Vincent
"If you want to help us, sign this contract." I looked at Vanessa. She genuinely smile infront of me. That fake smile.
"What was that for?" I asked. I focus my gaze on the fuc**n paper that she dropped in the table.
"I said, If you want to help us just sign it," she said again. I sarcastically laugh. "Vincent? Sundin mo nalang." She turned in serious mode.
Wala naman ako magagawa. Kinuha ko ang pen na nilapag niya kanina at pinirmahan nalang ang dapat pirmahan. Walang gana kong binigay ito sa kaniya.
"Thank you son," sabi niya at nginitian na naman ako.
"Can you please stop smiling at me? Nababanas ako. Tsaka anong sabi mo? Son?" tawa kong sabi. "You're not my mom," I said. Nag-iba naman ang mukha niya. Ang kaninang nakangiti ngayon ay parang nalungkot. Tss! As if I care.
"Mom! I'm home!" Biglang may dumating.
Si Vino. He's my younger brother, half brother. Anak siya ni daddy kay Vanessa. My step-mom. Bata pa lang ako nang maaksidente si mommy. At wala akong ibang sinisisi kung 'di si dad. Because of them, my mom died. She caught my dad cheating. That girl is Vanessa. Aside from that, sinasaktan din siya ni dad physically. Noong nalaman ni mom 'yon, agad lang siyang tumakbo at 'di namalayan ang paparating na sasakyan. Ang mas masakit pa roon ay dalawang mata ko pa mismo ang nakakita.
Pero noong dumating si Vanessa, naging maayos pa rin naman ang pamilya. Pero noong una lang 'yon.
[FLASHBACK]
"Vincent, I can be your new mommy," sabi niya habang hinahagod ang likod ko. Iyak lang ako nang iyak. Para akong batang inagawan ng laruan.
"T-Talaga po?" tanong ko sabay punas sa sipon ko. "Miss ko na po si mommy." I cried.
She hold my shoulders and hug me.
"Hush, I'm here okay? Your mommy is in heaven now. Sa tingin mo ba happy siya na nakikita kang ganiyan?" tanong niya sa 'kin. She wipe my tears. "Big boy ka na ah, big boys don't cry," biro niya.
Tumayo ako ng tuwid at pinakita sa kaniya. "Hindi na po ako iiyak. I'm big boy na," pagmamalaki ko.
"Very good!" she said and clapped.
Years passed, I am 8 years old now. Biglang inannounce ni mommy Vanessa na buntis siya. Sobrang saya nila ni daddy. Niyakap din nila ako. Sobrang saya ko rin kasi magkakaroon na ako ng kalaro.
After 9 months, mommy Vanessa give birth to my brother. Pumunta kami ni dad sa nursery room para tingnan siya. Binuhat ako ni dad para maabot ko ang glass window at makita ko siya. Natuwa ako nang makita siyang mahimbing na natutulog. Ang liit niya at ang puti. Medyo makapal ang labi at matangos ang ilong.
Binaba na ako ni dad at pumunta naman sa room ni mommy Vanessa. Nadatnan naman siyang gising at nakangiti.
"Honey," tawag niya kay dad. Lumapot si dad sakaniya at hinalikan siya sa noo. "Sa wakas, mayro'n ka nang tagapagmana," sabi niya pa. Tumingin siya saglit sa akin at inilipat din agad kay daddy. "Where's our son?"
"Don't worry, dadalhin siya rito ng nurse," si dad.
Maya-maya lang ay pumasok na ang nurse habang dala-dala si baby. Tumabi ako para mabigay niya kay mommy Vanessa. Tuwang-tuwa sila habang nilalaro ang kapatid ko.
"His name is Vino," sabi ni mommy Vanessa.
Vino? Tapos ako si Vincent. Parehas kaming 'V' kaya magkapatid talaga kami. Lumapit ako sa kanila at akmang hahawakan si Vino. Pero sinaway ako ni mommy Vanessa.
"Your brother's skin, is still sensitive. So, I am not allowing you to touch him," seryoso niyang sabi.
"Hahawakan ko lang naman po siya," sabi ko.
"Kahit na," siya. "Andrew, bakit mo ba sinama 'yang anak mo? 'Di ba ang sabi ko ikaw lang ang pumunta?" inis niyang sabi kay dad.
"I'm sorry honey, wala kasi magbabantay sa kaniya e," sabi lang ni dad. Tumayo siya at hinawakan ako sa kamay.
