NATATARANTA, WALA SA sarili, hindi alam ang gagawin, ganoon ang itsura ni Liberty habang nakatingin sa duguang si Dona. Gusto niya itong tulungan sa kahit na anong paraan na nalalaman ngunit hindi niya alam kung paano.“P-patawad…” iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Dona.Lumuluhang pinagmasdan niya ang nakakaawang sitwasyon nito habang patuloy ang pag-ampat niya sa sugat ni Dona na patuloy ang pagdurugo.Tanging pagluha at pakikiusap rito na huwag ng magsalita upang hindi lumala ang kanyang kondisyon ang ginagawa ni Liberty ngunit mas dumarami ang paglabas ng dugo sa bibig nito.“Tulong!” hindi niya napigilang isigaw sa kabila ng pakikiusap ni Dona sa kanya na tumakas na.
“NOT IN A hospital this time but an ambulance.” Umiiling na sabi ni Liberty sa kanyang sarili. “Why do you look so weak?” tanong niya pa habang hawak ang sentido na nanakit.Bakit kailangang sa bisig siya ng binata palaging mahimatay? Ano bang mayroon kay King upang maramdamang ligtas siya sa kabila ng mga panganib na naranasan niya? Iyon ang hindi niya maintindihan. Katulad ngayon, nakapatong na naman sa kanya ang coat ng binata. Ilan na bang coat ni King ang napunta sa kanya na hindi niya pa rin naisasauli ngayon?Ganoon na lamang ang kanyang pag-iling. Paalalahanan niya na ang sarili na huwag makasanayan ang ganitong gawi dahil hindi parating nariyan ang binata para saluhin siya. May nakalagay pa sa kanyang IV fluid nang tumayo sa kinahihigaan.“Why we still here?” tanong niya nang dahan-dahang bumaba sa ambulansya matapos isuot ang coat ni King dahil puro dugo ang damit niya. “S-si Dona?”Habang hinihintay ang sagot sa mga ito, pigil ni Liberty ang paghinga. Iniiwasan niyang marin
“W-WALA NA TALAGA si Dona? Patay na talaga siya?” nanghihina niyang tanong kay King na kasama nilang magtungo ng morgue.Bakas sa mukha ng binata na tila hindi nito alam ang sasabihin sa kanya. Gusto nitong ibuka ang bibig nang muli’t muli pero pinipiling manahimik sa huli bago tumingin sa kabilang direksyon.“No… she’s still alive the last time that I—” napahinto sa pagsasalita si Liberty nang sumariwa sa kanyang isipan ang huling tagpo nila ni Dona. Nang mga sandaling iyon, hindi niya magawang pumasok sa loob ng morgue upang makita ang bangkay nito. Kahit na alam niya sa sarili na wala siyang kasalanan, hindi niya maiwasang huwag makonsensya. Alam niya sa sarili na kung hindi siya pinatakas ni Dona ay hindi mangyayari ito. O kung nakinig siya rito at pinabayaan si Dona ay maaaring buhay pa rin ang sekretarya.Pinunasan niya ang luha upang hindi iyon makita ni King. Ayaw niyang isipin ng binata na mahina siya at parating pag-iyak lamang ang alam.“Ganoon lang pala iyon,” sabi niya k
“ANONG KALOKOHAN ANG nakita ko, Liberty?” boses ni Duncan ang pumailanlang sa pasilyo ng morgue nang makaalis si King. Hindi maitatago ang pagkadisgusto sa mukha ng asawa niya. Galit din ito ngunit pinipilit na ignurahin ang nararamdaman upang hindi salubungin ang sa kanya. “Tinatanong kita, ano?” may kalakasan ang boses ni Duncan. Baka kung dati siyang tratuhin ng ganito ni Duncan ay matatakot pa siya, ngunit iba na ngayon. Kaya niya ng makipagmatigasan dito dahil alam niya na kung paano gumalaw ang asawa. Masyado ng maraming kinuha sa kanya si Duncan upang matakot pa siya. “Ano nga sabing pinag-usapan niyo?” may diin nitong pinisil ang kanyang braso habang nanlilisik ang mga mata. “Liberty—”“Ano bang nakikita mo?” balik tanong niya rin dito. “May relasyon bang namamagitan sa inyo ng tiyuhin ko?” naguguluhan nitong tanong sa kanya.“Sa tingin mo?” balik tanong niya na naman dito.“Liberty, I'm asking you so nicely!” “Tama ‘yan! Mas maganda kung mabaliw-baliw ka sa kaiisip ng tot
DAHIL SA DAMI ng bumabagabag sa isipan ni Liberty, hindi niya na napigilan ang sarili na huwag bisitahin ang bunsong kapatid sa hospital. Maraming tanong na naglalaro sa kanyang isipan dahil kay Miss Rodriguez. Kahit hindi niya alam kung ang mga iyon ay may katotohanan o isang patibong lamang ay hindi niya mapigilan ang sarili.Nang makaliko sa pasilyo, hindi niya inaasahan na bubungad sa kanya si Duncan. Nasa labas ito ng kwarto ni Lenard. Ngunit bakit? “Kailangan kong malaman ang totoo,” paalala pa ni Liberty sa kanyang sarili matapos na hawakan nang mahigpit ang kanyang sling bag. “Sa ganitong paraan ko lang malalaman ang katotohanan.”Ganoon na lamang ang gulat na bumalatay sa mukha ng asawa nang salubungin niya ito ng ngiti. Hindi nito inaasahan na magiging ganoon ang pagbati niya samantalang kagagaling lang nila sa malaking away.“L-liberty…” titig na titig pa rin si Duncan sa kanya nang huminto siya sa harapan nito.“Hindi ko alam na binibisita mo pa rin pala ang kapatid ko.”
