ALAM NI LIBERTY na hindi siya magugustuhan ng lahat ng taong makakasalamuha at ayos lang iyon sa kanya. Ngunit ang problema niya nga lang ay nakakaapekto na iyon sa kanyang trabaho. Pakiramdam niya ay parating may kulang sa mga ginagawa niya kaya hindi nito iyon matanggap.“Alam kong may experience ka na sa pagtatrabaho sa mga Salvantez kahit pa hindi nakalagay ang credentials mo roon. But our company is too small para sa ganyan kalaking projects.”“Alam kong concern ka pero paano lalaki ang kumpanyang ito kung hindi natin susubukan, Miss Rodriguez?” tanong niya rin sa katrabaho.“Can you imagine the manpower and resources that we needed para sa proyektong iyan?” tanong nito sa kanya.“That’s why we have the funds for this project, Miss Rodriguez,” sambit niya rito. “If we don't take the risk, we won't see any results.”Umiiling ito bago salubungin ang tingin niya, “Uulitin ko, hindi ito Salvantez Tech. Corporation, Mrs. Salvantez. Kung spoiled ka sa asawa mo at sinusunod ang lahat ng
“WALANGHIYA KA! WALANGHIYA!” dala ng matinding galit, paulit-ulit ang naging paghampas ni Liberty sa kanyang asawa. Dahil sa pagiging seloso nito na wala sa lugar ay madadamay pa siya sa maagang pagkawala sa mundo. Kahit naman puro kamalasan ang nangyayari’y hindi niya pa rin magawang sumuko sa paniniwalang muli niyang madarama ang kasiyahan.“Kung gusto mong magpakamatay, Duncan, ikaw na lang!” malakas niyang sambit dito. “Ano bang ginawa kong masama noong nakaraang buhay ko para danasin ko ang lahat ng kamalasang ‘to?” “L-liberty—”“Huwag mo akong hahawakan!” dali-dali ang pagbababa niya ng sasakyan upang makalayo sa asawa. “Ano pa bang kailangan mo sa ‘kin? Paulit-ulit na lang ba tayo sa ganito? Hindi ka ba makaintindi na tapos na tayo?” “Hindi iyan mangyayari—”“Tapos na nga!” malakas niya pa ring giit sa asawa. “Magsimula nang magloko ka, wala na! Ano bang akala mo sa ‘kin? T*nga? Sa tingin mo ganoon-ganoon na lang at maniniwala ako na wala ng namamagitan sa inyo ng ahas kong k
HE HATES RUNNING errands for his dad but King must do it to continue the bond with his father. He never entered the house of his nephew when he returned to the Philippines. If it's not for his father, that still won't happen.“Sir, hindi mo naman trabaho ang pamangkin mo, bakit kailangan mo pang asikasuhin ang problema niya?” tanong ng sekretarya niyang si James. “Huwag mo sabihing gusto pa rin ng tatay mo na ikaw ang maging ehemplo sa pamangkin mo? Ako na ang nagsasabi, suntok sa buwan ‘yon!”Hindi umimik si King dahil wala na siyang nakikitang iba pang dahilan bukod doon. Gustong-gusto rin ng tatay niya na maging malapit siya kay Duncan na hindi na yata mangyayari dahil sa maraming pagkakaiba nila. Isa pa, katulad din ito ng ibang miyembro ng kanilang pamilya. Pakiramdam nito’y nakatataas sa kanya dahil sa pagiging anak niya sa labas.“Pero hanggang ngayon ampalaya pa rin iyang pamilya mo ‘no, Sir? Hindi pa rin matanggap na isa kang Salvantez na nakakaangat sa buhay.”Isang malalim
“DUNCAN, ANO ITONG mga nalaman ko?” galit na galit na tanong ng nanay ni Duncan nang makauwi sa bahay nito. Inilapag lang niya ang ilang shopping bags at maleta na ginamit noong mag-travel sa ibang bansa bago harapin ang anak na nasa hapagkainan nang umagang iyon.“Akala ko next month pa ang uwi mo, Mom?” gulat na tanong nito na saglit na huminto sa pagkain ng agahan. “At ano itong mga kinakain mo? It's not even the right food to eat this morning. All of these are processed foods! Where are the maids?”“Pinalayas ko,” inaantok na sagot nito. “Hindi naman nakakatulong sa bahay. Sakit lang sa ulo ang napapala ko sa katsitsimis nila. Magsasampa pa ba ako ng demanda? Sayang lang ‘yon sa oras ko.”“A-ano kamo?” galit na tanong niya sa anak. “Saglit lang akong nawala—”“That's why you shouldn't have left me, Mom.”“Duncan!” malakas niyang sigaw habang nagpupuyos pa rin sa galit. “Iyong magaling mong asawa, nasaan?” nakapamaywang niyang tanong sa anak nang mas lumapit pa rito.“Lumayas na.”
