NANG MAKASIGURADO NG tulog na si Merideth, dahan-dahan ang naging pagtawag ni Duncan sa tauhang iplinanta niya upang matyagan ang bawat kilos at galaw ni Liberty. Gusto niyang malaman ang lahat tungkol dito. Hindi imposibleng magamit niya iyon balang-araw sa asawa nang ganoon ay hindi na nito ituloy ang diborsyo.Hindi kasama sa mga plano niya si Merideth. Iyon ang katotohanan. Ngunit nang mabuntis niya ito, at malamang maaaring kadugo niya ang bata, wala siyang magawa kung hindi baguhin ang kanyang plano. Hindi niya maatim na habang nasa rurok ng tagumpay ay may batang masasangkalan ng dahil sa kanya.Maaaring halang ang bituka niya, demonyo katulad ng paglalarawan ng asawa, ngunit, kung may isang bagay man siyang hindi kayang gawin, iyon ang pang-aabanduna sa sarili niyang kadugo.“Ano ng balita?” tanong niya rito habang nakasandal sa poste ng kanilang tarangkahan.Hinipat ni Duncan ang hawak na sigarilyo sa kaliwang kamay at ibinuga sa ere ang usok.“Kumpirmado, Sir,” pagbabalita n
“IYAN KA NA naman, Bakla!” kunsumidong sabi ni Ruffa. “Kagagaling mo lang sa sakit pero kung ano-ano na ang gustong mong gawin. “Ayaw mo ba na sa ibang araw ka na lang pumunta? Magpagaling ka munang mabuti!”“Bakla, kailangang ma-refresh ang utak ko. Atsaka, ikaw naman ang nagturo sa akin nito, ‘di ba? O bakit ngayon umuurong ka? Isa pa, papasok na ako sa headquarters sa susunod na araw.”“At nasisisi pa nga ako. Ang sabi ko lang naman ay maghanap ka ng destruction para hindi kung ano-anong iniisip mo,” giit pa rin ni Ruffa sa kanya.“Sige na, Bakla. Daanan mo na ako rito sa bahay. Mababaliw na ako rito—”“Baka nakakalimutan mong katatanggal pa lang ng cast sa paa mo? Hindi pa nga tapos ang therapy mo tapos gusto mo pang gumala.”Hindi kaagad nakasagot si Liberty. Alam niyang nag-aalala lang naman ang kaibigan niya kaya ito nasasabi ngunit hindi naman pwedeng ibaon niya na lang ang sarili sa takot. Kaya nga gusto niyang makipaghiwalay sa asawa dahil hindi niya nagagawa ang mga ganiton
“ANONG GINAWA MO, Bakla?” gulat na gulat na tanong ni Ruffa. Patunay na roon ang pagkawala ng tama nito sa alak dahil maayos na itong nakakapaglakad ngayon at hindi na pasuray-suray.“Alam mong hindi ako namemersonal ‘di ba?” tanong niya sa kaibigan. “Pero sinagad niya ako lalo na nang malaman kong proud pa siya sa pakikiapid!” Bahagya ang pagngiwi ni Ruffa nang maintindihan ang gusto niyang ipakahiwatig.“Don’t tell me—”“Oo, alam ko. Anak siya ni Sandoval pero wala sana akong pakialam doon pero nang malaman kong walang-hiya rin sita katulad ng tatay niya, hindi na ako nagdalawang-isip na gawin iyon.”“I’m sorry…” nahihiyang sabi ni Ruffa. “Dapat nag-e-enjoy ka ngayon pero ito ang inabot mo rito.”“Ayos lang. Tingnan mo nga, kung hindi dahil sa pangyayaring ito hindi ko malalaman na kaya ko pala na tumayosa sarili kong pananaw at ipaglaban ka.”Hindi na kumibo si Ruffa at pinakinggan lamang ang sinasabi ng ex-girlfriend ni Charles. Katulad ng naging kasunduan nila, ito mismo ang aam
“WHAT THE FVCK, Liberty?” galit na boses kaagad ni Duncan a cellphone ang bumungad sa kanya nang sagutin niya ang tawag nito. “What is it this time?” malamlam ang mga mata niya na nakatitig sa iisang direksyon ng coffee shop na iyon sa loob ng mall.Aksidenteng nabaling ang tingin niya sa isang pamilya na masayang nagtatawanan. Makikita rin na close ang mga ito dahil nagbibiruan pa habang tila may hinahanap.“Ano ang mga nakikita ko sa internet?” galit pa rin ang tinig ng asawa niya nang tanungin siya. “Answer me!” Hindi kaagad sumagot si Liberty. Pinili niya na gamitin ang business phone niya para malaman ang ikinagagalit nito.Ganoon na lamang ang paniningkit ng mga mata niya nang makita ang mga lumabas na resulta. Mga eksaheradong balita iyon at walang katotohanan tungkol sa kanilang dalawa ni King. Ayon sa mga kumakalat na tsismis, katulad ng dati, may relasyon daw silang dalawa at nagtataksil siya sa asawa.Sa mga larawan naman ay makikita ang matinding pagkakalingkis niya sa b
