ISA NA YATA ang presentation na iyon sa mga ginawa nila na inabot sila ng ilang oras dahil na rin sa mga hindi nila mapagkasunduang bagay habang nasa loob ng meeting room. Makailang beses ding ginawa ni Liberty ang makakaya upang makumbinse ang board at maintindihan ang framework na kailangan sa Utopia.Kaya naman nang makalabas siya sa meeting room ay ganoon na lamang ang matindi niyang panlulumo. Tila ba’y gamit na gamit ang utak niya at kinakailangan niya ng maraming tulog.Kasabay ng paglabas ng ilang mga kasamahan nila sa meeting room ay ang pagsulpot naman ni Duncan sa kanyang harapan. Hindi tuloy maiwasan na makakuha sila ng atensyon sa mga nakasama sa meeting room. Hindi maitatago sa iba roon ang kilig na naging dahilan ng tinatago niyang labis na pagkainis. Tila ba, sa isang iglap ay nakalimutan na ng mga ito ang ginawang pagtataksil sa kanya ng asawa dahil lamang may dala itong panuhol sa kanyang mga kasamahan at isang pumpon ng bulaklak na para naman sa kanya.“Nagkabalikan
MAKUHA ANG LALAKING matipuhan? Iyon ang pinakamadaling kayang gawin ni Olga. Lalo pa’t alam niya sa sarili na nasa kanya na ang lahat; body, face and even a brain that a man can ask for kaya nga ganoon na lamang siya ka-confident nang malamang kailangang niyang mapaibig si King na ipagkakasundo sa kanya. Kilala niya ang binata. Kaya nitong magpalit ng babae nang walang pag-aalinlangan lalo pa kung hindi nito magustuhan. Ang katulad din ni King ay ang lalaki na ayaw sa commitment. Ang mahalaga para dito ay ang kompanya. Habang siya naman ay gagawin ang lahat upang maging tagapagmana ng kanilang mga negosyo.Kailangan nila ang advance technology ng mga Salvantez. Kapag nangyari iyon, hindi malabong wala ng kumwestyon sa mga produktong inilalabas nila sa merkado.“He’s really here,” nakangisi niyang sabi nang makita ang binata sa isang bar na parati nitong pinupuntahan para makapag-isip. Nasa isang lamesa si King at nakatingin sa mga tao sa dance floor na patuloy sa pagsasayaw. “Oh!” k
PIGIL ANG GALIT na hinarap ni Olga si King. Hindi siya maaaring magmukhang talo sa harap ng kahit na sino lalo pa’t ang kalaban niya naman ay babaeng may asawa na. Wala siyang nagugustuhan na sinusukuan niya. What she has right now is a challenge to her. Pasasaan ba at mapupunta rin sa kanya si King?“And that girl, Liberty? She’s just a pest to me,” pandidikdik niya sa sarili upang wala siyang ikabahala.Nakangiti niyang inilagay ang baunan na may laman na almusal para kay King. Ipinahanda niya iyon nang maaga sa kanilang mga katulong para kaagad na madala niya sa kompanya.“I prepared all of it, gusto mo bang mag-eat ng breakfast, King?”Blangko ang tingin na ibinaling sa kanya ng binata bago nito ibalik ang atensyon sa kanyang mga ginagawa. “I saw Liberty kanina. I asked her to come and eat with us but she seemed so busy. Mukha ring sabay na silang nag-eat kanina ng husband niya—”“Are you done?”“H-ha?” nagtataka niyang tanong sa binata.“If you’re done talking nonsense, then lea
TOTAL, NARITO NA rin naman siya para gumanap na biglaang artista sa palabas ng mga ito, bakit niya pa hindi hahayaan ang sarili niya na maging bida? Nagpatuloy sa paglalakad si Liberty na tila ba hindi niya alam ang maaaring mangyari. Ngunit hindi pa man siya nakalalagpas sa babaeng may kaarawan ay biglaan na lamang mas lumakas ang iyak nito.“Lahat ng narito, hindi gagawa ng bagay na ikakahiya nila lalo pa’t may kaya naman sila sa buhay,” sabi ng hindi niya kilalang babae na maaring kasabwat ng dalawa.“What happened?” pagpapanggap na tila natataranta niya pang tanong sa mga ito.“Nawawala ang mamahalin niyang bracelet!”“It’s important to me, Frank. Ibinigay mo sa akin iyon nang anniversary natin!” maluha-luha pang sambit ni Celine.“I will buy you another one, Celine,” mahinang bulong ni Mr. Walton.“It has sentimental value to me and it’s one of the most expensive items that I have. Dadalawa lang ang mayroong ganoon. I have the green reflection.”“But it’s not enough to make a sce
