ITO ANG UNANG beses na magtungo si Liberty sa salo-salo ng mga Salvantez na hindi niya kasabay si Duncan. Inimbeta siya ng asawa bilang kapareha nito nang gabing iyon ngunit hindi siya nagbigay ng kahit na anong sagot dito. Nag-iwan din ito ng damit na susuotin sa gabing iyon ngunit hindi sinuot ni Liberty danhil wala siyang balak na magpunta.Nang ang lolo na ng asawa ang nangumbita sa kanya, hindi niya magawang tanggihan ang matanda dahil sa buong Salvantez, ito ang isa sa mga tanging tao na pinakitaan siya ng mabuti.Ayon sa kanyang nalaman, ang tema ng gabi ay anything fancy but not red ngunit may pula ang napili niyang suotin na nakapagbigay ng pagtataas ng kilay sa ibang kamag-anak ni Duncan. Kung dati, sa tingin pa lamang ng ibang Salvantez ay maaring hindi niya na maingat ang ulo dahil sa pagkapahiya kahit wala naman siyang ginawang kabastos-bastos sa mga ito. Ngunit, iba ang ang gabing iyon, taas-noo siyang naglakad habang sa gitna pa napiling dumaan.Maririnig ang bulungan
DAHIL HINDI NAMAN masyadong nagtagal si Liberty sa party ng mga Salvantez, nagpalit lamang siya ng damit at naglinis bago magdesisyong puntahan ang nanay ni King na nasa hospital. Gusto niyang tuparin ang pangako rito na bibisita kapag hindi siya abala sa ibang gawain.Isang malapad na ngiti kaagad ang pinakawalan niya nang makitang suot pa rin nito ang sapatos na ibinigay niya. Binati rin siya ng nurse na nagbabantay rito nang maibaba ang mga prutas na pasalubong niya.“Kumusta na po kayo?” tanong niya sa ginang. “Pwede pong ako na ang gagawa?”“Ah… ano… sige po. Thank you,” sagot ng nagbabantay sa ginang matapos na iabot sa kanya ang suklay nito.Habang sinusuklayan ang makapal at ma
HABOL NI LIBERTY ang paghinga nang makapasok sa kanilang bahay. Inuusig pa rin siya ng konsensya nang iwan niya ang matandang nanghihingi ng kapatawaran sa kanya. Dahil hindi naman iyon ang nararapat. Ang anak nito ang dapat na nasa ganoong eksena.Alam niya sa sariling hindi siya nakaramdam ng pagmamahal mula sa matatawag niyang magulang ngunit hindi estranghero sa kanya ang pagmamahal na iyon.Sa pagkakataon ding iyon, alam niya sa sarili na kailangan niyang maging matigas. Hindi lamang para sa kanya, kung hindi maging sa kompanya na naapektuhan ng ginawang kasalanan ni Miss Rodriguez.Hindi pa man siya nakakabawi sa emosyon pinagdaanan noong mga sandaling iyon nang mag-ring naman ang cellphone niya at mula roon ay nabasa niya ang pangalan ng kapatid na tumatawag pa
KANINA PA NAGDUDUDA ang tingin sa kanya ni Ruffa. Babalik ito sa pagkain bago ibabalik muli sa kanya ang tingin. Ganoon muli ang gagawin nito bago tumingin sa ibang direksyon. Alam niyang nagdadalawang-isip ito na magsalita kaya nahampas niya ang kaibigan na ikinagulat nito.“Bakla, aray ha!” malakas na sambit ni Ruffa.“Bakit ba kase?” tanong niya rito. “May itatanong ka ba sa akin?”Saglit pa siyang tiningnang muli ng kaibigan bago ito bumuntang-hininga.“Bakit mo inayang lumabas? Ngayon lang ito nangyari, Bakla. May problema ka ‘no?”Siya naman ngayon ang hindi maipinta ang mukha. Hindi talaga siya makakapagtago sa kaibigan. Totoo rin ang
DAHIL SA KINASASANGKUTANG problema ni Liberty, ilang araw na siyang hindi makapasok sa kanyang trabaho. Kung sarili lamang ang iniisip niya, ay kaya niya pang pumasok. Ngunit, nang madamay ang kompanyang pinapasukan niya, siya na mismo ang nagsabi kay Charles na liliban muna hanggang sa mabigyan ng kasagutan ang kanilang problema.May naghahanap na rin sa tatay ni Miss Rodriguez ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ito matagpuan na lalong dumadagdag sa kanilang suspetsa. Nakausap niya na rin nang personal si Miss Rodriguez nang magpunta siya sa presinto ngunit wala siyang nakuhang kahit na anong sagot dito. Para sa kanya, mababaw ang rason na away lamang iyon sa trabaho dahil normal lamang iyong nangyayari.Gusto rin siyang samahan ni Ruffa sa kanyang apartment ngunit siya na mismo ang tumanggi dahil may mahalaga itong business trip sa ibang bansa na kailangang puntahan. Sa dami ng pang-aabala niya sa kaibigan, ayaw niya na iyon dagdagan pa.Sa dalawang araw na nakalipas ay h
SINIGURADO NI LIBERTY na wala na siyang dalang kahit na anong pasanin nang bisitahan ang nanay at kapatid niya sa hospital. Bukas ay balik trabaho na siya kaya hindi niya alam kung kailan ulit magkakaroon ng oras sa pagbisita.Sa pagpasok niya sa kwarto ng bunsong kapatid, hindi niya na naman maiwasang huwag madama ang mabigat na pakiramdam. Si Lenard ang isa sa mga dahilan kung bakit niya pinagbubuti ang lahat ng ginagawa. Dahil rin sa kapatid kaya nagawa niyang tiising pakisamahan ang kanyang asawa sa kabila ng pangloloko nito sa kanya.Isa lamang ang hinihiling niya sa itaas para dito. Sana’y isang araw ay makita niyang gising ang kapatid habang baon nito ang magandang ngiti na inaasam-asam niyang masaksihan.Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay nito kasabay ng tipid n
