“TRUE TO LIFE ba talaga, Friend?” gulat na tanong ng kaibigan niyang si Ruffa nang ikwento niya kung gaano kalaki ang problema niya ngayon sa kamay ng kanyang asawa. “Bakla, pang teleserye ang lovelife mo!”
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya habang nakatingin sa mga nagsasayawan sa loob ng club na iyon. Inaya siya rito ng kaibigan para daw makalimot siya nang panandalian sa problemang pinagdadaanan. Ngunit kahit ano yatang ingay sa paligid niya, mas nanaig pa rin sa isipan ni Liberty ang mga bumubulong doon.
“Alam mo iyang asawa mo, seloso pero manloloko!” nanggigigil na komento pa rin nito. “Kahit nga ako na isa ring dyosa pinagseselosan. Tagal na tuloy nating walang ganap sa life, Friend! Gaga, ngayon na lang kita nakita, Bakla!”
“Alam mo kung teleserye ang life ko, ikaw ang patalastas. Okray ka, Friend!” naiinis na sagot ni Liberty. “Dati gustong-gusto ko pa kapag nagseselos siya—”
“Eh, ngayon?” nakataas ang kilay na sabi nito.
“Nakakasuka pala kung galing sa manloloko!”
“Iyang asawa mo may sira ang ulo. Kahit ako pinagseselosan. Tuloy hindi ako nakapunta sa kasal mo, Bakla. Ako dapat ang maid of honor doon eh!”
Natawa na lamang siya. Heto talaga ang dahilan kaya nagtatampo sa kanya ang kaibigan.
“But, don’t worry. Look at what happened to my maid of honor? Kabit na ngayon ng asawa ko—”
“Bakla!” gulat na bulalas at napainom pa ng alak sa rebelasyong ibinunyan niya. “You mean Merideth is the kabet?”
Mapakla siyang ngumiti rito. Kahit siya, ang taong naloko nito ay hindi rin makapaniwala. Pakiramdaman niya’y bangungot lang itong lahat at isang malaking biro sa buhay niya.
“Kaya pala rhyme! Bagay sa name ng ahas na ‘yon,” gigil pa rin sabi ni Ruffa. “Ano, gusto mo, umupa na ako ng kukulam sa dalawang ‘yon? Alam mo iyang asawa mo, gwapo lang ang meron! May pugad na sarilimg limliman, lilipat pa sa iba. Edi nabugok ang itlog niya!”
Bahagyang natawa si Liberty, “okray ka, Bakla!”
“True to life, Friend. Mabulok sana ang itlog niya—”
“Bakla!” pinanlakihan niya ito ng mata ikinatawa lang ng kaibigan.
“Bakla, anong plano mo ngayon?”
“Iinom?” hindi siguradong sagot niya rito.
Sa dalawampu’t limang taon niya sa mundo, ngayon lamang nakapasok si Liberty sa club. Kung dati ang rason niya’y wala siyang pera, nang magkaasawa naman ay ang pagiging istrikto ni Duncan ang problema niya.
“Look, Bakla…” nakangusong sabi ni Ruffa.
“Why?” Ganoon na lamang paglingon ni Liberty sa kanyang likuran kasabay ng pagbabalik ng tingin sa kaibigan.
“Sabi sa ‘yo, Bakla. Maganda ka. Pagagandahin pa kita. Tignan na lang natin kung hindi maglaway sa ‘yo ‘yang asawa mo! Magsisisi siya, kakaiba gumanti ang isang api ano!”
Umiling-iling na lamang si Liberty sa mga pang-telebisyon na linyahan ng kaibigan habang ang tingin niya ay nasa dance floor kung saan ang karamihan ay sumasabay sa indayog ng musika.
Ngayon niya lamang naintindihan ang ganitong uri ng lugar. Siguro karamihan ng mga naroon ay katulad niya. Nakikisiksik sa club. Hindi para mag-enjoy, kung hindi para panandaliang makalimot sa magulong buhay na mayroon sila.
Nang gabing iyon, hindi na maalala ni Liberty kung gaano karaming alak ang dumaloy sa himaymay ng katawan niya. Gusto niyang panandaliang maging manhid at makalimot sa sakit na ibinigay sa kanya ng asawa ngunit wala yata talagang overnight sa heartbreak. Makakalimot lang saglit ngunit babalik pa rin ang sakit.
