“SHE’S STILL NOT here,” mahinang bulong sa kanya ni Charles noong makalapit nang bahagya kay King. “Kilala natin siya higit sa kahit sino. Hindi marunong bumali ng salita si Liberty. Higit sa lahat, she knows how to manage her time.”Hindi kaagad kumibo si King. Makikita na kalmado pa rin siya sa kabila ng paghahantay nang matagal kay Liberty. “Where is she, Mr. Salvantez?” naiinip na tanong din ni Mr. Sandoval. “Sabihin niyo na sa akin kung sinasayang niyo ang oras ko. Marami akong nakabinbin na trabaho sa opisina.”“You just have to wait,” iyon lamang ang sinasabi ni King bago ito tumayo sa kinauupuan nang tumunog ang kanyang cellphone na kaagad niya ring sinagot. “Tama ka, Mr. Salvantez,” boses ni James mula sa kabilang linya. “Nang mabasa ko ang text mo, kaagad akong umakyat sa monitoring room. Mula sa na-review na footages…”Hindi kaagad nagsalita si James. Mapapansin pa ang bahagyang paglunok nito habang tinatanya ang sasabihin. “Someone kidnapped her, Mr. Salvantez.” “Do e
“THEN, SO BE it!” panghahamon na sagot ni King kay Mr. Sandoval. “Do you think that I will be scared with those simple words? I know your dark secret, Mr. Sandoval. Why would I be scared of you?”Saglit na natahimik ang lalaki. Halata na hindi nito inaasahan ang maririnig. Hindi makapaniwala na ang isang Salvantez na parating gumagawa ng sariling pangalan at nagpapatakbo ng malaking negosyo ay maraming alam tungkol sikretong hindi dapat malaman ng kahit sino.“Would it be too easy to expose your name? Yes,” sagot ni King sa sariling tanong. “Alam kong halang ang bituka mo.”“Hindi—”“Where’s Liberty? What did you do to her?” tanong niyang muli rito. “Nakita mo bang kasama ko siya?” nang-iinis na nakangising tanong nito sa kanya. “Wala ‘di ba? Kaya wala kang ebidensyang makukuha!”Dahil sa narinig, walang pagdadalawang-isip na kinaladkad ni King papaakyat sa ikalawang palapag ng abandunadong lugar na iyon si Mr. Sandoval. Kahit ang boses ni Charles na nakailang tawag na sa kanya ay hin
“KING, I WANT you to calm down, okay?” muling paalala pa sa kanya ni Charles. “Alam ko na ang rason kung bakit ito ginawa kay Liberty.”“What is it?” tanong niya sa kaibigan habang ang tingin ay diretso pa rin.“That Moira, Lora, Dona—whatever her name is, is the reason why—”“Diretsuhin mo na ako,” nauubusan ng pasensyang sambit ni King.“Sinuhulan niya ng sampung milyon si Liberty.”“And Liberty said no?” tanong niya rito. “Pangarap niya ito, malamang tatanggi si Liberty,” isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Charles. “Masyado nilang minamaliit iyon tao. Lowkey lang iyong si Liberty pero hindi nila alam na milyonarya na. Mabalik tayo sa usapan. Iyong pangako mo, King! Hindi kita palalabasin dito.”Hindi niya itong nagawang sagutin. Ang atensyon pa rin ng binata ay nasa manibela na patuloy ang paghigpit. Hindi siya pinababa ng sasakyan ni Charles hanggang hindi niya sinasagot ang sinabi nito.“King?” ulit na tanong ng kaibigan niya. “Mangako ka—”“Mapapahamak na si Lib
“MAS LUMAKAS ANG pagsigaw ni Liberty sa pag-iisip na wala na talaga siyang pag-asa. Pakiramdam niya, ang mga sandaling iyon na ang magiging katapusan niya.Magaganap na ba talaga sa kanya ang pambababoy na kagustuhan ng pinuno ng grupong ito? Ngunit habang nasa ganoon siyang sitwasyon, hindi niya maiwasang tanungin kung bakit siya? Napakaraming tao, bakit siya ang nakakaranas ng ganito?Ang gusto niya lang naman ay lumaban nang patas sa buhay. Ang buhayin ang sarili niya at ang pamilya niya mula sa perang pinaghirapan niya. Ngunit, bakit napakahirap? Ano pa ba ang mga kailangan niyang pagdaanan upang makaramdam ng kasiyahan?“Ang bango…”Lalong nangilabot si Liberty nang amuyin nito ang kanyang leeg. Bago pa man tuluyang maipasok ng lalaki ang kamay sa kanyang bra, at mahalikan ang kanyang leeg, ganoon na lamang ang gulat niya sa sunod-sunod na pagdaing mula sa kung sino.Kung saan-saan ibinabaling ni Liberty ang kanyang tingin kahit wala naman siyang nakikita. Kung saan kase naroon a