NAPAKABILIS NG PAGPUNTA ni Liberty sa kompanya nang araw na iyon kahit napakaaga pa para sa schedule ng trabaho niya. Ngunit sadya yatang susubukin siya ng pagkakataon sapagkat nagkaroon pa ng matinding traffic sa daan dahil sa nangyaring banggaan.“I’ll be there in thirty-minutes, Sir,” sabi niya kay Charles. “There was a collision here on the road I passed by. But don’t worry, I am safe, Mr. Cabrera.”Muling nabaling sa daan ang tingin ni Liberty. Unti-unti na iyong lumuluwag kaya naman kahit papaano’y umuusad na ang trapiko. Sa abot ng makakaya niya, ginawa niya ang lahat upang makarating kaagad sa headquarters.Ang problema kaagad ang bumungad sa kanya na kaagad niyang hinarap.“Tell
KALMADONG NAKATINGIN PA rin si Liberty sa ina ni Duncan habang nasa loob sila ng isang sikat at mamahaling restaurant. Katulad ng dati, alam niyang gusto nitong ma-intimidate siya sa maraming alahas na suot nito, gamit na mamahaling bag, damit, at restaurant na naging tagpuan nila.Nakataas pa rin ang kilay ni Victoria habang nakikipagtitigan sa kanya. Ngunit hindi na siya katulad ng dati na yuyuko lamang dito sa takot na may mapuna ito sa pag-uugali niya. Hindi na siya ang dating Liberty na gagawin ang lahat para kay Duncan kahit na ibaba pa niya ang sarili sa pamilya nito.“Ang laki na ng pinagbago mo,” mataray na puna ni Victoria. “Alam mo na kung paano magbihis. Hindi ka na mukhang losyang na lagi lang laman ng bahay.”Ngiti lamang ang isinagot niya ri
SA HINDI MALAMANG dahilan, dama ni Liberty ang mga mapanghusgang tingin sa kanya ng mga katrabaho. Gusto niyang komprontahin ang mga ito ngunit sa kabila ng lahat ay mas nanaig sa kanyang isipan ngayon ang ginawang pang-aakusa sa kanya ng nanay ni Duncan. Masyadong mabigat ang ginawa nitong pagsisinungaling na sumira sa iniingatan niyang reputasyon.Kahit na alam niya sa sariling wala siyang kasalanan ay pakiramdam niya'y natapakan nito ang kanyang pagkatao at labis niyang pinagsisihan nang hindi man lamang nadepensahan ang sarili.Kung sana’y naging mas matapang siya. Kung sana'y naturuan niya ang sarili na lumaban sa mga taong umaapak sa kanya ay hindi ito mangyayari ngayon. Sa pagiging matunog ng pangalan ng Salvantez, hindi malabong kumalat kaagad ang mga video na nakunan sa kanila. Inaasahan niya na iyon ngunit hindi ganoon kaaga.“Friend, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Ruffa na pumunta pa talaga sa headquarters. “Grabe ang balita huh! Hindi kinakaya ng rejuv ko! Napasu
NANG MARINIG ANG sinabi ng dating kaibigan, gusto ni Liberty na maging kalmado sa abot ng makakaya ngunit mas nanaig pa rin sa kanya ang kirot na hindi niya naman dapat nararamdaman. Kung hindi nagloko ang kanyang asawa, siya dapat ang nasa posisyon nito. Dapat ay masaya pa rin sila ngayon at hindi ang ahas niyang kaibigan. Ngayon niya napagtanto na hindi pa rin pala naghihilom ang puso niya sa lahat ng sakit at kirot na kanyang pinagdaanan. Kahit naman kase anong tanggi niya ay marami rin silang masasayang memorya na pinagsaluhan ni Duncan. Ito ang first love niya, ang lalaking pinakasalan at inakalang panghabang-buhay na ngunit dahil hindi ito naging kontento ay umabot na sila sa ganitong punto ng kanilang relasyon. Ang hindi niya maintindihan, sa tagal ng pagsasama nila ng asawa ay hindi sila nabigyan ng anak dahil hindi pa ito handa ngunit bakit kay Merideth ay napakabilis? Alam niyang nasa malaking bahagi rin ng rasong iyon ay dahil sa kanya. Natatakot siyang magpamilya dahil