Bumuntong hininga naman si mommy Vanessa. Inakay naman ako ni dad palabas.
"Vincent, uuwi na tayo. Baka naro'n na rin si manang, siya na muna ang bahala sa 'yo," sabi ni dad sa akin. "Babalik din kasi ako agad dito. Para asikasuhin si mommy Van mo."
"Uuwi niyo na rin po ba si baby?" inosenteng tanong ko.
"Ofcourse, aalagaan mo siyang mabuti ah?"
"Yes dad, I will."
Masaya ko silang hinintay sa bahay. Mga ilang araw din bago sila umuwi. Habang wala si sila si manang muna ang nag-aasikaso sa akin. Kaso sa tuwing lalapitan ko si Vino, lagi akong sinasaway ni mommy Vanessa. Ayaw niya na lalapitan ko raw ang anak niya.
Lumipas ang ilang taon, ako ay nasa walong gulang na. Si Vino naman ay limang taon.
"Kuya Vincent, laro tayo po sa labas," inosenteng sabi nito sa akin.
"Hindi pwede e. Baka magalit ang mama mo," sabi ko sa kaniya at nginitian siya.
Ngumuso naman siya. "Wala naman si mama e. Wala ako kalaro kuya. Gusto ko ikaw lang kalaro ko," pangungulit nito at hinihila-hila pa ang kamay ko.
Wala na ako nagawa kung 'di ang sumunod sa kaniya. Pumunta kami sa garden at doon naglaro. Bitbit niya ang dalawang remote control na kotse. Inabot nito ang isa sa akin.
"Paunahan tayo kuya!"
Sabay namin inihanda ang mga kotse at kaniya-kaniyang pindot para kusa itong umandar.
"Ako na ang mauuna,"
"Kuya! Maduga!"
"Talo ka!" bumagsak naman ang dalawa niyang balikat. Nilapitan ko siya at ginulo ang kaniyang buhok. "Gusto mo isa pa? Para makabawi ka?" Nagliwanag naman ang mukha niya at wala sa sariling napatango.
Ilang beses pa kaming naglaro. Kitang-kita ko ang saya sa mga mata niya. Kaso kapag nandiyan na mama niya bawal na kami maglaro. Ewan ko ba kung bakit nag-iba ang trato niya sa akin.
"Vino!"
Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses na 'yon.
"Mommy!" masaya siyang tumakbo papunta kay mommy Vanessa. Habang buhat-buhat niya si Vino ay tumingin ito ng masama sa akin. Yumuko nalang ako para hindi masalubong ang mga mata niya.
"Go inside baby," 'rinig kong sabi ni mommy Vanessa. "Vincent?" tawag nito sa akin.
"B-Bakit po m-mommy?"
Bumuntong-hininga naman ito. "'Di ba ang sabi ko ayokong makitang nakikipaglaro ka kay Vino?"
"S-Siya naman po ang lumap--"
"Kahit na!"
"Wala naman po atang problema ro'n? Kapatid ko naman po siya?"
"Sumasagot ka na ngayon?" asik niya. "Simple lang ang inuutos ko. 'Wag kang lumapit sa anak ko!" sabi nito at tinalikuran na ako.
Parang dati lang ang turing niya sa akin ay totoong anak. Nangako pa siya na kahit magkaroon man sila ni dad ng anak, gano'n pa rin ang turing niya.
Lumipas ang taon, tapos na ako sa kolehiyo at ako ang inatasan ni dad para mag-manage nito.
"Bakit siya? Kaya ko pa naman. Hintayin mo nalang din makatapos si Vino," sabi ni mommy Vanessa.
Vino? Vino na naman? I clenched my fist at pinigilan ang inis ko. Tumingin sa akin si dad.
"Anak,"
"Dad, narinig ko na. Hindi mo na kailangan ulitin. Ayos lang naman sa akin."
"Buti naman. Dahil ang anak ko ang may karapatang mag-mana sa lahat," sabat ni mommy Vanessa.
"Ako po ba? Akala ko anak niyo na rin ako."
"Noong una 'yon. No'ng wala pa kaming anak. Ngayon na mayro'n na, ilugar mo ang sarili mo," seryosong sabi nito. "Hon, ako na ang bahala sa lahat. Mauuna na ako." Hinalikan niya si dad sa pisngi at inakay din siya palabas.
Paano kung sakaling si mommy ang kasama ko? Hindi siguro ganito.
-END OF FLASHBACK-
"Para saan ba 'yan?" singit ko sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap.
