HABANG WALA SA sarili si Liberty nang mga sandaling iyon, marami ring tanong ang pumapasok sa kanyang isipan. Isa na roon ang kung bakit ba niya kailangang matakot sa asawa? Pera lang ang mayroon ito, bukod doon ay wala na siyang ibang maisip pa na magiging dahilan upang makaramdam siya ng ganito. Malaki rin ang kasiguraduhan niya na wala itong bagay na gagawin na pagsisihan nito sa bandang huli dahil mataas ang pangarap ng asawa niya na nakahanda nga nitong lamangan ang lahat kahit na siya pang asawa. “Liberty!” malakas na namang sigaw ni Duncan mula sa labas. “Alam kong nandyan ka! Huwag mo na akong pagtaguan!” Naikuyom niya ang kamao habang matindi ang pagkaka-kapit ng isang kamay sa kanyang saklay. “Lumabas ka rito!” pulang-pula na ang mukha ng asawa niya. Tila mapapatiran na rin ito ng ugat dahil sa walang tigil na pagsigaw sa kanya na sasabayan pa ng pagkalampag nito sa pinto.“Labas!” sigaw nitong muli.Hindi magawang magalit ni Liberty sa mga security guard na nagbabantay
“HINDI KA TITIGIL? Tang*na! Ang ingay-ingay!” “Kapag hindi tumigil, gripuhan mo na, P’re!” malakas na sulsol naman ng isa sa mga preso.“Ogag! Sigurado ba kayo na kalalabanin niyo iyan? Bigatin iyan mga tanga!”“Bigatin? Eh bakit nakakulong?” tanong din ng isa na kanina’y sumuway pa lang sa kanya.“Hindi naman kase lahat ng mayaman kayang bayaran ang batas!” pagalit na tugon din ng isa.Sa inis ni Duncan, sinipa niyang muli nang napakalakas ang rehas na bakal. Hindi niya akalain na ipakukulong talaga siya ng asawa matapos na mangako na gagawin iyon sa oras na manggulo siya sa tinitirhan nito. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Ngunit kung may isang bagay na sigurado siya ay iyon ang hindi niya alam kung may ginawa ang asawa niya upang maging komportable ito ng ganito para kalabanin siya.Napaupo nang wala sa oras si Duncan nang may mapagtanto. Hindi kaya alam na ng lolo niya ang ginawang kabulastugan? Kung oo ang sagot, hanggang saan naman kaya ang nalalaman nito?“Hindi ako pwe
MAHIGPIT NA HINAWAKAN ni Liberty ang kanyang cellphone matapos na makita ang nilalaman ng mensahe na ipinasa sa kanya ng private investigator. Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pagsunod nito kay Duncan upang malaman ang mga patagong ginagawa ng kanyang asawa. Sa kabila ng kanyang mga nalaman, hindi niya pa rin maiwasang huwag masaktan. Maraming taon ang nasayang niya sa asawa. Ito ang naging buhay niya sa panahong kalaban niya ang buong mundo ngunit maling-mali ang naging desisyon niyang iyon. Dahil habang ginagawa niyang mundo ang asawa, bumubuo rin ito ng mundo kasama ang iba. “Ngayong kasama niya na ang iba, magiging masaya na kaya siya?” wala sa sarili niyang tanong na naging dahilan ng pag-iling niya noong huli. “Bakit kasiyahan niya pa rin ang iniisip ko?”Dismayado siya sa sarili. Maraming pagkakamali na ang nagawa ng asawa niya ngunit iniisip niya pa rin ito.“Ang daming tao sa mundo, bakit demonyo pa ang napili ko?” kung magaling lang sana siyang pumili, kung nakinig lama
“I AM PROMOTING positive emotion as much as possible,” dagdag pa ni Liberty sa sinasabi. “What I want to help is the people with anxiety, people who feel so much pain, traumas, and even find an inner peace with someone’s mind.”Hindi pa rin inaalis ni King ang tingin kay Liberty habang patuloy ito sa pagpapaliwanag. Sa tuwing hinihimay nito ang application na pinaghirapan, hindi niya maiwasang huwag makaramdam ng pagmamalaki. Sa maikling panahon, napakalayo na nito sa dating Salvantez na naka-kabit lamang ang pangalan sa asawa. Pansin na maganda ang naging paggabay ni Charles kay Liberty. Makikita iyon sa kung paano nito i-handle ang isang sitwasyon. Pansin niya rin na malaki ang tiwala nito sa babae hindi lamang dahil kaibigan ito ng girlfriend kung hindi dahil alam nito kung paano umako ng responsibilidad.Hindi na rin si Liberty ang uri ng babae na kayang makuntento sa isang tabi. Makikita rito na may mataas itong pangarap sa sarili. Unti-unti niya ring nakikita na kahit na nahihi