“Bakla, kaya mo pa ba?” nag-aalalang tanong pa rin ni Ruffa nang dalhin siya nito sa hotel.
“Wala tayo sa bahay?”
“Ayaw mong magpauwi sa inyo, Friend,” umiiling na sabi nito. “Bakit naman kase ang dami ng nainom mo? Ihahatid na kita sa kwarto mo—”
“I can manage, Friend,” nakangiti at pupungay-pungay na sabi ni Liberty. “Di ba may emergency ka sa boylet mo? Go na, Friend. I’m fine.”
“P-pero…”
“Just call me when you arrive, okay?” sabi niya pa rito nang ihatid siya hanggang elevator ni Ruffa.
Tumango na lamang ito kahit na bakas na ayaw pa ring pumayag na siya lamang itong pupunta mag-isa sa kanyang hotel room.
Kahit umiikot ang paningin, pilit na hinanap ni Liberty ang kwarto na tutuluyan. Natagalan din siya kaya naman ganoon na lamang kalapad ng kanyang ngiti nang makita iyon.
Ngunit hindi pa man tuluyang nakakapasok, ganoon na lamang ang gulat niya nang mapusok siyang halikan ng hindi kilalang lalaki. Matangkad ito sa kanya kaya bahagya itong nakayuko.
Nang una’y hindi siya nakagalaw dala ng matinding pagkabigla…
Nanghihina siya sa paraan ng paghalik nito lalo na nang lumalalim iyon at tangayin siya patungo ng kama. Nalanghap niya ang pamilyar na pabango rito ngunit hindi niya matandaan kung saan niya iyon naamoy.
Ibang-iba ang paraan ng paghalik nito. May kapusukan iyon at malalim na tila ba handang higupin ang bawat himaymay ng kanyang pagkatao.
Hinila siya ng lalaki sa madilim na kwarto. Inihiga siya nito sa kama at unti-unting hinuhubad ang suot niyang bestida. Nang mga sandaling iyon, doon lamang unti-unting nag-sink kay Liberty ang nangyayari. Pilit niya itong pinapaalis sa pagkakaibabaw niya. Gamit ang natitirang lakas, nagpupumiglas siya makawala lang rito.
“Let me go!” paulit-ulit niyang sambit. “I said, let me go!”
Unti-unti na siyang nakakaramdam ng takot. Maging ang paghikbi niya ay unti-unti ng lumalakas na naging dahilan upang matauhan ito sa ginagawa.
Doon niya naman aksidenteng napindot ang remote na naging dahilan ng pagliwanag sa buong kwarto.
Parehong bakas sa kanilang mukha nila ang labis na pagkabigla nang makilala ang isa’t isa. Naguguluhan din ito noong una, gustong ibuka ang bibig ngunit pinigilan ang sarili.
“U-uncle…” mahinang sambit ni Liberty kasabay ng pagtatakip niya sa kahubaran gamit ang kumot.
Sunod-sunod ang pagmumura nito nang tumalikod sa kanya at hindi alam ang gagawin.
Nang mga sandaling iyon, lalong nakaramdam ng matinding takot si Liberty.
Sa dinami-rami ng pwede niyang makahalikan, bakit ang pinakabunsong Salvantez pa? Bakit ang kapatid pa ng tatay ng kanyang asawa?
Takot at ilag siya kay King Baron Salvantez dahil sa mataas na pader na nakaharang sa pagkatao nito. Bakas din dito ang pagiging masungit at dominante kaya nga kahit minsan ay hindi niya pa ito nakakausap, Tapos ngayon? Makakahalikan niya pa! Mababaliw na yata siya…
“What are you doing here?” bakas ang galit sa tinig nito.
Akmang sasagot na si Liberty nang senyasan siya nito na huwag magsasalita habang nakatapat sa taynga ang cellphone.
“You know who I am,” may lalim ang boses na bungad nito. “Delete all the footage from this floor. Yes, all of it,” pagkatapos magsalita, kaagad din nitong pinatay ang tawag.
“Uncle—”
“You want me to forget all of this?” tanong nito sa kanya. “This never happen. Nothing happened between us if that’s what you want,” mabilis at pinal nitong sabi bago magtuloy-tuloy sa paglabas ng kwarto.
