KALMADONG NAKATINGIN PA rin si Liberty sa ina ni Duncan habang nasa loob sila ng isang sikat at mamahaling restaurant. Katulad ng dati, alam niyang gusto nitong ma-intimidate siya sa maraming alahas na suot nito, gamit na mamahaling bag, damit, at restaurant na naging tagpuan nila.
Nakataas pa rin ang kilay ni Victoria habang nakikipagtitigan sa kanya. Ngunit hindi na siya katulad ng dati na yuyuko lamang dito sa takot na may mapuna ito sa pag-uugali niya. Hindi na siya ang dating Liberty na gagawin ang lahat para kay Duncan kahit na ibaba pa niya ang sarili sa pamilya nito.
“Ang laki na ng pinagbago mo,” mataray na puna ni Victoria. “Alam mo na kung paano magbihis. Hindi ka na mukhang losyang na lagi lang laman ng bahay.”
Ngiti lamang ang isinagot niya ri
SA HINDI MALAMANG dahilan, dama ni Liberty ang mga mapanghusgang tingin sa kanya ng mga katrabaho. Gusto niyang komprontahin ang mga ito ngunit sa kabila ng lahat ay mas nanaig sa kanyang isipan ngayon ang ginawang pang-aakusa sa kanya ng nanay ni Duncan. Masyadong mabigat ang ginawa nitong pagsisinungaling na sumira sa iniingatan niyang reputasyon.Kahit na alam niya sa sariling wala siyang kasalanan ay pakiramdam niya'y natapakan nito ang kanyang pagkatao at labis niyang pinagsisihan nang hindi man lamang nadepensahan ang sarili.Kung sana’y naging mas matapang siya. Kung sana'y naturuan niya ang sarili na lumaban sa mga taong umaapak sa kanya ay hindi ito mangyayari ngayon. Sa pagiging matunog ng pangalan ng Salvantez, hindi malabong kumalat kaagad ang mga video na nakunan sa kanila. Inaasahan niya na iyon ngunit hindi ganoon kaaga.“Friend, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Ruffa na pumunta pa talaga sa headquarters. “Grabe ang balita huh! Hindi kinakaya ng rejuv ko! Napasu
NANG MARINIG ANG sinabi ng dating kaibigan, gusto ni Liberty na maging kalmado sa abot ng makakaya ngunit mas nanaig pa rin sa kanya ang kirot na hindi niya naman dapat nararamdaman. Kung hindi nagloko ang kanyang asawa, siya dapat ang nasa posisyon nito. Dapat ay masaya pa rin sila ngayon at hindi ang ahas niyang kaibigan. Ngayon niya napagtanto na hindi pa rin pala naghihilom ang puso niya sa lahat ng sakit at kirot na kanyang pinagdaanan. Kahit naman kase anong tanggi niya ay marami rin silang masasayang memorya na pinagsaluhan ni Duncan. Ito ang first love niya, ang lalaking pinakasalan at inakalang panghabang-buhay na ngunit dahil hindi ito naging kontento ay umabot na sila sa ganitong punto ng kanilang relasyon. Ang hindi niya maintindihan, sa tagal ng pagsasama nila ng asawa ay hindi sila nabigyan ng anak dahil hindi pa ito handa ngunit bakit kay Merideth ay napakabilis? Alam niyang nasa malaking bahagi rin ng rasong iyon ay dahil sa kanya. Natatakot siyang magpamilya dahil
“SOBRANG BUSY MO kase, Bakla!” naiinis na komento sa kanya ni Ruffa. “Nandito ka na lang din naman sa salon, magpaayos ka na rin!”Lalong nalukot ang mukha ni Liberty dahil sa sinabi ng kaibigan. Kukonsultahin niya lang naman ito sa magiging desisyon niya tapos sa kung anu-ano na naman siya nito hinila.“Matagal na kitang gustong i-transform kung hindi ko lang iniisip iyang asawa mong mahilig mag-one, two, three!” “Kaya nga day off ‘di ba? Ibig sabihin pahinga—”“Ano bang gagawin natin? Magpapahinga nga tayo! Kaya kung ako sa ‘yo, umupo ka na riyan bago ako pa ang humila sa buhok mong bakla ka!”Dahil sa panghihila, wala ng nagawa si Liberty kung hindi maupo sa upuan na may salamin sa harapan. “Para hindi ka mainip, habang nagkikwentuhan tayo, paaayos na rin ako ng buhok!” Bahagyang napailing si Liberty. Alam na alam talaga ng kaibigan niya ang ugali niya. Ayaw na ayaw niyang nagpapaayos dahil sa maraming proseso. Isa pa ang iniisip niya ay ang gastos. Bago maiayos ang sarili, kail
LUMULUTANG PA RIN si Liberty sa hindi kapani-paniwalang balitang narinig sa kanyang kaibigan nang matapos sila sa buong araw na pagpapaayos ng buhok. Inabutan na sila ng hatinggabi ngunit hindi naman siya nagsisisi dahil nakita niya ang malaking pagbabago sa kanya. Nang magsabi ang kaibigan niya na ihahatid na siya nito o kaya naman ay sumabay na sa kanila ni Charles ay hindi na siya pumayag. Ayaw niya ng maabala ang dalawa dahil maghapon niya ng kasama ang kaibigan.Kaagad niyang pinaandar ang kotse patungo sa convenience store para bumili muna ng aalmusalin bukas. Akmang liliko na siyang muli nang mapansin niya ang tumatakbonng ginang na patungo sa kanyang direksyon. Walang pagdadalawang-isip, kaagad niyang pinaharurot ang sasakyan patungo roon. Ibinaba riya rin ang salamin upang marinig ang sigaw nito.Paulit-ulit itong nanghihingi ng tulong kaya naman mas pinabilis niya pa ang pagpapatakbo. Nang malapit na sa kanya ang ginang ay hindi niya ito hinintuan. Nagpatuloy siya hanggan
