BAKAS ANG MATINDING pagkadisgusto sa mukha ng asawa niya nang masaksihan ang aksidenteng nangyari sa pagitan nila ni King Baron.
Wala sa sarili, dali-dali ang pag-aayos ni Liberty ng tayo habang nahihiya at may takot na humingi ng tawad dito. Bali-baliktarin man kase ang kanyang rason, sa pangalawang pagkakataon, alam niyang siya pa rin itong may kasalanan.
“Liberty!” may kalakasang tawag ng asawa niya na naging dahilan nang mabilis niyang paglapit dito.
Bakas ang takot sa kanya na gumawa ito ng eskandalo na ikapapahiya niya.
“Talagang malakas na ang loob mo?” mahigpit nitong hinigit ang kanyang braso at may pagbabantang tumingin sa kanyang mga mata.
Hanggang ngayon, hindi niya pa rin maintindihan ang pinanggagalingan ng pagkadisgusto nito sa pinakabunsong tiyuhin na si King. Hindi kasalanan ng lalaki kung nakakaangat ito sa maraming larangang.
“I told you to stay away from him,” mahinang bulong ni Duncan habang pilit pa rin ang paghila sa kanya. “Bakit ba narito ang lalaking iyan? Hindi naman dati nagpupunta sa mga ganitong pagtitipon!”
Hindi na maitago sa asawa niya ang pagkadisgusto rito.
Ang Salvantez na iyon ang iniiwasan at hinahangaan ng pamilya ni Duncan, maging ng mga tagalabas dahil sa dami ng matatagumpay na proyektong pinagkainteresan nito. Halos dalawang taon lang ang tanda nito sa kanya. Habang mas matanda naman ang asawa niya rito ng isang taon. Ngunit galing nito’y nakapagtayo na ng sariling negosyo nang walang tulong ng sariling pamilya.
Naalala niya pa nung araw na si King dapat ang magiging successor ng kumpanya ngunit may sarili itong plano sa buhay kaya napunta sa asawa niya ang lahat ng pressure. Nang hawakan naman ni Duncan ang kumpanya ay gumagawa na ng sariling pangalan si King. Kaya hindi maiwasang ikumpara ang dalawa parati ng kanilang pamilya.
Nang panahong iyon, pressure ang kanyang sa asawa dahil sa pagbagsak ng kumpanya kaya sinimulan niyang tulungan ito. Unti-unti, naibabalik nila iyon sa dati nang magkasama at walang ibang nakakaalam. Ang mali niya, dahil sa pagmamahal sa asawa, hinayaan niyang ito ang tumanggap ng lahat ng tagumpay.
“Don’t ruin my day, Liberty. Smile, Love,” bulong na naman sa kanya ni Duncan.
“Sinabi ko ng ayaw ko sa manloloko pero anong ginawa mo?” balik tanong niya rito.
Ganoon naman ang pagtingin nito sa paligid sa takot na may makarinig.
Alam niyang pagiging people pleaser ang kahinaan ng asawa niya kaya ganoon na lamang ang kanyang pagngisi. Ang lolo ni Duncan ang may hawak ng pinakamalaking shares ng kumpanya. Gusto siya ng matanda para kay Duncan ngunit sa oras na malaman nito ang kalokohan ng apo, alam niyang katapusan na iyon ng asawa niya.
Nagsimula ng mapuno ang mahabang lamesa kaya ganoon na lamang ang pagbalik ng pinong kilos ni Liberty.
Kung siya ang masusunod, ayaw ni Liberty na dumalo sa ganoong pagsasalo dahil hanggang kahuli-hulihan ng pagtitipon ay kinakailangan niyang epeke ang kanyang ngiti. Ngunit nang banggitin ni Duncan ang kanyang pamilya, wala siyang magawa kung hindi sumunod sa dito. Iyon lang ang kaya niyang gawin sa ngayong wala pa siyang kakayahan.
May kanya-kanyang grupo ang mga Salvantez ngunit kahit saan sa mga iyon ay walang nagtangkang kumausap sa kanya. Kahit na may talino at maganda ang kanyang credentials, hindi iyon sapat dahil na rin sa pagiging mahirap at walang pangalan na kinabibilangan ng pamilya ni Liberty.