Naiwan naman si Liberty na tulala at hindi pa rin makapaniwala sa aksidenteng nagawa. Ang napasukan niyang kwarto ay mali. Pagbali-baliktarin man ang kanyang rason, siya ang nagkamali…
“NASAAN KA KAGABI? Alam mo ba kung anong oras na? Uwi pa ba ito ng matinong babae?” sunod-sunod na tanong ng kanyang asawa noong makapasok siya ng kanilang bahay. “Sumagot ka, Liberty!”Blangko siyang tumingin kay Duncan at bahagyang natawa sa itsura nito. Nanlalalim na ang mga mata ng asawa. Magulo ang buhok at mukhang nakailang bote na rin ng alak dahil sa dami ng basyo na nakakalat sa lapag.“Congratulations! Alam mo na ang pakiramdam ng ginawa mo sa ‘kin.”“Nasaan ka kagabi, Liberty—”“Bakit, kailangan bang lahat ipapaalam ko sa ‘yo? Hindi pwedeng ikaw lang ang nag-eenjoy sa pamamahay na ‘to?” “Liberty, Love, nag-aalala lang naman ako—”“Don’t touch me!” tila bombang sumabog ang galit na kanina niya pa pinipigil. “Huwag mo akong hahawakan. Nandidiri ako sa ‘yo, Duncan!”“Huwag namang ganyan, Love.”“Love?” natawa siya. “Iyan ang salitang inakala kong mayroon tayo pero sinayang mo!” “She seduced me, Liberty!”“That's the most idiot reason I've ever heard from you, Duncan,” sumusu
PIGIL NA PIGIL ni Liberty ang sarili na huwag sa sumabog sa galit. Gusto niyang makawala sa asawa. Iyon ang katotohanan. Kaya nga heto siya at nag-a-apply ng trabaho ngunit sa hindi malamang dahilan ay hindi siya matanggap-tanggap kahit pa napakaganda ng credentials niya. Kung experience lang din ang pag-uusapan ay mayroon siya kahit papaano dahil bago niya pakasalan si Duncan ay pumasok din siya sa kompanya.Kaya nang malaman niyang hinaharang pala nito ang maliliit na kumpanyang pinapasukan niya ay nagngingitngit siya sa galit. Kung hindi niya pa iyon nalaman kay Ruffa, maaaring hanggang ngayon ay wala pa rin siyang humpay pag-a-apply. “Where’s your boss?” salubong ang kilay na tanong ni Liberty nang makita ang pangalawang sekretarya ng asawa. Laking pasasalamat niya na lang din at wala roon si Meredith. Hindi niya alam ang magagawa sa hitad niyang kaibigan kapag nagpang-abot sila.“S-sa office po, Ma’am,” sagot kaagad nito sa kanya kahit nauutal pa. Kahit siguro ito ay nababasa
BAKAS ANG MATINDING pagkadisgusto sa mukha ng asawa niya nang masaksihan ang aksidenteng nangyari sa pagitan nila ni King Baron. Wala sa sarili, dali-dali ang pag-aayos ni Liberty ng tayo habang nahihiya at may takot na humingi ng tawad dito. Bali-baliktarin man kase ang kanyang rason, sa pangalawang pagkakataon, alam niyang siya pa rin itong may kasalanan.“Liberty!” may kalakasang tawag ng asawa niya na naging dahilan nang mabilis niyang paglapit dito.Bakas ang takot sa kanya na gumawa ito ng eskandalo na ikapapahiya niya.“Talagang malakas na ang loob mo?” mahigpit nitong hinigit ang kanyang braso at may pagbabantang tumingin sa kanyang mga mata.Hanggang ngayon, hindi niya pa rin maintindihan ang pinanggagalingan ng pagkadisgusto nito sa pinakabunsong tiyuhin na si King. Hindi kasalanan ng lalaki kung nakakaangat ito sa maraming larangang. “I told you to stay away from him,” mahinang bulong ni Duncan habang pilit pa rin ang paghila sa kanya. “Bakit ba narito ang lalaking iyan?
