This chapter may include explicit material. Viewer discretion is advised. The intention is not to offend but to provide information. Proceed only if you are comfortable with potentially sensitive topics.
“KING, I WANT you to calm down, okay?” muling paalala pa sa kanya ni Charles. “Alam ko na ang rason kung bakit ito ginawa kay Liberty.”“What is it?” tanong niya sa kaibigan habang ang tingin ay diretso pa rin.“That Moira, Lora, Dona—whatever her name is, is the reason why—”“Diretsuhin mo na ako,” nauubusan ng pasensyang sambit ni King.“Sinuhulan niya ng sampung milyon si Liberty.”“And Liberty said no?” tanong niya rito. “Pangarap niya ito, malamang tatanggi si Liberty,” isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Charles. “Masyado nilang minamaliit iyon tao. Lowkey lang iyong si Liberty pero hindi nila alam na milyonarya na. Mabalik tayo sa usapan. Iyong pangako mo, King! Hindi kita palalabasin dito.”Hindi niya itong nagawang sagutin. Ang atensyon pa rin ng binata ay nasa manibela na patuloy ang paghigpit. Hindi siya pinababa ng sasakyan ni Charles hanggang hindi niya sinasagot ang sinabi nito.“King?” ulit na tanong ng kaibigan niya. “Mangako ka—”“Mapapahamak na si Lib
“MAS LUMAKAS ANG pagsigaw ni Liberty sa pag-iisip na wala na talaga siyang pag-asa. Pakiramdam niya, ang mga sandaling iyon na ang magiging katapusan niya.Magaganap na ba talaga sa kanya ang pambababoy na kagustuhan ng pinuno ng grupong ito? Ngunit habang nasa ganoon siyang sitwasyon, hindi niya maiwasang tanungin kung bakit siya? Napakaraming tao, bakit siya ang nakakaranas ng ganito?Ang gusto niya lang naman ay lumaban nang patas sa buhay. Ang buhayin ang sarili niya at ang pamilya niya mula sa perang pinaghirapan niya. Ngunit, bakit napakahirap? Ano pa ba ang mga kailangan niyang pagdaanan upang makaramdam ng kasiyahan?“Ang bango…”Lalong nangilabot si Liberty nang amuyin nito ang kanyang leeg. Bago pa man tuluyang maipasok ng lalaki ang kamay sa kanyang bra, at mahalikan ang kanyang leeg, ganoon na lamang ang gulat niya sa sunod-sunod na pagdaing mula sa kung sino.Kung saan-saan ibinabaling ni Liberty ang kanyang tingin kahit wala naman siyang nakikita. Kung saan kase naroon a
PAULIT-ULIT ANG PAGSIGAW ng dalawang lalaking nakalambitin ngayon sa mataas na bahagi ng construction site na iyon. Makikita na bakas sa dalawa ang takot dahil sa pagragasa ng pawis sa katawan ng mga ito. Malalim din ang paghinga nila habang paulit-ulit ang pagmamakaawa para sa kanilang buhay. “Ano bang nagawa namin?” galit na galit na tanong ng isa. Tumutulo pa ang uhog nito na humalo sa pawisang katawan. “Sumunod lang naman kami sa—ah! Huwag! Huwag!” hindi nito naituloy ang sasabihin nang ibaba pa ang tali ng crane machine na pinagsasabitan sa mga ito.“Iyon na nga ang problema, alam niyo ng masama, ginawa niyo pa!” “K-kailangan naming mabuhay!” katwiran at giit pa rin nito. “Ito lang ang paraan para makakuha kami ng malaking pera at madaling trabaho—ah! Tang*na! Bakit ba kayo nanakit?”Lalong nag-init ang batok ni James sa narinig. Ngayon niya pa lang ito nahampas ng sinturon ngunit kung makapagreklamo ay ganoon-ganoon na lang.“M-maawa na kayo! P-pakiusap, hindi na namin ito uul
“TATAKAS KA PA ha?” galit na sigaw ni Charles kay Mr. Sandoval matapos nilang malaman na gusto nitong pyansahan ang sarili.Dahil sa paging desperado ni Mr. Sandoval, naghanda pa ito ng malaking halaga para suhulan ang mga pulis na nakabantay sa kaso nito. Ngunit dahil sa tutok na pagbabantay ni King sa kaso, imposible na magawa nito ang panunuhol. Sa mga ganitong pagkakataon niya nagagamit ang kapangyarihang mayroon siya. “Sa tingin mo, abswelto ka, Mr. Salvantez? Malaki rin ang kasalanan mo sa batas!” Umiling na lamang si King. Hindi niya magawang ikaila na wala nga siyang kasalanan lalo pa’t hindi niya kaagad ipinaalam sa pulisya ang nangyaring kidnapping. Higit sa lahat kinuha niya pa ang mga tauhan nito. Ngunit wala na roong pakialam si King. Para sa kanya, nararapat lamang iyon sa mga taong halang ang bituka.“Nasaan na ang sekretarya mo?” tanong na naman ni James kay Mr. Sandoval. Nang pasukin kase nila ang lugar hindi nila nakita ang sekretarya na tinuturo ng mga tauhan ni
