“THIS IS INSANE!” may diin sa paraan ng pagkakasabi na iyon ni iyon ni Liberty. “What are you thinking, King?”“Boss.”“What?” hindi niya na naman maiwasan ang pagtaas ng kilay sa tuwing si King ang kausap niya.“Basically, I am your boss inside this company,” pagtatama ni King sa kanya.Napaikot niya tuloy ang mata dahil sa kaartehan nito. Kung hindi niya lang din ito amo baka kanina pa siya tumayo papaalis sa kinauupuan dahil sa mga tinginang ibinabaling sa kanya ng mga empleyado ni King. “Sa dinami-rami ng lugar, bakit dito mo pa kase gustong makipagkita?” problemado niyang tanong dito. “Alam mo ba na kung ano-anong article ang kumakalat sa ating dalawa? Mas lalaki pa ang issue sa ginagawa mo!”Imbes na tingnan siya ni King o sumagot man lamang ito sa naging tanong niya, ipinagpatuloy pa ng binata ang pagkain na parang walang narinig.“Uncle!” malakas niyang tawag dito nang hindi pa rin ito sumasagot na parang iniinis siya.“Kung alam ko lang na ganito ang aabutin ko, hindi na lan
“NARIRINIG MO BA ang sinasabi mo, Ate?” nanghihina niyang tanong sa kapatid. “Ganoon na lang iyon? Kalilimutan mo ang ibinigay ko sa ‘yong pera?”“Sa ‘yo ba talaga?” balik na tanong ng kapatid niya. “Hindi ka makakakuha ng ganoon kalaking halaga kung hindi dahil sa asawa mo.”Umiling si Liberty. Hindi niya na talaga alam ang gagawin sa pamilya niya. Lahat na ng pang-unawa, sakripisyo at pagmamahal ay ibinigay niya na, ngunit, bakit sa kabila ng lahat ay kulang pa rin iyon? Ano pa ba ang kailangan niyang gawin upang maintindihan ng mga ito na sa oras na bumitaw siya ay guguho silang pare-pareho?“Sige na, Liberty! Kausapin mo ang asawa mo. Mawawalan kami ng bahay,” pilit na pakiusap nito. “Saan kami pupulutin? Hindi pwedeng tumira sa mabahong eskwater ang mga anak ko! Hindi na dapat nilang maranasan ang ganoong buhay!”“Iyon naman pala, Ate. Alam mo ang pakiramdam ng mahirap pero bakit para bang napakabilis niyong maglustay ng pera?” Heto na naman ang hindi makapaniwalang tingin na ibi
“KAHIT NA SALOT ang babaeng iyon sa buhay ko, may pakinabang pa rin siya ‘min,” sambit ng nanay ni Liberty na tumingin pa kay Duncan. “Hindi mo na raw sinusustentuhan si Leslie? Parang lugi naman kami!” Biglaang tumabang ang hilatsa mukha ni Duncan nang mahulaan na tama ang hula niya sa susunod na sasabihin ni Milagros.“Malinaw ang usapan namin, kung may makukuha ako, my ibabalik din ako. Pero matagal ng puro pasakit lang sa ulo ang dala ng pamilya niyo. Hindi naman pwedeng thank you na lang ang lahat.”“Saan kaya nanggaling ang ganoon kalaking pera na ibinigay sa akin ni Liberty? Imposibleng kitain niya iyon sa maikling panahon na hiningi ko sa kanya.”“Na nawala lang sa ‘yo na parang bula?” Umiiling na sabi ni Duncan. “Ibinenta niya ang mga alahas na ibinigay ko sa kanya.”“Ano kamo?” hindi makapaniwalang bulalas ni Leslie. “Tapos kung makapag-inarte sa akin, para bang lumalabas na pinaghirapan niya ang pera? Eh galing naman pala sa ‘yo! Walanghiyang babaeng ‘yon! Naisahan ako.”S
TULALA, WALA SARILI, at hindi makapaniwala si Liberty na sa isang iglap lang ay mawawala ang lahat ng pinaghirapan niya sa buhay para lang sumamang muli kay Duncan.Kanina, habang nasa hospital siya, hindi niya masabi ang totoo sa kanyang pamilya. Masyadong natatabunan ng kanyang nararamdaman ang kanyang isipan upang makapag-isip nang tama.Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na sa unang pagkakataon ay nakausap niya ang nanay niya nang hindi ito nagagalit sa kanya. Ngunit hindi niya akalain na ang magiging kapalit naman nito ay ang pagiging bilanggo niyang muli sa asawa.Ang pagkakaroon ng ina. Iyon ang matagal niya ng hinihiling at inaasam-asam. Ngunit bakit sa napakaraming pagkakataon, ngayon pa ito naibigay sa kanya? Hindi niya alam ang balak ng tadhana sa kanya. Gulong-gulo na siya.Nang makapasok sa bahay, hindi niya na nagawang magbukas pa ng ilaw. Hinubad niya lamang ang sapatos na suot habang wala sa sarili na nahiga sa sofa. Paano naman siya? Iyon ngayon ang tano
