Share

KADENANG PAPEL
KADENANG PAPEL
Author: ImDollycious

PROLOGUE

Elaidia

"Mom, Dad? Pinatawag niyo raw ho ako?"

H*****k ako sa pisngi nila at umupo sa kaharap nilang sofa. I don't know, what's going on. But, I think there's a bad news that they want to say? Or anything? Base on their face it's unexplained. They looked doleful.

What's going on?

"A-Anak, s-sorry," panimula ni mommy. Nakayuko lang ito at medyo balisa dahil sa galaw ng kaniyang mga daliri. "Sorry Elaidia, anak." I stunned when she start to sob.

I chuckled. "Mom? Just tell me what is happening. May pupuntahan pa ako," simpleng sabi ko.

"Eda, ako na lang ang magsasabi," sabat ni daddy. Tumikhim ito at umupo ng maayos. Seryosong tumingin sa akin si daddy. "Ihanda mo ang sarili mo Elaidia. Ipapakilala ka namin sa anak nina Andrew."

"What do you mean?"

"Our company was bankrupt," mahinang sabi nito. Napayuko siya at tinuloy ang sinabi. "Tawag nang tawag sa amin ang landlady. After 5 months, kapag hindi pa nabayaran ang lupa ay babawiin ito. Marami na tayong utang. Naniningil na rin sila. Ano naman ang ibabayad natin? Luging-lugi na ang kompanya." Napahawak siya sa kaniyang sintido at inalo naman siya ni mommy.

"Kaya Elaidia anak, ipapakasal ka namin sa anak ni Andrew," sabi ni mommy.

Nagpanting sa pandinig ko ang sinabi ni mommy. Anong gusto niya iparating? Pambayad utang ako? At kanino? Sa kakompentensya pa talaga nila sa business? Unbelievable!

"What mommy? Ipapakasal niyo ako sa anak nila? Hindi ba't kalaban niyo 'yon sa negosyo?"

"Oo anak, pero wala na tayong magagawa. Sila na rin ang nag-alok. Sila na raw ang bahala sa utang natin at handa sila mag-invest ng malaki. Sabi pa nila baka maisipan din nilang pagsamahin ang negosyo natin sakanila. Mas magiging maganda 'yon kung magiging kapareha natin sila sa negosyo."

Bigla naman akong natawa. "So, ang gusto niyong sabihin ay ako ang kapalit? Hahaha! Pera lang pala ang kapalit ko?"

"Anak para sayo rin naman 'tong gagawin namin e."

"Ang sabihin ninyo, para lang sa sarili niyo ito! Sarili niyo lang iniisip niyo!" Nag-init ang buong katawan ko at tila'y parang sasabog. 'Di ko matanggap ang naririnig ko ngayon.

"Elaidia!" sigaw ni dad. "Magpapakasal ka sa ayaw at sa gusto mo!" sigaw niya ulit at napahawak sa d****b niya.

Tumayo ako at pinag-krus ang kamay sakanilang harapan. "Hindi ninyo ako mapipilit. Ayokong magpakasal. Ayoko!" sigaw ko at lumayas sa harapan nila.

"Elaidia!"

Narinig ko pa sila sumigaw. Pero 'di ko na ito pinansin. Tuloy-tuloy lang ako sa paglabas hanggang makarating ako sa kotse. Pinaharurut ko ito. Bahala na kung saan makarating.

Hanggang ngayon 'di ko alam kung ano mararamdaman ko sa mga pinagsasabi nila. Anak nila ako. Anak. Hindi pambayad utang.

Ganiyan na rin ba sila kadesperadang maihaon ang kompanya? Kaya pati kalaban nila gagamitin nila. Ano na lang ang mangyayari kung magpakasal ako? Hindi ko siya kilala at mas lalong hinding-hindi ko siya mamahalin. Tuloy-tuloy lang sa pag-agos ang luha ko. Gulong-gulo ang isip ko ngayon.

Nakarating ako sa isang exclusive subdivision. Huminto ako sa harap ng isang bahay at bumusina nang paulit-ulit.

Bumukas ang pinto nito at inilabas ang isang matangkad at singkit na lalaki. Magulo pa ang buhok nito at nakahubo. Napangiti naman ako nang mapansing parang bagong gising pa siya. Bumaba na ako sa kotse at kumaway sa kaniya. Ngumiti naman ito at lumapit sa akin.

"Elaidia, 'di ko inaasahan ang pagpunta mo." Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

Parang gumaan ang pakiramdam ko. Lahat ng bigat na nararamdaman ko kanina sa d****b ko ay biglang nawala. Siya lang talaga ang nagpapakalma sa akin.

"Tara pasok ka," yaya niya at hinawakan ang kamay ko.

Inalalayan niya ako papasok sa bahay niya at inalalayan din sa pag-upo. Tumabi naman siya sa akin at biglang humiga sa hita ko.

"Anong ginagawa mo?" natatawa kong tanong sakaniya.

"Inaantok pa kasi ako e. Naudlot kasi bigla kang dumating. Pero 'di ka istorbo okay? Masaya ako at dinalaw mo ako," sabi niya habang nakapikit.

Yumakap ito sa baywang ko at inamoy-amoy ang damit ko.

"Ano ba ang ginagawa mo? Nakikiliti ako," tawa kong sabi sakaniya.

Mahilig talaga siya sumiksik sa akin. Minsan pa ay aamuyin ako kung saan-saan. Napapangiti nalang ako sa bagay na pinanggagawa niya.

