HINDI MAIWASAN NI King na huwag mapangiti dahil sa malaking improvement ng mommy niya magsimula nang makikilala nito si Liberty. Kahit papaano'y gumagawa na ito ng responds sa mga nakapaligid dito sa ilang mga pagkakataon na nakakausap niya.
“Are you excited to go home, Mom?” tanong niya sa mommy niya habang iniisa-isang isilid ang gamit nito. “Cause I am.”
Totoo ang sinabi niya. Matagal-tagal ding nanatili ang mommy niya sa hospital kaya hindi na rin siya umuuwi sa bahay nila dahil hinahanap niya ang presensya nito roon.
“Inayos ko na rin ang room mo according to what you’ve said before. Yes, Mom. Sinunod ko na ang gusto mo. Napakabuti kong anak ‘di ba?”
Ang balak niya pa noong una&rsqu
NAGISING SI LIBERTY dahil sa malakas na sigaw niya na pumailanlang sa buong kwarto. Habol niya ang malalim na paghinga habang balot ang mukha ng matinding pag-aalala. Saka niya lamang napagtanto kung nasaan siya nang ikutin niya ng tingin ang apat na sulok ng kwarto.“Hospital again?” nanghihinayang niyang tanong sa sarili. Bakit naman yata sa dinami-rami ng mga lugar, sa hospital pa siya naging lapitin?“Ano bang kamalasan ang dumikit sa buhay ko? Hindi ko na nga problema ang pera pero matetegi rin ako, hindi ko iyon mapapakinabangan!” Umiiling niyang sambit sa sarili. “Kailangan ko ng pumasok sa trabaho…”Natigil lamang siya sa malalim na pag-iisip nang pumasok sa kwarto si King. Kung ano ang suot nito kagabi ay ganoon pa rin iyon. Halata rin sa nanlalalim nitong mga mata na wala pa ring tulog.“Kumusta ka?” tanong nito sa kanya nang makalapit.“Ito, may contest ng tanungan sa utak ko. Masamang balita, wala pa ring panalo,” sagot niya rito. “Hindi pa magaling ang kamay ko, paa ko na
ANG KANINANG PAGIGING kalmante ni Liberty ay napalitan ng matinding kaba nang hindi siya sa bahay na tinutuluyan nila noong nagsasama pa sila dinala ni Duncan dinala. Patungo sila sa liblib na lugar na ngayon lamang nila pupuntahan.Gusto niyang tanungin ito kung anong plano sa kanya ngunit natatakot siya sa sasabihin ng asawa dahil alam niya na rin ang iisang sagot doon na kahit na anong mangyari ay hindi niya papayagang gawin nito sa kanya.Walang magawa na tinitignan niya na lamang ang mga lugar na madadaanan nila sa pagbabakasakaling makakita siya ng kahit na isang senyales kung paano ito matatakasan.Ganoon ang ginagawa niya hanggang sa huminto sila sa isang ancestral house na ngayon niya lamang napuntahan.“We’
NAIKUYOM NI LIBERTY ang kaninang nakabukas na kamay nang dumating ang hindi niya inaasahang bisita. Sigurado siya. Hindi siya maaaring magkamali. Kahit na nasa kabilang kwarto’y dinig niya ang kawalang-hiyaang ginagawa ng dalawa sa ibabaw ng kama. Habang magkasalo ang mga ito at parehong pinaliligaya ang isa’t isa, napakaraming tanong na kusang tumatakbo sa isipan niya.Bakit? Bakit umabot siya ng ganito kababa? Bakit kailangang hayagang ipadama sa kanya ng magaling niyang asawa ang pagtataksil nito? Higit sa lahat, bakit kumakapit pa rin siya sa masayang memorya na nagdadala lamang ng kirot sa kanya? Hindi na dapat. Wala na dapat siyang nararamdaman na kahit ano lalo na kung ipinagdudulan na sa kanya ng reyalidad na tapos na nga talaga ang pahina ng pagsasama nilang dalawa.Gusto niyang tanungin ang sarili kung gaano ba kalalim ang ibinaon niyang pagmamahal dito para umabot sa punto na hirap siyang kalimutan ito. Nasa itaas ang kanyang utak, mas mababa sa puso kung tutuusin ngunit ba
“HOW CAN YOU be sure?” galit na tanong ni King sa staff ng hospital kung saan naka-confine si Liberty. “Asawa niya po mismo ang nag-ayos ng releasing paper niya,” siguradong sabi ng nurse.“Wala rin po kaming nakita kahit na anong pagtutol kay Mrs. Salvantez,” giit pa ng isa.“Opo. Kaya ang akala namin ay ayos lang po na ang asawa niya ang susundo sa kanya, Mr. Salvantez.”Naibagsak naman ni Charles ang kamay sa ibabaw ng lamesa. Bakas din ang galit dito dahil sa nalaman. Dahil sa industriyang ginagalawan nila, hindi naging malabo na naging malapit din sila na kalaunan ay naging magkalaban at magkaibigan. Ayon sa mga nalaman niya, dating kumukuha ng law si Charles ngunit lumipat sa programming kinalaunan dahil hindi naman talaga ang naunang kurso ang gusto nito at pinagbigyan lamang ang mga magulang. Malaking hakbang nang magsimula ito sa negosyo na ngayon ay kasusyo niya na rin niya.“Alam mo ang ugali ni Ruffa, p’re!” sabing muli ni Charles. “Ayaw na ayaw na niyon sa lahat kapag ma
