“ITO ANG KAILANGAN mo, Bakla!” pilit na sabi ni Ruffa sa kanya. “Kung magmumukmok ka na lang parati sa bahay niyo sa tuwing may problema ka, maaga kang malulusyang niyan!”
“Hindi naman ako party person na katulad mo,” kontra niya rito habang nagdadalawang-isip pa rin na pumasok sa bar.
“Gaga! Huwag mong hayaan na ang asawa mo lang ang masaya. Ipamukha mo sa kanya na hindi ka apektado. Hayaan mo na usigin naman siya ng konsensya niya.”
“Pero—”
“Ano bang akala niya na porque nakikiayon sa kanya ang pagkakataon ay ganoon ka na rin? Never! Nasa modern world na tayo ‘no! Hindi na uso ang pagiging martir ngayon.”
PUMASOK SA TRABAHO si Liberty nang lulugo-lugo. Dama niya ang matinding pananakit ng ulo na tila ba binabarena iyon hanggang sa matapos ang trabaho niya nang araw na iyon. Kahit pa ang promotor ng gala na iyon ay ang kasintahan ng amo niya ay wala siyang magagawa dahil sineswelduhan siya ng kumpanya. Isa pa, wala sa bukabularyo niya ang pagpapabaya sa tungkulin kahit pa noong nag-aaral siya.“You’re wasted,” natatawang komento ni Charles sa kanya.“Kasalanan iyan ng jowa mo,” sapo ang ulo niya nang sagutin ang amo.“Bakit ka pa kase pumasok? Ipinaalam ka na sa akin ni Ruffa kanina.”“Iyan ang hindi ko gagawin. I hate nepotis
HINDI MAKAPANIWALA SI Liberty na pagkatapos ng dalawang linggo niyang pag-aayos sa kanyang apartment ay natapos niya na rin iyon sa wakas. Hindi niya na kailangang mag-alala pa kung may masasagi siyang kalat sa daraanan o hindi niya makita ang bagay na gagamitin sa pang-araw-araw.Natapik niya tuloy ang sarili habang nakatingin sa naging resulta ng mga pagod na kanyang ginawa.Nang mga sandaling iyon, nakatingin lang sa kanya si Ruffa nang matagal. Mangilid-ngilid na ang luha nito kaya hindi niya maiwasang huwag mapanguso.“B-bakit?” tanong niya sa kaibigan. “Bakit naman parang maiiyak ka na? May nagawa na naman ba akong kinainisan mo?”“I’m so happy for you, Bakla!” dali-dali siyang niyakap n
BAKAS ANG PAGKAGULAT sa mukha ni Duncan nang mga sandaling hindi siya nagdalawang-isip sa ginawa. Hindi ito makapaniwala na nakaya niyang tutukan iton ng isang kutsilyo para lamang maprotektahan ang kaibigang si Ruffa. Unti-unti, makikita rito na tila nasasaktan. “Kaya mo talagang gawin sa akin’ yan?” tanong nito sa kanya. Hindi pa rin inaalis ni Liberty ang tingin sa asawa. Kaya niyang makipagmatigasan dito hangga’t hindi umaalis ang asawa niya.“Anong nangyari sa atin, Liberty?” nanlulumong tanong nito sa kanya. “Masaya tayo, kakampi natin ang isa’t isa kahit pa ang mundo na ang humahamon sa atin. Higit sa lahat, nariyan ang tiwala natin sa—”“Ako ba ang sumira?” tanong niya sa asawa at bahagyang natawa. “Bakit parang lumalabas na ako pa ang may kasalanan, Duncan?”“Hindi sa ganoon—”“Eh ano?” pigil niya ang sarili na huwag ng magalit. “Sa inaasta mo parang ikaw pa itong biktima!”“Umalis ka na, Duncan—”“Huwag ka ritong nakikiaalam!” galit na dinuro ni Duncan si Ruffa. “Kasalanan
GANOON NA LAMANG ang matinding pagngisi Merideth nang matapos paligayahin si Duncan. Kailanman ay hindi siya nagkamali sa dapat na gawin upang masiyahan ang lalaki. Alam na alam niya kung paano ito bibigay sa kanya sa mga panahong nalilito ito sa mga dapat na piliin.Kaya nga siya lang ang nag-iisa sa mga fling nito na nagtagal sa lalaki dahil kaya niya itong paikutin sa kanyang palad nang hindi nihihirapan.Gagawin niya ang makakaya upang panghabang-buhay na ang mamagitan sa kanila ni Duncan. Napakatagal na panahon niya ring inaasam na makuha ang lalaki sa kanyang kaibigan. Hindi na siya papayag na muling maagawan pa nito lalo pa’t siya naman talaga ang naunang nagkagusto rito. Sa matinding pagmamahal niya rito, kaya niyang itaya ang lahat manatili lang sa tabi ni Duncan. Hindi siya makapapayag na balikan pa ito ni Liberty.Pinunasan niya pa ang puting likido na kumalat sa gilid ng kanyang labi bago titigan ang magandang mukha ng lalaki. Nakapikit pa rin ito at nasa mukha ni Duncan
