NANG MAKALABAS SI Liberty ng kumpanya, ang problema na kinakaharap kaagad ang tinutukan niya. Pinuntahan niya sa kulungan si Miss Rodriguez. Kailangan niyang makausap ang babae upang malaman ang dahilan nito kung bakit nito iyon ginawa sa kanila. Lalo na kung ang magiging kapalit naman ay masisira ang pangalan nitong pinakaiingatan.Tulak ni Ruffa ang wheelchair niya nang pumasok sila sa presinto. Hindi niya akalain na ang ama ng babae ang unang mabubungaran doon. Hindi niya naihanda ang sarili sa muling paghaharap nila.“Mrs. Salvantez…” mahinang sambit ng matanda.Pakiramdam niya’y pinipiga ang puso niya nang makita ang nakakaawang itsura nito. Halatang ilang araw na itong walang tulog. Mas pumayat din ang matanda kumpara nang huli niyang makita. Kapansin-pansin iyon sa humpak na pisngi nito ngayon.“Mrs. Salvantez…” nahihiyang sambit muli ng matanda. “Nais ko ho sanang humingi ng tawad sa nagawa ng aking nagawa…” Hindi ito makatingin nang maayos sa kanya. Hindi kaya ng matanda na
“BAKIT HINDI MO na lang hiwalayan si Liberty?” tahasang tanong ni Merideth kay Duncan. “Sigurado naman na hindi ka tatanggalan ng mana ng lolo mo dahil ikaw naman ang totoong apo. Hindi ang babaeng iyon.”Hindi siya binigyang pansin ni Duncan at ipinagpatuloy nito ang pagbabalat ng mansanas.Maayos na ang lagay ng bata na nasa kanyang sinapupunan na dahilan kung bakit nawala na ang takot niya nang isugod sa hospital ni Duncan. Ngunit dahil hindi mapalagay si Victoria, ito mismo ang nagsabi na manatili pa siya ng ilang araw sa hospital. Bago mangyari ang malaking sunog ng kusina sa dating bahay ni Victoria, alam niya sa sarili na wala siyang alam sa pagluluto ngunit nagprisinta siya na gawin iyon sa pag-aakalang madali lamang. Isa pa, gusto niyang makuha nang tuluyan ang loob ni Duncan. Hindi siya makakapante hangga’t nasa paligid si Liberty. Nang malaman niya ang lokasyon ng kinalalagyan ni Duncan dahil kay Victoria, ginawa niya ang makakaya upang mapuntahan ito. Wala siyang tiwala
ITO ANG UNANG araw na gumising si Liberty na hindi sa tinitirahan niyang apartment. Sasaglit lamang ang naging tulog niya dahil sa dami ng tanong sa kanyang isipan. Marami ring agam-agam na patuloy na tumutuligsa kanyang isipan kaya naman hindi niya alam kung tama pa ba ang ginagawa.Bilang isang babae, mali na tumira siya sa bahay ng isang lalaki na labis na kinaseselosan ng kanyang asawa. Ngunit, hindi niya magawang hindi maging masaya dahil makakasama niya ang ina ng binata. Ngayon niya lang napagtanto na may sarili siyang pamilya ngunit kahit na minsan ay hindi niya iyon naramdaman iyon sa sariling ina. Pakiramdam niya’y isa lamang siyang latak sa buhay ng mga ito kaya siguro ito rin ang dahilan kaya hindi niya pa kilala ang sarili. Sa kabila ng pagiging matapang niya, ay isa pa rin siyang duwag na naghahanap ng kalinga at pagmamahal mula sa iba.Nakikita niya iyong lahat sa katauhan ng nanay ni King. Hindi man ito nagsasalita ngunit presensya at yakap lamang nito ay tila buo na
KUNG MAY TAO na tatanungin kung sino ang ehemplo nila sa pagiging positibo, kaagad na magbobolantaryo si Liberty at ang ituturo ay ang sarili niya. Hindi niya maiwasang huwag maging masaya sa progress niya. Pwede na siyang maglakad na ang gamit na lamang ay saklay. Maaga siyang nagising nang araw na iyon dahil kailangan niyang magtungo sa kompanya. Katulad din ng pangako ng kaibigan niyang si Ruffa ay susunduin siya nito sa tuwing kailangan niyang lumabas ng bahay. Seryoso ang kaibigan niya na gagawin ang lahat upang maiwasan niya lamang ang asawa.Habang nasa biyahe sila, hindi niya ito magawang magtaka dahil sa kanyang kutob. Malaki ang hinala niya na kinausap nito ang asawa niya katulad ng parating nitong ginagawa sa tuwing napapahamak siya.Nabaling na namang muli ang tingin sa kanya ni Ruffa bago nito ibalik ang tingin sa pagmamaneho. Mayamaya ay napunta na naman iyon sa kanya bago magbalik ng tingin sa daan. Dahil sa paulit-ulit nilang pagsasalubong ng tingin, kaya ito na mism
