TUMINGIN NANG HINDI makapaniwala si Liberty kay Leslie. Nagugulat pa rin siya kung paano nito nasasabi ang mga ganoong bagay sa kanyang harapan.
“Wala ka na ba talagang pakialam sa akin, Ate?” tanong niya sa kapatid. “Hangga’t kaya ko, sinusubukan kong unawain ka pero, parang sobra naman ‘to? Kaya mo talaga akong ipagkanulo para sa pera?”
Hinawakan siya sa magkabilaang braso ng nakatatandang kapatid habang nakatingin sa kanyang mga mata nito nang lumuluha.
“Kailangan mong maging praktikal, Liberty!” mariing sambit nito. “Sa mundong ginagalawan nating ngayon, kapag inuna mo ang pride mo bilang mahirap, talo ka! Hindi ka lang magiging isang kahig-isang tuka, gagapang ka! Naiintindihan mo ba ako?”
“ITO ANG KAILANGAN mo, Bakla!” pilit na sabi ni Ruffa sa kanya. “Kung magmumukmok ka na lang parati sa bahay niyo sa tuwing may problema ka, maaga kang malulusyang niyan!”“Hindi naman ako party person na katulad mo,” kontra niya rito habang nagdadalawang-isip pa rin na pumasok sa bar.“Gaga! Huwag mong hayaan na ang asawa mo lang ang masaya. Ipamukha mo sa kanya na hindi ka apektado. Hayaan mo na usigin naman siya ng konsensya niya.”“Pero—”“Ano bang akala niya na porque nakikiayon sa kanya ang pagkakataon ay ganoon ka na rin? Never! Nasa modern world na tayo ‘no! Hindi na uso ang pagiging martir ngayon.”
PUMASOK SA TRABAHO si Liberty nang lulugo-lugo. Dama niya ang matinding pananakit ng ulo na tila ba binabarena iyon hanggang sa matapos ang trabaho niya nang araw na iyon. Kahit pa ang promotor ng gala na iyon ay ang kasintahan ng amo niya ay wala siyang magagawa dahil sineswelduhan siya ng kumpanya. Isa pa, wala sa bukabularyo niya ang pagpapabaya sa tungkulin kahit pa noong nag-aaral siya.“You’re wasted,” natatawang komento ni Charles sa kanya.“Kasalanan iyan ng jowa mo,” sapo ang ulo niya nang sagutin ang amo.“Bakit ka pa kase pumasok? Ipinaalam ka na sa akin ni Ruffa kanina.”“Iyan ang hindi ko gagawin. I hate nepotis
HINDI MAKAPANIWALA SI Liberty na pagkatapos ng dalawang linggo niyang pag-aayos sa kanyang apartment ay natapos niya na rin iyon sa wakas. Hindi niya na kailangang mag-alala pa kung may masasagi siyang kalat sa daraanan o hindi niya makita ang bagay na gagamitin sa pang-araw-araw.Natapik niya tuloy ang sarili habang nakatingin sa naging resulta ng mga pagod na kanyang ginawa.Nang mga sandaling iyon, nakatingin lang sa kanya si Ruffa nang matagal. Mangilid-ngilid na ang luha nito kaya hindi niya maiwasang huwag mapanguso.“B-bakit?” tanong niya sa kaibigan. “Bakit naman parang maiiyak ka na? May nagawa na naman ba akong kinainisan mo?”“I’m so happy for you, Bakla!” dali-dali siyang niyakap n
BAKAS ANG PAGKAGULAT sa mukha ni Duncan nang mga sandaling hindi siya nagdalawang-isip sa ginawa. Hindi ito makapaniwala na nakaya niyang tutukan iton ng isang kutsilyo para lamang maprotektahan ang kaibigang si Ruffa. Unti-unti, makikita rito na tila nasasaktan. “Kaya mo talagang gawin sa akin’ yan?” tanong nito sa kanya. Hindi pa rin inaalis ni Liberty ang tingin sa asawa. Kaya niyang makipagmatigasan dito hangga’t hindi umaalis ang asawa niya.“Anong nangyari sa atin, Liberty?” nanlulumong tanong nito sa kanya. “Masaya tayo, kakampi natin ang isa’t isa kahit pa ang mundo na ang humahamon sa atin. Higit sa lahat, nariyan ang tiwala natin sa—”“Ako ba ang sumira?” tanong niya sa asawa at bahagyang natawa. “Bakit parang lumalabas na ako pa ang may kasalanan, Duncan?”“Hindi sa ganoon—”“Eh ano?” pigil niya ang sarili na huwag ng magalit. “Sa inaasta mo parang ikaw pa itong biktima!”“Umalis ka na, Duncan—”“Huwag ka ritong nakikiaalam!” galit na dinuro ni Duncan si Ruffa. “Kasalanan