HETO NA NAMAN ang pakiram ni Liberty na tila wala siyang mapuntahan. Wala pa ang kaibigan niya sa bansa, ayaw niya pa ring umuwi sa kanila dahil mararamdaman niya lang ang kalungkutan dahil sa pagiging mag-isa.Kaya naman, kaysa kung ano-ano ang isipin niya kapag nasa bahay, dumiretso siya sa isa pang hospital kung saan naroon ang mama ni King. Sa hindi malamang kadahilanan, kahit walang sinasabi ang ginang sa kanya ay gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing nakikita ito at ngumingiti sa kanya na kailanman ay hindi niya naramdaman sa nanay niya.Bago pumasok ng kwarto, isang malapad na ngiti ang inihanda niya nang sa ganoon ay hindi nito maramdaman ang problemang dala-dala ngunit nang papasok na siya sa loob ay narinig niya ang isa sa mga tagapagbantay ng ginang na pinag-uusapan siya.&
HINDI MAIWASAN NI King na huwag mapangiti dahil sa malaking improvement ng mommy niya magsimula nang makikilala nito si Liberty. Kahit papaano'y gumagawa na ito ng responds sa mga nakapaligid dito sa ilang mga pagkakataon na nakakausap niya.“Are you excited to go home, Mom?” tanong niya sa mommy niya habang iniisa-isang isilid ang gamit nito. “Cause I am.”Totoo ang sinabi niya. Matagal-tagal ding nanatili ang mommy niya sa hospital kaya hindi na rin siya umuuwi sa bahay nila dahil hinahanap niya ang presensya nito roon.“Inayos ko na rin ang room mo according to what you’ve said before. Yes, Mom. Sinunod ko na ang gusto mo. Napakabuti kong anak ‘di ba?”Ang balak niya pa noong una&rsqu
“D-DIYOS KO NAMAN…” mahinang bulong ni Cole. “Ang yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?” Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?“Huwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!” pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.“Secretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?” tanong din ni James.“All for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.” Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.“Paano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?” problemadong tanong ni Cole.“I don’t know,” sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. “Malamang niyan kasama niya na naman si Ruff
DAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng dati’y pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u
“KILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!” “Walang kahit na sinong makakatapak sa akin!” “Kilalanin niyo ang binabangga niyo!”“King, King, come here! Be with me! We should be together—hindi kayo bagay ni Liberty!”Iyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niya’y nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n
“KAMI NA ANG bahala rito,” sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. “Huwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,” sabi ni Cole. “Sa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.”“I know what I am doing,” sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.“L-let’s go to the hospital…” iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital
HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli
“A-ANO?” NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.“B-bomba?” hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Ang bahay napapalibutan ng bomba?” Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.“Why are you crying?” kalmadong tanong sa kanya ni King. “Don’t cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.”Dahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak
HINDI NAKAGALAW SI King sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya’y namamalikmata lamang siya habang nakatingin sa babaeng inaasam-asam na muling makita.Ang huling sinuot din ni Liberty ang natatanging alaala ang mayroon siya sa bahay na nakalagay pa sa kanyang unan upang sa tuwing mami-miss niya ito ay yakap niya nang mahigpit iyon.At ngayong nasa harapan niya ang babaeng kamukha ng babaeng tanaw niya lamang dati sa malayo ay hindi siya makapaniwala. Tulala sa ilang segundo sa kanyang pagkakatayo si King bago bumaba ang tingin sa tyan nito na napakalaki na.“Tititigan na lamang ba natin ang isa’t isa?” natatawang tanong ni Liberty sa kanya. “Hindi mo ba ako yayakapin, King?”Napadilat-pikit ng mga mata niya ang binata. Ang tingin ay na kay Liberty pa rin. Totoo ba talaga ang kanyang nakikita? Hindi ba ito parte ng kanyang ilusyon? Dama niya ang panghihina ng mga tuhod nang sandaling iyon. Habang ang kanyang luha ay pabagsak na sa kanyang mga mata. Hindi niya rin matagpuan ang saril
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot na ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa. Tanging pagtangis lamang na luha nitong ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Isa na ito ngayong baldado.Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga ginawang pagkakasala. Sapat ng magbayad ito sa mga kamaliang iyon.Tamang-tama, kapapasok niya lamang sa hospital nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng alarma kaya ganoon na lamang ang pagkakagulo ng mga pasyente at staff ng hospital na nasa loob.“Code gray! I repeat code gray!” anunsyong narinig niya sa speaker.Hin
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa kahit magagamit ang isang kamay na walang posas. Tanging pagtangis lamang dahl sa luhang ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga pinagdaanan ni Liberty sa buhay.Galit din sa kanya si Victoria. Siya ang sinisisisi nito sa mga kamalasang nagawa ng anak. Hindi siya sumagot. Wala siyang panahong makipagtalo sa mga baluktot na paniniwala nito. Sa oras na pwede na itong lumabas ng hospital, sisimulan na rin ang trial nito. Hindi lamang sa