DAHIL HINDI NAMAN masyadong nagtagal si Liberty sa party ng mga Salvantez, nagpalit lamang siya ng damit at naglinis bago magdesisyong puntahan ang nanay ni King na nasa hospital. Gusto niyang tuparin ang pangako rito na bibisita kapag hindi siya abala sa ibang gawain.Isang malapad na ngiti kaagad ang pinakawalan niya nang makitang suot pa rin nito ang sapatos na ibinigay niya. Binati rin siya ng nurse na nagbabantay rito nang maibaba ang mga prutas na pasalubong niya.“Kumusta na po kayo?” tanong niya sa ginang. “Pwede pong ako na ang gagawa?”“Ah… ano… sige po. Thank you,” sagot ng nagbabantay sa ginang matapos na iabot sa kanya ang suklay nito.Habang sinusuklayan ang makapal at ma
HABOL NI LIBERTY ang paghinga nang makapasok sa kanilang bahay. Inuusig pa rin siya ng konsensya nang iwan niya ang matandang nanghihingi ng kapatawaran sa kanya. Dahil hindi naman iyon ang nararapat. Ang anak nito ang dapat na nasa ganoong eksena.Alam niya sa sariling hindi siya nakaramdam ng pagmamahal mula sa matatawag niyang magulang ngunit hindi estranghero sa kanya ang pagmamahal na iyon.Sa pagkakataon ding iyon, alam niya sa sarili na kailangan niyang maging matigas. Hindi lamang para sa kanya, kung hindi maging sa kompanya na naapektuhan ng ginawang kasalanan ni Miss Rodriguez.Hindi pa man siya nakakabawi sa emosyon pinagdaanan noong mga sandaling iyon nang mag-ring naman ang cellphone niya at mula roon ay nabasa niya ang pangalan ng kapatid na tumatawag pa
KANINA PA NAGDUDUDA ang tingin sa kanya ni Ruffa. Babalik ito sa pagkain bago ibabalik muli sa kanya ang tingin. Ganoon muli ang gagawin nito bago tumingin sa ibang direksyon. Alam niyang nagdadalawang-isip ito na magsalita kaya nahampas niya ang kaibigan na ikinagulat nito.“Bakla, aray ha!” malakas na sambit ni Ruffa.“Bakit ba kase?” tanong niya rito. “May itatanong ka ba sa akin?”Saglit pa siyang tiningnang muli ng kaibigan bago ito bumuntang-hininga.“Bakit mo inayang lumabas? Ngayon lang ito nangyari, Bakla. May problema ka ‘no?”Siya naman ngayon ang hindi maipinta ang mukha. Hindi talaga siya makakapagtago sa kaibigan. Totoo rin ang
DAHIL SA KINASASANGKUTANG problema ni Liberty, ilang araw na siyang hindi makapasok sa kanyang trabaho. Kung sarili lamang ang iniisip niya, ay kaya niya pang pumasok. Ngunit, nang madamay ang kompanyang pinapasukan niya, siya na mismo ang nagsabi kay Charles na liliban muna hanggang sa mabigyan ng kasagutan ang kanilang problema.May naghahanap na rin sa tatay ni Miss Rodriguez ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ito matagpuan na lalong dumadagdag sa kanilang suspetsa. Nakausap niya na rin nang personal si Miss Rodriguez nang magpunta siya sa presinto ngunit wala siyang nakuhang kahit na anong sagot dito. Para sa kanya, mababaw ang rason na away lamang iyon sa trabaho dahil normal lamang iyong nangyayari.Gusto rin siyang samahan ni Ruffa sa kanyang apartment ngunit siya na mismo ang tumanggi dahil may mahalaga itong business trip sa ibang bansa na kailangang puntahan. Sa dami ng pang-aabala niya sa kaibigan, ayaw niya na iyon dagdagan pa.Sa dalawang araw na nakalipas ay h
