PIGIL NA PIGIL ni Liberty ang sarili na huwag sa sumabog sa galit. Gusto niyang makawala sa asawa. Iyon ang katotohanan. Kaya nga heto siya at nag-a-apply ng trabaho ngunit sa hindi malamang dahilan ay hindi siya matanggap-tanggap kahit pa napakaganda ng credentials niya. Kung experience lang din ang pag-uusapan ay mayroon siya kahit papaano dahil bago niya pakasalan si Duncan ay pumasok din siya sa kompanya.
Kaya nang malaman niyang hinaharang pala nito ang maliliit na kumpanyang pinapasukan niya ay nagngingitngit siya sa galit.
Kung hindi niya pa iyon nalaman kay Ruffa, maaaring hanggang ngayon ay wala pa rin siyang humpay pag-a-apply.
“Where’s your boss?” salubong ang kilay na tanong ni Liberty nang makita ang pangalawang sekretarya ng asawa.
Laking pasasalamat niya na lang din at wala roon si Meredith. Hindi niya alam ang magagawa sa hitad niyang kaibigan kapag nagpang-abot sila.
“S-sa office po, Ma’am,” sagot kaagad nito sa kanya kahit nauutal pa. Kahit siguro ito ay nababasa ang galit na nakaplaster sa mukha niya.
“Thank you,” nakuha niya pang magpasalamat dito.
Tuloy-tuloy ang pagpasok ni Liberty sa opisina ng asawa. Hindi niya na nga nagawang kumatok pa dahil sa emosyong kanyang nararamdaman.
“You come early. Just what I’ve expected,” nakangiting bati nito sa kanya.
Nakaupo ang asawa sa office chair nito at katulad ng dati niyang inaasahan, napakarami pa ring papeles sa lamesa nito. Dati-rati, iniuuwi pa iyon ng asawa at siya mismo ang nagbabasa. Kahit ang magiging sunod na desisyon para sa kumpanya ay siya rin itong tumutulong sa asawa nang walang nakakaalam.
“What are you doing, Duncan?” galit na tanong niya rito. “Why can’t you just let me go? Hindi ba pwedeng pabayaan mo na lang ako sa buhay ko? I’m starting to build my own life pero hindi ko pa iyon nasisimulang buuin, sinisira mo na Duncan.”
“Simple, gusto kong bumalik ka sa akin, Liberty.”
“That’s never gonna happen—”
“Why can’t we just forget everything?” tanong ng asawa niya sa kanya habang puno ng sensero ang paghawak nito sa kanyang kamay.
Tila may humaplos sa kanyang puso sa paraan ng pagtingin nito. Bumalik sa kanyang memorya ang mga panahong mahal na mahal nila ang isa’t isa.
“Parehas naman tayong nagloko, ano pang inaarte-arte mo?” dagdag nito. “Ang dami pang dapat ayusin. Sunod-sunod ang problema sa kompanya, dadagdagan mo pa. Normal lang na maakit sa iba, pinapatawad na kita.”
Napapaso niyang inilayo ang kamay rito.
Sa isang iglap, bumalik sa kanya ang lahat ng galit na panandaliang nakalimutan. Inihampas niya ang divorce paper sa dibdib ng asawa habang may matalim pa ring tingin dito.
Sa pagkakataong iyon, nabaliktad naman ang sitwasyon, ang asawa niya naman ang galit na galit sa kanyang harapan nang mabasa nito ang mga nakalagay sa papel. Dama niya iyon lalo na nang mariing hawakan nito ang kanyang braso.
“Makikipaghiwalay ka talaga?” pagak itong natawa. “Baka nakakalimutan mong ako ang sumusuporta sa luho mo at ng mga kamag-anak mo. Ako ang nagbabayad ng bills ng kapatid mong may sakit. Higit sa lahat, ang bahay na tinutuluyan ng pamilya mo, ako ang nagpatayo!”