PAULIT-ULIT ANG PAGSIGAW ng dalawang lalaking nakalambitin ngayon sa mataas na bahagi ng construction site na iyon. Makikita na bakas sa dalawa ang takot dahil sa pagragasa ng pawis sa katawan ng mga ito. Malalim din ang paghinga nila habang paulit-ulit ang pagmamakaawa para sa kanilang buhay. “Ano bang nagawa namin?” galit na galit na tanong ng isa. Tumutulo pa ang uhog nito na humalo sa pawisang katawan. “Sumunod lang naman kami sa—ah! Huwag! Huwag!” hindi nito naituloy ang sasabihin nang ibaba pa ang tali ng crane machine na pinagsasabitan sa mga ito.“Iyon na nga ang problema, alam niyo ng masama, ginawa niyo pa!” “K-kailangan naming mabuhay!” katwiran at giit pa rin nito. “Ito lang ang paraan para makakuha kami ng malaking pera at madaling trabaho—ah! Tang*na! Bakit ba kayo nanakit?”Lalong nag-init ang batok ni James sa narinig. Ngayon niya pa lang ito nahampas ng sinturon ngunit kung makapagreklamo ay ganoon-ganoon na lang.“M-maawa na kayo! P-pakiusap, hindi na namin ito uul
“TATAKAS KA PA ha?” galit na sigaw ni Charles kay Mr. Sandoval matapos nilang malaman na gusto nitong pyansahan ang sarili.Dahil sa paging desperado ni Mr. Sandoval, naghanda pa ito ng malaking halaga para suhulan ang mga pulis na nakabantay sa kaso nito. Ngunit dahil sa tutok na pagbabantay ni King sa kaso, imposible na magawa nito ang panunuhol. Sa mga ganitong pagkakataon niya nagagamit ang kapangyarihang mayroon siya. “Sa tingin mo, abswelto ka, Mr. Salvantez? Malaki rin ang kasalanan mo sa batas!” Umiling na lamang si King. Hindi niya magawang ikaila na wala nga siyang kasalanan lalo pa’t hindi niya kaagad ipinaalam sa pulisya ang nangyaring kidnapping. Higit sa lahat kinuha niya pa ang mga tauhan nito. Ngunit wala na roong pakialam si King. Para sa kanya, nararapat lamang iyon sa mga taong halang ang bituka.“Nasaan na ang sekretarya mo?” tanong na naman ni James kay Mr. Sandoval. Nang pasukin kase nila ang lugar hindi nila nakita ang sekretarya na tinuturo ng mga tauhan ni
ISANG NGITI ANG ibinigay ni Liberty dahil sa matagal na pagkakatingin sa kanya ni King. May posibilidad hindi nito iyon napansin dahil sa malalim na pag-iisip ng maraming dahilan ng binata. Maaaring ngayon din ay gusto siyang tanungin ng binata kung bakit pinili niyang manahimik. Ngunit kilala niya si King kahit sa maikling panahon lang nilang magkakilala. Hindi ito ang uri ng tao na pala-salita. Pipiliin nitong manahimik sa kabila ng maraming tanong sa isipan.“Mr. Hidalgo, let’s go back to our topic,” sabi ni Liberty na muling ibinaling ang tingin sa presidente ng MedPro Technologies. “You may sit down.”“I’m good, Mrs. Salvantez.”“Just like from what I’ve said, we won’t let your company get dragged to this problem by taking our actions privately. In exchange, you will not allow my name to get published or be mentioned in any way as possible. Even if it's in the newspaper, television, or radio. Our company is my top priority. I will not tolerate anyone which will cause it to be de
“DON’T TELL ME, pupuntahan mo na naman ang babaeng iyon?” galit na hinarangan ni Merideth ang pinto kung saan dadaan si Duncan. “Why can’t you just leave her alone, Duncan?” “Get out of the way, Meridith. Kailangan ko siyang puntahan. Alam mo kung gaano kahalaga kay lolo si Liberty—”“Liberty! Puro na lang Liberty! Paano naman ako, Duncan?” tanong niya rito kasabay ng pagbagsak ng kanyang luha. “Paano naman ang anak natin? Hindi mo ba naiisip ang mararamdaman niya kapag dumating ang araw na malaman niya na ang babaeng iyon ang pinipili mo?”Dalawang kamay ang inilagay ni Duncan sa kanyang baywang bago ito huminga nang malalim matapos na ipikit ang mga mata. “Siya ang sagot para makuha ko ang mana ko—”“Sigurado ka ba na mana lang ang kailangan mo kaya gusto mo siyang puntahan o nag-aalala ka sa kanya?” Nang magmulat ng mga mata si Duncan, sinalubong nito ang tingin niya. Halos magdikit na naman ang kilay ng lalaki at halatang hindi nagustuhan ang mga sinabi niya. Maaari, kung hindi
