ITO ANG UNANG araw na gumising si Liberty na hindi sa tinitirahan niyang apartment. Sasaglit lamang ang naging tulog niya dahil sa dami ng tanong sa kanyang isipan. Marami ring agam-agam na patuloy na tumutuligsa kanyang isipan kaya naman hindi niya alam kung tama pa ba ang ginagawa.Bilang isang babae, mali na tumira siya sa bahay ng isang lalaki na labis na kinaseselosan ng kanyang asawa. Ngunit, hindi niya magawang hindi maging masaya dahil makakasama niya ang ina ng binata. Ngayon niya lang napagtanto na may sarili siyang pamilya ngunit kahit na minsan ay hindi niya iyon naramdaman iyon sa sariling ina. Pakiramdam niya’y isa lamang siyang latak sa buhay ng mga ito kaya siguro ito rin ang dahilan kaya hindi niya pa kilala ang sarili. Sa kabila ng pagiging matapang niya, ay isa pa rin siyang duwag na naghahanap ng kalinga at pagmamahal mula sa iba.Nakikita niya iyong lahat sa katauhan ng nanay ni King. Hindi man ito nagsasalita ngunit presensya at yakap lamang nito ay tila buo na
KUNG MAY TAO na tatanungin kung sino ang ehemplo nila sa pagiging positibo, kaagad na magbobolantaryo si Liberty at ang ituturo ay ang sarili niya. Hindi niya maiwasang huwag maging masaya sa progress niya. Pwede na siyang maglakad na ang gamit na lamang ay saklay. Maaga siyang nagising nang araw na iyon dahil kailangan niyang magtungo sa kompanya. Katulad din ng pangako ng kaibigan niyang si Ruffa ay susunduin siya nito sa tuwing kailangan niyang lumabas ng bahay. Seryoso ang kaibigan niya na gagawin ang lahat upang maiwasan niya lamang ang asawa.Habang nasa biyahe sila, hindi niya ito magawang magtaka dahil sa kanyang kutob. Malaki ang hinala niya na kinausap nito ang asawa niya katulad ng parating nitong ginagawa sa tuwing napapahamak siya.Nabaling na namang muli ang tingin sa kanya ni Ruffa bago nito ibalik ang tingin sa pagmamaneho. Mayamaya ay napunta na naman iyon sa kanya bago magbalik ng tingin sa daan. Dahil sa paulit-ulit nilang pagsasalubong ng tingin, kaya ito na mism
TAHIMIK NA NASA kwarto lamang si Liberty. Malalim na naman ang iniisip niya tungkol sa problema ng kompanya. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin maiwasang huwag magsuspetsa na may sumasabotahe sa kanila. Hindi siya naniniwala na si Mrs. Rodriguez ang salarin kaya nakarating iyon sa mga Salvantez. Sigurado siya sapagkat alam niya sa sarili kung gaano katuso si Duncan. Hindi ito papayag na hindi malamangan ang tiyuhin nitong si King.Ngunit sa isang banda, sa saglit na panahong nakakasama si King, alam niya sa sarili na hindi rin ito ang uri ng tao na basta na lamang matatalo sa negosyong pinasok nito. Sa tagal nitong nasa industriya, hindi malabo na hindi pa rin nito nakilatis ang mga taong nakapaligid sa kanya lalong-lalo na ang sa tingin nitong hindi mapagkakatiwalaan.Tinapos ni Liberty ang mga dapat ayusin sa trabaho bago lumabas para sa kanilang hapunan. Malaking tulong na nakapagsasaklay na lamang siya. Hindi na siya gaanong nahihirapang kumilos.Akmang tutuloy na si Liberty sa pa
MARIIN ANG PAGKAKAKUYOM ng kamao ni Merideth nang ipakita ang imahe ni Liberty sa telebisyon kung saan tuluyan na itong napawalang-sala sa ginawang pagluhod ng matanda. Ayon sa statement, isang frame up lamang ang nangyari kaya napunta ito sa ganoong sitwasyon. Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin nagsasalita si Miss Rodriguez patungkol sa kaso.Mas tumindi ang pagbaon ng kuko niya sa kanyang palad habang nakikita ang statement ng mga tao na nagbibigay patunay kung gaano kabuti ang puso nito. Ang karamihan sa madla ay mga nakasalamuha ni Liberty.Siya dapat ang nasa posisyon na iyon, Siya dapat ang nakikilala ng tao kung siya ang pinakasalan ni Duncan at hindi ang babaeng ibinabalita sa telebisyon. Wala sa sariling napahagod siya sa kanyang tiyan. Ang anak na lang ang pag-asa niya upang mahalin ni Duncan. Hindi siya maaaring mabigo. Ang hiling niya lang ay sana’y lalaki ang dinadala nang sa gano'n ay ito ang susunod na magmamana ng lahat ng mayroon si Duncan.“What’s wrong with that f