NASA KWARTO SI Liberty ng sikat na hotel na tinuluyan ng kanilang team. Patuloy ang kanyang pagtatrabaho upang asikasuhin ang coding na kailangang tapusin para sa Utopia. Hindi siya papayag na maging hadlang ang nangyaring insidente sa loob ng restaurant upang panghinaan siya ng loob. Hindi niya pwedeng biguin ang mga naniniwala sa kanya.Ngunit sadyang hindi nakikiayon sa kanya ang pagkakataon dahil kung kailan naman abala siya sa ginagawa ay saka naman sumusumpong ang pananakit ng kanyang tyan. Kaya naman, kahit na kahit na tutok sa kanya ang aircon at napakalamig ng buga ng hangin ay naging matindi ang kanyang pagpapawis.Hindi siya maaaring magkamali. Isang letra o numero lamang ay maaari siyang bumalik muli ng simula.“Hindi ako deserve ng walanghiyang iyon,” mapait niyang sabi sa sarili. “Walanghiya naman kaseng pag-ibig ‘to. Hahamakin maging buong mundo nang hindi naiisip ang pagsakit ng tyan ko. Tapos ang lalaking iyon, lolokohin lang pala ako!”Nagsimula ang pananakit niya ng
WALA PA SA sarili nang magmulat ng mga mata si Liberty. Ang unang pumasok sa kanyang isipan ay ang coding na ginagawa kagabi. Tatayo na sana siya upang tingnan iyon nang mabaling ang atensyon niya sa kaliwang bahagi ng kama. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita kung paano nakahawak ang dalawa niyang kamay kay King habang sa lapag na ito nakatulog.Sa pagkataranta nang magmulat ng mga mata si King, ganoon na lamang ang gulat ni Liberty. Hindi nag-iisip na umurong siya at naging dahilan ng pagkauntog niya sa headboard ng kama. Habang sapo ang ulo, ay napakagulong siya sa kabilang bahagi na naging dahilan ng pagbagsak niya sa lapag.Sapo ang ulo na hinihimas-himas niya iyon at hindi kaagad tumayo sa kinahihihagaang lapag.Ngunit nang magmulat siya ng mga mata, ganoon na lamang ang gulat niya nang makitang muli ang binata. Halatang aburido ito, hindi nakatulog at masama ang tingin sa kanya.Napatayo tuloy siya nang wala sa oras mula sa kinauupuan. “K-king—I mean un
“SHE’S STILL NOT here,” mahinang bulong sa kanya ni Charles noong makalapit nang bahagya kay King. “Kilala natin siya higit sa kahit sino. Hindi marunong bumali ng salita si Liberty. Higit sa lahat, she knows how to manage her time.”Hindi kaagad kumibo si King. Makikita na kalmado pa rin siya sa kabila ng paghahantay nang matagal kay Liberty. “Where is she, Mr. Salvantez?” naiinip na tanong din ni Mr. Sandoval. “Sabihin niyo na sa akin kung sinasayang niyo ang oras ko. Marami akong nakabinbin na trabaho sa opisina.”“You just have to wait,” iyon lamang ang sinasabi ni King bago ito tumayo sa kinauupuan nang tumunog ang kanyang cellphone na kaagad niya ring sinagot. “Tama ka, Mr. Salvantez,” boses ni James mula sa kabilang linya. “Nang mabasa ko ang text mo, kaagad akong umakyat sa monitoring room. Mula sa na-review na footages…”Hindi kaagad nagsalita si James. Mapapansin pa ang bahagyang paglunok nito habang tinatanya ang sasabihin. “Someone kidnapped her, Mr. Salvantez.” “Do e
“THEN, SO BE it!” panghahamon na sagot ni King kay Mr. Sandoval. “Do you think that I will be scared with those simple words? I know your dark secret, Mr. Sandoval. Why would I be scared of you?”Saglit na natahimik ang lalaki. Halata na hindi nito inaasahan ang maririnig. Hindi makapaniwala na ang isang Salvantez na parating gumagawa ng sariling pangalan at nagpapatakbo ng malaking negosyo ay maraming alam tungkol sikretong hindi dapat malaman ng kahit sino.“Would it be too easy to expose your name? Yes,” sagot ni King sa sariling tanong. “Alam kong halang ang bituka mo.”“Hindi—”“Where’s Liberty? What did you do to her?” tanong niyang muli rito. “Nakita mo bang kasama ko siya?” nang-iinis na nakangising tanong nito sa kanya. “Wala ‘di ba? Kaya wala kang ebidensyang makukuha!”Dahil sa narinig, walang pagdadalawang-isip na kinaladkad ni King papaakyat sa ikalawang palapag ng abandunadong lugar na iyon si Mr. Sandoval. Kahit ang boses ni Charles na nakailang tawag na sa kanya ay hin