“D-DIYOS KO NAMAN…” mahinang bulong ni Cole. “Ang yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?” Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?“Huwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!” pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.“Secretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?” tanong din ni James.“All for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.” Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.“Paano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?” problemadong tanong ni Cole.“I don’t know,” sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. “Malamang niyan kasama niya na naman si Ruff
DAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng dati’y pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u
“KILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!” “Walang kahit na sinong makakatapak sa akin!” “Kilalanin niyo ang binabangga niyo!”“King, King, come here! Be with me! We should be together—hindi kayo bagay ni Liberty!”Iyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niya’y nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n
“KAMI NA ANG bahala rito,” sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. “Huwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,” sabi ni Cole. “Sa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.”“I know what I am doing,” sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.“L-let’s go to the hospital…” iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital
HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli
“A-ANO?” NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.“B-bomba?” hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Ang bahay napapalibutan ng bomba?” Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.“Why are you crying?” kalmadong tanong sa kanya ni King. “Don’t cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.”Dahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak
HINDI NAKAGALAW SI King sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya’y namamalikmata lamang siya habang nakatingin sa babaeng inaasam-asam na muling makita.Ang huling sinuot din ni Liberty ang natatanging alaala ang mayroon siya sa bahay na nakalagay pa sa kanyang unan upang sa tuwing mami-miss niya ito ay yakap niya nang mahigpit iyon.At ngayong nasa harapan niya ang babaeng kamukha ng babaeng tanaw niya lamang dati sa malayo ay hindi siya makapaniwala. Tulala sa ilang segundo sa kanyang pagkakatayo si King bago bumaba ang tingin sa tyan nito na napakalaki na.“Tititigan na lamang ba natin ang isa’t isa?” natatawang tanong ni Liberty sa kanya. “Hindi mo ba ako yayakapin, King?”Napadilat-pikit ng mga mata niya ang binata. Ang tingin ay na kay Liberty pa rin. Totoo ba talaga ang kanyang nakikita? Hindi ba ito parte ng kanyang ilusyon? Dama niya ang panghihina ng mga tuhod nang sandaling iyon. Habang ang kanyang luha ay pabagsak na sa kanyang mga mata. Hindi niya rin matagpuan ang saril
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot na ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa. Tanging pagtangis lamang na luha nitong ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Isa na ito ngayong baldado.Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga ginawang pagkakasala. Sapat ng magbayad ito sa mga kamaliang iyon.Tamang-tama, kapapasok niya lamang sa hospital nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng alarma kaya ganoon na lamang ang pagkakagulo ng mga pasyente at staff ng hospital na nasa loob.“Code gray! I repeat code gray!” anunsyong narinig niya sa speaker.Hin
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa kahit magagamit ang isang kamay na walang posas. Tanging pagtangis lamang dahl sa luhang ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga pinagdaanan ni Liberty sa buhay.Galit din sa kanya si Victoria. Siya ang sinisisisi nito sa mga kamalasang nagawa ng anak. Hindi siya sumagot. Wala siyang panahong makipagtalo sa mga baluktot na paniniwala nito. Sa oras na pwede na itong lumabas ng hospital, sisimulan na rin ang trial nito. Hindi lamang sa