BAKAS SA MGA naroon ang pagkagulat sa tahasang salita na sinabi ni King. Miminsan lamang itong nagpapakita sa maraming tao kaya siguradon ang mga naroon na napakaimportante ng pagsingit nito sa usaping iyon. Patunay na ang mga bulungan ng mga nakapaligid sa kanya para daanin ng mga ito iyon sa seryosong paraan.“She’s not even your wife, Uncle!” malakas na sambit ni Duncan. “Pero bakit ganito ka na lang mangialam sa usapin na hindi naman dapat?”“Yes, she’s not my wife,” may diing sabi ni King bago siya makahulugang tinitigan saka nito ibinalik ang tingin kay Duncan. “Because the husband here is trying to ruin his own wife. Believing to someone without knowing the truth? That's bvllshit.”Bakas sa mukha ng asawa niya na nasagasaan ito sa ibinatong salita ni King kaya hindi nito magawang makapagsalita ngayon.“Salvantez won’t allow our kind to get bullied,” may diing sambit ni King. “Why? Is it inappropriate to use that word that comes from me?” natawa ito nang makita ang galit sa mukh
HINDI KAAGAD UMALIS si King ng pagtitipong iyon. Katulad ng dati, nanatili siya sa lugar kung saan hindi siya makikita ng kahit na sino lalong-lalo na ng mga taong gustong malaman ang mga nangyayari sa buhay niya.Ipinagpatuloy niya ang paghipat ng sigarilyo habang ang tingin ay nasa pinakamataas na bahagi ng lugar na iyon. Sa dami ng nangyayari ngayon sa buhay niya, kahit siya ay hindi na maintindihan kung ano ang totoo sa mga iyon. Pakiramdam niya’y unti-unting nagbabago ang dating tahimik niyang mundo.Nagsimula iyong lahat kay Liberty. Sa simpleng pagkatok nito sa buhay niya ay nasa punto na siyang hindi makilala ang sarili. Parang sa isang iglap ay binigyan siya nito ng dahilan upang makaramdam pa ng emosyon na hindi niya kailanman nabigyan ng pagkakataon.Alam niya sa sarili na maraming komplikasyon na mangyayari sa oras na gumawa siya ng hakbang upang makuha ito. Hindi lamang ito asawa ng kanyang pamangkin, ito rin ang nag-iisang babae na pinagkakatiwalaan nang husto ng kanyan
HINDI PA RIN nawawala ang init ng ulo ni Duncan kinabukasan. Ganoon na lamang din ang pagmumura niya nang hawakan ang parte ng labi na nasuntok ng magaling niyang tyuhin. May ilang bahagi rin ng kanyang katawan na ramdam niya ang pananakit.Nagtagis ang bagang ni Duncan nang maalala ang nangyari kagabi. Muli na namang nag-init ang ulo niya nang maalala kung paano siya pinaglaruan ng kanyang tyuhin. Alam na nito kung paano siya mag-isip at kahit ang mga patago niyang pag-atake ay nakikita nito.Hindi na siya pwedeng pakampante ngayon lalo pa’t binantaan na siya nito.“Sa akin lang ang Salvantez, sa akin lang si Liberty. Hindi pwedeng may kumuha ng pag-aari ko.”Parehas niyang pinagtrabahuhang makuha ang dalawang iyon kaya sino siya para ibigay na lang nang basta-basta sa iba?Hindi pwedeng mawala sa kanya ang asawa. Ito ang susi niya para makuha ang lahat ng naisin niya. Hangga’t nasa tabi niya sa Liberty, magiging madali sa kanya ang lahat. Kailangan niyang makaisip ng bagong plano ku
WALANG PLANO NA parating magpunta si King sa bahay ng kanyang ama sa kadahilanang kailangan niya pang makiharap sa lahat ng kamag-anak ni Gustavo na roon nakatira. Isa pa, masasamang memorya, panlalait at masasakit na salita na nanggaling sa mga ito lamang ang natatandaan niya dahil sa pagiging bastardo. Dati, naranasan niyang tanungin ang sarili kung isa nga ba siyang makasalanan katulad ng ibinabato ng mga ito dahil sa pagiging anak niya sa labas ngunit kalaunan, natutunan niyang tanggapin na wala siyang kailangang patunayan sa kahit na sino. Hindi niya kailangang pagpaguran kung magugustuhan siya ng mga tao.Mas magaan ang naging buhay niya nang matutunang mawalan ng pakialam at gawin ang mga bagay na gusto niya nang hindi iniisip ang ibang tao. Hangga’t wala siyang nasasagasaan, wala na siyang pakialam sa iba.Nang maiparada ni King ang kanyang sasakyan, kaagad na bumalot sa kanya ang pagtataka nang hindi makita ang mga bodyguard na dating nakabantay sa iba’t ibang bahagi ng pavi