MASYADONG ABALA SI King sa babaeng kahalikan sa loob ng banyo nang mga sandaling iyon. All he wants is a woman to get under his pants para mapatahimik niya na rin ito sa paulit-ulit na pangungulit sa kanya. Minsan nagiging mahirap na sa kanyang maging lapitin dahil na rin sa maganda siyang lalaki at single. Idagdag pa ang news na kakalat sa media sa oras na maisapubliko ang relasyon niya. Paniguradong instant celebrity ang kung sinumang babae.Sa kabila ng lahat, kung may isa man siyang rule sa mga nakaka-fling ay iyon ay dapat single din ito. He hates drama. Ayaw niya rin na nakakaapak ng kapwa niya lalaki. Kaya nga kahit gustong-gusto niya ang isang babae ay hindi niya ito magawang pormahan sa kadahilanang may prinsipyo siyang pinaniniwalaan. Isa pa, alam naman ng mga ito na pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na niya inuulit na makipagsiping sa babaeng nakasiping na. Ayaw na ayaw niyang pumapasok sa relasyong magtatali sa kanya sapagkat makakasira iyon sa mga plano niya sa buhay.
NANG GABING IYON, nagising na naman si Liberty sa sunod-sunod na pagkatok sa labas ng kanyang apartment. Hindi pa ito nakontento at ginamit na ang doorbell. Nang huli, ilang beses nitong sinipa ang pinto habang kinakalabog iyon.Dahil naalimpungatan, dali-dali tuloy ang pagtayo niya sa hinihigaan. Inilagay niya lamang ang balabal na nakasampay sa kanyang kama saka lumabas ng kwarto upang tingnan kung sino iyon. Nang mabuksan ang pinto, saka lamang siya tuluyang nahimasmasan matapos na makilala kung sino ang eskandalosong kumakatok sa kanyang pinto.“D-duncan?” bakas sa kanya ang gulat at takot.Wala na si Ruffa sa kanyang apartment. Hindi na siya makakahingi pa ng tulong sa kahit na sino.“A-anong ginagawa mo rito?” pilit niyang nilalaban ang takot ngunit iyon pa rin ang nananaig sa kanya.“Iuuwi na kita sa bahay natin, Liberty!” puno ng awtoridad na sambit nito. Kung nakailangang bote man ng alak ang kanyang asawa ay wala na siyang pakiaalam. Ngunit kung may isang bagay siyang sigu
“MISS, HINDI KA talaga magsasampa ng kaso?” gulat na tanong muli ng lalaking tumulong sa kanya. “Diyan lang ako sa kabila mong apartment, hindi lang ito ang unang beses na ginawa sa ‘yo ‘yan ng lalaking iyon! Naririnig ko ka kaya! Tapos hindi ka magsasampa ng kaso? Sure na sure na ba talaga?” Tahimik pa rin si Liberty nang mga sandaling iyon. Tama ba talaga ang naging desisyon niyang manahimik na lang para sa kanyang pamilya? Parang ipinagkanulo niya na rin ang sarili sa gagawin. Sa hindi pagsuplong dito sa awtoridad ay makakakuha siyang muli ng pera sa asawa ngunit ang magiging kapalit niyon ay pagiging malaya nito na gawin ng paulit-ulit sa kanya ang ganitong bagay.Kakayanin niya bang talaga? Kapag sinabi ba niya ang lahat ng ito sa pamilya ay maiintindihan din ba siya o kakampi na naman sa kanyang asawa?Nang mga sandaling iyon, heto na naman ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Ang mga nasa kanyang paligid, hindi maiwasang huwag mag-aalala sa kanyang inaasta. Tinatanong siy
ALAM NI LIBERTY na hindi siya magugustuhan ng lahat ng taong makakasalamuha at ayos lang iyon sa kanya. Ngunit ang problema niya nga lang ay nakakaapekto na iyon sa kanyang trabaho. Pakiramdam niya ay parating may kulang sa mga ginagawa niya kaya hindi nito iyon matanggap.“Alam kong may experience ka na sa pagtatrabaho sa mga Salvantez kahit pa hindi nakalagay ang credentials mo roon. But our company is too small para sa ganyan kalaking projects.”“Alam kong concern ka pero paano lalaki ang kumpanyang ito kung hindi natin susubukan, Miss Rodriguez?” tanong niya rin sa katrabaho.“Can you imagine the manpower and resources that we needed para sa proyektong iyan?” tanong nito sa kanya.“That’s why we have the funds for this project, Miss Rodriguez,” sambit niya rito. “If we don't take the risk, we won't see any results.”Umiiling ito bago salubungin ang tingin niya, “Uulitin ko, hindi ito Salvantez Tech. Corporation, Mrs. Salvantez. Kung spoiled ka sa asawa mo at sinusunod ang lahat ng
