MATAPOS MATAWAGAN ANG kaibigan, kaagad na inalis ni Liberty ang ebidensya na binuksan niya at pinakialaman ang sariling cellphone. Kinuha ito ni Duncan nang sapilitan siyang dalhin sa lugar na ito. Sinigurado niya ring ibinalik niya iyon sa pagkakaayos nang sa ganoon ay hindi pagsuspetsahan. Nang makalabas sa kwarto ni Duncan, bakas na naman sa kanya ang matinding pag-aalala at takot sa magiging kalagayan ni Merideth. Hindi siya ganoon kasama para umabot sa punto na kaya niyang ipahamak ang kahit na sino para lamang mapanatag ang kalooban niya na nakaganti. Hindi kasama ang mga inosenteng buhay sa mga kailangang madamay. Hindi siya mapapalagay hangga’t hindi nalalaman ang kundisyon nito.Kung gaano siya katagal na naghintay doon ay hindi niya alam. Ang sigurado siya’y hindi siya makakaalis nang hindi nalalaman ang kalagayan nito.Iyon na yata ang pinakamatagal na paghihintay niya. Kulang ang salitang pagkainip para ipaliwanag niya ang kabang nadarama. Bawat pagpihit ng orasan ay tila
NAIKUYOM NI KING ang kamao nang maalala ang sitwasyon ni Liberty sa masikip, madilim at mainit na bodega kung saan walang malay nila itong nakita. Awa ang nararamdaman niya rito dahil hindi siya maaaring magkamali sa nakita. Ganitong-ganito ang itsura nang mama niya nang mabaon ito sa problema na naging dahilan kung bakit ito nasiraan ng bait. Itinakbo kaagad nila si Liberty sa hospital para malaman ang kondisyon nito. Kung siya ang masusunod, mas gugustuhin niyang marungisan ang pangalan ng mga Salvantez kung ang kapalit niyon ay kalayaan nito sa asawa. Kung alam niya nga lang din ay matagal na siyang nangialam sa gusot ng pamangkin. Maaaring sa pagkakataon iyon ay alam na nitong baguhin ang sarili para maitama ang mga mali.Sa ilang beses na sinusugod si Liberty ng hospital, ang tangi niyang nakikitang bumisita rito ay ang magkasintahan, kailanman ay hindi niya nakita ang pamilya nito na dumalaw dito. Hindi rin parte sa kaalaman niya na hindi naman ito ulilang lubos kaya hindi niy
NANG MAKALABAS SI Liberty ng kumpanya, ang problema na kinakaharap kaagad ang tinutukan niya. Pinuntahan niya sa kulungan si Miss Rodriguez. Kailangan niyang makausap ang babae upang malaman ang dahilan nito kung bakit nito iyon ginawa sa kanila. Lalo na kung ang magiging kapalit naman ay masisira ang pangalan nitong pinakaiingatan.Tulak ni Ruffa ang wheelchair niya nang pumasok sila sa presinto. Hindi niya akalain na ang ama ng babae ang unang mabubungaran doon. Hindi niya naihanda ang sarili sa muling paghaharap nila.“Mrs. Salvantez…” mahinang sambit ng matanda.Pakiramdam niya’y pinipiga ang puso niya nang makita ang nakakaawang itsura nito. Halatang ilang araw na itong walang tulog. Mas pumayat din ang matanda kumpara nang huli niyang makita. Kapansin-pansin iyon sa humpak na pisngi nito ngayon.“Mrs. Salvantez…” nahihiyang sambit muli ng matanda. “Nais ko ho sanang humingi ng tawad sa nagawa ng aking nagawa…” Hindi ito makatingin nang maayos sa kanya. Hindi kaya ng matanda na
“BAKIT HINDI MO na lang hiwalayan si Liberty?” tahasang tanong ni Merideth kay Duncan. “Sigurado naman na hindi ka tatanggalan ng mana ng lolo mo dahil ikaw naman ang totoong apo. Hindi ang babaeng iyon.”Hindi siya binigyang pansin ni Duncan at ipinagpatuloy nito ang pagbabalat ng mansanas.Maayos na ang lagay ng bata na nasa kanyang sinapupunan na dahilan kung bakit nawala na ang takot niya nang isugod sa hospital ni Duncan. Ngunit dahil hindi mapalagay si Victoria, ito mismo ang nagsabi na manatili pa siya ng ilang araw sa hospital. Bago mangyari ang malaking sunog ng kusina sa dating bahay ni Victoria, alam niya sa sarili na wala siyang alam sa pagluluto ngunit nagprisinta siya na gawin iyon sa pag-aakalang madali lamang. Isa pa, gusto niyang makuha nang tuluyan ang loob ni Duncan. Hindi siya makakapante hangga’t nasa paligid si Liberty. Nang malaman niya ang lokasyon ng kinalalagyan ni Duncan dahil kay Victoria, ginawa niya ang makakaya upang mapuntahan ito. Wala siyang tiwala
