang mamanhid at wala ng maramdaman.

“It’s not what you think, Liberty!” 

“Nandidiri ako sa ‘yo!” mariin niyang sambit kasabay nang mabilis na pagtabig sa kamay ng asawa. 

“L-love—”

“Ano, successful ba?” natatawa niya pang sambit. “Ilang round ang kailangan bago masabi ang good job?”

“Liberty naman!” sabi pa ng asawa niya.

“Merideth, binigyan kita ng trabaho sa kumpanya ng asawa ko. Pero, hindi ko inaasahan na iba ang tatrabahuhin mo.” 

“Liberty…” painosenteng tawag ni Merideth na ahas pala.

“Natupad mo na ang pangarap mong makaangat sa laylayan. Do you like the taste of my husband?”

“Liberty, please—”

“Huwag mo sa aking sabihing natukso ka lang, Duncan. Hindi ka matutukso kung hindi mo hahayaang magpatukso!”

“Listen to me first!”

“Then what? You will sugarcoat it with more lies? Hindi ako bulag! Anong idadahilan mo ngayon? Tinamaan kayo ng kakatihan at aksidente niyong ipinakamot sa iba?”

“Watch your mouth, Liberty.”

“My mouth it’s not the problem here. It’s clean! How about the both of you?”

Akmang tatalikod na si Liberty nang may maalala. 

“Gusto mo ang asawa ko? Sa ‘yo na. Mukhang sanay ka naman na sumalo ng mga pinaglumaan na ng iba,” may kahulugan niya pang sambit sa kaibigan bago nagmamadaling lumabas ng kwartong iyon.

Paulit-ulit na tinawag siya ng asawa ngunit hindi niya ito nililingon. Kaya naman nang hawakan ni Duncan ang kanyang kamay, magkakasunod na sampal ang ibinigay niya rito. 

“Para ‘yan sa mga taon na sinayang ko sa ‘yo! Pipigilan mo pa rin ako? Gusto mo ng eskandalo?” 

Tila napapaso, walang pagdadalawang-isip na binitawan nito ang kanyang kamay habang nag-alala sa magiging tingin ng nasa paligid niya.

Nang makalayo sa asawa at makasakay sa taxi, doon, muling bumuhos ang mas maraming luha ni Liberty.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status