WALANG PLANO NA parating magpunta si King sa bahay ng kanyang ama sa kadahilanang kailangan niya pang makiharap sa lahat ng kamag-anak ni Gustavo na roon nakatira. Isa pa, masasamang memorya, panlalait at masasakit na salita na nanggaling sa mga ito lamang ang natatandaan niya dahil sa pagiging bastardo. Dati, naranasan niyang tanungin ang sarili kung isa nga ba siyang makasalanan katulad ng ibinabato ng mga ito dahil sa pagiging anak niya sa labas ngunit kalaunan, natutunan niyang tanggapin na wala siyang kailangang patunayan sa kahit na sino. Hindi niya kailangang pagpaguran kung magugustuhan siya ng mga tao.Mas magaan ang naging buhay niya nang matutunang mawalan ng pakialam at gawin ang mga bagay na gusto niya nang hindi iniisip ang ibang tao. Hangga’t wala siyang nasasagasaan, wala na siyang pakialam sa iba.Nang maiparada ni King ang kanyang sasakyan, kaagad na bumalot sa kanya ang pagtataka nang hindi makita ang mga bodyguard na dating nakabantay sa iba’t ibang bahagi ng pavi
GUSTONG KASTIGUHIN NI Liberty ang kanyang sarili. Bakit ba pinili niya pang magsalita tungkol sa kanyang mga nararamdam kung pepwede namang manahimik siya at walang sabihin na kahit ano? Ngayong nasabi niya ang mga katagang iyon sa binata nang hindi nag-iisip, sana lang ay hindi ito gumawa ng kahit na anong aksyon na magiging dahilan upang magkaroon sila ng malaking problema.Hindi pa siya handang humarap sa kahit na anong gulo lalong-lalo na ang pumasok sa isang bagay na wala naman siyang kasiguraduhan. Isa pa, hindi niya pa nalalaman ang mga sagot sa kanyang tanong lalo na ang totoong nangyari sa kanyang kapatid.Ngayong nasa harapan niya na ang mga taong dahilan kung bakit naaalala niya ang bangungot na sinapit sa kamay ni Mr. Sandoval, tila muling nagbukas ang lahat ng sugat na pilit niyang ibinabaon sa limot.“It’s better for them to be put in a casket,” galit na sambit ni King. “They should have known what they could put under the table, Old Man.”“N-no, Papa! You will not do th
“SHE WILL BE the new part of our team,” sambit ni Jenna nang ipakilala sa kanya ang bagong developer na makakatulong sa pag-aasikaso ng kanilang proyekto.Katulad din ng dati, isa-isang ipinaliwanag ng kanyang sekretarya ang mga dapat nitong gawin upang mas mapadali ang kanilang trabaho. Kaagad namang nakapagpalagayan ng loob ni Liberty ang empleyado dahil na rin sa pagiging kalog at kwela nito. Nakikita niya rin na totooong ugali nito ang ipinapakita kaya hindi siya naiilang rito.“If you need anything, just tell me,” sabing muli ni Jenna. “Mabait na boss iyang si Ma’am Liberty. As long naging mabuti kang empleyado, wala kang magiging problema sa kanya.”Nang lunch break na, ito mismo ang kusang sumama sa kanya sa canteen ng kumpanya. Dati-rati, mag-isa lamang iyong ginagawa ni Liberty dahil mas pinipili niyang kumain nag tahimik. Isang malalim na lihim na buntonghininga tuloy ang pinakawalan niya dahil mukhang mapapalaban rin siya sa pagsasalita katulad sa tuwing kasama niya si Ru
HINDI MAITAGO NI Olga ang galit kay King nang pumasok sila ng opisina. Hanggang ngayon, puro pagkabigo ang nakukuha nito sa kanya dahil sa paulit-ulit niyang pagtanggi rito. Makikita iyon sa malakas ng pagbagsak nito ng pinto nang pumasok ng kanyang opisina. Sa lahat ng ginagawa ng dalaga, hindi nagawang tumingin ni King dito at ang atensyon ay nasa mga dokumento pa ring binabasa na naging dahil ng lalong pagsabog ng galit ni Olga. Hinahayaan niyang magalit ito kaysa ibonton pa iyon sa kanyang mga empleyado. Atleast nasa opisina niya at nakikita niya ang mga ginagawa ng babae.“Now, you can’t even suppress your anger,” sabi niya bago ito balingan ng tingin matapos niyang ilapag ang binabasa sa mesa.Umupo ito ngunit malakas na sigaw naman ang ginawa kasabay na ibinato pa nito ang unan sa kanyang sofa. “Are you trying to show your fangs this time, Miss Romanova?” Muling nagpakita ng pagkadisgusto ang ekspresyon ni Olga. “Don’t start with me, King!”Natawa ang binata. “You are the
