Share

CHAPTER 78: An Ace to Her

“NARIRINIG MO BA ang sinasabi mo, Ate?” nanghihina niyang tanong sa kapatid. “Ganoon na lang iyon? Kalilimutan mo ang ibinigay ko sa ‘yong pera?”

“Sa ‘yo ba talaga?” balik na tanong ng kapatid niya. “Hindi ka makakakuha ng ganoon kalaking halaga kung hindi dahil sa asawa mo.”

Umiling si Liberty. Hindi niya na talaga alam ang gagawin sa pamilya niya. Lahat na ng pang-unawa, sakripisyo at pagmamahal ay ibinigay niya na, ngunit, bakit sa kabila ng lahat ay kulang pa rin iyon? Ano pa ba ang kailangan niyang gawin upang maintindihan ng mga ito na sa oras na bumitaw siya ay guguho silang pare-pareho?

“Sige na, Liberty! Kausapin mo ang asawa mo. Mawawalan kami ng bahay,” pilit na pakiusap nito. “Saan kami pupulutin? Hindi pwedeng tumira sa mabahong eskwater ang mga anak ko! Hindi na dapat nilang maranasan ang ganoong buhay!”

“Iyon naman pala, Ate. Alam mo ang pakiramdam ng mahirap pero bakit para bang napakabilis niyong maglustay ng pera?”

Heto na naman ang hindi makapaniwalang tingin na ibi
Rigel Star

Hi everyone! Gusto ko lamang po magpasalamat sa lahat ng sumosuporta sa kwento ni Liberty. Na-appreciate ko po ang lahat ng komento mula sa inyo. Pati na rin ang patuloy niyong pagbabasa. Papunta pa lang po tayo sa exciting part. Maraming salamat po ulit ^^

| 11
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Tessa Mae Soberano Cacho
Sana Author it's time naman sana na maging matigas si Liberty.Ang tagal nang sinasabing hiwalayan ot e divorce pero d naman nangyayari ang daming paikot at dapat sabihin nya lahat ang rason SA Magtandang Salvantes. kaso meron kang nalagay about Lenard at sila Meridith at Duncan ang may kagagawan
goodnovel comment avatar
Alexa Alelojo
masarap sa pakiramdam n my tinatawag kang ate kuya... pero sa sitwasyon ni liberty sana wala n lng syang ate dahil sa wala itong kwenta... kagigil ...
goodnovel comment avatar
Allen
ay nalang nauubos lang yung laman ng gcash ko sa kakapalan ng mukha ng pamilya ni liberty o bka nman di sya tunay na anak kasi ganyan ang trato ng pamilya nya sa knya.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status