NAGPAPABALIK-BALIK ANG TINGIN ni Liberty sa dalawang Salvantez na nasa kanyang harapan. Heto na naman ang pagsasalpukan ng titig ng mga ito na walang gustong magpatalo. Nang mga sandaling iyon, pakiramdam niya’y tila ba anumang oras ay magsisimula na ang away na kanyang iniiwasan.Nag-aalalang nabaling ang tingin niya sa kamay ni Duncan na nakakuyom. Alam niya ang ugali ng asawa. Hindi ito ang uri ng tao na kayang pigilan ang sarili pagdating sa mga taong hindi nito gusto. At sa kasamaang palad, kabilang doon ang tiyuhin nito.“W-what is it, Uncle?” walang mapagpiliian. Iyon na ang lumabas na tanong sa bibig ni Liberty.Iniiwasan niyang magkagulo hangga’t maaari. Masyado na siyang pagod para sa kalahating bahagi ng salo-salong iyon upang maghanap pa ng panibagon
KUNG MAY ISANG bagay na sigurado si Duncan, iyon ang kawalan niya ng amor sa pinakabata niyang tiyuhin. Sa maraming dahilan, hindi niya ito magustuhan. Isa na sa mga dahilan roon ay ang pagiging pangalawa niya sa lahat ng bagay nang dumating ito sa kanila. Wala siyang pakialam sa lalaki dahil sa pagiging anak sa labas nito. Ngunit nagbago iyon nang ang lahat ng para sa kanya na dati ay inilaan ng kanyang lolo ay unti-unting ibinibigay dito nang ganoon lamang kabilis.Pangalawang bagay na hindi niya gusto rito ay pagiging magaling nito sa maraming larangan na nagiging dahilan upang makuha ang gusto nang hindi man lamang pinaghihirapan. Ngunit ang labis niyang kinaiinis sa lahat ay ang kakaibang panakaw na tingin na ibinabaling nito sa kanyang asawa. Marami na itong nakuha na para sa kanya at hindi roon kabilang ang misin niya na si Liberty.“I want access to my money,” may diing sabi ni Liberty na naging dahilan upang bumalik siya sa kasalukuyan. “We have an agreement, Duncan. Marunon
CHAPTER 8: They Inflicted Pain“ANONG SINASABI MO?” may kadiinan ang paghawak ni Duncan sa braso ni Merideth habang pilit na hinihinaan ang boses. “Hindi ka naman bingi, alam kong narinig mo ang sinabi ko,” nakangisi pa ring sambit nito. “Hindi sapat na binigyan mo lang ako ng pera, Duncan. May buhay ng nadamay sa pagtataksil natin. Akalain mo iyon, mauuna mo pa akong mabuntis kumpara sa tanga kong kaibigan.”Unti-unti ang nagiging pagluwag ng hawak ni Duncan sa braso nito hanggang tuluyan niya na itong bitiwan. Ganoon na lamang ang matinding pagpunas niya ng pawis na namuo sa kanyang mukha habang nagpabalik-balik ng lakad nang hindi mapakali. Sapo niya nang ilang segundo ang sintido bago ibaling muli ang tingin kay Merideth. “Nang mahalin kita, nawalan na ako ng pakialam sa sasabihin ng iba, Duncan. Tumanggi ka man o hindi, pareho nating ginusto ang mga nangyari sa ‘tin. Hindi lang isa, kung hindi marami nating beses na pinagtaksilan ang asawa,” sabi nito habang nakatingin sa kany
“I HATE NEPOTISM, Ruffa,” pigil ni Liberty na lakasan ang kanyang boses. “Bakit mo naman ibinigay ang resume ko sa jowa mo? Parang gusto kitang kurutin sa singit kamo!” Bahagyang natawa ang kaibigan niya. “Bakit, Bakla, kapag ba nag-apply ka sa iba may tatanggap sa ‘yo?”“W-wala, pero—”“Iyon naman pala eh!” mahina siya nitong sinabunutan. “Naiinis talaga ako sa ‘yo. Nahihirapan ka na sa buhay pero pride pa rin iyang kinakain mo.”Ganoon na lamang ang masama niyang pagtitig sa kaibigan bago ito ngusuan. “Kaya nga hindi ako nag-apply dito kase nahihiya na ako sa ‘yo. Ilang beses na kaya kitang naabala tapos ngayon—”“Gaga ka,” mahinang sabi ng kaibigan niya habang nakatingin sa kanya nang seryoso. “Sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayo-tayo lang. Isa pa anong nepotism ka riyan? Anak ba kita?” Natawa siya sa biro nito. “Anong sabi ng jowa mo? Nagsisimula pa lang ang developing company niyo pero nakikigulo na ako sa inyo.”“Sa tingin mo ba kukunin ka ni jowa just because kaibig
UNANG ARAW PA lamang ni Liberty sa trabaho ngunit pakiramdam niya’y isang taon na ang pagod niya. Hindi dahil sa trabaho kung hindi sa ginawa ng kanyang Ate Leslie. Gusto niya itong makausap nang personal ngunit hindi niya alam kung paano magpapaliwanag nang hindi nagagalit dahil sa nangyayari sa kanyang buhay.Kinakabahan man at hindi alam ang sasabihin, hindi niya na pinatagal ang kanyang problema at nagtungo kaagad sa tinitirahan nito. Habang binabaybay niya ang daan pagkatapos ng kanyang trabaho ay mas tumitindi ang pagdagundong ng kanyang dibdib. “Ano ang sasabihin ko?” nag-aalala niya pang tanong habang lulan ng traysikel na sinakyan.Ayaw niyang masaktan ang damdamin ng kapatid. Sa kabila ng kanilang hindi pagkakaintindihan mahal niya ang kanyang pamilya. Ngunit ang ginagawa nito ay hindi tama lalo pa’t gusto niyang ng makipaghiwalay sa asawa. Ayaw niyang mas lumaki pa ang kanilang utang na loob dito hanggang siya na itong hindi makatakas sa kanyang asawa.Nang makababa ng tra