“THIS IS INSANE!” may diin sa paraan ng pagkakasabi na iyon ni iyon ni Liberty. “What are you thinking, King?”“Boss.”“What?” hindi niya na naman maiwasan ang pagtaas ng kilay sa tuwing si King ang kausap niya.“Basically, I am your boss inside this company,” pagtatama ni King sa kanya.Napaikot niya tuloy ang mata dahil sa kaartehan nito. Kung hindi niya lang din ito amo baka kanina pa siya tumayo papaalis sa kinauupuan dahil sa mga tinginang ibinabaling sa kanya ng mga empleyado ni King. “Sa dinami-rami ng lugar, bakit dito mo pa kase gustong makipagkita?” problemado niyang tanong dito. “Alam mo ba na kung ano-anong article ang kumakalat sa ating dalawa? Mas lalaki pa ang issue sa ginagawa mo!”Imbes na tingnan siya ni King o sumagot man lamang ito sa naging tanong niya, ipinagpatuloy pa ng binata ang pagkain na parang walang narinig.“Uncle!” malakas niyang tawag dito nang hindi pa rin ito sumasagot na parang iniinis siya.“Kung alam ko lang na ganito ang aabutin ko, hindi na lan
“NARIRINIG MO BA ang sinasabi mo, Ate?” nanghihina niyang tanong sa kapatid. “Ganoon na lang iyon? Kalilimutan mo ang ibinigay ko sa ‘yong pera?”“Sa ‘yo ba talaga?” balik na tanong ng kapatid niya. “Hindi ka makakakuha ng ganoon kalaking halaga kung hindi dahil sa asawa mo.”Umiling si Liberty. Hindi niya na talaga alam ang gagawin sa pamilya niya. Lahat na ng pang-unawa, sakripisyo at pagmamahal ay ibinigay niya na, ngunit, bakit sa kabila ng lahat ay kulang pa rin iyon? Ano pa ba ang kailangan niyang gawin upang maintindihan ng mga ito na sa oras na bumitaw siya ay guguho silang pare-pareho?“Sige na, Liberty! Kausapin mo ang asawa mo. Mawawalan kami ng bahay,” pilit na pakiusap nito. “Saan kami pupulutin? Hindi pwedeng tumira sa mabahong eskwater ang mga anak ko! Hindi na dapat nilang maranasan ang ganoong buhay!”“Iyon naman pala, Ate. Alam mo ang pakiramdam ng mahirap pero bakit para bang napakabilis niyong maglustay ng pera?” Heto na naman ang hindi makapaniwalang tingin na ibi
“KAHIT NA SALOT ang babaeng iyon sa buhay ko, may pakinabang pa rin siya ‘min,” sambit ng nanay ni Liberty na tumingin pa kay Duncan. “Hindi mo na raw sinusustentuhan si Leslie? Parang lugi naman kami!” Biglaang tumabang ang hilatsa mukha ni Duncan nang mahulaan na tama ang hula niya sa susunod na sasabihin ni Milagros.“Malinaw ang usapan namin, kung may makukuha ako, my ibabalik din ako. Pero matagal ng puro pasakit lang sa ulo ang dala ng pamilya niyo. Hindi naman pwedeng thank you na lang ang lahat.”“Saan kaya nanggaling ang ganoon kalaking pera na ibinigay sa akin ni Liberty? Imposibleng kitain niya iyon sa maikling panahon na hiningi ko sa kanya.”“Na nawala lang sa ‘yo na parang bula?” Umiiling na sabi ni Duncan. “Ibinenta niya ang mga alahas na ibinigay ko sa kanya.”“Ano kamo?” hindi makapaniwalang bulalas ni Leslie. “Tapos kung makapag-inarte sa akin, para bang lumalabas na pinaghirapan niya ang pera? Eh galing naman pala sa ‘yo! Walanghiyang babaeng ‘yon! Naisahan ako.”S
TULALA, WALA SARILI, at hindi makapaniwala si Liberty na sa isang iglap lang ay mawawala ang lahat ng pinaghirapan niya sa buhay para lang sumamang muli kay Duncan.Kanina, habang nasa hospital siya, hindi niya masabi ang totoo sa kanyang pamilya. Masyadong natatabunan ng kanyang nararamdaman ang kanyang isipan upang makapag-isip nang tama.Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na sa unang pagkakataon ay nakausap niya ang nanay niya nang hindi ito nagagalit sa kanya. Ngunit hindi niya akalain na ang magiging kapalit naman nito ay ang pagiging bilanggo niyang muli sa asawa.Ang pagkakaroon ng ina. Iyon ang matagal niya ng hinihiling at inaasam-asam. Ngunit bakit sa napakaraming pagkakataon, ngayon pa ito naibigay sa kanya? Hindi niya alam ang balak ng tadhana sa kanya. Gulong-gulo na siya.Nang makapasok sa bahay, hindi niya na nagawang magbukas pa ng ilaw. Hinubad niya lamang ang sapatos na suot habang wala sa sarili na nahiga sa sofa. Paano naman siya? Iyon ngayon ang tano