GANOON NA LAMANG ang matinding pagngisi Merideth nang matapos paligayahin si Duncan. Kailanman ay hindi siya nagkamali sa dapat na gawin upang masiyahan ang lalaki. Alam na alam niya kung paano ito bibigay sa kanya sa mga panahong nalilito ito sa mga dapat na piliin.Kaya nga siya lang ang nag-iisa sa mga fling nito na nagtagal sa lalaki dahil kaya niya itong paikutin sa kanyang palad nang hindi nihihirapan.Gagawin niya ang makakaya upang panghabang-buhay na ang mamagitan sa kanila ni Duncan. Napakatagal na panahon niya ring inaasam na makuha ang lalaki sa kanyang kaibigan. Hindi na siya papayag na muling maagawan pa nito lalo pa’t siya naman talaga ang naunang nagkagusto rito. Sa matinding pagmamahal niya rito, kaya niyang itaya ang lahat manatili lang sa tabi ni Duncan. Hindi siya makapapayag na balikan pa ito ni Liberty.Pinunasan niya pa ang puting likido na kumalat sa gilid ng kanyang labi bago titigan ang magandang mukha ng lalaki. Nakapikit pa rin ito at nasa mukha ni Duncan
MASYADONG ABALA SI King sa babaeng kahalikan sa loob ng banyo nang mga sandaling iyon. All he wants is a woman to get under his pants para mapatahimik niya na rin ito sa paulit-ulit na pangungulit sa kanya. Minsan nagiging mahirap na sa kanyang maging lapitin dahil na rin sa maganda siyang lalaki at single. Idagdag pa ang news na kakalat sa media sa oras na maisapubliko ang relasyon niya. Paniguradong instant celebrity ang kung sinumang babae.Sa kabila ng lahat, kung may isa man siyang rule sa mga nakaka-fling ay iyon ay dapat single din ito. He hates drama. Ayaw niya rin na nakakaapak ng kapwa niya lalaki. Kaya nga kahit gustong-gusto niya ang isang babae ay hindi niya ito magawang pormahan sa kadahilanang may prinsipyo siyang pinaniniwalaan. Isa pa, alam naman ng mga ito na pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na niya inuulit na makipagsiping sa babaeng nakasiping na. Ayaw na ayaw niyang pumapasok sa relasyong magtatali sa kanya sapagkat makakasira iyon sa mga plano niya sa buhay.
NANG GABING IYON, nagising na naman si Liberty sa sunod-sunod na pagkatok sa labas ng kanyang apartment. Hindi pa ito nakontento at ginamit na ang doorbell. Nang huli, ilang beses nitong sinipa ang pinto habang kinakalabog iyon.Dahil naalimpungatan, dali-dali tuloy ang pagtayo niya sa hinihigaan. Inilagay niya lamang ang balabal na nakasampay sa kanyang kama saka lumabas ng kwarto upang tingnan kung sino iyon. Nang mabuksan ang pinto, saka lamang siya tuluyang nahimasmasan matapos na makilala kung sino ang eskandalosong kumakatok sa kanyang pinto.“D-duncan?” bakas sa kanya ang gulat at takot.Wala na si Ruffa sa kanyang apartment. Hindi na siya makakahingi pa ng tulong sa kahit na sino.“A-anong ginagawa mo rito?” pilit niyang nilalaban ang takot ngunit iyon pa rin ang nananaig sa kanya.“Iuuwi na kita sa bahay natin, Liberty!” puno ng awtoridad na sambit nito. Kung nakailangang bote man ng alak ang kanyang asawa ay wala na siyang pakiaalam. Ngunit kung may isang bagay siyang sigu
“MISS, HINDI KA talaga magsasampa ng kaso?” gulat na tanong muli ng lalaking tumulong sa kanya. “Diyan lang ako sa kabila mong apartment, hindi lang ito ang unang beses na ginawa sa ‘yo ‘yan ng lalaking iyon! Naririnig ko ka kaya! Tapos hindi ka magsasampa ng kaso? Sure na sure na ba talaga?” Tahimik pa rin si Liberty nang mga sandaling iyon. Tama ba talaga ang naging desisyon niyang manahimik na lang para sa kanyang pamilya? Parang ipinagkanulo niya na rin ang sarili sa gagawin. Sa hindi pagsuplong dito sa awtoridad ay makakakuha siyang muli ng pera sa asawa ngunit ang magiging kapalit niyon ay pagiging malaya nito na gawin ng paulit-ulit sa kanya ang ganitong bagay.Kakayanin niya bang talaga? Kapag sinabi ba niya ang lahat ng ito sa pamilya ay maiintindihan din ba siya o kakampi na naman sa kanyang asawa?Nang mga sandaling iyon, heto na naman ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Ang mga nasa kanyang paligid, hindi maiwasang huwag mag-aalala sa kanyang inaasta. Tinatanong siy