HINDI ALAM NI Liberty kung gaano karaming trabaho ang ginawa niya nang araw na iyon ngunit naramdaman niya ang matinding pagod nang sumapit na ang gabi. Nang matapos siya sa trabaho saka niya lamang napansin na wala na ang mga kasama niya sa opisina ng kompanya ni King. “Why do I need to repeat it?” tanong niya sa sarili.“I should have known that this will happen. Sa bahay ko na lang sana ginawa ang mga iyon. Next time, I will remind myself to prioritise my meal and my time. Being workaholic doesn’t help me all the time.”Habang naglalakad sa may kahabaang pasilyo kung saan patay na ang ibang mga ilaw sa opisina, pakiramdam ni Liberty ay may nakatingin sa kanya. Hindi siya madaling matakot sa kadiliman ngunit iba ang mga sandaling iyon. Tila pati ang mga balahibo niya sa batok ay nakatayo na rin.“Hey—”“Ay bakla ka!” ganoon na lamang ang awtomatikong paghawak niya sa kanyang dibdib nang marinig ang taong nagsasalita sa kanyang likuran. “Mr. Salvantez naman! Aatakihin ako sa puso ng
HINDI MAGAWANG GALAWIN o tikman man lamang ni Liberty ang mga nakahain sa ibabaw ng lamesa kahit gaano pa iyon kasasarap. Pakiramdam niya nang mga sandaling iyon ay iisa lamang ang lasang ng lahat at hindi siya matutunawan o isusuka niya lamang.Napakasaya ng selebrasyon nang gabing iyon. Ang iba pa ay may baon na ngiti sa labi habang pinapakinggan ang saliw ng musika. Abala rin ang lahat sa kanilang mga sariling usapan na hindi malabong tungkol na naman sa negosyo ng mga ito.Hindi niya magawang kumain dahil ang alaala niya ay ang aksidenteng kidnapping na naman. Iyon ang pumapasok sa kanyang isipan kahit anong pilit niyang pagwawaksi. Katulad ng dati, parang nagsisisi na naman siyang tumanggi sa naging alok ng kaibigang si Ruffa na ihatid siya nito pauwi.“You’re not smiling again. Hindi ito Biyernes Santo, Liberty,” mahinang bulong sa kanya ni Angellie. Mapapansin ang pagkapikon sa mukha nito kahit na pekeng nakangiti sa kanya upang hindi mapansin ng mga bisita ang iringan na namam
HABOL NI LIBERTY ang kanyang paghinga habang nakapaibabaw kay King. Nang mga sandaling iyon, hindi na siya nakapag-iisip ng tama at tanging ang tingin na lamang ay nasa mga mata ng binata. Tila ba ang pagkahipnotismo niya rito ay hindi kaagad maawawala. Pilit na sumisigaw ang kanyang isipan na lumayo na rito dahil hindi tama ang kanyang mga nararamdaman nang sandaling iyon ngunit natatalo ng lahat ng sistema niya ang kanyang isipan. Makailang ulit ang pagkuparap niya habang nakikita ang pagbabago ng paraan ng pagtingin ng binata. Tila ba kahit ito ay nakalimutan na rin ang dahilan kung bakit mainit ang ulo kanina.“K-king…” nasambit ni Liberty nang akmang hahawakan ng binata ang kanyang mukha. Sa isang iglap, naglaho kaagad dito ang nararamdamang iyon. Dali-dali rin ang pagtayo nito upang magkalayo sila bago siya nagdududang tiningnan.“Anong ginagawa mo sa kwarto ni Benjamin?” tanong nitong muli sa kanya. “I know what I saw, Liberty. Don’t deny it.”Heto na naman ang malalim na pag
MUNTIK NANG MAKAPAGMURA si Duncan nang magising siya sa kasarapan ng kanyang tulog. Ganoon na lamang kase ang gulat niya nang maramdaman ang nasa pagitan ng kanyang hita. Muli na naman kase iyong napatayo ni Merideth. At sa maraming pagkakataon, dama niya ang matinding kamunduhan na ito lamang ang nakapagbibigay.Tinanggal niya ang kumot habang nakatingin sa ulo nitong patuloy sa pagtaas at baba habang gumagawa ng sariling ritmo katulong ng mainit nitong palad na sumasakop sa kanyang kahabaan. Naipikit niya na lamang ang kanyang mga mata habang dinadama ang ginagawa nito sa kanya. Ito ang isa sa mga nagustuhan niya sa babae. Alam nito kung paano siya paligayahin at kayang gawin ang lahat ng kanyang naisin. Tumindi pa ang pagmumura ni Duncan nang maramdaman niyang malapit na siyang labasan. Bumilis ang ritmo na ginagawa ng babae hanggang sa maabot niya ang rurok ng kaginhawaan. Mabilis ang pagkuha nito ng tissue upang punasan ang kanyang bibig at ang kanyang pagkalaIaki. Isang makah