ITO ANG UNANG araw na gumising si Liberty na hindi sa tinitirahan niyang apartment. Sasaglit lamang ang naging tulog niya dahil sa dami ng tanong sa kanyang isipan. Marami ring agam-agam na patuloy na tumutuligsa kanyang isipan kaya naman hindi niya alam kung tama pa ba ang ginagawa.Bilang isang babae, mali na tumira siya sa bahay ng isang lalaki na labis na kinaseselosan ng kanyang asawa. Ngunit, hindi niya magawang hindi maging masaya dahil makakasama niya ang ina ng binata. Ngayon niya lang napagtanto na may sarili siyang pamilya ngunit kahit na minsan ay hindi niya iyon naramdaman iyon sa sariling ina. Pakiramdam niya’y isa lamang siyang latak sa buhay ng mga ito kaya siguro ito rin ang dahilan kaya hindi niya pa kilala ang sarili. Sa kabila ng pagiging matapang niya, ay isa pa rin siyang duwag na naghahanap ng kalinga at pagmamahal mula sa iba.Nakikita niya iyong lahat sa katauhan ng nanay ni King. Hindi man ito nagsasalita ngunit presensya at yakap lamang nito ay tila buo na
KUNG MAY TAO na tatanungin kung sino ang ehemplo nila sa pagiging positibo, kaagad na magbobolantaryo si Liberty at ang ituturo ay ang sarili niya. Hindi niya maiwasang huwag maging masaya sa progress niya. Pwede na siyang maglakad na ang gamit na lamang ay saklay. Maaga siyang nagising nang araw na iyon dahil kailangan niyang magtungo sa kompanya. Katulad din ng pangako ng kaibigan niyang si Ruffa ay susunduin siya nito sa tuwing kailangan niyang lumabas ng bahay. Seryoso ang kaibigan niya na gagawin ang lahat upang maiwasan niya lamang ang asawa.Habang nasa biyahe sila, hindi niya ito magawang magtaka dahil sa kanyang kutob. Malaki ang hinala niya na kinausap nito ang asawa niya katulad ng parating nitong ginagawa sa tuwing napapahamak siya.Nabaling na namang muli ang tingin sa kanya ni Ruffa bago nito ibalik ang tingin sa pagmamaneho. Mayamaya ay napunta na naman iyon sa kanya bago magbalik ng tingin sa daan. Dahil sa paulit-ulit nilang pagsasalubong ng tingin, kaya ito na mism
TAHIMIK NA NASA kwarto lamang si Liberty. Malalim na naman ang iniisip niya tungkol sa problema ng kompanya. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin maiwasang huwag magsuspetsa na may sumasabotahe sa kanila. Hindi siya naniniwala na si Mrs. Rodriguez ang salarin kaya nakarating iyon sa mga Salvantez. Sigurado siya sapagkat alam niya sa sarili kung gaano katuso si Duncan. Hindi ito papayag na hindi malamangan ang tiyuhin nitong si King.Ngunit sa isang banda, sa saglit na panahong nakakasama si King, alam niya sa sarili na hindi rin ito ang uri ng tao na basta na lamang matatalo sa negosyong pinasok nito. Sa tagal nitong nasa industriya, hindi malabo na hindi pa rin nito nakilatis ang mga taong nakapaligid sa kanya lalong-lalo na ang sa tingin nitong hindi mapagkakatiwalaan.Tinapos ni Liberty ang mga dapat ayusin sa trabaho bago lumabas para sa kanilang hapunan. Malaking tulong na nakapagsasaklay na lamang siya. Hindi na siya gaanong nahihirapang kumilos.Akmang tutuloy na si Liberty sa pa
MARIIN ANG PAGKAKAKUYOM ng kamao ni Merideth nang ipakita ang imahe ni Liberty sa telebisyon kung saan tuluyan na itong napawalang-sala sa ginawang pagluhod ng matanda. Ayon sa statement, isang frame up lamang ang nangyari kaya napunta ito sa ganoong sitwasyon. Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin nagsasalita si Miss Rodriguez patungkol sa kaso.Mas tumindi ang pagbaon ng kuko niya sa kanyang palad habang nakikita ang statement ng mga tao na nagbibigay patunay kung gaano kabuti ang puso nito. Ang karamihan sa madla ay mga nakasalamuha ni Liberty.Siya dapat ang nasa posisyon na iyon, Siya dapat ang nakikilala ng tao kung siya ang pinakasalan ni Duncan at hindi ang babaeng ibinabalita sa telebisyon. Wala sa sariling napahagod siya sa kanyang tiyan. Ang anak na lang ang pag-asa niya upang mahalin ni Duncan. Hindi siya maaaring mabigo. Ang hiling niya lang ay sana’y lalaki ang dinadala nang sa gano'n ay ito ang susunod na magmamana ng lahat ng mayroon si Duncan.“What’s wrong with that f