KANINA PA PAROO’T parito si Charles. Halata sa mukha nito na hindi mapakali dahil sa sitwasyong kinahaharap. Narito na sa kanilang kompanya ang mga investors para sa huling meeting nila ng ilalabas na application ngunit wala pa ring Liberty na nagpapakita para sa gagawin nitong presentation.“Jenna, what's the update with your boss?” tanong ni Charles sa secretary ni Liberty na kausap niya sa kabilang linya. Dahil thirty minutes na itong late na hindi naman kailan nangyari, katulad ng sinabi ni Charles, pinapuntahan na nila ang babae sa bahay nito.“This meeting must be very important to Mr. Salvantez. Because if not, he might have just left if we’re two minutes late,” narinig pa ng binata na sambit ng isang empleyado ni Charles.Hindi kokontra si King sa bagay na iyon. Ganito kaimportante sa kanya ang proyektong ito para magtyaga na maghintay kay Liberty kahit gaano pa katagal. Alam niya rin na napakaimportante rin sa babae ng proyektong ito kaya ganoon na lamang ang pagtataka niya
“WALANGHIYA KA! WALANGHIYA!” magkakasunod na pagsipa ang natanggap ni Liberty mula kay Donna. Makikita rito ang matinding galit sa bawat lakas ng sipang ibinibigay sa kanya. Nang mga sandaling iyon, ang tanging nagawa lamang ni Liberty ay dumaing sa pinakamahinang paraan dahil garalgal na rin ang boses niya sa kasisigaw sa loob ng maleta.Dahil nakatali ang magkabila niyang kamay sa kaliwa’t kanan kaya mas malakas ang nagiging impact ng pagsipa nito. Ngunit wala siyang magawa dahil kahit ang mga paa niya ay ganoon din ang sitwasyon. “Maayos pa sana ang buhay ko! Hindi sana ako wanted ngayon kung hindi dahil sa ‘yong babae ka!” halos pumutok na ang ugat nito sa leeg kasisigaw.Sinabunutan ni Donna ang kanyang buhok kasabay ng malakas na pagsipang muli sa kanya.Tila nababaliw na ang sekretarya ni Mr. Sandoval. Naroon ang pagtawa nito sa kabila ng pagluha habang hindi makapaniwala na ganito ang mangyayari sa sariling buhay pagkatapos ng maganda at namamayagpag na karera.Sino ba naman
NANLULUMONG NAPAUPO SI Ruffa malapit sa pinto ng inuupahan ni Liberty. Bakas sa mukha nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa naging kapalaran ng kaibigan. Pilit nitong inilalayo at pinoprotektahan sa asawa si Liberty ngunit sa ibang kamay naman ito napahamak ngayon.Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni King. Kahit siya ay naguguluhan na rin sa nangyayari sa buhay ni Liberty. Hindi niya alam kung bakit sunod-sunod ang dagok na nangyayari rito sa kabila ng pagpipilit na mapaayos ang sariling buhay nang malayo sa impluwensya ng kanyang pamangkin.Hindi rin maiintindihan ni King ang sarili kung bakit ganito na katindi ang pag-alala niya samantalang ang turing niya lamang sa babae ay empleyado at tagapagligtas ng nanay niya. Bukod doon, wala na siyang ibang rason na nakikita para mag-alala kay Liberty. Ngunit, bakit ganito na lang din ang kabang nadarama niya?Dapat wala siyang pakialam. Iyon naman dapat. Ang iniisip niya lamang dapat ay ang kompanya na mas p
NATATARANTA, WALA SA sarili, hindi alam ang gagawin, ganoon ang itsura ni Liberty habang nakatingin sa duguang si Dona. Gusto niya itong tulungan sa kahit na anong paraan na nalalaman ngunit hindi niya alam kung paano.“P-patawad…” iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Dona.Lumuluhang pinagmasdan niya ang nakakaawang sitwasyon nito habang patuloy ang pag-ampat niya sa sugat ni Dona na patuloy ang pagdurugo.Tanging pagluha at pakikiusap rito na huwag ng magsalita upang hindi lumala ang kanyang kondisyon ang ginagawa ni Liberty ngunit mas dumarami ang paglabas ng dugo sa bibig nito.“Tulong!” hindi niya napigilang isigaw sa kabila ng pakikiusap ni Dona sa kanya na tumakas na.