“WALANGHIYA KA! WALANGHIYA!” magkakasunod na pagsipa ang natanggap ni Liberty mula kay Donna. Makikita rito ang matinding galit sa bawat lakas ng sipang ibinibigay sa kanya. Nang mga sandaling iyon, ang tanging nagawa lamang ni Liberty ay dumaing sa pinakamahinang paraan dahil garalgal na rin ang boses niya sa kasisigaw sa loob ng maleta.Dahil nakatali ang magkabila niyang kamay sa kaliwa’t kanan kaya mas malakas ang nagiging impact ng pagsipa nito. Ngunit wala siyang magawa dahil kahit ang mga paa niya ay ganoon din ang sitwasyon. “Maayos pa sana ang buhay ko! Hindi sana ako wanted ngayon kung hindi dahil sa ‘yong babae ka!” halos pumutok na ang ugat nito sa leeg kasisigaw.Sinabunutan ni Donna ang kanyang buhok kasabay ng malakas na pagsipang muli sa kanya.Tila nababaliw na ang sekretarya ni Mr. Sandoval. Naroon ang pagtawa nito sa kabila ng pagluha habang hindi makapaniwala na ganito ang mangyayari sa sariling buhay pagkatapos ng maganda at namamayagpag na karera.Sino ba naman
NANLULUMONG NAPAUPO SI Ruffa malapit sa pinto ng inuupahan ni Liberty. Bakas sa mukha nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa naging kapalaran ng kaibigan. Pilit nitong inilalayo at pinoprotektahan sa asawa si Liberty ngunit sa ibang kamay naman ito napahamak ngayon.Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni King. Kahit siya ay naguguluhan na rin sa nangyayari sa buhay ni Liberty. Hindi niya alam kung bakit sunod-sunod ang dagok na nangyayari rito sa kabila ng pagpipilit na mapaayos ang sariling buhay nang malayo sa impluwensya ng kanyang pamangkin.Hindi rin maiintindihan ni King ang sarili kung bakit ganito na katindi ang pag-alala niya samantalang ang turing niya lamang sa babae ay empleyado at tagapagligtas ng nanay niya. Bukod doon, wala na siyang ibang rason na nakikita para mag-alala kay Liberty. Ngunit, bakit ganito na lang din ang kabang nadarama niya?Dapat wala siyang pakialam. Iyon naman dapat. Ang iniisip niya lamang dapat ay ang kompanya na mas p
NATATARANTA, WALA SA sarili, hindi alam ang gagawin, ganoon ang itsura ni Liberty habang nakatingin sa duguang si Dona. Gusto niya itong tulungan sa kahit na anong paraan na nalalaman ngunit hindi niya alam kung paano.“P-patawad…” iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Dona.Lumuluhang pinagmasdan niya ang nakakaawang sitwasyon nito habang patuloy ang pag-ampat niya sa sugat ni Dona na patuloy ang pagdurugo.Tanging pagluha at pakikiusap rito na huwag ng magsalita upang hindi lumala ang kanyang kondisyon ang ginagawa ni Liberty ngunit mas dumarami ang paglabas ng dugo sa bibig nito.“Tulong!” hindi niya napigilang isigaw sa kabila ng pakikiusap ni Dona sa kanya na tumakas na.
