Share

CHAPTER 48: He Wants Her Back

HINDI MAKAPANIWALANG TININGNAN ni Liberty ang asawa nang dalhin siya nito sa inihandang pagsasalo sa likod-bahay. Doon, nakahanda ang isang mahabang lamesa kung saan puno ng iba’t ibang putahe ang pagkain. Mayroon din mga rosas na puti sa center table katabi ng baso na may kandila sa loob. Puno din ng pailaw ang lugar na nagpatingkad sa ganda ng paligid.

Kung hindi ganito ang sitwasyon nila ng asawa at hindi siya nitgo niloko, baka, sa pagkakataong ito’y umiiyak na siya labis na kasiyahang ipinadadama sa kanya ng asawa.

Ngunit habang itinutulak nito ang kanyang wheelchair, bakit walang maramdaman na kahit na ano si Liberty? Tila ba kahit anong gawin ni Duncan ay hindi na siya muling sasaya sa piling nito. Ang lamat na hatid nito ay masyado ng malaki para tapalan pa.

Ang pagkakangiti ni Duncan nang mga sandaling iyon ay napakatingkad. Suot nito ang formal na damit upang magmukhang engrande ang gabing iyon ngunit ang nakikita niya pa rin sa asawa ay ang pagtataksil nito na hindi na yata
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status