Share

CHAPTER 52: Choose Happiness 

NANG MAKALABAS SI Liberty ng kumpanya, ang problema na kinakaharap kaagad ang tinutukan niya. Pinuntahan niya sa kulungan si Miss Rodriguez. Kailangan niyang makausap ang babae upang malaman ang dahilan nito kung bakit nito iyon ginawa sa kanila. Lalo na kung ang magiging kapalit naman ay masisira ang pangalan nitong pinakaiingatan.

Tulak ni Ruffa ang wheelchair niya nang pumasok sila sa presinto. Hindi niya akalain na ang ama ng babae ang unang mabubungaran doon. Hindi niya naihanda ang sarili sa muling paghaharap nila.

“Mrs. Salvantez…” mahinang sambit ng matanda.

Pakiramdam niya’y pinipiga ang puso niya nang makita ang nakakaawang itsura nito. Halatang ilang araw na itong walang tulog. Mas pumayat din ang matanda kumpara nang huli niyang makita. Kapansin-pansin iyon sa humpak na pisngi nito ngayon.

“Mrs. Salvantez…” nahihiyang sambit muli ng matanda. “Nais ko ho sanang humingi ng tawad sa nagawa ng aking nagawa…”

Hindi ito makatingin nang maayos sa kanya. Hindi kaya ng matanda na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status