Share

CHAPTER 28: Another Encounter

NANG MARINIG ANG sinabi ng dating kaibigan, gusto ni Liberty na maging kalmado sa abot ng makakaya ngunit mas nanaig pa rin sa kanya ang kirot na hindi niya naman dapat nararamdaman.

Kung hindi nagloko ang kanyang asawa, siya dapat ang nasa posisyon nito. Dapat ay masaya pa rin sila ngayon at hindi ang ahas niyang kaibigan.

Ngayon niya napagtanto na hindi pa rin pala naghihilom ang puso niya sa lahat ng sakit at kirot na kanyang pinagdaanan. Kahit naman kase anong tanggi niya ay marami rin silang masasayang memorya na pinagsaluhan ni Duncan. Ito ang first love niya, ang lalaking pinakasalan at inakalang panghabang-buhay na ngunit dahil hindi ito naging kontento ay umabot na sila sa ganitong punto ng kanilang relasyon.

Ang hindi niya maintindihan, sa tagal ng pagsasama nila ng asawa ay hindi sila nabigyan ng anak dahil hindi pa ito handa ngunit bakit kay Merideth ay napakabilis? Alam niyang nasa malaking bahagi rin ng rasong iyon ay dahil sa kanya. Natatakot siyang magpamilya dahil
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status