Humarap sa akin si Vanessa at malawak na ngumiti. Nakita ko namang nginitian ako ni Vino pero binalewala ko lang ito.
"I know you're familiar in Elaidia's design? The owner wants our help. So, I decided to have an agreement between you and their daughter," nakangiting paliwanag niya.
"What do you mean?"
"Ipapakasal kayo. After that, their company will emerge to us."
Napabuntong hininga nalang ako at tumayo. Gusto ko man o hindi, kailangan ko pa rin gawin. Para kahit papaano ay wala sila masumbat.
"Who is she by the way?" I asked.
"Her name is Elaidia Valleja."
KINABUKASAN, napagdesisyunan nilang isama ako sa bahay ng sinasabi nila. Malaki at mukhang mayaman. Pagpasok namin sa loob, sinalubong kami ng ibang mga maids.
"Vanessa, you're here." Tiningnan ko ang isang babaeng palapit sa amin. Medyo may edad na ito, katulad lang din siguro kay Vanessa. May kasama pa siyang lalaki. Ito ata ang asawa. Mukha itong istrikto. "Tuloy kayo." Sinamahan niya kami papunta sa sala at pinaupo.
"Nice to meet you Edalyn. This is my husband Andrew and his son Vincent," pakilala sa amin ni Vanessa.
"Nice to meet you Mr. Andrew. My name is Edalyn and this is my husband, Chris." Nakipagkamay sila kay dad bilang paggalang. "And you Mr? Ikaw ba ang ipagkakasundo sa anak namin?" nakangiti ito habang naghihintay sa sagot ko.
"'Di pa ba obvious? Sasama ba ako kung hindi?" sarkastiko kong sagot. Nagitla naman sila dahil sa sagot ko.
"A-ah excuse me, I'm sorry. Ganiyan lang talaga siya. Palabiro," singit ni Vanessa at kunwaring natawa pa habang mahinang pinapalo ang balikat ko. Tss!
Maya-maya lang ay may babaeng pumasok. Mahaba ang buhok, matangos ang ilong at may mapulang labi. Medyo matangkad siya pero kumpara sa akin, hanggang balikat ko lang siya.
"Elaidia, nariyan ka na pala," nakangiting sabi ng daddy niya. So it's her? Umupo siya sa harap namin. "This is my daughter, Elaidia Valleja. Elaidia, they are the Lincoln family. Mrs Vanessa and Mr. Andrew. Right there is their son, Vincent." Pinakilala siya sa amin.
Ngumiti ito at tumango. "Nice to meet you po," bati niya.
She's kind. Good girl huh? I imagined if she's good in bed too. Napangisi ako nang maisip 'yon. She's beautiful to be honest.
"I don't know what to say hija. Your mom was right. You're so beautiful," magiliw na sabi ni Vanessa. Tss! Pretender.
"T-Thank you Ma'am."
"So, what's the plan Edalyn?" biglang baling nito kay Misis Edalyn.
"A-Actually, si Elaidia lang ang makakapagdesisyon," sabi nito. Pero kita ang pag-aalinlangan sa kaniyang mukha.
"Edalyn, tayo ang magdedesisyon. Matigas ang ulo niyang anak mo," biglang sabat ni Mister Chris.
"Chris, paano naman ang bata? Ayokong magkaroon siya ng sama ng loob sa atin," si Misis Edalyn.
"Hindi na problema 'yon,"
"Mommy? Ano pong mayro'n?" biglang sumagot si Elaidia. She still don't know.
"Do you forget it, do you?" sarkastikong tanong ng dad niya. "That's impossible. Hinding-hindi mo makakalimutan ang sinabi namin no'ng nakaraan lang."
"Mom? Please tell me." Hindi niya pinansin ang daddy niya. Binaling niya ang paningin sa mommy niya.
"Sakanila ka namin ipagkakasundo," sabi nito ngunit 'di nakatingin sa sakaniya kun'di sa amin. "Sakaniya ka namin ipapakasal." Sabay turo sa akin. Seryoso lang akong tumingin sakaniya.
"M-Mom, I don't know him." Me too.
"Sa ngayon!" sabat na naman ng dad niya. "Kapag nagsimula na kayong magsama, ay doon na kayo magkakakilala. Sinabi ko na sayo, sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal ka," otoridad na sabi pa nito.
"Mom?" halos maiyak na tawag niya sa mommy niya.
"Baby, we're doing this for you," pagkukumbinsi nito sa anak.
