Share

CHAPTER 22: He Saved Me

“WALANGHIYA KA! WALANGHIYA!” dala ng matinding galit, paulit-ulit ang naging paghampas ni Liberty sa kanyang asawa. Dahil sa pagiging seloso nito na wala sa lugar ay madadamay pa siya sa maagang pagkawala sa mundo. Kahit naman puro kamalasan ang nangyayari’y hindi niya pa rin magawang sumuko sa paniniwalang muli niyang madarama ang kasiyahan.

“Kung gusto mong magpakamatay, Duncan, ikaw na lang!” malakas niyang sambit dito. “Ano bang ginawa kong masama noong nakaraang buhay ko para danasin ko ang lahat ng kamalasang ‘to?”

“L-liberty—”

“Huwag mo akong hahawakan!” dali-dali ang pagbababa niya ng sasakyan upang makalayo sa asawa. “Ano pa bang kailangan mo sa ‘kin? Paulit-ulit na lang ba tayo sa ganito? Hindi ka ba makaintindi na tapos na tayo?”

“Hindi iyan mangyayari—”

“Tapos na nga!” malakas niya pa ring giit sa asawa. “Magsimula nang magloko ka, wala na! Ano bang akala mo sa ‘kin? T*nga? Sa tingin mo ganoon-ganoon na lang at maniniwala ako na wala ng namamagitan sa inyo ng ahas kong k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status