“D-DIYOS KO NAMAN…” mahinang bulong ni Cole. “Ang yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?” Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?“Huwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!” pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.“Secretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?” tanong din ni James.“All for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.” Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.“Paano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?” problemadong tanong ni Cole.“I don’t know,” sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. “Malamang niyan kasama niya na naman si Ruff
DAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng dati’y pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u
“KILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!” “Walang kahit na sinong makakatapak sa akin!” “Kilalanin niyo ang binabangga niyo!”“King, King, come here! Be with me! We should be together—hindi kayo bagay ni Liberty!”Iyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niya’y nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n
“KAMI NA ANG bahala rito,” sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. “Huwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,” sabi ni Cole. “Sa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.”“I know what I am doing,” sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.“L-let’s go to the hospital…” iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital
HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli
“A-ANO?” NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.“B-bomba?” hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Ang bahay napapalibutan ng bomba?” Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.“Why are you crying?” kalmadong tanong sa kanya ni King. “Don’t cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.”Dahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak
HINDI NAKAGALAW SI King sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya’y namamalikmata lamang siya habang nakatingin sa babaeng inaasam-asam na muling makita.Ang huling sinuot din ni Liberty ang natatanging alaala ang mayroon siya sa bahay na nakalagay pa sa kanyang unan upang sa tuwing mami-miss niya ito ay yakap niya nang mahigpit iyon.At ngayong nasa harapan niya ang babaeng kamukha ng babaeng tanaw niya lamang dati sa malayo ay hindi siya makapaniwala. Tulala sa ilang segundo sa kanyang pagkakatayo si King bago bumaba ang tingin sa tyan nito na napakalaki na.“Tititigan na lamang ba natin ang isa’t isa?” natatawang tanong ni Liberty sa kanya. “Hindi mo ba ako yayakapin, King?”Napadilat-pikit ng mga mata niya ang binata. Ang tingin ay na kay Liberty pa rin. Totoo ba talaga ang kanyang nakikita? Hindi ba ito parte ng kanyang ilusyon? Dama niya ang panghihina ng mga tuhod nang sandaling iyon. Habang ang kanyang luha ay pabagsak na sa kanyang mga mata. Hindi niya rin matagpuan ang saril
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot na ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa. Tanging pagtangis lamang na luha nitong ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Isa na ito ngayong baldado.Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga ginawang pagkakasala. Sapat ng magbayad ito sa mga kamaliang iyon.Tamang-tama, kapapasok niya lamang sa hospital nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng alarma kaya ganoon na lamang ang pagkakagulo ng mga pasyente at staff ng hospital na nasa loob.“Code gray! I repeat code gray!” anunsyong narinig niya sa speaker.Hin
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa kahit magagamit ang isang kamay na walang posas. Tanging pagtangis lamang dahl sa luhang ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga pinagdaanan ni Liberty sa buhay.Galit din sa kanya si Victoria. Siya ang sinisisisi nito sa mga kamalasang nagawa ng anak. Hindi siya sumagot. Wala siyang panahong makipagtalo sa mga baluktot na paniniwala nito. Sa oras na pwede na itong lumabas ng hospital, sisimulan na rin ang trial nito. Hindi lamang sa