Napamaang ang bibig ni Liberty sa narinig. Bukod sa pagpapagamot ng may sakit niyang kapatid, wala na siyang natatandaang atraso rito. Hindi niya alam na patago pala itong nagpapalakas sa kanyang pamilya. Ibinabaon siya sa maraming pabor ng asawa upang hindi siya makatakas dito kapag dumating ang araw na matuklasan niya ang mga kalokohan nito.
“I may be a womanizer but that’s it, Liberty. At the end of the day, sa ‘yo pa rin ako uuwi. Normal lang sa akin na maakit dahil lalaki ako—”
“Napakag*go mo!” gusto niyang sumabog sa galit nang mga sandaling iyon ngunit iniiwasan niya ang eskandalo. Ayaw niyang mabigyan pa si Merideth ng kasiyahan na makita siyang nasa miserableng sitwasyon.
“Pag-aari kita, Liberty. Hindi ka mapupunta sa kahit sino. Sa akin ka lang… ako lang ang makikinabang sa ‘yo,” may diing sambit nito sa kanya.
Nang mga sandaling iyon doon niya lamang naintindihan ang katagang saka lamang makikilala ang kabiyak kung magkasama na kayo sa iisang bubong. Ngunit sa kundisyon niya, napakagaling magtago ng kanyang asawa. Matagal din siyang napaniwala sa matatamis nitong salita bago nabulgar ang totoong kulay nito.
“Nakuha mo na ang lahat sa akin pero hindi kasama roon ang kaluluwa ko, Duncan. Hindi ko hahayaan na mapunta ang relasyon na ito sa impyerno kasama ang demonyong katulad mo,” puno ng galit niyang sambit dito.
Parang walang narinig na tumingin lang sa kanya si Duncan.
“I will take you out for family gatherings,” pinal na sabi nito. “You will be there. Sa ayaw mo man at gusto, Liberty.”
Nakatingin lamang sa asawa nang matalim si Liberty.
“Don't forget that I was the reason why you've got the position of CEO, Duncan. All of your big projects? It was me. I should be the one who grabs the credit. If I didn't agree with this marriage, the people would still think that you are the most pathetic person they've ever met. I built you but you choose to destroy our foundation, Duncan.”
Betrayal was my last straw, and you choose to sip all my love for you…
Ngumisi lang ito sa kanya at bahagyang pinisil ang kanyang pisngi na naging dahilan ng malakas na pagtapik niya sa kamay nito.
“Pupunta tayo nang magkasama sa party. I prepared something elegant for you, Liberty.”
Katulad ng gustong mangyari ni Duncan, walang nagawa si Liberty kung hindi sundin ang kagustuhan ng asawa dahil nakatali pa rin siya rito. Sa oras na kumawala siya, ang pamilya na pinakamamahal ang tatanggap ng galit ng asawa.
Nang gabing iyon, suot niya ang pinakamaganda at eleganteng damit na nakita na para lamang sa isang family gatherings. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi niya magawang maging masaya dahil sa panliliit pa rin sa sarili.
Nagtungo tuloy siya sa family gatherings na iyon na blangko ang isipan.
Dahil sa paglalakad nang malayo ang tingin, isang matipunong katawan ang nabangga niya bang hindi inaasahan. Sa lakas ng pagkakabangga niya rito ay nawalan pa si Liberty ng balanse at muntik ang pagkatumba.
Naipikit na lamang niya ang mga mata sa takot na mapahiya. Ngunit, hindi niya inaasahan na may sasalo sa kanya.
Sa pagmulat ni Liberty ng kanyang mga mata ay nagtama ang paningin nila ng dominanteng binata.
“Uncle…” naisatinig niya na lamang dala ng labis na pagkabigla.