“D-DIYOS KO NAMAN…” mahinang bulong ni Cole. “Ang yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?” Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?“Huwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!” pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.“Secretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?” tanong din ni James.“All for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.” Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.“Paano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?” problemadong tanong ni Cole.“I don’t know,” sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. “Malamang niyan kasama niya na naman si Ruff
DAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng dati’y pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u
“KILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!” “Walang kahit na sinong makakatapak sa akin!” “Kilalanin niyo ang binabangga niyo!”“King, King, come here! Be with me! We should be together—hindi kayo bagay ni Liberty!”Iyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niya’y nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n
“KAMI NA ANG bahala rito,” sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. “Huwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,” sabi ni Cole. “Sa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.”“I know what I am doing,” sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.“L-let’s go to the hospital…” iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital
HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli
“A-ANO?” NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.“B-bomba?” hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Ang bahay napapalibutan ng bomba?” Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.“Why are you crying?” kalmadong tanong sa kanya ni King. “Don’t cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.”Dahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak
HINDI NAKAGALAW SI King sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya’y namamalikmata lamang siya habang nakatingin sa babaeng inaasam-asam na muling makita.Ang huling sinuot din ni Liberty ang natatanging alaala ang mayroon siya sa bahay na nakalagay pa sa kanyang unan upang sa tuwing mami-miss niya ito ay yakap niya nang mahigpit iyon.At ngayong nasa harapan niya ang babaeng kamukha ng babaeng tanaw niya lamang dati sa malayo ay hindi siya makapaniwala. Tulala sa ilang segundo sa kanyang pagkakatayo si King bago bumaba ang tingin sa tyan nito na napakalaki na.“Tititigan na lamang ba natin ang isa’t isa?” natatawang tanong ni Liberty sa kanya. “Hindi mo ba ako yayakapin, King?”Napadilat-pikit ng mga mata niya ang binata. Ang tingin ay na kay Liberty pa rin. Totoo ba talaga ang kanyang nakikita? Hindi ba ito parte ng kanyang ilusyon? Dama niya ang panghihina ng mga tuhod nang sandaling iyon. Habang ang kanyang luha ay pabagsak na sa kanyang mga mata. Hindi niya rin matagpuan ang saril
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot na ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa. Tanging pagtangis lamang na luha nitong ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Isa na ito ngayong baldado.Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga ginawang pagkakasala. Sapat ng magbayad ito sa mga kamaliang iyon.Tamang-tama, kapapasok niya lamang sa hospital nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng alarma kaya ganoon na lamang ang pagkakagulo ng mga pasyente at staff ng hospital na nasa loob.“Code gray! I repeat code gray!” anunsyong narinig niya sa speaker.Hin
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa kahit magagamit ang isang kamay na walang posas. Tanging pagtangis lamang dahl sa luhang ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga pinagdaanan ni Liberty sa buhay.Galit din sa kanya si Victoria. Siya ang sinisisisi nito sa mga kamalasang nagawa ng anak. Hindi siya sumagot. Wala siyang panahong makipagtalo sa mga baluktot na paniniwala nito. Sa oras na pwede na itong lumabas ng hospital, sisimulan na rin ang trial nito. Hindi lamang sa