“KAIN! SINABI NG kumain ka!” may diin ang pagsasalita habang nagpupumilit si Victoria na ipasok sa bibig niya ang kutsara.Ngunit matigas si Liberty. Hindi niya kinakain ang mga pagkaing si Victoria mismo ang nagluto. Wala siyang tiwala sa mga tao rito sa bahay. Mas pipiliin niyang mag-ulam ng instant noodles na siya mismo ang naghanada kaysa kainin ang mga pagkaing ihahain ng mga ito.“Napakatigas ng ulo mo!” malakas na sigaw nito kasabay ng pagsipa sa kanyang wheelchair.“Hindi ako kakain,” may diin niyang sabi sa mga ito. “Mas pipiliin ko pang magutom kaysa mamatay sa lason.”“Sige! Kung iyan ang gusto mo!” may galit na kinuha ng ina ni Duncan ang mga nakahain sa kanyang harapan.Nakangising nakatingin naman sa kanya si Merideth habang patuloy ito sa pagkain. Sa pamilyang narito, alam niya higit pa sa kahit na sino kung sino nga ba ang mas nasisiyahan na makita siyang nahihirapan siya.Wala ngayon si Duncan dahil sa mga dapat na ayusin sa kompanya. Kailangan niya lamang ng tamang p
HINDI MAKAPANIWALANG TININGNAN ni Liberty ang asawa nang dalhin siya nito sa inihandang pagsasalo sa likod-bahay. Doon, nakahanda ang isang mahabang lamesa kung saan puno ng iba’t ibang putahe ang pagkain. Mayroon din mga rosas na puti sa center table katabi ng baso na may kandila sa loob. Puno din ng pailaw ang lugar na nagpatingkad sa ganda ng paligid.Kung hindi ganito ang sitwasyon nila ng asawa at hindi siya nitgo niloko, baka, sa pagkakataong ito’y umiiyak na siya labis na kasiyahang ipinadadama sa kanya ng asawa.Ngunit habang itinutulak nito ang kanyang wheelchair, bakit walang maramdaman na kahit na ano si Liberty? Tila ba kahit anong gawin ni Duncan ay hindi na siya muling sasaya sa piling nito. Ang lamat na hatid nito ay masyado ng malaki para tapalan pa.Ang pagkakangiti ni Duncan nang mga sandaling iyon ay napakatingkad. Suot nito ang formal na damit upang magmukhang engrande ang gabing iyon ngunit ang nakikita niya pa rin sa asawa ay ang pagtataksil nito na hindi na yata
MGA BALIW NA ang kasama niya sa bahay. Hindi niya alam kung paano pa ng mga ito nagagawang taas-noong humaharap sa kanya na parang walang nagawang kataksilan. Higit sa lahat, inaasahan pa ng magaling na kabit ng asawa niya na handa siyang magpaalila sa pag-aakalang katulad pa rin siya ng dati na pinagsisilbihan si Duncan.“Bakit para sa ‘yo lang iyang niluto mo?” may pagtataray na tanong ni Merideth.Nagawa pang tumingin ni Liberty sa kanyang likuran bago tingnan ang babae saka ibaling ang tingin sa niluto niyang kaldereta na sinigurado niyang para lamang sa kanya. Ipinatong niya iyon sa kanyang hita upang maitulak nang walang hirap ang wheelchair.“Ako pala ang kinakausap mo?” nagmamaang-maangan niyang tanong dito bago ipagpapatuloy ang pagpapagulong sana sa wheelchair na pinigilan ni Merideth.“Tinatanong kita, bakit para sa ‘yo lang iyang niluto mo—”Natawa si Liberty at umiling sa babae. “Baka nakakalimutan niyong bihag niyo ako dito pero hindi niyo alila. Bakit, kung ipagluluto k
MATAPOS MATAWAGAN ANG kaibigan, kaagad na inalis ni Liberty ang ebidensya na binuksan niya at pinakialaman ang sariling cellphone. Kinuha ito ni Duncan nang sapilitan siyang dalhin sa lugar na ito. Sinigurado niya ring ibinalik niya iyon sa pagkakaayos nang sa ganoon ay hindi pagsuspetsahan. Nang makalabas sa kwarto ni Duncan, bakas na naman sa kanya ang matinding pag-aalala at takot sa magiging kalagayan ni Merideth. Hindi siya ganoon kasama para umabot sa punto na kaya niyang ipahamak ang kahit na sino para lamang mapanatag ang kalooban niya na nakaganti. Hindi kasama ang mga inosenteng buhay sa mga kailangang madamay. Hindi siya mapapalagay hangga’t hindi nalalaman ang kundisyon nito.Kung gaano siya katagal na naghintay doon ay hindi niya alam. Ang sigurado siya’y hindi siya makakaalis nang hindi nalalaman ang kalagayan nito.Iyon na yata ang pinakamatagal na paghihintay niya. Kulang ang salitang pagkainip para ipaliwanag niya ang kabang nadarama. Bawat pagpihit ng orasan ay tila
