Share

CHAPTER 56: Wooden Horse Toy

TAHIMIK NA NASA kwarto lamang si Liberty. Malalim na naman ang iniisip niya tungkol sa problema ng kompanya. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin maiwasang huwag magsuspetsa na may sumasabotahe sa kanila. Hindi siya naniniwala na si Mrs. Rodriguez ang salarin kaya nakarating iyon sa mga Salvantez. Sigurado siya sapagkat alam niya sa sarili kung gaano katuso si Duncan. Hindi ito papayag na hindi malamangan ang tiyuhin nitong si King.

Ngunit sa isang banda, sa saglit na panahong nakakasama si King, alam niya sa sarili na hindi rin ito ang uri ng tao na basta na lamang matatalo sa negosyong pinasok nito. Sa tagal nitong nasa industriya, hindi malabo na hindi pa rin nito nakilatis ang mga taong nakapaligid sa kanya lalong-lalo na ang sa tingin nitong hindi mapagkakatiwalaan.

Tinapos ni Liberty ang mga dapat ayusin sa trabaho bago lumabas para sa kanilang hapunan. Malaking tulong na nakapagsasaklay na lamang siya. Hindi na siya gaanong nahihirapang kumilos.

Akmang tutuloy na si Liberty sa pa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status