Share

CHAPTER 61: The Other World

MAHIGPIT NA HINAWAKAN ni Liberty ang kanyang cellphone matapos na makita ang nilalaman ng mensahe na ipinasa sa kanya ng private investigator. Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pagsunod nito kay Duncan upang malaman ang mga patagong ginagawa ng kanyang asawa.

Sa kabila ng kanyang mga nalaman, hindi niya pa rin maiwasang huwag masaktan. Maraming taon ang nasayang niya sa asawa. Ito ang naging buhay niya sa panahong kalaban niya ang buong mundo ngunit maling-mali ang naging desisyon niyang iyon. Dahil habang ginagawa niyang mundo ang asawa, bumubuo rin ito ng mundo kasama ang iba.

“Ngayong kasama niya na ang iba, magiging masaya na kaya siya?” wala sa sarili niyang tanong na naging dahilan ng pag-iling niya noong huli. “Bakit kasiyahan niya pa rin ang iniisip ko?”

Dismayado siya sa sarili. Maraming pagkakamali na ang nagawa ng asawa niya ngunit iniisip niya pa rin ito.

“Ang daming tao sa mundo, bakit demonyo pa ang napili ko?” kung magaling lang sana siyang pumili, kung nakinig lama
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status