SINIGURADO NI LIBERTY na wala na siyang dalang kahit na anong pasanin nang bisitahan ang nanay at kapatid niya sa hospital. Bukas ay balik trabaho na siya kaya hindi niya alam kung kailan ulit magkakaroon ng oras sa pagbisita.Sa pagpasok niya sa kwarto ng bunsong kapatid, hindi niya na naman maiwasang huwag madama ang mabigat na pakiramdam. Si Lenard ang isa sa mga dahilan kung bakit niya pinagbubuti ang lahat ng ginagawa. Dahil rin sa kapatid kaya nagawa niyang tiising pakisamahan ang kanyang asawa sa kabila ng pangloloko nito sa kanya.Isa lamang ang hinihiling niya sa itaas para dito. Sana’y isang araw ay makita niyang gising ang kapatid habang baon nito ang magandang ngiti na inaasam-asam niyang masaksihan.Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay nito kasabay ng tipid n
HETO NA NAMAN ang pakiram ni Liberty na tila wala siyang mapuntahan. Wala pa ang kaibigan niya sa bansa, ayaw niya pa ring umuwi sa kanila dahil mararamdaman niya lang ang kalungkutan dahil sa pagiging mag-isa.Kaya naman, kaysa kung ano-ano ang isipin niya kapag nasa bahay, dumiretso siya sa isa pang hospital kung saan naroon ang mama ni King. Sa hindi malamang kadahilanan, kahit walang sinasabi ang ginang sa kanya ay gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing nakikita ito at ngumingiti sa kanya na kailanman ay hindi niya naramdaman sa nanay niya.Bago pumasok ng kwarto, isang malapad na ngiti ang inihanda niya nang sa ganoon ay hindi nito maramdaman ang problemang dala-dala ngunit nang papasok na siya sa loob ay narinig niya ang isa sa mga tagapagbantay ng ginang na pinag-uusapan siya.&
HINDI MAIWASAN NI King na huwag mapangiti dahil sa malaking improvement ng mommy niya magsimula nang makikilala nito si Liberty. Kahit papaano'y gumagawa na ito ng responds sa mga nakapaligid dito sa ilang mga pagkakataon na nakakausap niya.“Are you excited to go home, Mom?” tanong niya sa mommy niya habang iniisa-isang isilid ang gamit nito. “Cause I am.”Totoo ang sinabi niya. Matagal-tagal ding nanatili ang mommy niya sa hospital kaya hindi na rin siya umuuwi sa bahay nila dahil hinahanap niya ang presensya nito roon.“Inayos ko na rin ang room mo according to what you’ve said before. Yes, Mom. Sinunod ko na ang gusto mo. Napakabuti kong anak ‘di ba?”Ang balak niya pa noong una&rsqu
NAGISING SI LIBERTY dahil sa malakas na sigaw niya na pumailanlang sa buong kwarto. Habol niya ang malalim na paghinga habang balot ang mukha ng matinding pag-aalala. Saka niya lamang napagtanto kung nasaan siya nang ikutin niya ng tingin ang apat na sulok ng kwarto.“Hospital again?” nanghihinayang niyang tanong sa sarili. Bakit naman yata sa dinami-rami ng mga lugar, sa hospital pa siya naging lapitin?“Ano bang kamalasan ang dumikit sa buhay ko? Hindi ko na nga problema ang pera pero matetegi rin ako, hindi ko iyon mapapakinabangan!” Umiiling niyang sambit sa sarili. “Kailangan ko ng pumasok sa trabaho…”Natigil lamang siya sa malalim na pag-iisip nang pumasok sa kwarto si King. Kung ano ang suot nito kagabi ay ganoon pa rin iyon. Halata rin sa nanlalalim nitong mga mata na wala pa ring tulog.“Kumusta ka?” tanong nito sa kanya nang makalapit.“Ito, may contest ng tanungan sa utak ko. Masamang balita, wala pa ring panalo,” sagot niya rito. “Hindi pa magaling ang kamay ko, paa ko na