BAKAS ANG MATINDING pagkadisgusto sa mukha ng asawa niya nang masaksihan ang aksidenteng nangyari sa pagitan nila ni King Baron. Wala sa sarili, dali-dali ang pag-aayos ni Liberty ng tayo habang nahihiya at may takot na humingi ng tawad dito. Bali-baliktarin man kase ang kanyang rason, sa pangalawang pagkakataon, alam niyang siya pa rin itong may kasalanan.“Liberty!” may kalakasang tawag ng asawa niya na naging dahilan nang mabilis niyang paglapit dito.Bakas ang takot sa kanya na gumawa ito ng eskandalo na ikapapahiya niya.“Talagang malakas na ang loob mo?” mahigpit nitong hinigit ang kanyang braso at may pagbabantang tumingin sa kanyang mga mata.Hanggang ngayon, hindi niya pa rin maintindihan ang pinanggagalingan ng pagkadisgusto nito sa pinakabunsong tiyuhin na si King. Hindi kasalanan ng lalaki kung nakakaangat ito sa maraming larangang. “I told you to stay away from him,” mahinang bulong ni Duncan habang pilit pa rin ang paghila sa kanya. “Bakit ba narito ang lalaking iyan?
NAGPAPABALIK-BALIK ANG TINGIN ni Liberty sa dalawang Salvantez na nasa kanyang harapan. Heto na naman ang pagsasalpukan ng titig ng mga ito na walang gustong magpatalo. Nang mga sandaling iyon, pakiramdam niya’y tila ba anumang oras ay magsisimula na ang away na kanyang iniiwasan.Nag-aalalang nabaling ang tingin niya sa kamay ni Duncan na nakakuyom. Alam niya ang ugali ng asawa. Hindi ito ang uri ng tao na kayang pigilan ang sarili pagdating sa mga taong hindi nito gusto. At sa kasamaang palad, kabilang doon ang tiyuhin nito.“W-what is it, Uncle?” walang mapagpiliian. Iyon na ang lumabas na tanong sa bibig ni Liberty.Iniiwasan niyang magkagulo hangga’t maaari. Masyado na siyang pagod para sa kalahating bahagi ng salo-salong iyon upang maghanap pa ng panibagon
KUNG MAY ISANG bagay na sigurado si Duncan, iyon ang kawalan niya ng amor sa pinakabata niyang tiyuhin. Sa maraming dahilan, hindi niya ito magustuhan. Isa na sa mga dahilan roon ay ang pagiging pangalawa niya sa lahat ng bagay nang dumating ito sa kanila. Wala siyang pakialam sa lalaki dahil sa pagiging anak sa labas nito. Ngunit nagbago iyon nang ang lahat ng para sa kanya na dati ay inilaan ng kanyang lolo ay unti-unting ibinibigay dito nang ganoon lamang kabilis.Pangalawang bagay na hindi niya gusto rito ay pagiging magaling nito sa maraming larangan na nagiging dahilan upang makuha ang gusto nang hindi man lamang pinaghihirapan. Ngunit ang labis niyang kinaiinis sa lahat ay ang kakaibang panakaw na tingin na ibinabaling nito sa kanyang asawa. Marami na itong nakuha na para sa kanya at hindi roon kabilang ang misin niya na si Liberty.“I want access to my money,” may diing sabi ni Liberty na naging dahilan upang bumalik siya sa kasalukuyan. “We have an agreement, Duncan. Marunon
CHAPTER 8: They Inflicted Pain“ANONG SINASABI MO?” may kadiinan ang paghawak ni Duncan sa braso ni Merideth habang pilit na hinihinaan ang boses. “Hindi ka naman bingi, alam kong narinig mo ang sinabi ko,” nakangisi pa ring sambit nito. “Hindi sapat na binigyan mo lang ako ng pera, Duncan. May buhay ng nadamay sa pagtataksil natin. Akalain mo iyon, mauuna mo pa akong mabuntis kumpara sa tanga kong kaibigan.”Unti-unti ang nagiging pagluwag ng hawak ni Duncan sa braso nito hanggang tuluyan niya na itong bitiwan. Ganoon na lamang ang matinding pagpunas niya ng pawis na namuo sa kanyang mukha habang nagpabalik-balik ng lakad nang hindi mapakali. Sapo niya nang ilang segundo ang sintido bago ibaling muli ang tingin kay Merideth. “Nang mahalin kita, nawalan na ako ng pakialam sa sasabihin ng iba, Duncan. Tumanggi ka man o hindi, pareho nating ginusto ang mga nangyari sa ‘tin. Hindi lang isa, kung hindi marami nating beses na pinagtaksilan ang asawa,” sabi nito habang nakatingin sa kany
