Share

CHAPTER 8: They Inflicted Pain

CHAPTER 8: They Inflicted Pain

“ANONG SINASABI MO?” may kadiinan ang paghawak ni Duncan sa braso ni Merideth habang pilit na hinihinaan ang boses.

“Hindi ka naman bingi, alam kong narinig mo ang sinabi ko,” nakangisi pa ring sambit nito. “Hindi sapat na binigyan mo lang ako ng pera, Duncan. May buhay ng nadamay sa pagtataksil natin. Akalain mo iyon, mauuna mo pa akong mabuntis kumpara sa tanga kong kaibigan.”

Unti-unti ang nagiging pagluwag ng hawak ni Duncan sa braso nito hanggang tuluyan niya na itong bitiwan.

Ganoon na lamang ang matinding pagpunas niya ng pawis na namuo sa kanyang mukha habang nagpabalik-balik ng lakad nang hindi mapakali. Sapo niya nang ilang segundo ang sintido bago ibaling muli ang tingin kay Merideth.

“Nang mahalin kita, nawalan na ako ng pakialam sa sasabihin ng iba, Duncan. Tumanggi ka man o hindi, pareho nating ginusto ang mga nangyari sa ‘tin. Hindi lang isa, kung hindi marami nating beses na pinagtaksilan ang asawa,” sabi nito habang nakatingin sa kany
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status