“D-DIYOS KO NAMAN…” mahinang bulong ni Cole. “Ang yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?” Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?“Huwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!” pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.“Secretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?” tanong din ni James.“All for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.” Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.“Paano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?” problemadong tanong ni Cole.“I don’t know,” sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. “Malamang niyan kasama niya na naman si Ruff
DAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng dati’y pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u
“KILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!” “Walang kahit na sinong makakatapak sa akin!” “Kilalanin niyo ang binabangga niyo!”“King, King, come here! Be with me! We should be together—hindi kayo bagay ni Liberty!”Iyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niya’y nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n
“KAMI NA ANG bahala rito,” sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. “Huwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,” sabi ni Cole. “Sa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.”“I know what I am doing,” sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.“L-let’s go to the hospital…” iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital
HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli
“A-ANO?” NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.“B-bomba?” hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Ang bahay napapalibutan ng bomba?” Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.“Why are you crying?” kalmadong tanong sa kanya ni King. “Don’t cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.”Dahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak
HINDI NAKAGALAW SI King sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya’y namamalikmata lamang siya habang nakatingin sa babaeng inaasam-asam na muling makita.Ang huling sinuot din ni Liberty ang natatanging alaala ang mayroon siya sa bahay na nakalagay pa sa kanyang unan upang sa tuwing mami-miss niya ito ay yakap niya nang mahigpit iyon.At ngayong nasa harapan niya ang babaeng kamukha ng babaeng tanaw niya lamang dati sa malayo ay hindi siya makapaniwala. Tulala sa ilang segundo sa kanyang pagkakatayo si King bago bumaba ang tingin sa tyan nito na napakalaki na.“Tititigan na lamang ba natin ang isa’t isa?” natatawang tanong ni Liberty sa kanya. “Hindi mo ba ako yayakapin, King?”Napadilat-pikit ng mga mata niya ang binata. Ang tingin ay na kay Liberty pa rin. Totoo ba talaga ang kanyang nakikita? Hindi ba ito parte ng kanyang ilusyon? Dama niya ang panghihina ng mga tuhod nang sandaling iyon. Habang ang kanyang luha ay pabagsak na sa kanyang mga mata. Hindi niya rin matagpuan ang saril
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot na ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa. Tanging pagtangis lamang na luha nitong ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Isa na ito ngayong baldado.Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga ginawang pagkakasala. Sapat ng magbayad ito sa mga kamaliang iyon.Tamang-tama, kapapasok niya lamang sa hospital nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng alarma kaya ganoon na lamang ang pagkakagulo ng mga pasyente at staff ng hospital na nasa loob.“Code gray! I repeat code gray!” anunsyong narinig niya sa speaker.Hin
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa kahit magagamit ang isang kamay na walang posas. Tanging pagtangis lamang dahl sa luhang ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga pinagdaanan ni Liberty sa buhay.Galit din sa kanya si Victoria. Siya ang sinisisisi nito sa mga kamalasang nagawa ng anak. Hindi siya sumagot. Wala siyang panahong makipagtalo sa mga baluktot na paniniwala nito. Sa oras na pwede na itong lumabas ng hospital, sisimulan na rin ang trial nito. Hindi lamang sa