“NOT IN A hospital this time but an ambulance.” Umiiling na sabi ni Liberty sa kanyang sarili. “Why do you look so weak?” tanong niya pa habang hawak ang sentido na nanakit.Bakit kailangang sa bisig siya ng binata palaging mahimatay? Ano bang mayroon kay King upang maramdamang ligtas siya sa kabila ng mga panganib na naranasan niya? Iyon ang hindi niya maintindihan. Katulad ngayon, nakapatong na naman sa kanya ang coat ng binata. Ilan na bang coat ni King ang napunta sa kanya na hindi niya pa rin naisasauli ngayon?Ganoon na lamang ang kanyang pag-iling. Paalalahanan niya na ang sarili na huwag makasanayan ang ganitong gawi dahil hindi parating nariyan ang binata para saluhin siya. May nakalagay pa sa kanyang IV fluid nang tumayo sa kinahihigaan.“Why we still here?” tanong niya nang dahan-dahang bumaba sa ambulansya matapos isuot ang coat ni King dahil puro dugo ang damit niya. “S-si Dona?”Habang hinihintay ang sagot sa mga ito, pigil ni Liberty ang paghinga. Iniiwasan niyang marin
“W-WALA NA TALAGA si Dona? Patay na talaga siya?” nanghihina niyang tanong kay King na kasama nilang magtungo ng morgue.Bakas sa mukha ng binata na tila hindi nito alam ang sasabihin sa kanya. Gusto nitong ibuka ang bibig nang muli’t muli pero pinipiling manahimik sa huli bago tumingin sa kabilang direksyon.“No… she’s still alive the last time that I—” napahinto sa pagsasalita si Liberty nang sumariwa sa kanyang isipan ang huling tagpo nila ni Dona. Nang mga sandaling iyon, hindi niya magawang pumasok sa loob ng morgue upang makita ang bangkay nito. Kahit na alam niya sa sarili na wala siyang kasalanan, hindi niya maiwasang huwag makonsensya. Alam niya sa sarili na kung hindi siya pinatakas ni Dona ay hindi mangyayari ito. O kung nakinig siya rito at pinabayaan si Dona ay maaaring buhay pa rin ang sekretarya.Pinunasan niya ang luha upang hindi iyon makita ni King. Ayaw niyang isipin ng binata na mahina siya at parating pag-iyak lamang ang alam.“Ganoon lang pala iyon,” sabi niya k
“ANONG KALOKOHAN ANG nakita ko, Liberty?” boses ni Duncan ang pumailanlang sa pasilyo ng morgue nang makaalis si King. Hindi maitatago ang pagkadisgusto sa mukha ng asawa niya. Galit din ito ngunit pinipilit na ignurahin ang nararamdaman upang hindi salubungin ang sa kanya. “Tinatanong kita, ano?” may kalakasan ang boses ni Duncan. Baka kung dati siyang tratuhin ng ganito ni Duncan ay matatakot pa siya, ngunit iba na ngayon. Kaya niya ng makipagmatigasan dito dahil alam niya na kung paano gumalaw ang asawa. Masyado ng maraming kinuha sa kanya si Duncan upang matakot pa siya. “Ano nga sabing pinag-usapan niyo?” may diin nitong pinisil ang kanyang braso habang nanlilisik ang mga mata. “Liberty—”“Ano bang nakikita mo?” balik tanong niya rin dito. “May relasyon bang namamagitan sa inyo ng tiyuhin ko?” naguguluhan nitong tanong sa kanya.“Sa tingin mo?” balik tanong niya na naman dito.“Liberty, I'm asking you so nicely!” “Tama ‘yan! Mas maganda kung mabaliw-baliw ka sa kaiisip ng tot
DAHIL SA DAMI ng bumabagabag sa isipan ni Liberty, hindi niya na napigilan ang sarili na huwag bisitahin ang bunsong kapatid sa hospital. Maraming tanong na naglalaro sa kanyang isipan dahil kay Miss Rodriguez. Kahit hindi niya alam kung ang mga iyon ay may katotohanan o isang patibong lamang ay hindi niya mapigilan ang sarili.Nang makaliko sa pasilyo, hindi niya inaasahan na bubungad sa kanya si Duncan. Nasa labas ito ng kwarto ni Lenard. Ngunit bakit? “Kailangan kong malaman ang totoo,” paalala pa ni Liberty sa kanyang sarili matapos na hawakan nang mahigpit ang kanyang sling bag. “Sa ganitong paraan ko lang malalaman ang katotohanan.”Ganoon na lamang ang gulat na bumalatay sa mukha ng asawa nang salubungin niya ito ng ngiti. Hindi nito inaasahan na magiging ganoon ang pagbati niya samantalang kagagaling lang nila sa malaking away.“L-liberty…” titig na titig pa rin si Duncan sa kanya nang huminto siya sa harapan nito.“Hindi ko alam na binibisita mo pa rin pala ang kapatid ko.”