Bakit ba gano'n nalang nila pilitin ang anak nila? Kung ayaw, dapat 'wag na.
"Here." biglang sabat ni Vanessa at inilapag ang pirasong papel na pinirmahan ko. "Kasunduan 'yan. Just sign it and you two are officially married," nakangiting sabi pa nito.
Gano'n kabilis? Takha akong tumingin sakaniya. Now I know, tss 'di man lang din ako naka-react.
"Excuse me Misis? I don't even know you," inis na sabi ni Elaidia sakaniya.
"Elaidia!" biglang sigaw ng daddy niya.
"What dad? Papairalin mo na naman ang pagkaselfish mo? Sasabihin mo na naman na wala ako magagawa? Tapos ano pa? Na para sa akin 'to? No dad, this is all for your needs! For the sake of your company! For the sake of yourself!"
"Chris!"
Nagitla kami nang bigla siyang sampalin ng daddy niya. Sa amin siya napaharap at kitang-kita ang inis sa kaniyang mga mata. Nakasapo ito sa sariling pisngi.
"Chris, enough please! Elaidia, come here." Nilapitan siya ng mommy niya. Akmang hahawakan sana siya nito ngunit iniwas niya ang sarili.
Nanggagalaiti itong tumingin sa dad niya. "Kung gusto mo, ikaw ang pumirma r'yan at ikaw ang magpakasal. Tutal kasalanan mo rin naman kasi sinusugal mo lang ang pera," ngising sabi nito.
"Bastos!" sigaw ng dad niya at akma na naman siyang sasampalin. Ngunit pinigilan ito ni Misis Edalyn.
"Sawang-sawa na ako sa ganitong eksena dad. I'm done for this," pigil na emosyon niyang sabi at tumakbo paakyat.
Kita namin ang pagpipigil ng inis ni Mr. Chris at ang pagkuyom ng kamay nito. Aligagang inalalayan siyang umupo ni Misis Edalyn.
"I-I'm sorry for what happened," paumanhin nito sa amin. "Nabigla lang siguro siya."
"Hindi! Matigas talaga ang ulo niyan!" sigaw ng kaniyang asawa. Sinamaan lang siya ng tingin ni Misis Edalyn.
"Again, I'm sorry."
"It's okay, we understand," nakangiting tugon ni Vanessa. "Buti pa 'tong anak namin na si Vincent, pinirmahan agad kahit 'di alam kung ano," biro pa nito.
"As if I have a choice," I whispered. Pero narinig ata nila dahil sabay silang lahat na tumingin sa akin.
"By the way, we need to go now," biglang sabi ni Vanessa at tumayo. Gano'n din kami. "It's really nice to see both of you Edalyn and Chris," sabi pa nito at nakipagkamay.
"Nice meeting you too. We really sorry about what happened," paumanhin ni Misis Edalyn.
"It's okay, It takes time. We are leaving."
Nagbeso-beso sila at nagpaalam sa isa't isa. Lumabas na kami sa kanilang bahay at kaniya-kaniyang sumakay sa kotse ni dad.
"What do you think Vincent? You like her?" tanong ni Vanessa sa kalagitnaan ng byahe.
Seryoso ko siyang tiningnan sa salamin. "No," matipid kong sagot at tumingin nalang sa labas.
"Why? She's beautiful, kind and--"
"Can you please shut up Vanessa?"
'Di na niya natapos ang sasabihin niya dahil sa sigaw ko. Kita ko naman ang pagkailang niya. Pati si dad ay umiling na lang. Inis ang akong sumandal at pinikit nalang ang mata.
"Vincent, why are you like that?"
Napadilat ako nang biglang magsalita si dad. Naka-focus lang ito sa pagdadrive.
"It's none of your business dad," sabi ko habang nakapikit.
Alam kong bumuntong-hininga ito. Kung tatanungin mo ako ng ganiyan? Ideretso mo nalang sa bago mong asawa.