Awtomatiko, ganoon na lamang ang pagtahimik ng mga kamag-anak ni Duncan nang maupo si King sa sentro ng lamesa. Bakas sa mukha ng iba na hindi makapaniwalang nagpakita ang pinakamailap na Salvantez.
“Kumusta naman ang pagpapayaman sa buhay ng bastardong Salvantez?” pagpaparinig ng isa sa mga kapatid nitong si Benjamin.
Katulad naman ng dati, pagngisi lamang ang naisagot ni King.
Dahil maraming ilag kay King, wala ng nagtangkang gatungan pa iyon.
Alam niyang sa kanya naman sunod na maibabaling atensyon kaya inihanda na ni Liberty ang sarili.
“Liberty, Hija, wala ka pa rin bang balak mag-anak?” mayamaya pang tanong ng asawa ni Benjamin.
“Wala pa po iyan sa plano namin, Tita,” sagot ni Duncan.
“Ano bang ikinatatakot niyang asawa mo? Hindi na kayo bumabata ano?”
Katulad ng dati, hindi pa rin niya magawang makasagot dahil sa paggalang sa mga ito. Hawak lamang nang mahigpit ni Liberty ang tinidor at kutsara habang pinipigil na sumabog sa galit.
“Gusto niya akong tulungan sa kompanya—”
Ganoon na lamang ang malakas na tawanan ng iba dahil sa narinig.
“Paano ka naman niya tutulungan sa kompanya, Duncan? Di ba taong-bahay lang iyang asawa mo?” pasaring pa ng isa na sinundan na naman ngayon ng bulungan.
“Ano bang kinakain mo, Liberty?” tanong pa ng pinsan ni Duncan. “Nangangayat ka na. Paano mo mabibigyan ng anak si Duncan?”
“Nasabi ko na rin sa kanyang kumain nang mabuti, mukhang nagpapa-sexy sa akin,” turan ng asawa niya na naging dahilan ng tawanan na naman ng pamilya nito.
Dati nginginitian niya pa ang paninipsip ng asawa sa buo nitong pamilya, ngunit ngayon bakit iritado na siya?
Ang takot ni Duncan na matanggalan ng mana ang dahilan kaya hindi pumayag sa divorce ang asawa niya. Hindi siya nito pakakawalan hanggang hindi nakukuha ang kumpanya.
“Sa bahay lang ang mga babae, Hija!” dagdag pa ng tiyahin ni Duncan na naging dahilan ng pagpanting ng taynga ni Liberty.
Walang pagdadalawang-isip, hindi niya napigilang huwag sumagot dito.
“Alam niyo ho ang pinakamaingay na lata?” nakangiting tanong ni Liberty. “Iyong walang laman.”
“Aba’t!”
Akmang magsasalita pa ang tyahin ni Duncan ngunit muli siyang nagsalita.
“I would like to excuse myself. Continue the fun without me.”
Tuloy-tuloy na sabi ni Liberty at hindi na nagawa pang lumingon dala ng pagmamadali na makaalis. Hindi niya tuloy napansin ang asawa na sinundan na pala siya.
“Anong katangahan iyon, Liberty? Sinagot mo ang tiyahin ko?” galit na tanong nito sa kanya.
“Habang ikaw, ano? Nakikinig lang?” pabalik niyan tanong rito. “Masyado mo ng ginagalingan ang pagiging mabait sa harap ng pamilya mo. Hindi tuloy nila napapansin ang pagtubo ng sungay mo—”
“Shut up!” punong ng galit na pinisil ni Duncan ang kanyang magkabilang pisngi gamit lamang ang kaliwa nitong kamay.
“Ipapaalala ko lang sa ‘yo, ang medical bills ng kapatid mo, Liberty. May sakit din ang nanay mo, gusto mo bang malaman niya ito?”
Hindi pa rin maalis ang masamang titig niya sa asawa kahit binitawan na siya nito.
“Si Meredith, tinanggal ko na siya sa kompanya! Kulang pa ba?” tanong nito na sumusuko. “I love you, Liberty. Why can’t you just forgive me?”