“ANO KAMO, LIBERTY?” may kataasan ang boses ni Ruffa nang ipaulit nito sa kanya ang kasasabi niya pa lang. “Nakatira ka ulit kay Duncan pagkatapos ng mga pinagdaanan mo sa walanghiyang iyon?”Ilang beses na nahilot ni Ruffa ang sentido nito dahil sa pag-aming isiniwalat niya.“Nag-iisip ka pa ba, Liberty?” bakas na ang galit sa tinig ng kaibigan niya.“I–I’m sorry…” naiyuko niya na lamang ang ulo dahil wala siyang mukha na maiharap sa kaibigan. “Kaya nga sinasabi ko na ngayon.”“At hindi ko pa ito malalaman kung hindi ko nakita ang mga larawan niyo sa kung saan-saang pahayagan?”“Alam ko
PANAKA-NAKA ANG NAGING pagtingin ni Liberty sa parte ng mesa kung saan naroon ang babaeng balak ipagkasundo kay King. Hindi makakaila na may gintong kutsara ito sa bibig. Hindi lamang sa paraan ng pagkilos ng dalaga iyon makikita, kung hindi maging sa magandang asal nito sa harap ng mga kausap.Hindi niya maiwasang huwag ikumpara ang sarili sa babae. Sa tinagal-tagal niya ng naikasal kay kay Duncan ay hindi siya minsan nakatanggap ng ganitong atensyon sa pamilya ng asawa. Ang mga ito ay itinuturing si Olga bilang isang mamahaling plorera habang siya naman ay isang palpak na paso at malapit pang masira.Aaminin niya sa sarili, ito ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng bahagyang inggit sa ibang tao. Naisip niya rin, kung naging ganito ba ang atensyong ibinigay sa kanya ng pamilya ni Duncan ay magkakaroon ba ng lamat ang kanilang relasyon? Lalo pa’t hindi naman lingid sa kaalaman niya na ang parating gustong gawin ng asawa niya ay patunayan nito ang sarili sa mga Salvantez.“Hindi
HINDI TAMA! MALING-mali ang ginagawa nila. Iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang isipan ngunit bakit hindi niya kayang pigilan ang sarili? Hinahayaan niyang matupok siya ng apoy na napakahirap ng apulahin. Nang ipasok ng binata ang dila nito sa kanyang bibig, saka lamang tila parang binuhusan ng isang timbang malamig na tubig si Liberty. Mabilis ang pagkabig niya kay King habang kinakastigo niya ang sarili sa nagawang pagkakamali.Nang mga sandaling iyon, hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang kakaibang kislap sa mga mata ni King na ngayon niya lamang nakita sa binata.“Uncle—”“D@mn it,” mahinang bigkas ni King. “Uncle, mali itong ginagawa natin—”Hindi naituloy ni Liberty ang mga kasunod pa na sasabihin dahil sa malutong na pagmumura ni King.“Here we go again! Is this your way of taking some boundaries?” pilit nitong sinusupil ang galit habang nakatingin sa kanya. “M-mali itong ginagawa natin,” naguguluhang sambit ni Liberty matapos na maihilamos ang kamay sa kanyang mu