TAHIMIK NA NASA kwarto lamang si Liberty. Malalim na naman ang iniisip niya tungkol sa problema ng kompanya. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin maiwasang huwag magsuspetsa na may sumasabotahe sa kanila. Hindi siya naniniwala na si Mrs. Rodriguez ang salarin kaya nakarating iyon sa mga Salvantez. Sigurado siya sapagkat alam niya sa sarili kung gaano katuso si Duncan. Hindi ito papayag na hindi malamangan ang tiyuhin nitong si King.Ngunit sa isang banda, sa saglit na panahong nakakasama si King, alam niya sa sarili na hindi rin ito ang uri ng tao na basta na lamang matatalo sa negosyong pinasok nito. Sa tagal nitong nasa industriya, hindi malabo na hindi pa rin nito nakilatis ang mga taong nakapaligid sa kanya lalong-lalo na ang sa tingin nitong hindi mapagkakatiwalaan.Tinapos ni Liberty ang mga dapat ayusin sa trabaho bago lumabas para sa kanilang hapunan. Malaking tulong na nakapagsasaklay na lamang siya. Hindi na siya gaanong nahihirapang kumilos.Akmang tutuloy na si Liberty sa pa
MARIIN ANG PAGKAKAKUYOM ng kamao ni Merideth nang ipakita ang imahe ni Liberty sa telebisyon kung saan tuluyan na itong napawalang-sala sa ginawang pagluhod ng matanda. Ayon sa statement, isang frame up lamang ang nangyari kaya napunta ito sa ganoong sitwasyon. Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin nagsasalita si Miss Rodriguez patungkol sa kaso.Mas tumindi ang pagbaon ng kuko niya sa kanyang palad habang nakikita ang statement ng mga tao na nagbibigay patunay kung gaano kabuti ang puso nito. Ang karamihan sa madla ay mga nakasalamuha ni Liberty.Siya dapat ang nasa posisyon na iyon, Siya dapat ang nakikilala ng tao kung siya ang pinakasalan ni Duncan at hindi ang babaeng ibinabalita sa telebisyon. Wala sa sariling napahagod siya sa kanyang tiyan. Ang anak na lang ang pag-asa niya upang mahalin ni Duncan. Hindi siya maaaring mabigo. Ang hiling niya lang ay sana’y lalaki ang dinadala nang sa gano'n ay ito ang susunod na magmamana ng lahat ng mayroon si Duncan.“What’s wrong with that f
MASAYA SI LIBERTY na hindi siya tinutulan ni Gustavo sa kanyang plano. Hindi niya na kailangan pang mag-alala sa kung anong mararamdaman nito ngayong nabigyan na siya ng permiso na gawin ang mga dapat niyang gawin upang maipaglaban niya ang sarili sa asawa. Matapos makapag-isip nang mabuti, buo na ang desisyon niyang umuwi sa kanyang bahay. Alam niya sa sarili na hindi panghabang-buhay ang magiging pagtatago niya sa poder ng isa pang Salvantez. Isa pa, samantalahin niya na ang kabaitan nito sa kabila ng walang alinlangang pagtulong sa kanya ni King parati.Nalulungkot lang siya sa isipin na kailangan niya ring iwan ang nanay ni King ngayon na napalapit na siya sa kanya nang husto. Ilang linggong pananatili rito, nasanay na rin ang sistema niya na ito ang parating nabubungaran sa tuwing magigising siya ng umaga. Ang yakap din ng ginang ang isa sa dahilan kung bakit unti-unti niya ng natatanggap na maaaring hindi nga siya tunay na mahal ng kanyang nanay. Maaaring tama ito. Isa nga siya
HABANG WALA SA sarili si Liberty nang mga sandaling iyon, marami ring tanong ang pumapasok sa kanyang isipan. Isa na roon ang kung bakit ba niya kailangang matakot sa asawa? Pera lang ang mayroon ito, bukod doon ay wala na siyang ibang maisip pa na magiging dahilan upang makaramdam siya ng ganito. Malaki rin ang kasiguraduhan niya na wala itong bagay na gagawin na pagsisihan nito sa bandang huli dahil mataas ang pangarap ng asawa niya na nakahanda nga nitong lamangan ang lahat kahit na siya pang asawa. “Liberty!” malakas na namang sigaw ni Duncan mula sa labas. “Alam kong nandyan ka! Huwag mo na akong pagtaguan!” Naikuyom niya ang kamao habang matindi ang pagkaka-kapit ng isang kamay sa kanyang saklay. “Lumabas ka rito!” pulang-pula na ang mukha ng asawa niya. Tila mapapatiran na rin ito ng ugat dahil sa walang tigil na pagsigaw sa kanya na sasabayan pa ng pagkalampag nito sa pinto.“Labas!” sigaw nitong muli.Hindi magawang magalit ni Liberty sa mga security guard na nagbabantay