Saglit silang natahimik. Kapwa nag-iisip…
“Forgiveness, ibinibigay lamang iyan sa karapat-dapat,” makahulugan niyang sambit sa asawa. “Kaya, bakit ko patatawarin ang asawa kong demonyo?”
“Bawiin mo iyan!” nanggigigil na sigaw nito.
“Duncan, kinasusuklaman kita!”
“Shut up!”
“Kinasusuklaman—”
Ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang ipilit ng asawa ang paghalik sa kanya.
Buong pwersa na itinutulak ni Liberty ang asawa nang mga sandaling iyon ngunit masyado itong malakas.
“You are mine, Liberty—”
“Tsk,” isang malakas na palatak ang nakapagpatigil sa kanyang asawa.
Tila napapaso, dali-dali naman ang paglayo ni Liberty kay Duncan. Wala sa sarili na nabalingan din ang tingin niya kay King.
Bumuga ito ng usok bago itapon ang stick ng sigarilyo na may mitsa pa. Tinapakan rin nito iyon at makahulugang tumingin sa kanila nang may pagngisi sa labi…
NAGPAPABALIK-BALIK ANG TINGIN ni Liberty sa dalawang Salvantez na nasa kanyang harapan. Heto na naman ang pagsasalpukan ng titig ng mga ito na walang gustong magpatalo. Nang mga sandaling iyon, pakiramdam niya’y tila ba anumang oras ay magsisimula na ang away na kanyang iniiwasan.Nag-aalalang nabaling ang tingin niya sa kamay ni Duncan na nakakuyom. Alam niya ang ugali ng asawa. Hindi ito ang uri ng tao na kayang pigilan ang sarili pagdating sa mga taong hindi nito gusto. At sa kasamaang palad, kabilang doon ang tiyuhin nito.“W-what is it, Uncle?” walang mapagpiliian. Iyon na ang lumabas na tanong sa bibig ni Liberty.Iniiwasan niyang magkagulo hangga’t maaari. Masyado na siyang pagod para sa kalahating bahagi ng salo-salong iyon upang maghanap pa ng panibagon
KUNG MAY ISANG bagay na sigurado si Duncan, iyon ang kawalan niya ng amor sa pinakabata niyang tiyuhin. Sa maraming dahilan, hindi niya ito magustuhan. Isa na sa mga dahilan roon ay ang pagiging pangalawa niya sa lahat ng bagay nang dumating ito sa kanila. Wala siyang pakialam sa lalaki dahil sa pagiging anak sa labas nito. Ngunit nagbago iyon nang ang lahat ng para sa kanya na dati ay inilaan ng kanyang lolo ay unti-unting ibinibigay dito nang ganoon lamang kabilis.Pangalawang bagay na hindi niya gusto rito ay pagiging magaling nito sa maraming larangan na nagiging dahilan upang makuha ang gusto nang hindi man lamang pinaghihirapan. Ngunit ang labis niyang kinaiinis sa lahat ay ang kakaibang panakaw na tingin na ibinabaling nito sa kanyang asawa. Marami na itong nakuha na para sa kanya at hindi roon kabilang ang misin niya na si Liberty.“I want access to my money,” may diing sabi ni Liberty na naging dahilan upang bumalik siya sa kasalukuyan. “We have an agreement, Duncan. Marunon
PILIT NA IWINAWAKSI ni Liberty sa kanyang isipan ang mga malalaswang larawan na aksidente niyang nakita sa cellphone ni Duncan. Sana’y hindi niya na rin nabasa ang matatamis na mensaheng makasisira sa relasyon nilang mag-asawa. Nang mga sandaling iyon, gusto niyang pagtuunan lang ng pansin ang bawat haplos at halik na ipinadarama nito sa ibabaw ng kama. Ngunit, paano kung sa bawat pagdampi ng kamay ni Duncan sa kanyang katawan, ay may kirot sa dibdib siyang nararamdaman?Nang mas bumaba pa ang halik ng asawa, walang pagdadalawang-isip na pinahinto niya ito. “Let’s talk, Duncan.”Hinawi niya ang kamay nito nang magtangkang muli siyang hawakan.“Love, let’s do the talking here in bed—”“No!” “What is it again, Liberty?” naiinis na tanong nito at umalis sa pagkakaibabaw sa kanya.Saglit niya itong tinitigan. Pilit na binabasa. Ngunit, habang nakatingin siya rito, hindi niya maiwasang mapatanong kung kilala niya ba talaga ang asawa? Sa limang taon na pagiging magkarelasyon nila at tatl