MASAYA SI LIBERTY na hindi siya tinutulan ni Gustavo sa kanyang plano. Hindi niya na kailangan pang mag-alala sa kung anong mararamdaman nito ngayong nabigyan na siya ng permiso na gawin ang mga dapat niyang gawin upang maipaglaban niya ang sarili sa asawa. Matapos makapag-isip nang mabuti, buo na ang desisyon niyang umuwi sa kanyang bahay. Alam niya sa sarili na hindi panghabang-buhay ang magiging pagtatago niya sa poder ng isa pang Salvantez. Isa pa, samantalahin niya na ang kabaitan nito sa kabila ng walang alinlangang pagtulong sa kanya ni King parati.Nalulungkot lang siya sa isipin na kailangan niya ring iwan ang nanay ni King ngayon na napalapit na siya sa kanya nang husto. Ilang linggong pananatili rito, nasanay na rin ang sistema niya na ito ang parating nabubungaran sa tuwing magigising siya ng umaga. Ang yakap din ng ginang ang isa sa dahilan kung bakit unti-unti niya ng natatanggap na maaaring hindi nga siya tunay na mahal ng kanyang nanay. Maaaring tama ito. Isa nga siya
HABANG WALA SA sarili si Liberty nang mga sandaling iyon, marami ring tanong ang pumapasok sa kanyang isipan. Isa na roon ang kung bakit ba niya kailangang matakot sa asawa? Pera lang ang mayroon ito, bukod doon ay wala na siyang ibang maisip pa na magiging dahilan upang makaramdam siya ng ganito. Malaki rin ang kasiguraduhan niya na wala itong bagay na gagawin na pagsisihan nito sa bandang huli dahil mataas ang pangarap ng asawa niya na nakahanda nga nitong lamangan ang lahat kahit na siya pang asawa. “Liberty!” malakas na namang sigaw ni Duncan mula sa labas. “Alam kong nandyan ka! Huwag mo na akong pagtaguan!” Naikuyom niya ang kamao habang matindi ang pagkaka-kapit ng isang kamay sa kanyang saklay. “Lumabas ka rito!” pulang-pula na ang mukha ng asawa niya. Tila mapapatiran na rin ito ng ugat dahil sa walang tigil na pagsigaw sa kanya na sasabayan pa ng pagkalampag nito sa pinto.“Labas!” sigaw nitong muli.Hindi magawang magalit ni Liberty sa mga security guard na nagbabantay
“HINDI KA TITIGIL? Tang*na! Ang ingay-ingay!” “Kapag hindi tumigil, gripuhan mo na, P’re!” malakas na sulsol naman ng isa sa mga preso.“Ogag! Sigurado ba kayo na kalalabanin niyo iyan? Bigatin iyan mga tanga!”“Bigatin? Eh bakit nakakulong?” tanong din ng isa na kanina’y sumuway pa lang sa kanya.“Hindi naman kase lahat ng mayaman kayang bayaran ang batas!” pagalit na tugon din ng isa.Sa inis ni Duncan, sinipa niyang muli nang napakalakas ang rehas na bakal. Hindi niya akalain na ipakukulong talaga siya ng asawa matapos na mangako na gagawin iyon sa oras na manggulo siya sa tinitirhan nito. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Ngunit kung may isang bagay na sigurado siya ay iyon ang hindi niya alam kung may ginawa ang asawa niya upang maging komportable ito ng ganito para kalabanin siya.Napaupo nang wala sa oras si Duncan nang may mapagtanto. Hindi kaya alam na ng lolo niya ang ginawang kabulastugan? Kung oo ang sagot, hanggang saan naman kaya ang nalalaman nito?“Hindi ako pwe
MAHIGPIT NA HINAWAKAN ni Liberty ang kanyang cellphone matapos na makita ang nilalaman ng mensahe na ipinasa sa kanya ng private investigator. Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pagsunod nito kay Duncan upang malaman ang mga patagong ginagawa ng kanyang asawa. Sa kabila ng kanyang mga nalaman, hindi niya pa rin maiwasang huwag masaktan. Maraming taon ang nasayang niya sa asawa. Ito ang naging buhay niya sa panahong kalaban niya ang buong mundo ngunit maling-mali ang naging desisyon niyang iyon. Dahil habang ginagawa niyang mundo ang asawa, bumubuo rin ito ng mundo kasama ang iba. “Ngayong kasama niya na ang iba, magiging masaya na kaya siya?” wala sa sarili niyang tanong na naging dahilan ng pag-iling niya noong huli. “Bakit kasiyahan niya pa rin ang iniisip ko?”Dismayado siya sa sarili. Maraming pagkakamali na ang nagawa ng asawa niya ngunit iniisip niya pa rin ito.“Ang daming tao sa mundo, bakit demonyo pa ang napili ko?” kung magaling lang sana siyang pumili, kung nakinig lama