Share

CHAPTER 27: The True Friends

SA HINDI MALAMANG dahilan, dama ni Liberty ang mga mapanghusgang tingin sa kanya ng mga katrabaho. Gusto niyang komprontahin ang mga ito ngunit sa kabila ng lahat ay mas nanaig sa kanyang isipan ngayon ang ginawang pang-aakusa sa kanya ng nanay ni Duncan. Masyadong mabigat ang ginawa nitong pagsisinungaling na sumira sa iniingatan niyang reputasyon.

Kahit na alam niya sa sariling wala siyang kasalanan ay pakiramdam niya'y natapakan nito ang kanyang pagkatao at labis niyang pinagsisihan nang hindi man lamang nadepensahan ang sarili.

Kung sana’y naging mas matapang siya. Kung sana'y naturuan niya ang sarili na lumaban sa mga taong umaapak sa kanya ay hindi ito mangyayari ngayon. Sa pagiging matunog ng pangalan ng Salvantez, hindi malabong kumalat kaagad ang mga video na nakunan sa kanila. Inaasahan niya na iyon ngunit hindi ganoon kaaga.

“Friend, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Ruffa na pumunta pa talaga sa headquarters. “Grabe ang balita huh! Hindi kinakaya ng rejuv ko! Napasu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Leah Guarino
pa unlock po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status