“I HATE NEPOTISM, Ruffa,” pigil ni Liberty na lakasan ang kanyang boses. “Bakit mo naman ibinigay ang resume ko sa jowa mo? Parang gusto kitang kurutin sa singit kamo!” Bahagyang natawa ang kaibigan niya. “Bakit, Bakla, kapag ba nag-apply ka sa iba may tatanggap sa ‘yo?”“W-wala, pero—”“Iyon naman pala eh!” mahina siya nitong sinabunutan. “Naiinis talaga ako sa ‘yo. Nahihirapan ka na sa buhay pero pride pa rin iyang kinakain mo.”Ganoon na lamang ang masama niyang pagtitig sa kaibigan bago ito ngusuan. “Kaya nga hindi ako nag-apply dito kase nahihiya na ako sa ‘yo. Ilang beses na kaya kitang naabala tapos ngayon—”“Gaga ka,” mahinang sabi ng kaibigan niya habang nakatingin sa kanya nang seryoso. “Sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayo-tayo lang. Isa pa anong nepotism ka riyan? Anak ba kita?” Natawa siya sa biro nito. “Anong sabi ng jowa mo? Nagsisimula pa lang ang developing company niyo pero nakikigulo na ako sa inyo.”“Sa tingin mo ba kukunin ka ni jowa just because kaibig
UNANG ARAW PA lamang ni Liberty sa trabaho ngunit pakiramdam niya’y isang taon na ang pagod niya. Hindi dahil sa trabaho kung hindi sa ginawa ng kanyang Ate Leslie. Gusto niya itong makausap nang personal ngunit hindi niya alam kung paano magpapaliwanag nang hindi nagagalit dahil sa nangyayari sa kanyang buhay.Kinakabahan man at hindi alam ang sasabihin, hindi niya na pinatagal ang kanyang problema at nagtungo kaagad sa tinitirahan nito. Habang binabaybay niya ang daan pagkatapos ng kanyang trabaho ay mas tumitindi ang pagdagundong ng kanyang dibdib. “Ano ang sasabihin ko?” nag-aalala niya pang tanong habang lulan ng traysikel na sinakyan.Ayaw niyang masaktan ang damdamin ng kapatid. Sa kabila ng kanilang hindi pagkakaintindihan mahal niya ang kanyang pamilya. Ngunit ang ginagawa nito ay hindi tama lalo pa’t gusto niyang ng makipaghiwalay sa asawa. Ayaw niyang mas lumaki pa ang kanilang utang na loob dito hanggang siya na itong hindi makatakas sa kanyang asawa.Nang makababa ng tra
DAHIL SA MAHABANG presentasyon na ginawa ni Liberty sa kumpanya, ilang oras din siyang nakatayo at nagsasalita sa harap ng mga katrabaho. Dama niya ang pananakit ng kanyang lalamunan at paa ngunit sa kabila ng lahat, fulfilling para sa kanya ang araw na iyon dahil naaprubahan ang proposal na ibinigay niya. Kahit ang ibang bahagi ng team ay nagustuhan din iyon kaya abot hanggang ang ngiti niya nang lumabas ng meeting room.“How’s the experience in our company?” nakangiting tanong sa kanya ni Charles na boyfriend ng kaibigang si Ruffa.“I don’t know…” sagot niya. “I can’t describe the happiness that I felt. All these years, lahat ng mga ginagawa kong trabaho para kay Duncan, hindi ako nakakakuha ng kahit na anong credit. Masaya pala na makita kong nakalagay ang pangalan ko sa pinaghirapan kong trabaho.”“I was right,” abot tenga ang ngiti nito. “When the other accompany saying no to you, lalo akong nagkainteres na kilalanin kung sino ang nasa anino ng Salvantez Tech Corporation. Maybe
TUMINGIN NANG HINDI makapaniwala si Liberty kay Leslie. Nagugulat pa rin siya kung paano nito nasasabi ang mga ganoong bagay sa kanyang harapan.“Wala ka na ba talagang pakialam sa akin, Ate?” tanong niya sa kapatid. “Hangga’t kaya ko, sinusubukan kong unawain ka pero, parang sobra naman ‘to? Kaya mo talaga akong ipagkanulo para sa pera?”Hinawakan siya sa magkabilaang braso ng nakatatandang kapatid habang nakatingin sa kanyang mga mata nito nang lumuluha.“Kailangan mong maging praktikal, Liberty!” mariing sambit nito. “Sa mundong ginagalawan nating ngayon, kapag inuna mo ang pride mo bilang mahirap, talo ka! Hindi ka lang magiging isang kahig-isang tuka, gagapang ka! Naiintindihan mo ba ako?”