“ANO KAMO, LIBERTY?” may kataasan ang boses ni Ruffa nang ipaulit nito sa kanya ang kasasabi niya pa lang. “Nakatira ka ulit kay Duncan pagkatapos ng mga pinagdaanan mo sa walanghiyang iyon?”Ilang beses na nahilot ni Ruffa ang sentido nito dahil sa pag-aming isiniwalat niya.“Nag-iisip ka pa ba, Liberty?” bakas na ang galit sa tinig ng kaibigan niya.“I–I’m sorry…” naiyuko niya na lamang ang ulo dahil wala siyang mukha na maiharap sa kaibigan. “Kaya nga sinasabi ko na ngayon.”“At hindi ko pa ito malalaman kung hindi ko nakita ang mga larawan niyo sa kung saan-saang pahayagan?”“Alam ko
“D-DIYOS KO NAMAN…” mahinang bulong ni Cole. “Ang yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?” Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?“Huwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!” pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.“Secretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?” tanong din ni James.“All for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.” Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.“Paano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?” problemadong tanong ni Cole.“I don’t know,” sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. “Malamang niyan kasama niya na naman si Ruff
DAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng dati’y pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u
“KILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!” “Walang kahit na sinong makakatapak sa akin!” “Kilalanin niyo ang binabangga niyo!”“King, King, come here! Be with me! We should be together—hindi kayo bagay ni Liberty!”Iyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niya’y nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n
“KAMI NA ANG bahala rito,” sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. “Huwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,” sabi ni Cole. “Sa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.”“I know what I am doing,” sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.“L-let’s go to the hospital…” iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital
HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli
“A-ANO?” NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.“B-bomba?” hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Ang bahay napapalibutan ng bomba?” Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.“Why are you crying?” kalmadong tanong sa kanya ni King. “Don’t cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.”Dahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak
HINDI NAKAGALAW SI King sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya’y namamalikmata lamang siya habang nakatingin sa babaeng inaasam-asam na muling makita.Ang huling sinuot din ni Liberty ang natatanging alaala ang mayroon siya sa bahay na nakalagay pa sa kanyang unan upang sa tuwing mami-miss niya ito ay yakap niya nang mahigpit iyon.At ngayong nasa harapan niya ang babaeng kamukha ng babaeng tanaw niya lamang dati sa malayo ay hindi siya makapaniwala. Tulala sa ilang segundo sa kanyang pagkakatayo si King bago bumaba ang tingin sa tyan nito na napakalaki na.“Tititigan na lamang ba natin ang isa’t isa?” natatawang tanong ni Liberty sa kanya. “Hindi mo ba ako yayakapin, King?”Napadilat-pikit ng mga mata niya ang binata. Ang tingin ay na kay Liberty pa rin. Totoo ba talaga ang kanyang nakikita? Hindi ba ito parte ng kanyang ilusyon? Dama niya ang panghihina ng mga tuhod nang sandaling iyon. Habang ang kanyang luha ay pabagsak na sa kanyang mga mata. Hindi niya rin matagpuan ang saril
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot na ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa. Tanging pagtangis lamang na luha nitong ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Isa na ito ngayong baldado.Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga ginawang pagkakasala. Sapat ng magbayad ito sa mga kamaliang iyon.Tamang-tama, kapapasok niya lamang sa hospital nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng alarma kaya ganoon na lamang ang pagkakagulo ng mga pasyente at staff ng hospital na nasa loob.“Code gray! I repeat code gray!” anunsyong narinig niya sa speaker.Hin
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa kahit magagamit ang isang kamay na walang posas. Tanging pagtangis lamang dahl sa luhang ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga pinagdaanan ni Liberty sa buhay.Galit din sa kanya si Victoria. Siya ang sinisisisi nito sa mga kamalasang nagawa ng anak. Hindi siya sumagot. Wala siyang panahong makipagtalo sa mga baluktot na paniniwala nito. Sa oras na pwede na itong lumabas ng hospital, sisimulan na rin ang trial nito. Hindi lamang sa