“D-DIYOS KO NAMAN…” mahinang bulong ni Cole. “Ang yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?” Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?“Huwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!” pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.“Secretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?” tanong din ni James.“All for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.” Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.“Paano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?” problemadong tanong ni Cole.“I don’t know,” sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. “Malamang niyan kasama niya na naman si Ruff
DAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng dati’y pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u
“KILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!” “Walang kahit na sinong makakatapak sa akin!” “Kilalanin niyo ang binabangga niyo!”“King, King, come here! Be with me! We should be together—hindi kayo bagay ni Liberty!”Iyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niya’y nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n
“KAMI NA ANG bahala rito,” sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. “Huwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,” sabi ni Cole. “Sa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.”“I know what I am doing,” sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.“L-let’s go to the hospital…” iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital
HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli
“A-ANO?” NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.“B-bomba?” hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Ang bahay napapalibutan ng bomba?” Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.“Why are you crying?” kalmadong tanong sa kanya ni King. “Don’t cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.”Dahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak
HINDI NAKAGALAW SI King sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya’y namamalikmata lamang siya habang nakatingin sa babaeng inaasam-asam na muling makita.Ang huling sinuot din ni Liberty ang natatanging alaala ang mayroon siya sa bahay na nakalagay pa sa kanyang unan upang sa tuwing mami-miss niya ito ay yakap niya nang mahigpit iyon.At ngayong nasa harapan niya ang babaeng kamukha ng babaeng tanaw niya lamang dati sa malayo ay hindi siya makapaniwala. Tulala sa ilang segundo sa kanyang pagkakatayo si King bago bumaba ang tingin sa tyan nito na napakalaki na.“Tititigan na lamang ba natin ang isa’t isa?” natatawang tanong ni Liberty sa kanya. “Hindi mo ba ako yayakapin, King?”Napadilat-pikit ng mga mata niya ang binata. Ang tingin ay na kay Liberty pa rin. Totoo ba talaga ang kanyang nakikita? Hindi ba ito parte ng kanyang ilusyon? Dama niya ang panghihina ng mga tuhod nang sandaling iyon. Habang ang kanyang luha ay pabagsak na sa kanyang mga mata. Hindi niya rin matagpuan ang saril
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot na ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa. Tanging pagtangis lamang na luha nitong ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Isa na ito ngayong baldado.Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga ginawang pagkakasala. Sapat ng magbayad ito sa mga kamaliang iyon.Tamang-tama, kapapasok niya lamang sa hospital nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng alarma kaya ganoon na lamang ang pagkakagulo ng mga pasyente at staff ng hospital na nasa loob.“Code gray! I repeat code gray!” anunsyong narinig niya sa speaker.Hin
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa kahit magagamit ang isang kamay na walang posas. Tanging pagtangis lamang dahl sa luhang ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga pinagdaanan ni Liberty sa buhay.Galit din sa kanya si Victoria. Siya ang sinisisisi nito sa mga kamalasang nagawa ng anak. Hindi siya sumagot. Wala siyang panahong makipagtalo sa mga baluktot na paniniwala nito. Sa oras na pwede na itong lumabas ng hospital, sisimulan na rin ang trial nito. Hindi lamang sa