“D-DIYOS KO NAMAN…” mahinang bulong ni Cole. “Ang yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?” Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?“Huwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!” pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.“Secretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?” tanong din ni James.“All for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.” Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.“Paano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?” problemadong tanong ni Cole.“I don’t know,” sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. “Malamang niyan kasama niya na naman si Ruff
DAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng dati’y pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u
“KILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!” “Walang kahit na sinong makakatapak sa akin!” “Kilalanin niyo ang binabangga niyo!”“King, King, come here! Be with me! We should be together—hindi kayo bagay ni Liberty!”Iyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niya’y nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n
“KAMI NA ANG bahala rito,” sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. “Huwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,” sabi ni Cole. “Sa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.”“I know what I am doing,” sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.“L-let’s go to the hospital…” iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital
HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli
“A-ANO?” NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.“B-bomba?” hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Ang bahay napapalibutan ng bomba?” Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.“Why are you crying?” kalmadong tanong sa kanya ni King. “Don’t cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.”Dahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak
HINDI NAKAGALAW SI King sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya’y namamalikmata lamang siya habang nakatingin sa babaeng inaasam-asam na muling makita.Ang huling sinuot din ni Liberty ang natatanging alaala ang mayroon siya sa bahay na nakalagay pa sa kanyang unan upang sa tuwing mami-miss niya ito ay yakap niya nang mahigpit iyon.At ngayong nasa harapan niya ang babaeng kamukha ng babaeng tanaw niya lamang dati sa malayo ay hindi siya makapaniwala. Tulala sa ilang segundo sa kanyang pagkakatayo si King bago bumaba ang tingin sa tyan nito na napakalaki na.“Tititigan na lamang ba natin ang isa’t isa?” natatawang tanong ni Liberty sa kanya. “Hindi mo ba ako yayakapin, King?”Napadilat-pikit ng mga mata niya ang binata. Ang tingin ay na kay Liberty pa rin. Totoo ba talaga ang kanyang nakikita? Hindi ba ito parte ng kanyang ilusyon? Dama niya ang panghihina ng mga tuhod nang sandaling iyon. Habang ang kanyang luha ay pabagsak na sa kanyang mga mata. Hindi niya rin matagpuan ang saril
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot na ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa. Tanging pagtangis lamang na luha nitong ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Isa na ito ngayong baldado.Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga ginawang pagkakasala. Sapat ng magbayad ito sa mga kamaliang iyon.Tamang-tama, kapapasok niya lamang sa hospital nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng alarma kaya ganoon na lamang ang pagkakagulo ng mga pasyente at staff ng hospital na nasa loob.“Code gray! I repeat code gray!” anunsyong narinig niya sa speaker.Hin
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa kahit magagamit ang isang kamay na walang posas. Tanging pagtangis lamang dahl sa luhang ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga pinagdaanan ni Liberty sa buhay.Galit din sa kanya si Victoria. Siya ang sinisisisi nito sa mga kamalasang nagawa ng anak. Hindi siya sumagot. Wala siyang panahong makipagtalo sa mga baluktot na paniniwala nito. Sa oras na pwede na itong lumabas ng hospital, sisimulan na rin ang trial nito. Hindi lamang sa