“D-DIYOS KO NAMAN…” mahinang bulong ni Cole. “Ang yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?” Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?“Huwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!” pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.“Secretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?” tanong din ni James.“All for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.” Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.“Paano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?” problemadong tanong ni Cole.“I don’t know,” sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. “Malamang niyan kasama niya na naman si Ruff
DAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng dati’y pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u
“KILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!” “Walang kahit na sinong makakatapak sa akin!” “Kilalanin niyo ang binabangga niyo!”“King, King, come here! Be with me! We should be together—hindi kayo bagay ni Liberty!”Iyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niya’y nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n
“KAMI NA ANG bahala rito,” sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. “Huwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,” sabi ni Cole. “Sa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.”“I know what I am doing,” sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.“L-let’s go to the hospital…” iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital
HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli
“A-ANO?” NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.“B-bomba?” hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Ang bahay napapalibutan ng bomba?” Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.“Why are you crying?” kalmadong tanong sa kanya ni King. “Don’t cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.”Dahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak
HINDI NAKAGALAW SI King sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya’y namamalikmata lamang siya habang nakatingin sa babaeng inaasam-asam na muling makita.Ang huling sinuot din ni Liberty ang natatanging alaala ang mayroon siya sa bahay na nakalagay pa sa kanyang unan upang sa tuwing mami-miss niya ito ay yakap niya nang mahigpit iyon.At ngayong nasa harapan niya ang babaeng kamukha ng babaeng tanaw niya lamang dati sa malayo ay hindi siya makapaniwala. Tulala sa ilang segundo sa kanyang pagkakatayo si King bago bumaba ang tingin sa tyan nito na napakalaki na.“Tititigan na lamang ba natin ang isa’t isa?” natatawang tanong ni Liberty sa kanya. “Hindi mo ba ako yayakapin, King?”Napadilat-pikit ng mga mata niya ang binata. Ang tingin ay na kay Liberty pa rin. Totoo ba talaga ang kanyang nakikita? Hindi ba ito parte ng kanyang ilusyon? Dama niya ang panghihina ng mga tuhod nang sandaling iyon. Habang ang kanyang luha ay pabagsak na sa kanyang mga mata. Hindi niya rin matagpuan ang saril
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot na ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa. Tanging pagtangis lamang na luha nitong ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Isa na ito ngayong baldado.Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga ginawang pagkakasala. Sapat ng magbayad ito sa mga kamaliang iyon.Tamang-tama, kapapasok niya lamang sa hospital nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng alarma kaya ganoon na lamang ang pagkakagulo ng mga pasyente at staff ng hospital na nasa loob.“Code gray! I repeat code gray!” anunsyong narinig niya sa speaker.Hin
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa kahit magagamit ang isang kamay na walang posas. Tanging pagtangis lamang dahl sa luhang ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga pinagdaanan ni Liberty sa buhay.Galit din sa kanya si Victoria. Siya ang sinisisisi nito sa mga kamalasang nagawa ng anak. Hindi siya sumagot. Wala siyang panahong makipagtalo sa mga baluktot na paniniwala nito. Sa oras na pwede na itong lumabas ng hospital, sisimulan na rin ang trial nito. Hindi lamang sa