“D-DIYOS KO NAMAN…” mahinang bulong ni Cole. “Ang yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?” Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?“Huwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!” pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.“Secretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?” tanong din ni James.“All for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.” Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.“Paano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?” problemadong tanong ni Cole.“I don’t know,” sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. “Malamang niyan kasama niya na naman si Ruff
DAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng dati’y pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u
“KILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!” “Walang kahit na sinong makakatapak sa akin!” “Kilalanin niyo ang binabangga niyo!”“King, King, come here! Be with me! We should be together—hindi kayo bagay ni Liberty!”Iyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niya’y nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n
“KAMI NA ANG bahala rito,” sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. “Huwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,” sabi ni Cole. “Sa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.”“I know what I am doing,” sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.“L-let’s go to the hospital…” iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital
HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli
“A-ANO?” NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.“B-bomba?” hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Ang bahay napapalibutan ng bomba?” Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.“Why are you crying?” kalmadong tanong sa kanya ni King. “Don’t cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.”Dahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak
HINDI NAKAGALAW SI King sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya’y namamalikmata lamang siya habang nakatingin sa babaeng inaasam-asam na muling makita.Ang huling sinuot din ni Liberty ang natatanging alaala ang mayroon siya sa bahay na nakalagay pa sa kanyang unan upang sa tuwing mami-miss niya ito ay yakap niya nang mahigpit iyon.At ngayong nasa harapan niya ang babaeng kamukha ng babaeng tanaw niya lamang dati sa malayo ay hindi siya makapaniwala. Tulala sa ilang segundo sa kanyang pagkakatayo si King bago bumaba ang tingin sa tyan nito na napakalaki na.“Tititigan na lamang ba natin ang isa’t isa?” natatawang tanong ni Liberty sa kanya. “Hindi mo ba ako yayakapin, King?”Napadilat-pikit ng mga mata niya ang binata. Ang tingin ay na kay Liberty pa rin. Totoo ba talaga ang kanyang nakikita? Hindi ba ito parte ng kanyang ilusyon? Dama niya ang panghihina ng mga tuhod nang sandaling iyon. Habang ang kanyang luha ay pabagsak na sa kanyang mga mata. Hindi niya rin matagpuan ang saril
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot na ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa. Tanging pagtangis lamang na luha nitong ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Isa na ito ngayong baldado.Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga ginawang pagkakasala. Sapat ng magbayad ito sa mga kamaliang iyon.Tamang-tama, kapapasok niya lamang sa hospital nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng alarma kaya ganoon na lamang ang pagkakagulo ng mga pasyente at staff ng hospital na nasa loob.“Code gray! I repeat code gray!” anunsyong narinig niya sa speaker.Hin
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa kahit magagamit ang isang kamay na walang posas. Tanging pagtangis lamang dahl sa luhang ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga pinagdaanan ni Liberty sa buhay.Galit din sa kanya si Victoria. Siya ang sinisisisi nito sa mga kamalasang nagawa ng anak. Hindi siya sumagot. Wala siyang panahong makipagtalo sa mga baluktot na paniniwala nito. Sa oras na pwede na itong lumabas ng hospital, sisimulan na rin ang trial nito. Hindi lamang sa