Siya si Xaito. Dalawang taon na kaming magkasintahan. Kilala na siya ng mga parents ko at gano'n din sa kaniya. Hindi naman din kasi siya mahirap magustuhan. He's gentleman, kind, at higit sa lahat gwapo. Ka-schoolmate ko siya. At isa siyang ganap na nerd do'n. Pero kahit na gano'n ay hindi mapagkaila na gwapo siya kasi maraming nagkakagusto sa kaniya. Ang dami ko kayang karibal dito sa lalaking 'to. Kaya masaya ako na ako ang napili niya.

Nakangiti kong pinagmasdan ang natutulog niyang mukha. Hinagod ko ang buhok niya at patuloy siyang pinagmasdan.

Nakaramdam ako ng guilt nang bigla kong maisip ang sabi nina mommy. Ano nalang kayang mararamdaman mo, kapag nalaman mong magpapakasal ako sa iba?

Mahal na mahal ko si Xaito at ayaw ko siya mawala sa akin.

••••••••••

"Ikaw babae, tatanggapin mo ba si lalaki sa hirap at ginhawa?" tanong sa akin ng pari.

Napangiti naman ako. Alam kong 'di na kami teen-ager pero yung kilig simula noong nililigawan niya pa ako, ay nararamdaman ko pa rin.

"Opo, father," sagot ko.

Binigyan niya naman ako nang isang nakakakilig na ngiti. Ang gwapo niya talaga. Hanggang ngayon 'di ko inaakala na totoo ito. Pero kung panaginip ito, please wag niyo na ako gisingin.

"Ikaw naman lalaki, tinatanggap mo ba si babae? Sa hirap at sa ginhawa?" tanong naman nito sa asawa 'ko'.

"I don't have any answer for that, ofcourse yes." Nakatingin siya sa mga mata ko. Nakikita niya kaya kung gaano ako kasaya?

"You may now kiss your bride," utos ng pari.

Dahan-dahan itinaas ni Xaito ang belo ko. Bigla naman akong napaluha dahil sa sobrang pagkaexcite. Magaan niyang hinalikan ang labi ko at unti-unting humiwalay.

Pero gano'n nalang ang pagtataka ko nang mag-iba ang hitsura niya. 'Di na 'to si Xaito. Ngumiti siya sa akin.

"You're mine now," sabi niya at ngumisi.

"Please congratulate our newly wed. Mr. and Mrs. Lincoln," announce ni father at nagpalakpakan ang lahat.

L-Lincoln? Hindi Lincoln ang surname ni Xaito. Anong nangyayari?

Tumingin ako sa paligid. Ang daming bisita at lahat sila masaya. Ngunit biglang nahagip ng paningin ko ang pigura ng isang lalaking nakatayo sa labas ng simbahan. Malungkot itong ngumiti sa akin at sumenyas na aalis na siya. Nakita ko pa ang pagbigkas niya ng salitang "Mahal kita."

Xaito...

Tumingin ako sa lalaking kaharap ko. Nakangisi pa rin ito sa akin at paulit-ulit na sinasabing "Akin ka na."

No, It can't be! Xaito, please wait for me. Hahabulin kita.

Ngunit kahit anong gawin ko ay 'di ko magalaw ang mga paa ko. Gusto ko tumakbo ngunit 'di ko magawa. Napailing ako ng paulit-ulit. Sinisigaw ko ang pangalan niya ngunit kahit kaunting boses ay wala.

Unti-unti na siyang nawawala sa paningin ko. Xaito please, 'wag mo akong iwan dito. Nasabi ko nalang sa isip ko. Nag-init na ang mga mata ko at tumulo na ang likidong kanina ko pa pinipigilan. Napailing ako nang paulit-ulit habang nakatingin sa lalaking kaharap ko. Hawak-hawak niya nang mahigpit ang mga kamay ko at naroon pa rin kaniyang nakakatakot na ngisi.

"You're mine Elaidia," ulit na naman nito at tumawa nang mahina.

Umiling ako at patuloy na humihikbi. Ang kaninang nakangisi nitong mukha ay naging seryoso. Parang nag-aapoy ang mga mata nito. Gano'n nalang ang gulat ko nang bigla niyang hawakan ang leeg ko. Pahigpit nang pahigpit ang hawak niya at gigil na gigil.

H-Hindi ako makahinga...

Tumawa siya nang malakas. Hindi talaga ako makagalaw at makapagsalita man lang. Mas lalong bumibigat ang paghinga ko.

"Akin ka! Akin ka! Akin ka!" paulit-ulit niyang sabi.

Wala akong magawa kung 'di ang umiyak.

Xaito... Pilit ko siyang tinatawag. Xaito... Tulong...

Palakas nang palakas ang tawa nito. Pinilit kong igalaw ang ibang parte ng katawan ko.

Xaito...

Xaito...

"Xaitoooooo!"

Kasabay nito ang pagdilat ko at paghugot ko ng hangin. Mabilis ang paghinga ko. Nakatulog pala ako. At isa lang palang panaginip.

Napaluha naman ako bigla nang makita ko si Xaito sa harap ko at bakas ang pag-aalala.

"Kanina pa kita ginigising. Nag-aalala na ako," malumanay niyang sabi habang pinupunasan ang luha ko. Kumuha siya ng isang basong tubig at dahan-dahan itong pinainom sa akin. "Binabangungot ka," dugtong niya pa.

Wala ako masabi. Nakatingin lang ako sa kaniya. Bumuntong hininga naman siya at dahan-dahan akong niyakap. Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha ko.

"Nandito lang ako okay? Hindi kita iiwan," sabi niya at hinalikan ang buhok ko. "Mahal na mahal kita Elaidia."

Parang kinurot ang puso ko nang marinig ko 'yon. Mahal na mahal ko rin siya. Kaya gagawin ko ang lahat para 'di tayo magkahiwalay. Pangako 'yan Xaito. Ikaw ang papakasalan ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status