Elaidia's POVNaalimpungatan ako nang may maamoy na kung ano. Amoy pagkain, sobrang bango. Bigla tuloy kumulo tiyan ko. Gutom na ako. Dahan-dahan akong umupo at humawak sa ulo. Medyo masakit pa at nahihilo pa ako ng kaunti."Gising ka na pala." Napatingin ako nang may biglang magsalita. Si Xaito nasa labas ng pinto. "D'yan ka lang. Ipaghahanda kita ng pagkain mo," dugtong niya pa.Umalis din siya agad. Hindi naman nagtagal ay bumalik na siya. Bitbit ang isang tray. Inilapag niya muna ito sa side table at inayos ang maliit na lamesa para ro'n ilagay ang pagkain. Adobong baboy at kanin. Lalo akong nakaramdam ng gutom."Mainit ka pa ba?" Hinipo niya ang noo ko at leeg para ma
Elaidia"Just wait for my call, if you're hired okay? You may now leave," sabi ng babaeng interviewer sa akin.Bagsak-balikat akong lumabas sa office. Hindi ko na aasahan yung sinasabi niyang tatawagan ako. Wala na talagang pag-asa. Wala sa sarili akong umupo sa hagdan palabas ng building. Napasapo ako sa noo ko at mariing napapunas sa mukha."AAAAH!" pwersa kong sigaw. "NAKAKABWISIT!" Pumadyak-padyak ako at kunwaring naiiyak."Tss! Crazy." Napatingin ako sa lalaking nagsalita. Nakatayo 'to sa harap ko habang inaayos ang kaniyang necktie."At sino ka naman?" Tumayo ako at hinarap siya. "You already forgot me, don't you?" nakangisi nitong sabi.Tiningnan ko siya ng maigi. Deretso lang itong nakatingin sa akin. Ano ba naman 'tong lalaking 'to, kanina pa ayos nang ayos ng necktie."I'm Vincent.""Who cares if you're Vincent? Wala akong kilalang Vincent, Vince--" naputol ko ang sasabihin ko at n
ElaidiaNagpaalam na ako kay Mommy na babalik na kina Xaito. Mahirap na baka maabutan pa ako ni Dad. Siguradong mag-aaway na naman kami no'n."Are you sure? Babalik ka pa sakanila?" malungkot na tanong ni Mommy."Yes po Mommy. Ayoko pong maabutan ni Dad dito.""Don't mind him. Ako ang bahala sayo. Please, don't leave anak," mangiyak-ngiyak na sabi ni Mom."Mom, don't worry po. Babalik po ako kapag maayos na. Ayoko rin po na mag-away kayo dahil sa akin," sabi ko at tumayo na. "Kaya ko po maghintay kung kailan mawawala ang galit ni Dad." Nginitian ko si Mom at siya naman ay alinlangang umiling."Eladia...""Mom, I will be fine po. Don't worry about me. You know Xaito, 'di po niya ako pababayaan," sabi ko at niyakap si Mom.Labag man din sa loob ko ang umalis, ginawa ko pa rin. Hindi ko na tiningnan si Mom. Baka kasi 'di ko na kayanin lalo na kapag nakikita ko siyang malungkot.Hindi muna ako dumeretso kin
ElaidiaKinabukasan, maagang umalis si tita. Kasalukuyan akong nakaupo sa sala habang hinihintay makababa si Xaito."Ihahatid na kita," bungad niya. Tumango lang ako bilang sagot at tumayo na.Habang nasa byahe, tahimik lang kami. Parang ang lalim ng iniisip niya. Tutok na tutok siya sa kalsada at bigla rin kukunot ang noo. Galit nga ata siya. Pero kahit ano atang gawin ko ay 'di niya ako pakikinggan.Hindi ko ba alam. Inuunahan ako ng kaba. Sa tingin ko wala nang saysay lahat ng paliwanag ko. Nakakaramdam din ako ng inis dahil wala namang mali sa ginawa ko e. Siya pa nga ang pinili ko. Malapit na kami sa bahay nang mapansin ko ang isang pamilyar na sasakyan sa tapat ng bahay. 'Di lang 'yon, mayro'n din isang truck at ipinapasok dito ang gamit namin. Hindi ako pwedeng magkamali. Sa amin 'yon."X-Xaito, bilisan mo," taranta kong pakiusap sa kaniya. Hindi pa nakarating ang sasakyan sa tapat ng bahay namin ay pinahinto ko na ito. Sumunod nam
Elaidia's POV"Nakakahiya naman kay Xaito," biglang sabi ni Mommy. "Pagtapos ng nangyari, nagawa niya pa rin 'to.""Aba'y dapat lang na tumulong siya. Matagal siyang nakinabang sa anak mo," biglang sabat ni Dad."Ano kamo Chris? Why are you like that? Bakit ganiyan ka makapagsalita?""Dahil kahit kailan, hinding-hindi mawawala ang galit ko r'yan sa anak mo!""Ano bang ginawa ng anak ko? 'Di mo ba maintindihan na kailangan din ng desisyon niya? Sarili mo lang ang iniisip mo!""Pamilya natin ang iniisip ko Edalyn! Para sa atin! Ngayon? Saan na tayo pupulutin?""Mom, Dad? Tama na po. 'Wag na po kayo mag-away," awat ko sakanila. "Mag-usap po tayo ng mahinahon. 'Di rin po mabuti sa inyo ang magalit ng sobra." Sinamaan lang ako ng tingin ni Dad. "Mom?" Ngumiti naman siya sa akin.Makalipas ang tatlong araw, gano'n pa rin ang sitwasyon namin. Laging wala si Dad. Inaasikaso lagi ang business niya. Kahit malabo na 'tong umangat pinipilit niya pa rin. Uuwi siya ng galit at mag-aaway sila ni Mom.