“TRUE TO LIFE ba talaga, Friend?” gulat na tanong ng kaibigan niyang si Ruffa nang ikwento niya kung gaano kalaki ang problema niya ngayon sa kamay ng kanyang asawa. “Bakla, pang teleserye ang lovelife mo!”Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya habang nakatingin sa mga nagsasayawan sa loob ng club na iyon. Inaya siya rito ng kaibigan para daw makalimot siya nang panandalian sa problemang pinagdadaanan. Ngunit kahit ano yatang ingay sa paligid niya, mas nanaig pa rin sa isipan ni Liberty ang mga bumubulong doon.“Alam mo iyang asawa mo, seloso pero manloloko!” nanggigigil na komento pa rin nito. “Kahit nga ako na isa ring dyosa pinagseselosan. Tagal na tuloy nating walang ganap sa life, Friend! Gaga, ngayon na lang kita nakita, Bakla!” “Alam mo kung teleserye ang life ko, ikaw ang patalastas. Okray ka, Friend!” naiinis na sagot ni Liberty. “Dati gustong-gusto ko pa kapag nagseselos siya—”“Eh, ngayon?” nakataas ang kilay na sabi nito. “Nakakasuka pala kung galing sa ma
“NASAAN KA KAGABI? Alam mo ba kung anong oras na? Uwi pa ba ito ng matinong babae?” sunod-sunod na tanong ng kanyang asawa noong makapasok siya ng kanilang bahay. “Sumagot ka, Liberty!”Blangko siyang tumingin kay Duncan at bahagyang natawa sa itsura nito. Nanlalalim na ang mga mata ng asawa. Magulo ang buhok at mukhang nakailang bote na rin ng alak dahil sa dami ng basyo na nakakalat sa lapag.“Congratulations! Alam mo na ang pakiramdam ng ginawa mo sa ‘kin.”“Nasaan ka kagabi, Liberty—”“Bakit, kailangan bang lahat ipapaalam ko sa ‘yo? Hindi pwedeng ikaw lang ang nag-eenjoy sa pamamahay na ‘to?” “Liberty, Love, nag-aalala lang naman ako—”“Don’t touch me!” tila bombang sumabog ang galit na kanina niya pa pinipigil. “Huwag mo akong hahawakan. Nandidiri ako sa ‘yo, Duncan!”“Huwag namang ganyan, Love.”“Love?” natawa siya. “Iyan ang salitang inakala kong mayroon tayo pero sinayang mo!” “She seduced me, Liberty!”“That's the most idiot reason I've ever heard from you, Duncan,” sumusu
PIGIL NA PIGIL ni Liberty ang sarili na huwag sa sumabog sa galit. Gusto niyang makawala sa asawa. Iyon ang katotohanan. Kaya nga heto siya at nag-a-apply ng trabaho ngunit sa hindi malamang dahilan ay hindi siya matanggap-tanggap kahit pa napakaganda ng credentials niya. Kung experience lang din ang pag-uusapan ay mayroon siya kahit papaano dahil bago niya pakasalan si Duncan ay pumasok din siya sa kompanya.Kaya nang malaman niyang hinaharang pala nito ang maliliit na kumpanyang pinapasukan niya ay nagngingitngit siya sa galit. Kung hindi niya pa iyon nalaman kay Ruffa, maaaring hanggang ngayon ay wala pa rin siyang humpay pag-a-apply. “Where’s your boss?” salubong ang kilay na tanong ni Liberty nang makita ang pangalawang sekretarya ng asawa. Laking pasasalamat niya na lang din at wala roon si Meredith. Hindi niya alam ang magagawa sa hitad niyang kaibigan kapag nagpang-abot sila.“S-sa office po, Ma’am,” sagot kaagad nito sa kanya kahit nauutal pa. Kahit siguro ito ay nababasa