“D-DIYOS KO NAMAN…” mahinang bulong ni Cole. “Ang yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?” Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?“Huwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!” pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.“Secretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?” tanong din ni James.“All for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.” Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.“Paano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?” problemadong tanong ni Cole.“I don’t know,” sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. “Malamang niyan kasama niya na naman si Ruff
DAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng dati’y pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u
“KILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!” “Walang kahit na sinong makakatapak sa akin!” “Kilalanin niyo ang binabangga niyo!”“King, King, come here! Be with me! We should be together—hindi kayo bagay ni Liberty!”Iyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niya’y nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n
“KAMI NA ANG bahala rito,” sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. “Huwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,” sabi ni Cole. “Sa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.”“I know what I am doing,” sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.“L-let’s go to the hospital…” iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital
HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli
“A-ANO?” NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.“B-bomba?” hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Ang bahay napapalibutan ng bomba?” Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.“Why are you crying?” kalmadong tanong sa kanya ni King. “Don’t cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.”Dahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak
HINDI NAKAGALAW SI King sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya’y namamalikmata lamang siya habang nakatingin sa babaeng inaasam-asam na muling makita.Ang huling sinuot din ni Liberty ang natatanging alaala ang mayroon siya sa bahay na nakalagay pa sa kanyang unan upang sa tuwing mami-miss niya ito ay yakap niya nang mahigpit iyon.At ngayong nasa harapan niya ang babaeng kamukha ng babaeng tanaw niya lamang dati sa malayo ay hindi siya makapaniwala. Tulala sa ilang segundo sa kanyang pagkakatayo si King bago bumaba ang tingin sa tyan nito na napakalaki na.“Tititigan na lamang ba natin ang isa’t isa?” natatawang tanong ni Liberty sa kanya. “Hindi mo ba ako yayakapin, King?”Napadilat-pikit ng mga mata niya ang binata. Ang tingin ay na kay Liberty pa rin. Totoo ba talaga ang kanyang nakikita? Hindi ba ito parte ng kanyang ilusyon? Dama niya ang panghihina ng mga tuhod nang sandaling iyon. Habang ang kanyang luha ay pabagsak na sa kanyang mga mata. Hindi niya rin matagpuan ang saril
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot na ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa. Tanging pagtangis lamang na luha nitong ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Isa na ito ngayong baldado.Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga ginawang pagkakasala. Sapat ng magbayad ito sa mga kamaliang iyon.Tamang-tama, kapapasok niya lamang sa hospital nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng alarma kaya ganoon na lamang ang pagkakagulo ng mga pasyente at staff ng hospital na nasa loob.“Code gray! I repeat code gray!” anunsyong narinig niya sa speaker.Hin
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa kahit magagamit ang isang kamay na walang posas. Tanging pagtangis lamang dahl sa luhang ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga pinagdaanan ni Liberty sa buhay.Galit din sa kanya si Victoria. Siya ang sinisisisi nito sa mga kamalasang nagawa ng anak. Hindi siya sumagot. Wala siyang panahong makipagtalo sa mga baluktot na paniniwala nito. Sa oras na pwede na itong lumabas ng hospital, sisimulan na rin ang trial nito. Hindi lamang sa