PAROO’T PARITO ANG lakad ng sekretarya ni King habang nasa loob sila ng hospital kung saan isinugod si Liberty. Kalahating oras na rin silang naroon kaya hindi na ito mapakali.“Why don't you just go with my mom?” tanong niya sa kaibigan matapos na itinangala ang ulo upang hilutin ang kanyang sintido. “Nahihilo ako sa kaiikot mo, James.”“Ano ba kaseng nangyari?” hindi na naman nito mapigilang magtanong. “Ano na lang ang sasabihin ng magaling mong pamangkin kapag nalaman niyang sangkot ka sa nangyari sa asawa niya?”Bahagya ang naging pagngisi ni King. Para namang may kasalanan talaga siya sa nangyari. Isa pa, sa dinami-rami ng pwedeng makasalubong ng ina ay hindi niya inaasahan na si Liberty pa iyon.“Pero alam mo, King, swerte ka na si Liberty ang naroon. Isipin mo, kung iba-iba iyon baka umatras na lalo pa’t may patalim iyong salarin ‘di ba? Edi hanggang ngayon naghahanap pa siguro tayo kay tita.”Bahagyang kumunot ang noo niya dahil may punto ang sinabi nito.“Sa totoo lang, paki
LALONG BUMABAKAS SA mukha ni Liberty ang matinding pamumula sa tuwing maaalala niya ang nakakahiyang ginawa kay King. Bakit ba naman kase hinubaran niya ang lalaki nang hindi manlang tinatanong kung pwede niya iyong gawin? Masyadong umiral sa kanya ang pag-aalala at pagkataranta nang hindi nag-iisip.Ilang minuto na itong wala sa kwartong inaakupa niya dahil sa pagtatahi ng sugat ng lalaki. Sa tuwing naalala niya iyon, hindi niya maiwasang mapangiwi. “Paano niya nakakayang hindi magpatingin ng sugat nang ganoon kalalim? Manhid ba siya? Hindi niya alam na may sugat siya?” Umiiling niyang sunod-sunod na tanong sa sarili.Nabaling din ang tingin ni Liberty sa kamay niya. Malalim ang sugat na natamo niya mula sa pagsangga ng patalim. Kung anong tapang ang mayroon siya para magawa iyon ay hindi niya alam.“Sana ganyan ka rin sa sarili mo, Liberty. Handa kang ipaglaban ang iba pero hindi mo magawa sa sarilli mo…” mahina niyang sambit. “Be kind to yourself, please… you are all you have. No
KATULAD NG BILIN ng doktor, nanatili pa ng isang araw sa hospital si Liberty nang sa ganoon ay mahintay niya na rin ang findings sa kanya. Nang makita na maayos naman ang lagay niya ay saka lamang siya nakalabas kinabukasan ng hospital.“Bakla!” malakas na boses ni Ruffa ang naging bida sa hospital ward nang makita siya nito.Kaagad ding ibinigay ng kaibigan niya ang pumpon ng pulang rosas bago siya yakapin nang mahigpit. Bago pa man siya maubusan ng hininga ay binitiwan din siya ni Ruffa. “Bakla, alam mo pinag-aalala mo ‘ko!” sambit na naman nito. “Kung hindi pa kita tinawagan, hindi ko pa malalaman na nasa hospital ka. Maaga talagang huhulas ang beauty ko sa ‘yong babaeta ka!” Akmang sasabunutan pa sana siya ni Ruffa nang humarang ang nurse sa pagitan nila.“Pasensya na po, kabilin-bilinan ni Mr. Salvantez na ihatid siya sa sasakyan ng mapayapa.Natawa si Liberty nang makita ang ekspresyon ng nurse. “Okay lang po. Sanay na ako sa paganyan niya. Love language niya ang manakit kapag
ILANG ARAW NG puyat si Liberty dahil sa paggawa ng panibagong framework para sa ilalabas nilang application. Naka-take down na rin ang mismong site kung saan inilabas ng Salvantez Tech. Corp. ang ilo-launch sanang application ng mga ito na kapareho ng kanila matapos niyang magbigay kay Charles ng pwede nilang gamitin na pang-counter attack sa ginawa nilang desisyon.“Hoy, Teh! Literal na keep bleeding ka ano?” tanong ni Ruffa. “Nagdudugo na iyang palad mo pero tuloy-tuloy ka pa rin.” Umiiling na komento nito.Hindi niya magawang sagutin ang kaibigan dahil sa sunod-sunod na pagtitipa niya sa harapan ng monitor. Alam niyang kapag huminto siya sa delikadong parte na ito ay magiging komplikado na ang mga nasimulan niya. Hindi na rin siya inabala ni Ruffa dahil alam na naman nito ang ugali niya kapag may ginagawa. Ilang araw na rin siyang sinasamahan ng kaibigan sa apartment niya dala ng pag-aalala nito. Kaysa kulitin siya katatawag nito ay pinagdala niya na lamang ng damit si Ruffa.“Hi