“D-DIYOS KO NAMAN…” mahinang bulong ni Cole. “Ang yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?” Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?“Huwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!” pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.“Secretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?” tanong din ni James.“All for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.” Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.“Paano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?” problemadong tanong ni Cole.“I don’t know,” sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. “Malamang niyan kasama niya na naman si Ruff
DAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng dati’y pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u
“KILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!” “Walang kahit na sinong makakatapak sa akin!” “Kilalanin niyo ang binabangga niyo!”“King, King, come here! Be with me! We should be together—hindi kayo bagay ni Liberty!”Iyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niya’y nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n
“KAMI NA ANG bahala rito,” sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. “Huwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,” sabi ni Cole. “Sa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.”“I know what I am doing,” sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.“L-let’s go to the hospital…” iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital
HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli
“A-ANO?” NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.“B-bomba?” hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Ang bahay napapalibutan ng bomba?” Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.“Why are you crying?” kalmadong tanong sa kanya ni King. “Don’t cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.”Dahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak
HINDI NAKAGALAW SI King sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya’y namamalikmata lamang siya habang nakatingin sa babaeng inaasam-asam na muling makita.Ang huling sinuot din ni Liberty ang natatanging alaala ang mayroon siya sa bahay na nakalagay pa sa kanyang unan upang sa tuwing mami-miss niya ito ay yakap niya nang mahigpit iyon.At ngayong nasa harapan niya ang babaeng kamukha ng babaeng tanaw niya lamang dati sa malayo ay hindi siya makapaniwala. Tulala sa ilang segundo sa kanyang pagkakatayo si King bago bumaba ang tingin sa tyan nito na napakalaki na.“Tititigan na lamang ba natin ang isa’t isa?” natatawang tanong ni Liberty sa kanya. “Hindi mo ba ako yayakapin, King?”Napadilat-pikit ng mga mata niya ang binata. Ang tingin ay na kay Liberty pa rin. Totoo ba talaga ang kanyang nakikita? Hindi ba ito parte ng kanyang ilusyon? Dama niya ang panghihina ng mga tuhod nang sandaling iyon. Habang ang kanyang luha ay pabagsak na sa kanyang mga mata. Hindi niya rin matagpuan ang saril
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot na ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa. Tanging pagtangis lamang na luha nitong ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Isa na ito ngayong baldado.Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga ginawang pagkakasala. Sapat ng magbayad ito sa mga kamaliang iyon.Tamang-tama, kapapasok niya lamang sa hospital nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng alarma kaya ganoon na lamang ang pagkakagulo ng mga pasyente at staff ng hospital na nasa loob.“Code gray! I repeat code gray!” anunsyong narinig niya sa speaker.Hin
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa kahit magagamit ang isang kamay na walang posas. Tanging pagtangis lamang dahl sa luhang ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga pinagdaanan ni Liberty sa buhay.Galit din sa kanya si Victoria. Siya ang sinisisisi nito sa mga kamalasang nagawa ng anak. Hindi siya sumagot. Wala siyang panahong makipagtalo sa mga baluktot na paniniwala nito. Sa oras na pwede na itong lumabas ng hospital, sisimulan na rin ang trial nito. Hindi lamang sa