Elaidia"D'yan nalang po ilagay." Utos ko kay manong na may dalang mga plastic bags. "Maraming salamat po."Galing kasi akong grocery. Bumili ng mga stocks para rito sa bahay. Walang time si mom pagdating sa gan'to dahil puro lang siya bantay sa kilos ni dad. And si dad? As usual nasa office na naman niya."Elai, next time mag-shopping naman tayo," sabi ni Tyche. "Like, clothes, shoes and bags," masayang dugtong niya."Tyche, alam mo namang tapos na ako sa mga ganiyan 'di ba? Inuuna ko 'yung mga importante.""Bakit? 'Di ba importante 'yung damit?""Saka nalang 'yung mga ganiyan. Kapag may maganda na akong trabaho."After ko ilagay lahat ng groceries sa pantry at refrigerator, ay lumapit ako kay mom na kasalukuyang pababa ng hagdan."Hi, Mom," sabi ko matapos siyang halikan sa pisngi."Hi tita," bati rin ni Tyche."Hi hija. Buti nalang dinalaw mo 'to si Elaidia," sabi ni Mom. "Kahit papaano may nakakausap pang iba 'yan.""Ofcourse tita, alam ko naman po 'yon. Actually no'ng nakaraan ko
Elaidia"Tita Van?""Hmm?" Nakangiti siya habang inaayos ang mga papers. "Sana po 'di po muna malaman ni Mom 'to. Ako na lang po ang magsasabi sakan'ya," pakiusap ko."Don't worry, I will give you time to tell them.""Thank you po," pasalamat ko at kinuha na sa kan'ya ang contract. Ilang segundo ko muna 'tong tiningnan bago pumirma. Napalakpak naman sa tuwa si Mrs. Vanessa."I'm sure mabilis lang kayo magkakasundo ni Vincent," sinsero niyang sabi. "Kahit nakikita mong 'di kami magkaayos, sobrang bait no'n.""'Di ko po sure tita," alinlangan kong sagot at tumawa naman siya."Because of some reason kaya nagkalayo kami sa isa't-isa. But when his mom died, ako na ang naging pangalawa niyang mommy. Nakakamiss nga 'yung araw na 'yon." Nakita ko kung paano mamasa ang dalawa niyang mata. "I'm sorry, I am so dramatic. Gosh!" tawa niyang sabi."It's okay lang po tita. Hindi ko pa man siya gano'n kakilala, pero sabi niyo nga po mabait siya.""Nagkausap na ba kayong dalawa?""Yes po. Ilang beses
Elaidia"Our daughter, Elaidia. She already signed the contract to marry Vincent Lincoln." Mariin akong napapikit nang sabihin iyon ni dad."Really?" nakangiting tanong ni mommy pero kita pa rin ang pagkabigla niya. "Sure ka na ba sa desisyon mo Elai?" tanong pa ulit niya."Yes mom," sagot ko."Chris? Pinilit mo na naman ba siya?" "Ofcourse not. I didn't expect this. Nagulat din ako nang malaman ko na pumayag na siya. To be honest, 'di ko na siya inaasahan.""Mom, I'm okay with this. Ako po mismo ang nag-decide.""Fine. Pero kung gusto mo mag-backout ay ayos lang. Ako ang kakausap kay Vanessa," sabi pa niya. 'Di talaga siya payag sa ginawa ko."Mom, I can handle this. Okay? Don't worry about me," sabi ko at nginitian siya. Pero 'di man lang nagbago ang ekspresyon niya. Kita ko pa rin sa mga mata niya ang pagka-dismaya at lungkot."Edalyn, just accept it! 'Di ka ba masaya? Makakapagsimula na ulit tayo.""Yeah, here we go again. You chose business over to our daughter.""Mom? No, ako p