ISANG NGITI ANG ibinigay ni Liberty dahil sa matagal na pagkakatingin sa kanya ni King. May posibilidad hindi nito iyon napansin dahil sa malalim na pag-iisip ng maraming dahilan ng binata. Maaaring ngayon din ay gusto siyang tanungin ng binata kung bakit pinili niyang manahimik. Ngunit kilala niya si King kahit sa maikling panahon lang nilang magkakilala. Hindi ito ang uri ng tao na pala-salita. Pipiliin nitong manahimik sa kabila ng maraming tanong sa isipan.“Mr. Hidalgo, let’s go back to our topic,” sabi ni Liberty na muling ibinaling ang tingin sa presidente ng MedPro Technologies. “You may sit down.”“I’m good, Mrs. Salvantez.”“Just like from what I’ve said, we won’t let your company get dragged to this problem by taking our actions privately. In exchange, you will not allow my name to get published or be mentioned in any way as possible. Even if it's in the newspaper, television, or radio. Our company is my top priority. I will not tolerate anyone which will cause it to be de
“DON’T TELL ME, pupuntahan mo na naman ang babaeng iyon?” galit na hinarangan ni Merideth ang pinto kung saan dadaan si Duncan. “Why can’t you just leave her alone, Duncan?” “Get out of the way, Meridith. Kailangan ko siyang puntahan. Alam mo kung gaano kahalaga kay lolo si Liberty—”“Liberty! Puro na lang Liberty! Paano naman ako, Duncan?” tanong niya rito kasabay ng pagbagsak ng kanyang luha. “Paano naman ang anak natin? Hindi mo ba naiisip ang mararamdaman niya kapag dumating ang araw na malaman niya na ang babaeng iyon ang pinipili mo?”Dalawang kamay ang inilagay ni Duncan sa kanyang baywang bago ito huminga nang malalim matapos na ipikit ang mga mata. “Siya ang sagot para makuha ko ang mana ko—”“Sigurado ka ba na mana lang ang kailangan mo kaya gusto mo siyang puntahan o nag-aalala ka sa kanya?” Nang magmulat ng mga mata si Duncan, sinalubong nito ang tingin niya. Halos magdikit na naman ang kilay ng lalaki at halatang hindi nagustuhan ang mga sinabi niya. Maaari, kung hindi
NANG MAKASIGURADO NG tulog na si Merideth, dahan-dahan ang naging pagtawag ni Duncan sa tauhang iplinanta niya upang matyagan ang bawat kilos at galaw ni Liberty. Gusto niyang malaman ang lahat tungkol dito. Hindi imposibleng magamit niya iyon balang-araw sa asawa nang ganoon ay hindi na nito ituloy ang diborsyo.Hindi kasama sa mga plano niya si Merideth. Iyon ang katotohanan. Ngunit nang mabuntis niya ito, at malamang maaaring kadugo niya ang bata, wala siyang magawa kung hindi baguhin ang kanyang plano. Hindi niya maatim na habang nasa rurok ng tagumpay ay may batang masasangkalan ng dahil sa kanya.Maaaring halang ang bituka niya, demonyo katulad ng paglalarawan ng asawa, ngunit, kung may isang bagay man siyang hindi kayang gawin, iyon ang pang-aabanduna sa sarili niyang kadugo.“Ano ng balita?” tanong niya rito habang nakasandal sa poste ng kanilang tarangkahan.Hinipat ni Duncan ang hawak na sigarilyo sa kaliwang kamay at ibinuga sa ere ang usok.“Kumpirmado, Sir,” pagbabalita n
“IYAN KA NA naman, Bakla!” kunsumidong sabi ni Ruffa. “Kagagaling mo lang sa sakit pero kung ano-ano na ang gustong mong gawin. “Ayaw mo ba na sa ibang araw ka na lang pumunta? Magpagaling ka munang mabuti!”“Bakla, kailangang ma-refresh ang utak ko. Atsaka, ikaw naman ang nagturo sa akin nito, ‘di ba? O bakit ngayon umuurong ka? Isa pa, papasok na ako sa headquarters sa susunod na araw.”“At nasisisi pa nga ako. Ang sabi ko lang naman ay maghanap ka ng destruction para hindi kung ano-anong iniisip mo,” giit pa rin ni Ruffa sa kanya.“Sige na, Bakla. Daanan mo na ako rito sa bahay. Mababaliw na ako rito—”“Baka nakakalimutan mong katatanggal pa lang ng cast sa paa mo? Hindi pa nga tapos ang therapy mo tapos gusto mo pang gumala.”Hindi kaagad nakasagot si Liberty. Alam niyang nag-aalala lang naman ang kaibigan niya kaya ito nasasabi ngunit hindi naman pwedeng ibaon niya na lang ang sarili sa takot. Kaya nga gusto niyang makipaghiwalay sa asawa dahil hindi niya nagagawa ang mga ganiton